Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Nasser - Tamang Panahon Lyrics

Akala ko nung una laro lang ang lahat
Nag-aabang sa sulok pinagmamasdan lang kita
Pati na ang barkada usap-usapan ka
Lahat nahuhumaling pansin ang ‘yong ganda

Pero bakit ngayon hindi na ganon may iba kong nadama
Sa iyong ngiti nakatingin nabighaning damdamin

Oh ikaw na nga
Ikaw na nga walang iba
Tanging hangad
Hangad ay makasama ka
Ang buhay ko’y
Iaalay lamang sayo
Dahil ngayon
Ang tamang panahon

Mga araw ay lumipas nakilala kang wagas
Puso mo’y busilak tulad ng mga bulaklak
Ligaya at payapa tagos sa’yong mata
Nasambit sa’king sarili ikaw na nga talaga

Pero bakit ganon nagulat ako sa ginawa mo sa akin
Nang sinabi mo pangalan ko sa Diyos ay hiniling

Oh ikaw na nga
Ikaw na nga walang iba
Tanging hangad
Hangad ay makasama ka
Ang buhay ko’y
Iaalay lamang sayo
Dahil ngayon
Ang tamang panahon

Napaniwala mo ang puso ko
Na may pag-ibig pang naghihintay
Sa taong naghahangad
Ng tamang oras sa pag-ibig na
Walang hanggan

Oh ikaw na nga
Ikaw na nga walang iba
Tanging hangad
Hangad ay makasama ka
Ang buhay ko’y
Iaalay lamang sayo
Dahil ngayon

Oh mahal kita, mahal kita walang iba
Aking sinta, sintang hiling sa Maykapal
Ang buhay ko’y iaalay lamang sayo
Dahil ngayon ang tamang panahon
Ang tamang panahon
Ang tamang panahon
Ang tamang panahon

Nasser - Tamang Panahon (Official Music Video)


Official music video of Nasser's latest single "Tamang Panahon" from his debut album "Right Time."

CurveEnt

Pio Balbuena, Gloc-9 - Tamang Panahon Lyrics

Matagal kong inantay ang pagkakataon na to
Ang makasama ang makata sa isang kanta ko
Kailangan taliman na parang sumusulat sa bato
Eto ang isa sa lahat ng pangarap na dala ko
Pinagdaanang hirap halata nyo sa mata ko
Pinagpaguran lahat kahit na walang matamo
Ang industriya ay gubat pag namulat ka na bro
Ako ay naging mananabas sa masukal na damo
Nung narinig ko yung kanta mo grabe ang galing
Sabay sabi sa sarili yan ang gusto kong gawin
Balang araw sa entablado makakakanta rin
Hindi pala ganon kadali kapag meron kang hiling
Hindi nakapagkolehiyo walang pang matrikula
Pero inaral ang diploma mo’t mga tinula
Hindi ko kakalimutan kung saan ako nagsimula
Saan man makarating lahat ng to laging panimula

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Sa kada alis ko ay laging alisto
Sa byahe ng pangarap nakikinig kay Pollisco
Habang naglalakad ang baon ko sampung piso
Pero hindi huminto at ang lahat tiniis ko
Sarado ang pinto sa bintana dadaan
Oh kahit saan pa yan gagawan ng paraan
Maraming pwedeng mangyari basta mag-abang ka lang
Pero wag puro abang pare kilusan mo naman
Isipin mo ay darating ang tamang panahon
Kahit mahulog ay kayanin mong gumapang paahon
Kung akala ng iba ang buhay mo ay patapon
Gelatin mo silang lahat pag lumabas ka sa kahon
Ngayon naniniwala na kong lahat ay possible
Pero alam ko rin na hindi to ganon kasimple
Kung gusto mo talaga pagsikapan mo maige
Pag ang panahon tumama hawakan mo ng mabuti

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Di ako karapat dapat pero maraming salamat
Palaging nakahanda na walisin ang mga kalat
Ipunin ang piraso dikitan ang mga lamat
Nakalista na atraso kulay itim parang balat sa puwet
Dikit inggit nagmamaliit
Mawalang galang na teka lang sino ka nga ulet
Nangungulit don sa likod nangangalabit
Sumunod sa paying laging magpapakabait
Alisto derecho lagi di palihisto
Pangalawang pangalan aking pinarehistro
Sabi ng bago sa lumang trabaho panis to
Bagsakan ng apilyido ko na Pollisco
Minsa’y naatasan ako’y na abutan ng martilyo at pako
Tinibayan ang mga daan na kapag tinapaka’y kanilang matatandaan
Sa huli lahat tayo’y palaging mapapalitan

Wag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Pio Balbuena, Gloc-9 - Tamang Panahon (Official Lyric Video)


Music Producer: Pio Balbuena
Mixed and mastered by Jim Poblete (@producedbyjimp)
Lyric Video: Wonderlast Films

Flick One - Tamang Panahon (Official Music Video)


Directed by: Allstar Al
Production Asst. Ace Regas

Featuring: Hannah Mae Rivera
Beats by Prowel

Shout-outs to
Allstar Productions | Militia Music Exclusive | 420 Soldierz | Musikalye
Prime Wear | 3gs | Fatal Sign | Still One Clothing