Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , » Smugglaz - Huling Tagay Ng Taon Lyrics

Smugglaz - Huling Tagay Ng Taon Lyrics

Eto na naman parang kahapon lamang
Di ko namamalayan
Tila kay bilis ng ikot ng orasan mga pagkakataong nalampasan oh yeah
Alam naman sa sariling di na babalik pa
Parang panahong nasayang sa maling pagsinta
Tinodo mo na ang taya pero butaw ang napala
Tulad ng mga aliss mong nauwi lang sa wala kaya
Ang mga pasakit mong pinaghuhugutan
Di dapat kalimutan kung may dapat matutunan
Kinatalo o nalugi nabigo o nauto man
Marami pang pagkakataon di ka mauubusan dahil

Kahit pala umiwas sa labing dalawa na lumipas
Sadyang napakakulet at tadhana’y malupet
Kung malas ka ngayon edi next year na lang ulet

Isang tagay na muna para sa mga
Kalungkutang nagpaluha sating mga mata
Na dahilan ng mga gabing napapahikbi
Ngunit pagsikat ng araw eto’t nakangiti
Isang tagay na muna para sa lahat
Pinagpala tayo kahit na palo o salat
Pasasalamat kahit pano ay buhay ka ngayon
Isang tagay muna bago matapos ang taon


Sarap mangibang planeta nakakapagod maging tao
Tang**a ga** grabe kamo walang katapusang reklamo
Pero di pa huli lahat laging may panibago
Na pag-asang kalakip bawat huling pilas ng kalendaryo
Sadyang buhay ng tao’y makulay
Di lang para sumaya kundi minsan ay matuto
Sakaling dumilim ang paligid ay
Sundan mo lang ang liwanag na kumikislap sa dulo

Para bang si Smugglaz na sa daming nangyari sa taon
Nawala man sa probinsyano ay may batang quiapo na ngayon
Nawala man si lola non nung makabattle si Sharon
Umuwi ako saking mag-iina may ngiting dinaig pa yung kampeon pagkat

Kahit pala umiwas sa labing dalawa na lumipas
Sadyang napakakulet at tadhana’y malupet
Kung swerte ka ngayon edi next year na lang ulet

Isang tagay na muna para sa mga
Kalungkutang nagpaluha sating mga mata
Na dahilan ng mga gabing napapahikbi
Ngunit pagsikat ng araw eto’t nakangiti
Isang tagay na muna para sa lahat
Pinagpala tayo kahit na palo o salat
Pasasalamat kahit pano ay buhay ka ngayon
Isang tagay muna bago matapos ang taon

Isang tagay bago matapos ang taon
Isang tagay bago matapos ang taon
Isang tagay bago matapos ang taon
Isang tagay muna bago matapos ang taon
Isang tagay bago matapos ang taon
Isang tagay bago matapos ang taon
Isang tagay bago matapos ang taon
Isang tagay muna bago pumasok ang taon

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment