Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gloc-9 ft. Monty Macalino - Iba't Ibang Bangka Lyrics

Iisang BAGYO
Pero ibat ibang BANGKA
Sadya bang GANITO
Walang MAGAGAWA
Pahupain ang HANGIN
Patilain ang ULAN
Sa iisang BAGYO
Pero ibat ibang BANGKA

NG iisang BAGYO
Pero ibat ibang BANGKA

I
Hampasin man ng mataas na alon ay di matinag
Kumapal man ang ulan laging may malakas na sinag

Hinahawi ang daan
Ang lambat ay puno ng bihag
Mga huli na markado ng sugat na humihilab

De makina hindi sagwan
Andar ay mabilis
Mga pagkaing tinatapon kahit na hindi panis

May bubong may silid
Kaya walang umaalis
Taga luto taga ligpit at meron ding taga walis

Madalang ang mumurahin mamahalin ang labanan
Ilan lang ang may pambili bakit nagkakaubusan

Lahat sunod lang ng sunod kasi maraming utusan
Ako na po ang mag dadala bilin yan ni kapitan

Habang ang ilan ay saganat marami ang wala
Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa

May kumot kapag maginaw
Ang iba namay basa
Dito sa iisang bagyo
Pero ibat ibang bangka

II
Limasin ang tubig na pumapasok sa butas
Di mo puwedeng inumin maaari lamang pang hugas ng

Lumot at kalawang malamang tuyo na bukas
Ganyan sana kasiguradong hinahanap na lunas

Bakit di pantay ang  katig
Sa kalumaan na rin
Mga sumasakay na kumapit na rin sa patalim

Kapag malayo ka sa laot maalon at madilim
Ang yong mga sigaw ay parang ibinulong na daing

Na sinasalo ng hangin na tila naliligaw
Ang layag na puno ng pag asat hindi bumibitaw

Sa isinaing mong pangarap na tila nahihilaw
Parang taga ka ng taga kahit itak mo ay bingaw

Habang ang ilan ay saganat marami ang wala
Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa

May kumot kapag maginaw
Ang iba namay basa
Dito sa iisang bagyo
Pero ibat ibang bangka



Arvy T ft. Gloc 9 - Sabi Nila Lyrics

1st Verse:

Mga payo mo ang nag silbing salamin
para maaninag ko ang dapat tanawin
umulan man ng pag subok kahit bahain
handang lumusong kahit san dalhin

pag nabibingi sa panlalait tunog mo ang agimat
pinaliwanag mo sakin na kaya kong masipat
ang ilaw, ng tagumpay ikaw ang kaakibat
pag binabraso nila ikaw ang bumabalikat

pinaramdam mo sakin na nandyan ka lang
kahit may humahadlang sige lang sa pag hakbang

kahit tag ulan at ang daanan ay maputik,
walang kapaguran pag may pangarap kang masungkit
sumimangot man ang araw kailangan kong ma sulit
dapat ko lang ngitian ang panahong masungit

CHORUS:

Napaka labo na ng buhay ko
nakakalito bakit ang gulo
parang ang layo
ng dapat tahakin ko pano ba ito tulungan nyo ako

2 Verse:

Mga payo mo ang nag silbing salamin
para maaninag ko ang dapat tanawin
umulan man ng pag subok kahit bahain
handang lumusong kahit san dalhin

Maging matatag, sige lang mag lakad hanggang sa pupuntahan
sabi ng mag tataho wag kang
mabigatan sa iyong pasan

sige lang isigaw mo wag ka mahiya
kung meron namang laman
kahit kinakabahan, kahit walang makinig
lalo mong lakasan

bukod sa bumilib ako po ay nakinig
ng maigi sa payo ng mga dating nag dilig
sa lupa ng industriya na aking minamahal
nung ito'y nakilala ako'y nakaramdam ng kilig

dati hindi ko alam kung san ba ko pupunta
sinabayan pa ng problemang dahilan ng pag tumba
laking tulong sakin ng musika kahit san dalhin
nung wala pa sya sa buhay ko ito ang aking daing

CHORUS:

Napaka labo na ng buhay ko
nakakalito bakit ang gulo
parang ang layo
ng dapat tahakin ko pano ba ito tulungan nyo ako

Refrain:

Pinaramdam mo sakin na nandyan ka lang
kahit may humahadlang sige lang sa pag hakbang

kahit tag ulan at ang daanan ay maputik,
walang kapaguran pag may pangarap kang masungkit
sumimangot man ang araw kailangan kong masulit
dapat ko lang ngitian ang panahong masungit

