Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Smugglaz - Tulad Nung Una Lyrics

Hangga’t nandito ka at ako’y nandito sa
‘Yong tabi’y mananatili ang pag-ibig na pinunla
Tulad din ng simula nung tayo’y nag-umpisa
Ikaw at ako lang ang bida parang pelikula

Mga eksena natin samu’t sari
May maganda at pangit na pangyayari
Ngunit dapat mo pa na higpitan
Ang kapit ng iyong mga kamay sakin
Magkasabay lampasan ang bagyo’t salubungin ang malakas na hangin

Basta’t tandaan mo na mahal kita
At panghawakan mo na wala ng iba
Lumipas man ang panahon asahan mo na ganun pa rin naman sayo
Ang tunay kong nararamdaman

Dahil tulad pa rin nung una
Damdamin ko’y hindi nagbabago
Ang tunay na himig ng aking pag-ibig
Sayo ay di pa rin nag-iiba
Dahil tulad pa rin nung una
Kahit marami man ang magbago
Mga magaganda nating alaala
Pa rin saking puso ang natitira

Hanggat nandito pa saking puso ang lara
Wan mo at mga anak natin ay hindi mabubura
Kung ano sa simula at tayo nung umpisa
Masaya man o malungkot ang ending ng pelikula

Mga eksena na pabago-bago
Wala naman kasing perpekto na tao
Ngunit dapat mo pa rin na isipin na
Magiging maayos din ang lahat
Pagkatapos ng mga unos na dumaan sa ating dalawa

Basta’t tandaan mo na mahal kita
At panghawakan mo na wala ng iba
Lumipas man ang panahon asahan mo na ganun pa rin naman sayo
Ang tunay kong nararamdaman

Dahil tulad pa rin nung una
Damdamin ko’y hindi nagbabago
Ang tunay na himig ng aking pag-ibig
Sayo ay di pa rin nag-iiba
Dahil tulad pa rin nung una
Kahit marami man ang magbago
Mga magaganda nating alaala
Pa rin saking puso ang natitira

Sige lagyan pa natin ng “rap”
Para walang masabi at kumpleto sa rekado
Pag-ibig ang pangunahing sangkap
Bilang pasasalamat ko sayo at syang regalo
Sa pagiging inahin ng aking mga inakay
Walang tandang pananong na
Ako’y kasama nyo sa hirap man o sa ginhawa
Ikaw at sila kahit san mapunta
Pasensya sa iba, ke-gano katigas
Sa pagiging labsongero sakin di na maalis
Akalain mo ba na kaya magpa-amo
Ng puso ang aking mga linya na mababangis
Mga hirit ba na ganito ay bigla nyo na-miss
Di mabulaklak kundi kundi tila mamais
Kasi minsan kung ano daw ang pinaka-corny
Madalas yun pa ang pinakamatamis
Labyu dayyy!

Dahil tulad pa rin nung una
Damdamin ko’y hindi nagbabago
Ang tunay na himig ng aking pag-ibig
Sayo ay di pa rin nag-iiba
Dahil tulad pa rin nung una
Kahit marami man ang magbago
Mga magaganda nating alaala
Pa rin saking puso ang natitira

Saking puso ang natitira

Smugglaz - Tulad Nung Una (Official Lyric Video)


Written&Perform by Smugglaz
MusicProduced&Mastered by BJ Prowel
LyricVideo By Mark Jinno Visuals

Smugglaz - Samin Lyrics

Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan
Ng gera at digmaan na to'y magkabilaan
Ko na palaging tangan sa kaliwa't sa kanan
Mga pinanghawakan ko na di mabitawan
Nagpatuloy sa pagsulat paglikha't pagawa nya
Ng melodiya't ritmo ng rima't mga bara
Sumikat makilala tinig maisa-plaka
Kahit na para bang hindi ganun katingkad ang pag asa
Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
Lumaking wasak ang pamilya di pa nakapagtapos
Kulang sa kaalaman sa salapi din ay kapos
Anumang meron at wala'y akin ng pinagpasa-Diyos
Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram
Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
Dumiretso lumiko, mapraning o tumino, magtagumpay o mabigo langit lang ang may alam

Kahit marami mang putik saking talampakan
Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
Malubak o madulas ma'y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay
At maiuwi ko samin ang tagumpay
Samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay

Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip
Naging sang batang palaboy na kung san-san tumitira
Sa ilalim ng tulay sa delpan, pedicab o jeep
Sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang humihinga
Sa mura ko na gulang natuto magka-gulang
Nagkapangil, nagkasungay buntot na lang ang kulang
Sa mundo na madupang walang kapatawaran
Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang
Nang biglang suminde bumbilya nyang punde
May boses na bumulong ang sabi di pa yan huli
Ika'y di lang kabute
Kundi lotus na halamang kayang mamukadkad kahit sa tubig na marume
Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa
Inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa
Tila nagsikap pa din na wag mahambing sa kanila
Kahit samin ay mahirap ang maging kakaiba

Dahil kahit marami mang putik saking talampakan
Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
Malubak o madulas ma'y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay
At maiuwi ko samin ang tagumpay
Samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay

(Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Pusong do-do-do or die)

Ako'y parang estudyanteng hara-haragan
Nangarap mag-sumakumlaude sa kalakaran
Ng mga turo at diskarte para-paraan
Karanasan ang guro't kalye ang paaralan
Sinumpa't pinangako kahit na malabo
Yung nandun sa malayo'y mararating ko din
Liwanag ma'y maglaho at araw ay magtago
Mas kikinang pa lalo na parang bituin
Kahit gano man kadilim ang buhay
Na para kang unti-unting nalilibing sa hukay
Magniningning sa kulay
Pagkatapos makabangon ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay
Taya'y pati pato kahit anuman
Ang pwede't posibleng maging hantungan
Naisangag ko na ang kaning bahaw bago pa mapanis saking baunan
Mga nag-abono nung ako ay taglugi
Kasama ko pag nagbunyi pasasalamat ang sukli
Nung ako'y di pa tuli wala pang ngipin at bungi
Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
Nag-lakbay bunga ng pag-ibig, galit o muhi
Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
O kahit san makarating pag nagtagpo tayong muli
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)

Ahaah...
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)
Ahaah...
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)

Smugglaz - Samin (Official Lyric Video)


Written & Perform by Smugglaz
Music Produce by BJ Prowel
LyricVideo by Mark Jinno Visuals

Smugglaz - HakunaMatata (Official Music Video)


Performed by : Smugglaz
Directed by : Ace Regasa & Billy Cruz
Producer : Bj Prowel
Drone Operator , DOP & Editor : Ace Regasa
Pandemic Relief Clips : Mar Peralta & Pomilbugs, Promar
Thypoon Uylesess Drone Operator : jeck outdoor adventures
Taal Relief Clips : Marvin Agulan
Pandemic Relief Clips : Director Red Espeña
Pandemic Clips : Nymar Gigante

Mista Blaze ft. Sly Kane & Smugglaz - Joyride Lyrics

Chorus:
halika na at sumakay ka
sama sama lahat mag joyride
pwede mo na rin bitbitin mga kasama mo
kasama ko rin mga homeboys ko
dere derecho lang at walang papara
(buong gabi,) lahat mag good time.
good time
everybody lets ride lets ride.. ohh wohoooo

Verse 1 (Smugglaz):
Ilatag ang beat, bago magspit
nakasakay ka naba sa kakaibang trip?
paibang planeta tayo lilipad
makatakas sa reyalidad kahit saglit
man lang, para bang tayo'y nasa bakasyon
sa positibong enerhiya'y magpakasasa ngayon
kahit na maganda kahit na pangit man ang maging panahon
tuloy-tuloy lang sa pagabante kahit san maparon
ganyan ang buhay ng tao iba-iba man tayo ng ruta
mga bakong daanang paliko-liko subalit isa lang din ang punta
kaya tara na sagot ko na ang pamasahe
bitawan na ang mabibigat mo na bagahe
san man ang byahe,
basta't makarating at may magandang kwentong mauwi sa ating
pag garahe

Back to Hook:

