Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sandiwa ft. Gloc-9 - Tulong (Official Lyric Video)

Sandiwa - Tulong feat. Gloc-9 (Official Lyric Video)

© 2020 Ivory Music & Video, Inc.

Sandiwa ft. Gloc-9 - Tulong Lyrics

Tulong tulong sambit ng ‘yong mata
Abot langit na tawa, nililihim na luksa
Sigaw ay saklolo, nalulunod na pala
Sa maalat na luha na tumatawa ang iba

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Manong tindero anong binebenta mo
Masarap na inumin natikman mo na ba to?
Lahat ng hapdi at sakit ay mapapawi nito
Ganun ba itong pera ko pabili akong tatlo
O baka gusto mo ng kwintas uso ito ngayon
Makapal, matibay, mahaba magandang kundisyon
Bagay sa kahit anumang suot ano ang desisyon
Sabihan mo lang ako mahaba pa ang prusisyon
At kung nais mong mamasyal dun sa maaliwalas
Malakas ang hangin, presko na hindi pa nadanas
Mataas, kita mo lahat parang nakatakas
Di mo na kailangang isipin pa kung swerte o malas

Pag nakilala mo na ang iyong kutob
Sige lang wag mong isipin ng mabuti kasi di to pilitan
Kung marami kang problema sikapin mong maglibang
Kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang

Tulong tulong sambit ng ‘yong mata
Abot langit na tawa, nililihim na luksa
Sigaw ay saklolo, nalulunod na pala
Sa maalat na luha na tumatawa ang iba

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Umaapoy ang lalamunan ko hindi makahinga
Suka ng suka ng suka walang pahinga
Pilit kong inaabot ang mga kamay nila
Laway ko na dating puti bakit ngayon naging pula
Sinuot ang kwintas na makapal at makati
Tumangkad halos abot ko na ngayon ang kisame
Mga latay at pasa sa leeg kagabi
Kung ano mang nakita mo ay wag mong ipagsasabi
Ayos pala dito sa taas medyo maginaw
Malamig ang simoy at madami kang matatanaw
Wag kang masyadong malikot konti-konti ang galaw
Sinong gusto lumipad s’ya ba ako o ikaw

Pag nakilala mo na ang iyong kutob
Sige lang wag mong isipin ng mabuti kasi di to pilitan
Kung marami kang problema sikapin mong maglibang
Kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang

Tulong tulong
Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Tulong tulong
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito

Di ko to ginusto tulungan nyo po ako
Ano ba ang dapat kong gawin ako’y nalilito
Bakit ka ba natatakot teka wala namang multo
Pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

Sandiwa ft. Gloc-9 - Tulong (Official Audio)

Sandiwa - Tulong ft. Gloc-9 (Official Audio)

© 2020 Ivory Music & Video, Inc.