Bridge:

Lagi kong dinadala
ang sinasabi nila
tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko pa ba
mabigat parang bato ang nasa balikat ko
bibigay na nga tutuhod bibitawan ko na to

CHORUS:

Napaka labo na ng buhay ko
nakakalito bakit ang gulo
parang ang layo
ng dapat tahakin ko
pano ba ito tulungan nyo ako

Arvy T ft. Gloc 9 - Sabi Nila (Official Lyric Video)


Sabi nila - Arvy T feat. Gloc 9

Produced by Hoodlum beats
Mix and Mastered by sparo
Recorded at Hoodlum Records Studio
Visual Art by Urama
Art By Frank Celada

Sandiwa ft. Gloc-9 - Tulong (Official Lyric Video)


Sandiwa - Tulong feat. Gloc-9 (Official Lyric Video)

© 2020 Ivory Music & Video, Inc.

Sandiwa ft. Gloc-9 - Tulong Lyrics

Tulong tulong sambit ng ‘yong mata
Abot langit na tawa, nililihim na luksa
Sigaw ay saklolo, nalulunod na pala
Sa maalat na luha na tumatawa ang iba

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Tulong tulong sambit ng ‘yong mata
Abot langit na tawa, nililihim na luksa
Sigaw ay saklolo, nalulunod na pala
Sa maalat na luha na tumatawa ang iba

Manong tindero anong binebenta mo
Masarap na inumin natikman mo na ba to?
Lahat ng hapdi at sakit ay mapapawi nito
Ganun ba itong pera ko pabili akong tatlo
O baka gusto mo ng kwintas uso ito ngayon
Makapal, matibay, mahaba magandang kundisyon
Bagay sa kahit anumang suot ano ang desisyon
Sabihan mo lang ako mahaba pa ang prusisyon
At kung nais mong mamasyal dun sa maaliwalas
Malakas ang hangin, presko na hindi pa nadanas
Mataas, kita mo lahat parang nakatakas
Di mo na kailangang isipin pa kung swerte o malas

Pag nakilala mo na ang iyong kutob
Sige lang wag mong isipin ng mabuti kasi di to pilitan
Kung marami kang problema sikapin mong maglibang
Kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang

Tulong tulong sambit ng ‘yong mata
Abot langit na tawa, nililihim na luksa
Sigaw ay saklolo, nalulunod na pala
Sa maalat na luha na tumatawa ang iba

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Umaapoy ang lalamunan ko hindi makahinga
Suka ng suka ng suka walang pahinga
Pilit kong inaabot ang mga kamay nila
Laway ko na dating puti bakit ngayon naging pula
Sinuot ang kwintas na makapal at makati
Tumangkad halos abot ko na ngayon ang kisame
Mga latay at pasa sa leeg kagabi
Kung ano mang nakita mo ay wag mong ipagsasabi
Ayos pala dito sa taas medyo maginaw
Malamig ang simoy at madami kang matatanaw
Wag kang masyadong malikot konti-konti ang galaw
Sinong gusto lumipad s’ya ba ako o ikaw

Pag nakilala mo na ang iyong kutob
Sige lang wag mong isipin ng mabuti kasi di to pilitan
Kung marami kang problema sikapin mong maglibang
Kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang

Tulong tulong
Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Tulong tulong
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Sandiwa ft. Gloc-9 - Tulong (Official Audio)


Sandiwa - Tulong ft. Gloc-9 (Official Audio)

© 2020 Ivory Music & Video, Inc.

Julie Anne San Jose ft. Gloc-9 - Bahaghari Lyrics

Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at iyong tanawin
Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo

Bawat oras na lumilipas
Laging hanap ka
Parang tumakas sa mga rehas
Upang mayakap ang
Mga alaala natin aking bubuhayin
Upang makapiling ko
Pangako ay malalim
Di sukat akalaing
Tayo’y magkakaganito

Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at iyong tanawin
Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo

Kahit marami ang pagkakasala
Yakap yakap mula sa gabi hanggang sa umaga
Kalayaan natin na tinatamasa
Kumpara sa mga nasabi na siyang nagpapaasa
Bigla na lang may masamang hangin na nagmula sa
Malayong lupa hindi humupa parang gawa sa
Maliit na bubog at pinong-pino tila hinasa
Kutsilyong tumutusok bakit ang bilis ipasa
Kung kanino at kahit na sino
Sa gitna ng kadiliman hanapin mo ang anino
Teka sinong may dala sige nga dalhin mo dito
Kapag meron kang nakita heto hipan mo ang pito
Pero di kaya natin nakakalimutan na
Wala sa’tin ang kalaban akayin ang isa’t-isa
Pataas hindi pababa huwag mabalisa
May kasama ka hanggang dulo mula sa umpisa

Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at iyong tanawin
Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo

Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at iyong tanawin
Pag-asa ay sing dami ng mga bituin

Julie Anne San Jose ft. Gloc-9 - Bahaghari (Official Lyric Video)


Julie Anne San Jose feat. Gloc-9 - Bahaghari (Official Lyric Video)

Universal Records PH

Bugoy Drilon x Gloc-9 - Ahon Lyrics

I
Tanda ko pa nung bata pa
Tatay ko mayrong dalang
Pasalubong galing leveriza
Isang maliit na bisikleta

Na Kalong kalong kalong nya
Anak bangon bangon bangon na..

II
Nung binata na at pumoporma
Sa dalaga na kursonada
Dahil walang kotseng ipoporma
Dumadayong naka bisikleta

Umahon ahon ahon pa..
Ako’y tapon tapon tapon din pala..

Chorus
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka

Rap
Kapag ikaw ay natumba
Pagpagin bangon ulit
Di ka dapat mahiyang
Matalsikan putik putik

Kahit na gumulong ka
Tiisin mo ang sakit
Pag sikad sa kaliwa
Sa kanan naman ulit

Nakakalula ang ahon
Di ko yata kakayanin
Tuyo na ang lalamunan
salubong ka pa sa hangin

Luto sa araw mag hapon
Parang binilad na daing
Papunta at pabalik
sa trabaho na mahiyain

Ang sweldo di mag marka
Parang pidal sa alulod
Puwede kang mag pahinga
Kesa naman masubsob

Pawis sa mga mata
Batok pati sa likod
Di ka na makahinga
Pagod ka pa sa pagod

Parang bisikleta ang buhay
Kahit minsan lang aralin
Di puwedeng pasuray-suray
di pwede ang alanganin

Ibat iba man ang kulay
Mura o mamahalin
Makakarating ka rin
mabagal man o matulin

Bugoy Drilon x Gloc-9 - Ahon (Official Lyric Video)


AHON gloc-9 feat. Bugoy Drilon
Composed by Aristotle Pollisco

Recorded/ mixed and mastered at Studio Z Audio Productions
Martin Andrew Guevara and Paulo Zarate

Pio Balbuena, Gloc-9 - Tamang Panahon Lyrics

Matagal kong inantay ang pagkakataon na to
Ang makasama ang makata sa isang kanta ko
Kailangan taliman na parang sumusulat sa bato
Eto ang isa sa lahat ng pangarap na dala ko
Pinagdaanang hirap halata nyo sa mata ko
Pinagpaguran lahat kahit na walang matamo
Ang industriya ay gubat pag namulat ka na bro
Ako ay naging mananabas sa masukal na damo
Nung narinig ko yung kanta mo grabe ang galing
Sabay sabi sa sarili yan ang gusto kong gawin
Balang araw sa entablado makakakanta rin
Hindi pala ganon kadali kapag meron kang hiling
Hindi nakapagkolehiyo walang pang matrikula
Pero inaral ang diploma mo’t mga tinula
Hindi ko kakalimutan kung saan ako nagsimula
Saan man makarating lahat ng to laging panimula

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Sa kada alis ko ay laging alisto
Sa byahe ng pangarap nakikinig kay Pollisco
Habang naglalakad ang baon ko sampung piso
Pero hindi huminto at ang lahat tiniis ko
Sarado ang pinto sa bintana dadaan
Oh kahit saan pa yan gagawan ng paraan
Maraming pwedeng mangyari basta mag-abang ka lang
Pero wag puro abang pare kilusan mo naman
Isipin mo ay darating ang tamang panahon
Kahit mahulog ay kayanin mong gumapang paahon
Kung akala ng iba ang buhay mo ay patapon
Gelatin mo silang lahat pag lumabas ka sa kahon
Ngayon naniniwala na kong lahat ay possible
Pero alam ko rin na hindi to ganon kasimple
Kung gusto mo talaga pagsikapan mo maige
Pag ang panahon tumama hawakan mo ng mabuti