2nd Verse (Mista Blaze):
patogtogin natin ang sounds bone thugs
tigil muna hate, everybody one love
sakin mga homies smokin green leaves
this is for my filipino tripple Og's Ogs
when im rollin the top down, 64 with a drop drop
impala we pop this mothafucker we dont stop,
crusin bruisin passin my city we mo thuggin
sindihan na yan at ipasa mo sa akin (babyyy)
aint nobody be followin
better packin than nothin
the streets be wildin it gets dirty sometimes
when u lookin like u wanna drop somebody
instead, just say what up and just save lives (come on)
sa mga tropa kung gangstas, steady trowin they gang signs
peace love and respect nag iisa lang ang bloodline
follow me back to my hood where people live in har mo ny
we be them brothas spittin cold ass rhymes

Back to Hook:

3rd Verse: (Sly Kane):
It’s a beautiful day im set for the holiday
on the way to a coastal getaway with the family
Clear skies aint no rain today cruising the expressway
a getaway for urybody to hang by the bay bay
Lets bump to the Medleys from the 90’s that’s what I fancy
turn the volume way up singing about nonchalantly
The closer we get its lookin legit and with the scenic wonders of the sea we bound to get wet,its comin on lit/8
Inhale the good vibes exhale the rest of ya’ stress
I suggest toke it with a super cold brew oh yes
Huwag kalimutan sindihan ang parilya
simulan na ang pag ihaw at iluto ang handa
Sama sama at kumpleto ang pamilya yan ang pinaka swak
tamang sogbu sarap pwede na mag lay back
For certain, great memories are endless, tremendous
kayo naman, get on with this

Mista Blaze ft. Sly Kane & Smugglaz - Joyride (Official Music Video)


Joyride - Lyrics by : Mista Blaze, Kane and Smugglaz
Additional Vocals : Aika Zabala
Produced, Mixed And Mastered By: Laidback Sounds (Dublin, Ireland)
Additional Flute : Bárbara Bolívar (From Group Dúo Somaris) (Spain)
Rythm Guitars and Outro Guitar Solo : Sami Turunen (Finland)
John Treni (Albania)
Single Covert Art : Gustavo Serrano (Brazil) - 2020
Directed by: Red Espana of ALON Creatives
Cinematographers: Carlo Teng & Cot Vital
Birds Eye: Dtts Eepra

Curse One ft. Smugglaz, Abaddon & Mike Kosa - Sakalam (Official Music Video)


Written & Performed - Mike Kosa, Abaddon, Curse one & Smugglaz

Directed by: Eddrian Alcayde
D.O.P - Eddrian Alcayde & Jasper Gojit
Aerial: Keyr Teriote
BTS: Mark Louie Gungon

Smugglaz - HakunaMatata Lyrics

Wag ka mag-alala la la la la la…

Di habang panahon, mananatiling mailap ang pagkakataon
Kahit na parang ngayon tila ba nakabaon
Ang kalahating katawan lupa mo’t nasa kahon
Eh pano buhay ka pa daig, mo pa tila yung tigok
O bangkay na nanlamig, puso’y di na natibok
Pakiramdam mo pagkatapos ilang ulit masawi
Mga sunod na sandali’y tinaningan na ni dok
Sa mundong magulo, madilim masikip
Puno ng takot, pagdududa, pangamba at katanungan
Ay manalig, manalangin kumapit wag mainip
Pagkat ang tamang panahon lang ay may dala ng kasagutan

Kahit madalas tagmalas ang klima
Palaging may bakas ng pag-asa din na
Tayo’y makalampas sa masukal na landas
Humingi lang ng lakas sa taas sa tuwina

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
Wag ka mag-alala la la la la la…

Di habang panahon mananatili na maputik ang sapatos mo pagkat
Di lang ikaw ang galing sa daan na yon
At batid ko na hindi dun natatapos ang lahat
Ke ilang ulit ka pa sumablay nung umpisa
Tapusin mo pa din ng tama kahit parang huli na
Ke ikaw, ako, sila husgahan man nung iba
Sa huli ang hahatol lamang satin po’y isa
Minsan nga daw kung saan tayo pinakamahina
Ay dun pa pala daw tayo mas lumalakas
Kung kelan ka ligaw at ang sarili’y di mo makita
Yung tunay na ikaw dun pa mas lumalabas

