Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Pio Balbuena, Gloc-9 - Tamang Panahon Lyrics

Matagal kong inantay ang pagkakataon na to
Ang makasama ang makata sa isang kanta ko
Kailangan taliman na parang sumusulat sa bato
Eto ang isa sa lahat ng pangarap na dala ko
Pinagdaanang hirap halata nyo sa mata ko
Pinagpaguran lahat kahit na walang matamo
Ang industriya ay gubat pag namulat ka na bro
Ako ay naging mananabas sa masukal na damo
Nung narinig ko yung kanta mo grabe ang galing
Sabay sabi sa sarili yan ang gusto kong gawin
Balang araw sa entablado makakakanta rin
Hindi pala ganon kadali kapag meron kang hiling
Hindi nakapagkolehiyo walang pang matrikula
Pero inaral ang diploma mo’t mga tinula
Hindi ko kakalimutan kung saan ako nagsimula
Saan man makarating lahat ng to laging panimula

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Sa kada alis ko ay laging alisto
Sa byahe ng pangarap nakikinig kay Pollisco
Habang naglalakad ang baon ko sampung piso
Pero hindi huminto at ang lahat tiniis ko
Sarado ang pinto sa bintana dadaan
Oh kahit saan pa yan gagawan ng paraan
Maraming pwedeng mangyari basta mag-abang ka lang
Pero wag puro abang pare kilusan mo naman
Isipin mo ay darating ang tamang panahon
Kahit mahulog ay kayanin mong gumapang paahon
Kung akala ng iba ang buhay mo ay patapon
Gelatin mo silang lahat pag lumabas ka sa kahon
Ngayon naniniwala na kong lahat ay possible
Pero alam ko rin na hindi to ganon kasimple
Kung gusto mo talaga pagsikapan mo maige
Pag ang panahon tumama hawakan mo ng mabuti

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Di ako karapat dapat pero maraming salamat
Palaging nakahanda na walisin ang mga kalat
Ipunin ang piraso dikitan ang mga lamat
Nakalista na atraso kulay itim parang balat sa puwet
Dikit inggit nagmamaliit
Mawalang galang na teka lang sino ka nga ulet
Nangungulit don sa likod nangangalabit
Sumunod sa paying laging magpapakabait
Alisto derecho lagi di palihisto
Pangalawang pangalan aking pinarehistro
Sabi ng bago sa lumang trabaho panis to
Bagsakan ng apilyido ko na Pollisco
Minsa’y naatasan ako’y na abutan ng martilyo at pako
Tinibayan ang mga daan na kapag tinapaka’y kanilang matatandaan
Sa huli lahat tayo’y palaging mapapalitan

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Jono Hilario - Sa Tamang Panahon Lyrics

Ako ay naghahanap
Naghahanap ng araw
Nung naririnig ko ang boses mo
At ang ‘yong sigaw, at ang ‘yong sigaw

Sa dilim ng mundong ito
Nawala ka sa yakap ko
Maghihintay na lang
Magbabalik sa ‘yo
Sa tamang panahon, sa tamang panahon

Para sa ‘yo ang himig ng panaginip na ‘to
Ang langit at bituin alay sa ‘yo
Sa dulo ng mundo na lang ako maghihintay
Maghihintay sa tamang panahon

Ooohhh…

‘Wag kang matakot sa lamig
Kahit ‘di kita kasama
‘Di kita pababayaan
Sa hirap at sakit, sa hirap at sakit

Sisindi ang liwanag mo
’Pag hinawak ko ang iyong kamay
Bibigyan kita bibigyan kita ang lahat ng kulay
Sa ating buhay

Para sa ‘yo ang himig ng panaginip na ‘to
Ang langit at bituin alay sa ‘yo
Sa dulo ng mundo na lang ako maghihintay
Maghihintay sa tamang panahon

Ooohhh…

‘Di ako,‘di ako susuko
‘Di ako,‘di ako susuko sa ‘yo
‘Di ako,‘di ako susuko
‘Di ako,‘di ako susuko sa ‘yo

‘Di ako,‘di ako susuko
‘Di ako,‘di ako susuko sa ‘yo
‘Di ako,‘di ako susuko
‘Di ako,‘di ako susuko sa ‘yo

Ooohhhh…


Para sa ‘yo ang himig ng panaginip na ‘to
Ang langit at bituin alay sa ‘yo
Sa dulo ng mundo na lang ako maghihintay
Maghihintay sa tamang panahon

‘Di ako,‘di ako susuko
‘Di ako,‘di ako susuko sa ‘yo
‘Di ako,‘di ako susuko
‘Di ako,‘di ako susuko sa ‘yo

Maghihintay sa tamang panahon
Maghihintay sa tamang panahon
Maghihintay sa tamang panahon
Maghihintay sa tamang panahon

Jono Hilario - Sa Tamang Panahon (Official Music Video)


Official music video of "Sa Tamang Panahon" by Jono Hilario.

“Sa Tamang Panahon”
Performed by Jono Hilario
Composed, arranged, produced, recorded and mixed by Joseph Norman Hilario
Published by Viva Music Publishing Inc.