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Di ako karapat dapat pero maraming salamat
Palaging nakahanda na walisin ang mga kalat
Ipunin ang piraso dikitan ang mga lamat
Nakalista na atraso kulay itim parang balat sa puwet
Dikit inggit nagmamaliit
Mawalang galang na teka lang sino ka nga ulet
Nangungulit don sa likod nangangalabit
Sumunod sa paying laging magpapakabait
Alisto derecho lagi di palihisto
Pangalawang pangalan aking pinarehistro
Sabi ng bago sa lumang trabaho panis to
Bagsakan ng apilyido ko na Pollisco
Minsa’y naatasan ako’y na abutan ng martilyo at pako
Tinibayan ang mga daan na kapag tinapaka’y kanilang matatandaan
Sa huli lahat tayo’y palaging mapapalitan

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Pio Balbuena, Gloc-9 - Tamang Panahon (Official Lyric Video)


Music Producer: Pio Balbuena
Mixed and mastered by Jim Poblete (@producedbyjimp)
Lyric Video: Wonderlast Films

Gloc-9 - ABAKADA Lyrics

Prehook:
Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinag hirapan ko
Hayaan mo nalang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang

Hook:
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada

Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

Marami na ang syang nahasa
Mahuhusay na mga bata
Sumusulat ng talata
Bihira na yata ang medyo namumutla

Nakahanda na patunayan
Mga nakikipag sabayan
Ang mapikon ay kawawa
Pagkat mayroong nais lang ay ang mangutya

Prehook:
Di ko kailangan kunin kung anong sayo
Alam ko kung anong pinag hirapan ko
Hayaan mo nalang iba ang pumuna
Kung meron ka bang dala dalang

Hook:
Abakada nagbabagang bala
Mga letra na parang granada

Sumasabog pag tumutugtog
Sa larangang pakapalan ng apog

Rap:
Nag simula ako non ganito palang bumanat
Ng mga sinulat kong pilit na kinakalat

Tuloy tuloy parin kahit palaging inaalat
Mag pakilala pangalan ko ay mailamat

Naking ng nakinig sa mga awitin ng buto buto kahit pa inuubo
Sinikap ko talagang makabisado ito

Huwag mo na muna kong tanungin
Kung magkano noon ang kinita ko
Di naman don ako nakatingin kahit nakakasikaw ang nasa paligid nyo
Nakalimutan nyong

Pinuno kong maleta
Kahit pa nakakadena
Taga hugas taga linis
Taga punas ng banyot kobeta

Walisan mong bangketa
Teka meron bang problema
Talagang ganon sa haba ng panahon ay Pinatalas kong lanseta

Puwede ba naman na di mo balikan ang bagay na pinili mo kahit nakapikit
Pa?
Napag iwanan kasi walang laman ang pitaka na pinakamaliit ang kita

Nag abang ako sa pila
Labanan na patapos di pa
Kapag ginawa mo na ang lahat

Ibinigay mo ng tapat Ay napapalingon ang mga nakakalingat

Gloc-9 - ABAKADA (Audio)


Composed by
Aristotle Pollisco
Produced by
Mark Beats
Mark Ian Brogarolas
Interlude by
Tiara Shaye Prefecto Cinco

Gloc-9 - Bigo Lyrics

I
Bibig naka busal may piring mga mata
Nakagapos ang kamay
Nakakadena ang paa

Tuwing nakikiusap ay napakaamo ng mukha
Pag kailangan mo ng tulong ay biglang nawawala

Pwede ba
O pwede ba
Nasan na sila

II
Higaan ay napaka lambot
Walang dumadapo ni isa mang langaw o lamok

Sobrang daming perang bibilangin di nababagot sana lahat nang yan balang araw ay aking maabot

Pwede ba
O pwede ba

Kaso lang akoy alila ng may ari
Araw ang amoy kapos lamang palagi

Alam mo bang akoy kabilang sa marami
Na lumalangoy sa hirap ang tawag sa amin Maralita sa pinas

III
Sana po ay mapakinggan nyo
Nang malaman nyo ang syang tunay na kalagayan ko

Naniwala sa lahat ng mga pinangako nyo
Di na alam kung ano ang totoo akoy nalilito

Puwede ba
O puwede ba

Kaso lang akoy tinatapakan ng higante
Ayaw mag apoy kaya upos lamang palagi

Bawat hakbang akoy nag babaka sakali
At lumalangoy sa hirap ang tawag sa amin
Maralita sa pinas

Gloc-9 - Bigo (Official Audio)


Composed by Aristotle Pollisco
Musical Arrangement
Mixed and Mastered by Paulo Zarate
Studio Z Audio Productions and Recording Studios

Gloc-9 feat. Geo Ong - Otochun (Lyric Video)


Composed by Aristotle Pollisco

Rap lyrics by Geo Ong

Lyric video edit and design by Mark Jinno Damaso
Produced by Pino G
Guitars by Mong Alcaraz
Mixed and mastered by Don Sy