Kahit madalas tagmalas ang klima
Palaging may bakas ng pag-asa din na
Tayo’y makalampas sa masukal na landas
Humingi lang ng lakas sa taas sa tuwina

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
Wag ka mag-alala la la la la la…

La la la la la…
Wag ka mag-alala la la la la la…
La la la la la…
Wag ka mag-alala la la la la la…

Hakuna matata di dahil madali
Kundi kumpyansa sa likod ng tangis na hapdi
Pagkat pag aalala mo tila kahit sandali
Imahinasyon mo lang ang ginagamit sa mali
Sigalot ng puso’t isip talino pag-ibig
Oldskul newskul gobyerno’t mamamayan
Pangamba sa hinaharap na di pa nagaganap
Laban sa mga pait ng nakaraan
Tulad nyo rin akong nung una’y kinayang mag-isa
Galing sa hirap nangarap hanggang sa mag-iba
Sa paglipas at pagbuklat mo ng bawat pahina
Makokonekta mo lang ang lahat kapag nangyari na
Sadyang mundo’y makulay pagkat walang perpekto
Ngunit magpakatunay ang baon kong sikreto
Mga hamon sa buhay mo na nakaengkwentro
Pag nagtagumpay ka po ay pampagarbo lang ng kwento
Na kahit tagmalas ang danas na klima
Pwedeng tumaliwas ang landas mo’t linya
Sa una madalas man api ang yong labas
Tayo pa din sa wakas ang palabas ang bida

Kahit na anuman ang mga dahilan
Kung bakit ba makulimlim ang kalangitan
Ang alam ko lang pagtapos ng ulan
Bukod sa bahaghari sa kaulapan
Ay sisikat din ang araw na makakaraos din lahat tayo
Wag ka mag-alala la la la la la…

La la la la la…
Wag ka mag-alala la la la la la…

Smugglaz - HakunaMatata (Lyric Video)


Lyrics & Written by: Smugglaz
Recorded at: Fire Inside Music
Instrumental by: BJ Prowell Beats
Lyric Video by: Lil Coli

Abaddon, Kial & Smugglaz - Stupid Rap (Lyric Video)


Stupid Rap - Abaddon, Kial & Smugglaz
Lyrics & Written by: Abaddon, Kial & Smugglaz
Character illustration by: PogLanz Regalado
Lyric Video Animation by: Vanz Cadiente

Smugglaz - Underdog Part 2 (Lyric Video)


UNDERDOG Part2 - Smugglaz
Lyrics & Written by: Smugglaz
Recorded at: Tinipalpituk Records
Instrumental by: BJProwelBeats
Lyric Video by: Vanz Cadiente
Character Illustration Creator: PogLanz Regalado

Smugglaz - Underdog Part 1 (Lyric Video)


UNDERDOG Part1 - Smugglaz
Lyrics & Written by: Smugglaz
Recorded at: Tinipalpituk Records
Instrumental by: SparoHoodlumBeats
Lyric Video by: Vanz Cadiente
Character Illustration Creator: PogLanz Regalado

Smugglaz - Huramentado Lyrics

Heto heto heto heto
Heto na ako tabi!
Damay damay na to pre
Ikaw sila kayo kami
Ke ganyan o ganon numang sabihin nyo ngayon
Ipagdasal nyong magkaroon kasi wala akong paki
Parang presong siga na sa mental nakapuga
Walang duda pag nanggigil sa mikropono
Sakaling mahinaan man kayo sakin sa una
Volume muna ng speaker ang itodo nyo
Baka mali ka lang ng pihit o ng timpla
Gumilid ka na kapag uminit yung makina
Sumingit man yung iba o pilit na magbida
Pagbibigyan hanggang di na humirit pa ng isa
Dalawa tatlo takbo walang bakas ng babala
Taas hanggang baba lahat tabas sa pagtaga
Ngayon saking pagkatao’y sa wakas nakawala
Na ang tunay na ako at nakalabas na sa banga
Ito’y!!!

Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado

Bi bi bi bilang class S na halimaw na nanggaling pa sa amin
Sa dami ng hinain na itinae na’t kinain
Taglay pa din ang gutom na sa akin ay sinalin
Na para bang si Eugine na may sapi ni Raizen
Kaya palag kahit san dako mo dalhin to
Pambatong taga-rito na pandayo ang istilo
Malayong marating ko daw ay nilakbay naki-
Pagsabayan ng sabay sa mga bago at antigo
Magbago man ang agos ay hindi nagpatangay
Na parang may gabay galing sa taas na boses
Saking pagdaan luma’t bagong paarala’y
Makahati sa gitna na parang dadaan si Moises
O tangkeng armado ng de sabog na baril
Sakay ako may sinding nakabalot sa papel
Bulong ng diablo at anghel sakin naghalo na aber
Mga humarang tiyak giba parang minaso na pader
Tabi!!!

Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)

Ika nga ng manghuhulang bumalasa ng baraha
Umasa man na sana may pag-asa pa wala na
Pagsabog ng tinimpla kong lakas ng mga bara
Na kapag kinontra parang dumapa ka sa granada
Ideyang sangkatutak sa siniksik ko sa utak
Ay parang mga perlas na sinisid ko sa burak
Normal na ako’y higit na sa pangkaraniwan
Na parang nakarugbyhan ko si Biggie at si Tupac
Di man kilala sa pagiging pinaka
Sa sarili’y nanaig ang pagiging iba nya
Sanhi ng lalim ng pagkakahimbing tila ba
Panaginip niya’y hanggang sa paggising dinala
Steady lang sa gedling maghintay maipakita
Sa mga mic ang mga rima na sinanay nya kanina
Lumagpas man sa oras sa lakbay ng mga linya
Di susuko kahit magtaas kamay pa si Anygma
Time!!!

Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa ang tawag dito ay
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)
Huramentado
Aaaaaaaaa
(Di ako naghahamon, magwawala ako kaya di ka magkakaron)
Ang tawag dito ay
(Ng pagkakataon, makalabas pa sa kahon pag ako na ang nambaon)

Smugglaz - Huramentado (Official Lyric Video)


Smugglaz - HURAMENTADO (OfficialLyricVideo)

Smugglaz - The Pakyu Song Lyrics

Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lang ay
Masasabi ko lamang ay

Ngunit subalit datapwat sapagkat
Masasabi ko lamang ay
Masasabi ko lamang ay

Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lamang ay pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lamang ay pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat

Mensahe ko’y isisigaw ng pilit mga repa
Para mas malinaw ang pihit kada letra
Kung malabo sa mga nagbibingihang tenga
Gitnang daliri ko ang s’yang magsisilbing antenna
Bansa’y may karamdaman oo malala
Mga dumo-doktor manloloko halata
Ayaw ng makialam trip na lang makiramdam
Di nga ko nagparehistro bumoto pa kaya
Kala tuloy nila bingi bulag at pipi ka
Nakaw ng nakaw hanggat walang sumisita
Parang showbiz at industriya ng musika
Puking ina hindi lang sa gobyerno may politika
Sa gabi di mo pa tyak kung kalsada ay ligtas
Kung di ka lisensyado wag mag astang tigas
Nagmahal na ang bigas karne gulay pati gas
Pero di pa rin legal si maria juana sa pinas

Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lamang ay pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lamang ay pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat

Masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong
Mga isip batang tumanda ng paurong
Anong magagawa ko na tulong at paano
Yung mga unggoy nga sa net marunong pa sa tao
Kung magbarubal magkupal magpabida
Total kung mali ka normal na lang diba
Wala ng dignidad dangal moral at malisya
Welcome sa new era sosyal na ang media
Hi-tech na ang tsismis digital na ang karma
Moderno na pati pamumuna’t panghuhusga
May gadget walang budget mamatay ka ng nganga
Pero ang kaluluwa san kaya mapupunta
Mula noon hanggang sa makabago na milenyo
Walang bago sating kwento ke magarbo ang disenyo
Mga tao na ehemplo na kala mo perpekto
Crowded na sa langit kitakits tayo sa impyerno

Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lamang ay pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Ngunit subalit datapwat sapagkat
Ang masasabi ko lamang ay pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat
Pakyu (Pakyu) pakyu kayong lahat

Anuman ang mga pagbabago sa paligid o
Sa sistema ng buhay pangarap at pag-ibig nyo
Katotohanan ay sampal sa mga kritikong
Parang tattoo sa balat kapag nagmarka ang lehitimo
Di na mabubura kaya nananaghoy kayo
Miski na ikumpara sa mga idol nyo ano
Hanggang ngayon nako kaya nangangamoy abo
Nung nagpaparingas palang sila nag-aapoy na to

Ke di man ako bida na laging paborito
At maging kontrabidang maraming aburido
Di kayang iligaw kung san ang punta ko
Papunta pa lang kayo kasi galing na ko rito
Oo ditto dun o san mang dako mapatapat
Tyak na mananatili akong nakangarat
Sakto pa sa sapat pak-boom sabog warat
Na parang GM send to many pakyu kayong lahat

Smugglaz - The Pakyu Song (Official Lyric Video)


Written and Performed by Smugglaz

Beat Produced By Eich Abando

Lyric Video Edited By
Mzhayt
MotusProduction

Mix and Mastered By
Numerhus
FatalSignProd

Numerhus ft. Smugglaz - Huling Pahina (Lyric Video)


Recorded and Mastered By Fatal Sign Records
Music By LS Beats

Donnalyn Bartolome ft. Smugglaz, Zaito, Pio & Bassilyo - HBD (Birthday Mo) Lyrics

Hmmmm Yea, ready?
Isang araw sa isang taon
May napakaespesyal na selebrasyon
Ng mga bata, feeling bata,
Isip bata pero iisa lang ang okasyon

Handa ka na bang ilabas ang handa mo
Huwag kang mag-alala okay lang kahit ano
Magsasaya tayo ayaw mo man o gusto
Kami nang bahala sa cake

Kasi birthday mo, birthday mo
B-b-b-birthday mo, kaya libre mo, libre mo
Bawal magtago, kasi birthday mo, birthday mo
Bbbbirthday mo, kaya libre mo,
Libre mo, b-b-b-birthday mo
Kasi birthday mo
Birthday birthday birthday mo...
Birthday birthday mo!
B-b- b-b birthday mo
B-birthday birthday mo

Birthday mo ngayon at wala akong pake
Biro lang heto nga nandirito na kami
Magpapainom ka ba Gimik tayo sa gabi
'Wag ka masyadong maglaseng
Baka mag-english ka kasi

Simula pa lamang ito ng panibagong panahon
Ano bang handa mo ngayon, spaghetti o pancit canton
Pero ayos lang naman sa 'kin kahit na wala nang gano'n
Mas mahalaga pa rin sa akin ang samahan ng ilang taon

Tirahin na baka tirahin pa ng iba
Cousin mo nagpapasta, magpatira ka
Magagandang pangarap sa buhay mo'y hangad
Kaya blow the candle na para wish mo matupad
Teka shandale bakit ba? 'Di pa 'ko lasheng!
Ganito lang 'yung mata ko, malabong duleng
Oy nandiyan na ang mga tropa. Parating na sila!
Walwalan na hanggang umaga hanggang sa gumapang ka Eyyyy!
Handa ka na bang ilabas ang handa mo
Huwag kang mag-alala okay lang kahit ano
Magsasaya tayo ayaw mo man o gusto
Kami nang bahala sa cake

Kasi birthday mo, birthday mo
B-b-b-birthday mo, kaya libre mo, libre mo
Bawal magtago, kasi birthday mo, birthday mo
Bbbbirthday mo, kaya libre mo,
Libre mo, b-b-b-birthday mo
Kasi birthday mo
Birthday birthday birthday mo...
Birthday birthday mo!
B-b- b-b birthday mo
B-birthday birthday mo

Yo! Sana humaba pa nang todo 'yang buhay mo
Hanggang ikaw na lang ang matira dito sa mundo
'Di ba't dapat happy ka't ako na lang ang masa-sad
Pagka't susunod na diyan halungkatan ng edad
At higit sa lahat sana'y matikman ko 'yang hiwa mo, diyan sa cake mo
Magpakain ka na sa 'kin! Pa-canton ka naman
Kung ayaw magpa-canton magpa-hipon ka na lang!

