Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Gloc-9 - Gatas at Asukal Lyrics

Sige tapangan mo lang sa tasa na malaki
Mag pakulo sa kalan
Ang magulo tumabi
Para di mabanlian
Ang balat na makati
Papalag kahit
Mainit na tubig lang at kape

Sige tapangan mo lang sa tasa na malaki
Mag pakulo sa kalan
Ang magulo tumabi
Para di mabanlian
Ang balat na makati
Papalag kahit
Mainit na tubig lang at kape

Ako si Aristotle makatang taga Rizal
Pag may lapis at Papel tawagin mong kriminal
Kasi di pwede ang talas na tangan pag karibal
Tuwing makikipag talastasan
Ay tila animal

Di mahilig sa pasiklaban ang pakay lamang ay
Palawigin ang kasipagan upang makasabay
Sa mga bago humango
Patong puwedeng tumangay
Ang gamo-gamong napaso
Huwag ka lang palasuway

Mas mahaba ang sungay
Ay mas madaling mababali
Kapag nagbibigay pugay
Ka lagi mong mababawi
Di na sweldo kundi karaniwan aking binali
Tagalog na naiintindihan kahit anong lahi


Ang timpla ko sa akin lang
Matapang di matabang
Laging sugurado
Garantisado di malamang
Binalikat pinasan mabigat di magaan
Kahit di abutan ng tinapay na may palaman

Sige tapangan mo lang sa tasa na malaki
Mag pakulo sa kalan
Ang magulo tumabi
Para di mabanlian
Ang balat na makati
Papalag kahit
Mainit na tubig lang at kape

Sige tapangan mo lang sa tasa na malaki
Mag pakulo sa kalan
Ang magulo tumabi
Para di mabanlian
Ang balat na makati
Papalag kahit
Mainit na tubig lang at kape

Inutusan ni nanay na bumili sa tindahan
Gatas at asukal laruan na pinaglumaan
Nang lumaon sa Maynila ako ay napadaan
Isang batang mga tula ang dala nyang kayamanan

Kahit dehado sa iba ako'y mukhang bagong salta
Kinabisado ng husto ang kakantahin na kanta
Peke na sapatos damit ko na merong mantsa
Sa mga tingin na parang di ako matantsa

Nakapikit na tumawid di bale pabaliktad
Kahit maalikabok alam ko na makintab
Ang pangarap na umaapoy naglalagablab
Ang basa ko sa pangmamata ay nakakadagdag

Ang timpla ko sa akin lang
Matapang di matabang
Laging sugurado
Garantisado di malamang
Binalikat pinasan mabigat di magaan
Kahit di abutan ng tinapay na may palaman

Sige tapangan mo lang sa tasa na malaki
Mag pakulo sa kalan
Ang magulo tumabi
Para di mabanlian
Ang balat na makati
Papalag kahit
Mainit na tubig lang at kape

Sige tapangan mo lang sa tasa na malaki
Mag pakulo sa kalan
Ang magulo tumabi
Para di mabanlian
Ang balat na makati
Papalag kahit
Mainit na tubig lang at kape

Gloc-9 - Subok Lang Lyrics

Laban pa ba subukan natin
Na kamadahin
Ang mga letra na sinulat ko
Tunog na aking inihain
Di pa madami
Ang syang dumudura ng ganito
Ngayon ay nandyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang

I
Hindi mo naisip na makakagawa pa ako ng kanta na halos hindi ka na makahinga
Tuwing nadidinig mo ang mga sinasabi palaging madaming dala dala mula sa kabila
Bata na dumayo galing ng malayo
Hindi man nanaloy garantisado
Na Tatabo sa huli
Baradong lababo
Sino ang ganado
Kapag delikadoy di alanganin di nag aatubiling
Na lumapag kapag rumekta
Mga salitang lumalatay pag kumunekta
Sa mikroponoy may kakaiba ka na pwesra
Kahit di nakasanayan ang salitang get high
Lumipad kasi sinipagan ang pagaspas
Nilabanan pinakamalalas na lagaslas
Nagpakilala hanggang sa pangalay nagasgas
Makatang mahilig na pumaspas
Tubong binangonan napunta sa qc
Matinis na boses tila sumigaw na bruce lee
Dilang madulas parang may wd40
Kumusta ka na sabi ko palaging mabuti
Kasi ang galing
Napapraning
Sabay iling
Pag ako na ang tumalak
Parang di ka nagkakamali
Tumatahi
Ginagapi
Kataga na lumalagapak
Sa tagal ng panahon na dumaan
Di ko na binilang ang sugat na tinalupan ng langib
Kahit na subukan nating balikan
Pipigilan ang sarili ko na sa akin ay bumilib
Mawalang galang na sa mga walang
Tiwala maniwala ka wala akong hindi itataya
Pagkat wala namang laman ang bulsa ko nung umpisa nito
Baon koy higit pa sa isang salita
Walang dapat ikahiya