Gloc-9 x Raymond Marasigan - Gera Gera Lyrics

Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera
Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

Pawis na pawis ang aking mga kamay
Kinakabahan ako’y halos mahimatay
Agos ng mga pangyayari lahat ay natangay
Bago umalis ako ay nagpaalam kay inay
Mag ingat ka anak delikado sa labas
Baka mabutas ang supot ng isang kilong bigas
Mabasag ang bote ng mantika na pampadulas
Ng pinto ni satanas tumingala ka sa taas
Wag kang titingin sa baba lalo na kung malulain
Pailalim hihilahin pag huminga ng malalim
Na parang sinasakal pinuluputan ng baging
Ang leeg manginig kahit di malamig ang hangin
Mainit na dugo na namuo na ng tuyo
Madami na mga nahuli iilan lang ba nabigo
Buhay ang nakataya tagutaguang laro
Lahat tayo ay kasali di ka pwedeng magbiro dito sa

Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

(Gera) Ang pumapatay hindi mga armas
(Gera) O karamdaman na wala pa daw lunas
(Gera) Sa panahong burado ang mga antas
(Gera) Mga kumukumpas lang ang kumakaltas
(Gera) Sa kaban ng bayan may tapayan na butas
(Gera) Tuloy tuloy ang pag agos ng katas
(Gera) Mula sa puno na iilan lamang ang syang pwedeng makapitas
(Gera) Kailan pa kaya tayo maililigtas dito sa gera

Sino nga ba ang kalaban
Sino nga bang panggulo
Yun bang dala dala ng hangin
O yung haring may dala dala sa ulo
Sumabay sa koro ng…

Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera
Gera gera
Mag ipon na ng mga bala
Magdidilim na ang planeta
Ihanda na ang mga gasera

Gera gera
Sino ba ang syang tunay na kalaban?
Gusto ko lang talaga na malaman upang ang lahat ay maliwanagan
Gera gera
Sino ba ang syang tunay na kalaban
Gusto mo ba talaga na malaman
Hanging madumi yung mahanging gahaman

Gloc-9 x Raymond Marasigan - Gera Gera (Official Music Video)


Written by Raimund Marasigan and Aristotle Pollisco
Produced by Raimund Marasigan

Gloc-9 - Lason Lyrics

Pag natapos ang lahat ng bagay na ito
Gusto kong umikot gamit bisikleta ko
Sumakay sa trisikel bus jeep kahit ano
Kapag wala nang lason satin ay pupunta ako
Sa kahit na saan ko pa gusto

Ilang linggo narin akong nakakulong dito sa bahay namin
Literal ang ginagawa ko lang ay sulat tulog tv kain
Ng pancit canton itlog na pinirito kahit pa nilaga
Matigas na bikwit o mamon sawsaw mo sa kape na parang bata.
Pero pag inisip natin kung ano ang syang dala ng mga nangyayare
Dapat isaalang alang natin ang kapakanan ng mga nakararame
Sino bang tama o mali mahalaga bang may talo o wagi.
Kalooban ng lahat ng mga tao mahirap itong itago lalo na pag nag mamadali kami na makauwi.

Pagnatapos ang lahat ng bagay na ito
Gusto kong umikot gamit bisikleta ko
Sumakay sa trisikel bus jeep kahit ano
Kapag wala nang lason satin ay pupunta ako
Sa kahit na saan ko pa gusto

Talagang sadyang maiinip
Para bang ang dingding sumisikip
Nasa harapan bagamat pumipikit
Kahit ilang ulit mong dinidelete
Mga sikmura na umiingit
Ulam kahapon na hindi init
Dito samin ay usong mang umit
Ng mga pangarap na punit punit
Tila ulila sa kagipitan walang matakbuhan
Mga pabida mahalaga'y kanilang kapakanan
Lahat bali na mabigat na pangakong ika'y dinaganan
Pero bakit kapag ikaw ay naawitan ay palagi mong pinag bibigyan

Pagnatapos ang lahat ng bagay na ito
Gusto kong umikot gamit bisikleta ko
Sumakay sa trisikel bus jeep kahit ano
Kapag wala nang lason satin ay pupunta ako
Sa kahit na saan ko pa gusto

Walang mahirap o mayaman
Lahat tayo pantay pantay
Kelan ba makakayanan
Tayo ay makasabay.
Walang mahirap o mayaman
Lahat tayo pantay pantay
Kelan ba makakayanan
Bago tayo mamatay