Yo! ito na naman ang isa sa mga pinaka-malupet bumanat
'Di na maawat Lalo sa mic kapag nagsimula na ako na lumapat
Pagdating usapang rap, matik na alam na yan!
Kaya nga nandito kami para manggulo lang sa inyong kaarawan
Kasi 'di na kailangan pag-isipan 'pag ako'y nagbigay
Basag ang katahimikan 'pag kami'y nag-ingay
Tiyak tanggal ang tutuli Hanggang sa makunsume
Dahil 'di pahuhuli si Donnalyn Bartolome!

Oo oo ako nga ang bahala sa handa
Pero siguraduhin n'yo lang ang regalo n'yo sa akin maganda
Parang ako sa suot ko na halos tatlong buwan nakasabit sa sobrang excited ko
Kunin mo na ang mic at kakanta tayo Magdamag!
Bawal ang kj gusto ko masaya lang tayong lahat
Akin na 'yang hiya mo Akin na munang itatago
Sige tayo, sasayaw tayo

Kasi birthday ko b-b-birthday ko
'Di 'di 'di lang prinsesa kundi reyna ako, re-reyna ako ngayong araw
Bawal ang umaangal, no time to hate we're here to party, sige sigaw!
Original pinoy music you hear
Lf you don't like it then why you here
Original pinoy music you hear
Lf you don't like it get outta here!

Kasi birthday mo, birthday mo
B-b-b-birthday mo, kaya libre mo, libre mo
Bawal magtago, kasi birthday mo, birthday mo
Bbbbirthday mo, kaya libre mo,
Libre mo, b-b-b-birthday mo
Kasi birthday mo
Birthday birthday birthday mo...
Birthday birthday mo!
B-b- b-b birthday mo!
B-birthday birthday mo!

B-b- b-b birthday mo!
B-birthday birthday mo!

Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you

Julian Sean ft. Smugglaz - Kaliwa't Kanan Lyrics

Sa lahat ng panahon
ikaw lang ang kasama ko
di mo pinaramdam na ako ay nag iisa
sa lahat ng bagay
tayo ay magkasundo
walang dahilan para tayo'y magkalayo

Pre chorus:
sa araw at gabing ikaw ang kasama
labis ang tuwang akin nadarama
Kapag ikaw ay ngumiti
Ang mundo ko'y unti unting natutunaw

Chorus:
Ngunit ngayon di magkasundo ang ating mga mundo
sana maibalik natin ang dati
magkaibang tinatahak at di na nag kakatagpo
daan nating kaliwa't kanan

kaliwa't kanan (2x)
kali-kaliwa't kanan
kaliwa't kanan (2x)
kali-kaliwa't kanan
sana maibalik natin ang dati...

binigay naman ang lahat sayo
kahit sinabi mong tayo'y magkaibigan lang
sa mga oras na ikaw ay nag nag iisa
ako ang nariyan para sayo, sayo ohh

Pre chorus
at kahit na kaibigan lang at siya ang mahal mo
ayos lang basta't kasama ka
kapag sinaktan niya ang puso mo
ako ang takbo-takbuhan mo

Chorus

Ano nga bang ibig ng kasabihan
Na lahat daw ng nangyayari sati'y dahilan
kung sa sitwasyon ko'y para bang napagitnaan
Ako ng digmaan ng impyerno't kalangitan
Atras abante kala mo chacha, Kaliwa't kanan para bang marcha
Di mo malaman mabagal ang ating pagusap na para bang nasa sagala
Subalit ganunpaman, hindi ako nawalan ng pag-asa
Sa aking pangarap na aking mayakap at ika'y habambuhay na makasama

Final chorus