Laban pa ba subukan natin
Na kamadahin
Ang mga letra na sinulat ko
Tunog na aking inihain
Di pa madami
Ang syang dumudura ng ganito
Ngayon ay nandyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang

Ngayon ay nandyan na sila
Nakakatuwa
Tila nag bungang mga tanim na punla
Kaya pa kaya na aking magawa
Kahit isang subok lang

Gloc-9 - Subok Lang (Official Lyric Video)


Gloc-9 - Subok Lang (Official Lyric Video)

Universal Records Philippines

Gloc-9 - Labandero Lyrics

Kapos kana ba
Sa isusuot mo na pamorma
Bukas sa ligaw
Bakit may mantsa
Natapunan pa ng toyo nung
Kumain ng lugaw

Huwag mo nang patagalin
Mahirap yang tanggalin
Kung ako sayo
Gayahin mo to
Simple lang ang gagawin

Ihiwalay mo ang puti
Sa dekolor alam mo na
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat ingatan mo na barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
Na labada na

Dahil ang Buhay ay puno ng pag asa
Isampay mo lang sa labas ang mga basa
Aaraw mamaya
Simulan mo lang ng madali at ng maaga
Babad lang
Kusot lang
Banlaw na


Dapat lagi kang astig
Cool ka sa paningin
Mamahalin na damit
Hindi kulang sa diin
Isa lamang ang sagot
Sa tuwing tatanungin
Mas tahimik ang alkansya
Na puno kung kalugin
Sarilinin mo muna ang tagumpay
Yakapin ng galit
Pipi ka na mag ingay
Walang ibang marka ng paa ka na makakasabay
Ikaw lamang ang matatalo o syang mag tatagumpay
Dahil ang buhay ay di malayo sa maduming damit
Pag katapos mong labhan ay kayakap mo yan ulit
Parang bukas sa buhay natin na walang kapalit
Tyagain ang pag kusot
Pigain ng mahigpit

Ihiwalay mo ang puti
Sa dekolor alam mo na
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat ingatan mong barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
Na labada na

Dahil ang buhay ay puno ng pag asa
Isampay mo lang sa labas ang mga basa
Aaraw mamaya
Simulan mo lang ng madali at ng maaga
Babad lang
Kusot lang
Banlaw na

Ihiwalay mo ang puti
Sa dekolor alam mo na
Upang kumupas man ang kulay ng itim at ng pula
Hindi hahalo sa iniingat ingatan mong barong
At kamiseta na katerno ng bagong biling maong
Na labada na

Dahil ang buhay ay di malayo sa maduming damit
Pag katapos mong labhan ay kayakap mo yan ulit
Parang bukas sa buhay natin na walang kapalit
Tyagain ang pag kusot
Pigain ng mahigpit

Gloc-9 - Labandero (Official Lyric Video)


Gloc-9 - Labandero (Official Lyric Video)

Universal Records Philippines

Gloc-9, Gary Valenciano - Walang Pumapalakpak Lyrics

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Madaming ulit kang madadapa
Bumangon ka agad
Mga mata mo na luhang-luha
Sa lungkot ay nasagad
Ilang beses man na mawala
Huwag kang mapagod maghanap
Walang tigil kang tumataya
Baka sakaling maganap
Ang iyong pinakahihintay
Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw
At ang tanging alam mo lamang ay
Walang pipigil sayong lakad at galaw
Basta’t

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Hindi nila kailan man mararamdaman
Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan
Hindi sila kailan man mahahapdian
Bawat hiwa sa paa
Tibo na tinungtungan
Dahil ang katunggali mo lang sa laban
Ay walang iba kundi ikaw
At ang pwede mong maging kasalanan
Ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo


Naaalala ko pa dati kulang ang pamasahe
Wala ka pang hapunan busog lang sa diskarte
Basta’t alam ko lang ang aking magiging imahe
Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase
Kahit ‘di nananalo ‘di ko batid na talo
Inipon ang lahat ng binigay saking balato
Kung saan-saan dumapo buti na lang gala ‘to
Wala ka daw mararating pag ‘di mo tsinaga ‘to
Kay daling sabihin hindi madaling gawin
Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin
Kilalanin ang sarili mo kahit na sa dilim
Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin
Itutulak ka nila madalas pababa
Papahiran ng lahat ng pwedeng dungis sa mukha
Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura
Pag kumita ka sila pa ang unang naka kura
Maniwala ka sa ‘kin kahit na gusto mo nang sumuko
Lahat ng ‘yong mga pinaghirapa’y gumuho
Huwag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho
Pakinggan lamang ang binubulong ng ‘yong puso
Uso daw kasi kaya di ka napili
Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi
Pag ‘di mo nagawa iwanan mo ang manisi
Ipahinga mo lamang ang likod mo sa haligi

Dahil ang katunggali mo lang sa laban
Ay walang iba kundi ikaw
At ang pwede mong maging kasalanan
Ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo
Basta’t

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Awit ka nang awit
Awit ka nang awit
Kahit walang pumapalakpak

Gloc-9, Gary Valenciano - Walang Pumapalakpak (Official Lyric Video)


Gloc-9, Gary Valenciano - Walang Pumapalakpak (Official Lyric Video)

Universal Records Philippines

Gloc-9 - Alam Mo Na Lyrics

Anong pwede kong sabihin
Sa dami ng gusto akong patigilin
nag aabang na matalisod
Di kayang pigilin

mga itinanim gustong makatikim kahit hindi naman sila ang nag paka itim

Kung di mo diniin tumabi tabi ka rin mahirap humanap kaibigang di ka tataluhin

Sa lugar na ang sayo ay gusto rin nila kung tanghali kang gumising ay pumila ka

Hindi sapat ang magaling dapat handa ka rin na matulog ng dilat ang mata sa dilim

Dahil ang pahingay para lang sa mga talunan
Mga nauuna lamang ang gustong maabutan

mga nasa huli
inggit ay binalutan
Mahahaba na kuko ikaw ay gagalusan

Ng regalo para ba makaakbay sayo
Aapiran ka kunwari magkasabay kayo

Masahol pa sa babaeng nagpabili ng madaming regalong mamahalin
Kahit di naman kayo

Kaya halika na sa byahe
Huwag ka nang umarte
Heto na ang guro mo
sige upo sa klase

Lagi kang tingala pero paatras ang diskarte
Matutong yumuko sa lupa para umabante

Di to tulad ng dati
Laging hindi kasali
Sahod ay di na bali
Ang konti ay dumami

Batikang medyo dyahe
May paninda palagi
Hindi na uubusan
Tubo na walang lyabe


Pag kumamada pantay ang salang walang sablay
Parang pamadang pinalitada at sinuklay

Pasok ang bara di sumasala
Tuwing uunday
Palaging kara itong kartada walang humpay

Walang humpay na parang trapik dito sa pinas
Kaylan magiging isang hugas lamang ang bigas

Punong hitik na iilan lang ang pumipitas
At ganon talaga ang laging sagot na likas

Parang Papaya wag wag kang madaya ang magparaya
Syang dapat na hinog at laging pinapaubaya

Sa may kaylangan
At naharangan ay makalaya
Marami na ang syang namatay sa maling akala

At bago ko pa tapusin ang tula kong ito
Hayaan munang kayong lahat ay awitan ko

Ng isang tono na nong napanaginipan ko
Pinilit ko na matandaan at masulat to

Diba ikaw yung makata
Na kumakamada
Ibat ibang letra
Na ibinebenta

Kasi dito sa amin
Walang mumurahin
Para may makain
kailangang hasain

Nakilala ka na
Gusto mo ano pa
Ingat kasi baka
Bigla kang madapa

May mga nauna
Bakas ng mga paa
Gamitin ang yong mata
Para alam mo na

Heto nang mikaniko teka
Anong problema ilabas mo na ang pyesa

Magkanong bayad sige ilapag mo sa mesa
Bawal ang maarte para kang tumanggi sa

Tanggapin mo na kesa

Nakilala ka na
Gusto mo ano pa
Ingat kasi baka
Bigla kang madapa

May mga nauna
Bakas ng mga paa
Gamitin ang yong mata
Para alam mo na

Gloc-9 - Alam Mo Na (Audio)


