Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Bugoy Drilon x Gloc-9 - Ahon Lyrics

I
Tanda ko pa nung bata pa
Tatay ko mayrong dalang
Pasalubong galing leveriza
Isang maliit na bisikleta

Na Kalong kalong kalong nya
Anak bangon bangon bangon na..

II
Nung binata na at pumoporma
Sa dalaga na kursonada
Dahil walang kotseng ipoporma
Dumadayong naka bisikleta

Umahon ahon ahon pa..
Ako’y tapon tapon tapon din pala..

Chorus
Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka

Rap
Kapag ikaw ay natumba
Pagpagin bangon ulit
Di ka dapat mahiyang
Matalsikan putik putik

Kahit na gumulong ka
Tiisin mo ang sakit
Pag sikad sa kaliwa
Sa kanan naman ulit

Nakakalula ang ahon
Di ko yata kakayanin
Tuyo na ang lalamunan
salubong ka pa sa hangin

Luto sa araw mag hapon
Parang binilad na daing
Papunta at pabalik
sa trabaho na mahiyain

Ang sweldo di mag marka
Parang pidal sa alulod
Puwede kang mag pahinga
Kesa naman masubsob

Pawis sa mga mata
Batok pati sa likod
Di ka na makahinga
Pagod ka pa sa pagod

Parang bisikleta ang buhay
Kahit minsan lang aralin
Di puwedeng pasuray-suray
di pwede ang alanganin

Ibat iba man ang kulay
Mura o mamahalin
Makakarating ka rin
mabagal man o matulin

Bugoy Drilon x Gloc-9 - Ahon (Official Lyric Video)


AHON gloc-9 feat. Bugoy Drilon
Composed by Aristotle Pollisco

Recorded/ mixed and mastered at Studio Z Audio Productions
Martin Andrew Guevara and Paulo Zarate

AHON - The Filipino Rising Song Lyrics

Nandyan na ang pag asa lingunin mo na siya iaahon ka mula sa problema
ohhhhh
Kasama mong mag lalakad susulong tayo paharap sa hirap aalalay hanggang makamit ang tagumpay

Chorus:

Nariyan nang pag asa halika na't aahon na
Nariyan nang pag asa halika na tara tara aahon na

ooooohhhhh

Lahat ng iyong pangamba sa hirap di makawala ngayon ang simula ng tunay na pag laya

Chorus:

Nariyan nang pag asa halika na't aahon na
Nariyan nang pag asa halika na tara tara aahon na

ooooohhhhh

Chorus:

Nariyan nang pag asa halika na't aahon na
Nariyan nang pag asa halika na tara tara aahon na

ooooohhhhh