Composed by
Aristotle Pollisco
Mixed, Mastered & Arranged by Carmelo “Sparo”Hiroki Hasegawa

Chocolate Factory ft. Gloc-9 - Paglipad Lyrics

Alam mo naman
Na di mo na kailangan na dayain ang sarili mo
Mga pakpak mo ay ibuka mo lamang abutin ang pangarap mo
Lumipad sa alapaap
At Humiga sa mga ulap ulap
Maging malakas ka sa mga humahatak at mga pabigat sa pag-angat

Basta mag tiwala sa sarili
Huwag kang maniwalang imposible
Wag kang umatras puro abante
Hanggang ang maliit maging higante

Huwag kang matatakot na magkamali
Minsan man ma'y nadadapa bumabangon muli
Lumuha man o masaktan tuloy ang laban
Sa bandang huli ang tagumpay ay makakamit

Maraming pagkakataon nasasayang ang panahon
Kung katulad kahapon di pa rin maka-ahon lumabas ka sa iyong kahon

At lumipad sa alapaap
Humiga sa mga ulap
maging malakas sa mga humahatak
Mga pabigat sa pag angat

Basta mag tiwala sa sarili huwag kang maniwalang imposible
Huwag kang umatras puro abante hanggang ang maliit maging higante


Huwag kang matatakot na magkamali
Minsan man may nadadapa bumabangon muli
Lumuha man o masaktan tuloy ang laban
Sa bandang huli ang tagumpay ay makakamit

Tandaan mo lamang ang sinabi ko sayo
Walang iba kundi ikaw

Sino man ay walang gigiba nito matatalo ka lang pag umayaw

Pilitin mang kalabugin
Ani mo ay bulukin
Huwag mo lamang pansinin laban

Tapos gapos mo ay kalagin
Dunong ay palaguin
Ikaw ang aani ng yaman

Isang bata na kapos
Pero ang bulsa ay puno ng pangarap na handa nyang tayaan

Di baleng mag hikahos sya'y makikipag sabayan
Mananalo kahit pa may dayaan

Di ko sasabihin to kung di ko to dinaanan isipin mo

ang lahat ng mga payo at binilin ko
Upang hindi ka na matibo sa mga bubog na to pero

Huwag kang matatakot na magkamali
Minsan man may nadadapa bumabangon muli
Lumuha man o masaktan tuloy ang laban
Sa bandang huli ang tagumpay ay makakamit

Ay makakamit

Ay makakamit

Ay makakamit

Chocolate Factory ft. Gloc-9 - Paglipad (Official Music Video)


‘Paglipad’ tells a story reminiscent of eight-weight-division Boxing world champion Manny Pacquiao’s life, his struggles, and rise to success. The song is a reminder of pushing forward through all obstacles, eventually turning adversity to advantage.

An Arcade Film Production

Produced by: Chocolate Factory & Numinous Philippines
Directed by: Andrei Julitan aka SUPERBAYANI
Starring: Chantal Austria, Elton John Salvoro, Norman Deleña, Carlos Trunio
Action Choreo: Kayley Carrigan/Tagteam Stunts
DOP: Ian David
Assistant Director: Carlo Gonzales
PD/Styling: Sam Martin
Executive Producer: Paula Collado
PM: Nicole Calaustro
PA: Nash Wildi
Location Manager: Simon Flores
Camera Operators Choice Israel, Lexus Diestro
Offline editor: Alvin Chan
Online editor: Neil Mendoza
Colorist: Leter Brutas / Barebones Color Inc.
Graphics: Clarence Fajardo
Recorded, Mixed and Mastered by: Macoy Manuel /Tower of Doom
Behind the Scenes: Ysmael Salvador

Loir ft. Gloc-9 - Takas Lyrics

Goodson Hella Bad

Liwanag ng buwan
Ang silbing gabay pag-uwi
Kapag ako’y hindi mapakali
Ang simoy ng hangin
Kapag inabot ng dilim
Yan ang kaakbay
Kapag ako’y walang kasabay

Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo

Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo

Kapit sa sarili
Ay bumibitaw pag tumatalim
Salitang naririnig
Bakit parang lagi nalang?
Kapos sa paghinga pag nag-iisa
Reyalidad na di matakasan

Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo (ahhhh)


Dami-dami nating iniisip
Parang laging nasa panaginip
Buhay na nililibag, naka-tagilid
May umihip sa bulak
Di maalis sa gilid

Natabunan ng alikabok sa tagal
Hanggang sa minura mo ang iyong minamahal
Minsan ang kalaban di palaging pusakal
Malalambot ang mga palad na nakasakal
Kailanma’y hindi ko tinatang hambing
Ng tulad ko sa mga tinatawag na kambing

Salamat sa papuri ng mga malalambing
Parang hinagisan na saging ang mga matsing
Sinalo ko ang mga baryang kumakalansing
Habang naka-lambitin sa manipis na bagting
Kahit ayaw kausapin ng mga papansin,
paringgan ang mga tenga hanggang sa mapanting!

Kahit pala i-tingin ng iba
Laging tanungin na “sino ka?”
Sunod sunod saluhin
Pagpagin ang alikabok sa mukha
Tatawagin para itaboy
Tatakpan ang mga maamoy
Inipon na mga tuyo na dayami
Papatayin din naman ang apoy

Kinakausap ang sarili
Pinipili, nawiwili
Nandidiri, pinipigilan na maisuka
Tumingin ka sa paligid, mamilipit
Pinipilit na iguhit ng tama lahat ng mga letra
Sinusubukan pagurin,
Lunurin, sunugin, durugin
Ng hindi ka makasama dito sa lamesa
Habang kinakalaga na nakagapos na kamay at paa
Tinutunaw ng luha mga kadena

Aaaaaah…
Aaaaaah…
Aaaaaah…
Aaaaaah…
Aaaaaah…

Kailangan lumayo
Sayo papalayo
Ayokong lumingon
Baka mahuli mo ako
Takas sa mundo

Loir ft. Gloc-9 - Takas (Official Music Video)


Actor: Justin Michael Mayang
Directed & Produced by: Aura Jade
Director of Photography: MALLI
Camera Operator: Justin Bella Alonte
Movement Director: Lolo Andres
Editor, Colorist, & VFX: MALLI
Production Manager: Sam Bautista
Casting Associate: CJ Reyes
Driver: Sam Bautista
Photography: Aura Jade
Stylist: JL Crespo
HMUA: Phoebe Masanque
Equipment and Grip: STUDIO JUSTIN BELLA ALONTE PHOTOGRAPHY

CEO/Head Talent Specialist Asintada Mgmt. and Prod. Inc.: Thea Gomez-Pollisco
Executive Producer: SONY MUSIC PHILIPPINEs, INC.
General Manager: Roslyn Pineda
Deputy General Manager: Maan Atienza
A&R and Artist Management Director: Raymond Fabul
A&R Manager: Cholo Sediaren
Artist Strategy Manager: Raiza Bunagan
Marketing Consultant: Patch Castañeda
Producer: SHAQUIRO and GOODSON HELLA BAD

Gloc-9 feat. G-Clown - Bara Bara Lyrics

Mag simula tayo sa umpisa
Nung araw na ang pinoporma mo ay pag aari ng iba
Kasi wala ka ng meron sila
At ang dala dala mo lamang ay panaginip na mag isa
Kahit nandyan sila hindi ka tutulungan
Lalot kung hawak nilang barahay mauungusan
Mauubusan
Ka nang pasensya uutusan
Huwag mong masyadong galingan para may kaibigan
Hangad na bituwin
Ay ang gusto mo rin
Mag kakatalo lang
Sinong mas madiin ang sulat
Buhat Kupad Kunat
Mga letra na di nila malaman ang sukat
Paranaque bicutan baba sa alabang
Sakay ng zapote
Araw na natin malamang
Pero di pa
Naka handa akong mag abang
Kahit pa ilang oras o deka dekada lang


Di mo alam kung gano kapait

Kahit na anong iharang mo sakiy punit

Ilan lamang ang may gusto marami ang galit

Naiinggit

Ang mga di maka dikit

Umiinom ng tubig upang hindi masamid

Tila galing sa bukas bakit

Sobrang ahead

Daanin man sa kung ano ang suot mong damit
Sinusungkit
Respeto na inuumit


Hindi ko naisip, ang paniginip ko'y may kahulugan
Yung araw lumililim saking napiling papel sa palabunutan
Pati pato sinugal, said kahit maling galaw
Balik tanaw, sa panahong lahat ay isang balintataw
Balikan natin ang istoryang, nabuo kanto
Bata na hinasa, ni jomer adriano
Di ko akalaing aandar ang mga plano
Nandahil sa tula nakasakay sa erpolano
Pagiging bago ay parteng nakakatarantado
Karanasan na halos lahat ay maisumpa mo
Pag bagong salta ka buong paligid ay hurado
Pag hawak mo'y alas, tiyak hindi ka imbitado
Tablado palage sarado't may tale kabado masage pag talo maraming ganado mang yare
Napakaraming aangken ng pananem mo pag lumalago
Buhaya'y dumadame pag yung byahe mo lumalayo

Di mo alam kung gano kapait
Kahit na anong iharang mo sakiy punit
Ilan lamang ang may gusto marami ang galit
Naiinggit
Ang mga di maka dikit
Umiinom ng tubig upang hindi masamid
Tila galing sa bukas bakit
Sobrang ahead
Daanin man sa kung ano ang suot mong damit
Sinusungkit
Respeto na inuumit

Akoy alipin ng sining nananatiling gutom
Nung umulan ay musika aking napiling bubong
Mapudpud man ang gulong ay aandar saan man dako
Sa daming nanabla nung mahabla naging pamato
Pangako na napako naitago sa malayo
Mga sulat na nilako napahalo sa malabo
Tinuring na praning, hindi uusad papanhik
Nung ako yung gumaling lahat sila nagkasaket
O nag babaga di mahawakan o makalapit
Kung kaylangan mo ng tulong tawaging mo ko ulit
Siguraduhing na matibay ang pag kakadikit
Kasi nahuhulog ang mga sabit na makulet
Dahil dito ang pulido lang ang mismo
Pinag hihirapan kahuli hulihang piso
Tuwing tinatanong bat wala akong apelyido
Tandaan mo na ako si ginoong Pollisco

Di mo alam kung gano kapait
Kahit na anong iharang mo sakiy punit
Ilan lamang ang may gusto marami ang galit
Naiinggit
Ang mga di maka dikit
Umiinom ng tubig upang hindi masamid
Tila galing sa bukas bakit
Sobrang ahead
Daanin man sa kung ano ang suot mong damit
Sinusungkit
Respeto na inuumit

Gloc-9 feat. G-Clown - Bara Bara (Official Lyric Video)


Gloc-9 feat. G-Clown - Bara Bara (Official Lyric Video)

Universal Records Philippines

CLR ft. Gloc-9 - PS Lyrics

Bihasa sa bakbakan to gamit lang ay ang
Aking pasensya't katuwang nito'y pagpupursige
‘Pang aking makamtang ang goodies na nakalaan
Para sakin

PS yung para sakin
PS yung para sakin
PS yung para sakin
PS yung para sakin, uh

Tuloy ang atake
Bagong taon nanaman lalong gagalingan
Tuloy ang abante
Nasimulan ko na 'gang sa magkatapusan na
Kumpara mo dati la-
Ging nasa mood pag sa gera laging talunan
Ngayon na nag aabang ng aking panalo kahit pa puyatan, get it?

Sa tuwing lumalalim na nga ang gabi
Aking Ongchingco lang ang katabi
Paranatag at di nagmamadali
Mawalan man ako ng salapi
Mananatili sya sa aking tabi
Mga palad lamang ang sya nangangati
Tiyak ang wagi
Kinabukasan ay tiyak ang wagi

Sa mga humiling sa karera ko na humimlay
Nakatayo pa rin ako sa inyo at kumakaway
At (flex flex flex) dahil ako'y
(Blessed blessed blessed)


P.s. skirt! kukunin ko ang para sakin
Akin na yung para sakin, akin na
Walang b.s. skirt! kukunin ko ang para sakin
Akin na yung para sakin, akin na

Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)

Kulang kung walang kasamang kilos ang yabang
Hindi lamang sa suntukan ang tapang
'Koy halos mag ka kuba kuba
Bawas lang sa salita alam ko ang para sakin

Di na natin na kailangan pang simulan pa sa bilangan
Alam mo ang iyong nagawa anong napala sa tinungtungan

Laging tanong ay kung ano ba ang syang tunay mong nararamdaman
Teka masaya ka pa ba sige lang kaya ko pa ee eey!

Laos na yang gloc di na yan makakatatak
Sa mga bago na track kita mo sa show ay wala nang pumapalakpak
Di na nakakasabay pag may bagong nag lagay
Mga walang kapantay nakalimutan nyo na ba nung tumalon ako sa bangin ay patay kung patay (patay kung patay)

Ikaw at walang iba
Ang may hawak ng biyahe mo
Simulan mo lamang alam naman natin ang dulo

Ano man ang itaya sa kadiliman kumapa
Kahit meron man o wala palaging may mapapala
Kasi alam mo na walang iba kundi ikaw ang nakakita ng hanap nila kaya di bumitaw
Inalagaan ng mabuti simula ng yong mahuli hindi bale nang malugi
Nasayo naman ang susi na iniingat ingatan nang magamit
Mo sa laban lahat ay para sayo

P.s. skirt! kukunin ko ang para sakin
Akin na yung para sakin, akin na
Walang b.s. skirt! kukunin ko ang para sakin
Akin na yung para sakin, akin na

Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (Ang gusto ko ngayon na)

CLR ft. Gloc-9 - PS (Official Music Video)


CLR feat. Gloc-9 - PS (Official Music Video)

Gloc-9 - Kamusta Ka Na Lyrics

Kumusta ka na
Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin
Tanda ko pa
Oh Kumusta ka na
Kay tagal na
Ikaw pa rin ba yung katulad noon
Kamusta ka na

Kumusta kay tagal nating hindi nag kita
Parang alasais ng gabi anong balita
Sumasakit ang tuhod kaya mo pa bang sumipa
Baga na bakal pero nagkaroon din ng hika
Naaalala mo pa ba noong nananaginip ka
Ng gising humiling sa tuwing mag isa
Magaling magaling yan ang sabi nila
Bituwing maningning ay mabibilang ka
Pero pano batang probinsyano
Di naman ako pinanganak na areglado
Pero tinaguyod kami kahit na papano
Ni nanay at tatay na ginawang bus ang eroplano
Hanggang sa pinili ko ang rap ng walang pag papanggap
Hindi galing tate ang cap kaya di ako matanggap
Parang trabaho na inaplyan naglalakad sa Morayta pare hiphop ba yan

Ang gusto kong maging aking binantayan
Kahit natutulog ay inasinta ko yan
Mga sinilungan at mga natambayan
Kung meron mang nalampasan ay ating balikan

Kumusta ka na
Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin
Tanda ko pa
Oh kumusta ka na
Kay tagal na
Ikaw pa rin ba yung katulad noon
Kamusta ka na


Hiram na sapatos at damit maluwag o masikip
Ang madalas na bago lamang sa akin ay gupit
Paulit ulit sige tawagin mo kong makulit
Kahit na sungitan ay nananatiling mabait
At magalang sa kausap opo sige ok lang
Kahit ang kapeng pinapainom sakin matabang
Tula na isinulat matagal na pinag handaan
Ako na po ba kaso lang minamaya maya ka lang
Dagdagan ang diskarte kasi kasi kulang ang pamasahe
Talagang malas kasi nakatapak pa ng tae
Kung Kapos ang yong baong pera pati pantalon
Limang daan lang ang kinita mo sa show ayos lang yun
Tapos swelas ay nganga galingan mo kulang pa
Mas sikat sila at magaling marami pang iba
Di nagpatinag kahit ano man ang sabihin nila
Ang nasa bulsa ay ako lang ang may dala dala

Gusto kong maging binantayan
Kahit natutulog ay inasinta ko yan
Mga sinilungan at mga natambayan
Kung meron mang nalampasan ay ating balikan

Kumusta ka na
Miss na kita
Lahat ng mga napagdaanan natin
Tanda ko pa
Oh kumusta ka na
Kay tagal na
Ikaw parin ba yung katulad noon
Kamusta ka na

Kumusta ka na miss na kita
Ako nga pala si Gloc naaalala mo pa ba
Ang lahat ng mga napagdaanan natin noon
Mula dekada nobenta hanggang umabot ngayon
Dos mil bente tres bumagal ang mabiles
Kahit pa yabangan mo ako'y di na maiines

Di na sumasali sa debate wala nang interes
Sa usapan na kung sino ang the best

Gloc-9 - Kamusta Ka Na (Official Lyric Video)


Gloc-9 - Kamusta Ka Na (Official Lyric Video)

Universal Records Philippines

Gloc-9 ft. Ramdiss & Lirah - Kwentong Barbero Lyrics

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...

Dumaan ako sa barber sa may kanto para magpagulit kasi meron akong date
Binilisan kong maligo hindi ito biro sumabit na agad sa jeep para hindi ako malate
May dala pako na di mo masabi may mga babaeng gusto nila palagi may bigay ka
Pag ikaw naman ang may kailangan madalang malaman hanggang mamatay ka mag hintay ka
Binilisang dumating sa pinag usapan naming sa may crossing sa tapat ng shangrila
Hindi ako maka tingin kasi medyo madilim nakatayo sa malayo may anino pa
Tapos dahan dahan na lumapit mahigpit na kumapit saan daw kami pupunta
Teka bakit may ganon pa ako lamang ata ang talo kung may pusta

Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram
Hindi mo pahahalagahan ang mga bagay na nakuha mo lamang ng ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti mas masarap ang lasa ng pangarap kung itoy hati hati

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...
Di ka nagkamali
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...


Paulit ulit ako na babalik dahil nakakapanabik na madinig ang kwentong isinalin mo sa musika
Simula palang nung una ay alam ko na gusto kona din gawin ang mga nadidinig sayo
Nakapikit nakangiti habang nakikinig ako kinikilig patong nabibilib sayo
Nasa silid na madilim nag iisa nababato habang kinakabisa ko ang mga bagong kanta mo
Nasa harap ng salamin nakatayo pinapakalma ko ang balahibo kong tumatayo
Sa kilabot, hindi naman nakakatakot
Pero ako'y binabalot ng pag kahumaling
Lalo kapag lumalim ang salitang sinasalin
Mo sa papel at pasaring mga dala mong pasanin
Parang laging para sakin
Pag ikaw ang nag hahain
Lagi akong kumain
Kahit gutom sa pagkain
Busog nako pangarapin
Balang araw ay palaring
Magtagpo ang daan natin

Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero isang payo ang pinahiram
Dahil pagkatapos ng lahat to ay makakalimutan din naman nila tayong lahat
Hindi ako papayag na digang barbero lang yung sakin pag sara mo ng aklat
Makikitang pamagat ay alamat

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...

Mga di mo akalain pwede palang pangarapin
At syang mapapasa amin wag mo nang hanapin
Kasi sayo manggagaling kung meron man o wala rin
Lagi mo lang tandaan ang paraan ay ganto lang
Kung alam mo kung paano ilang beses ka mang kapkapan
O hakbangan ay huwag ka dyan basta basta mag patalo

Masyado ng maraming
Inindang sakit
Para maispan ko pa na ipagpalit
Ang mga hangarin na pilit pinag kait
Pero patuloy ko parin na inilalapit
Ang aking sarili
Kahit na minsan ayaw ng manatili
Akoy kinakalabit mga tulang dekalibre
Bago ka maging kambing kailangan muna maging bwitre
Sa pag kakaton dapat kagat ay mala tigre

Dahil ang buhay ay para ka lang nag punta sa barbero at nagpagupit
Mga masamang nangyariy kalimutan at di mo na babalikan pa ulit
Talupan ang naka dikit
Nasabi ko na to sayo kaya naman dapat alam mo na
Ito ba'y kataka taka bang mga
Bagay bakit kasi nga ay nagagawa na ito ng iba

Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero
Isang payo ang pinahiram
Hindi mo pahahalagahan
Ang mga bagay
Na nakuha mo lamang ng
Ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti
Mas masarap ang lasa ng pangarap kung itoy hati hati...

Anong gusto mong gupit
Yun bang uso't malupit
Anong gusto mong gupit
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...
Di ka nagkamali
Di ka nagkamali
Di ka nagkamali
Sa pinuntahan ulit...