Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Derrick Monasterio - Reyna Lyrics

Araw gabi ikaw ang aking naiisip
Kahit na sandal ay di nawawaglit
Naron ka rin maging sa aking panaginip
Tanging pangalan mo ang syang sinasambit

Pwede kayang buksan mo ang pinto ng puso
Nang maipadala ang aking pagsuyo
At sa iyo ito’y aking ipapangako
Dito sa piling ko’y di ka mabibigo

Ikaw ang syang reyna wala na ngang iba
Sa aking palasyo ay sasamnbahin kita
Sa bawat sandali ay iibigin ka
Sa lungkot at saya ako’y laging kasama
Ikaw lamang sinta

Pakaiibigin, pakamamahalin
At bubusugin ka ng paglalambing
Pasakitan ka’y hindi ko gagawin

Julie Anne San Jose - Naririnig Mo Ba Lyrics

Parang kailan lang
Ay labis na akong nasaktan
Pinilit makalimutan ang nakaraan
At maghilom ang pusong sugatan

Nang ika'y dumating
Paglipas ng araw ay kasabay ng hangin

Naglalaro sa isip susubukan na lang
Ang sarili na muling magmahal

Ang tanging hiling
Ay iyong mapansin
Nitong pagtingin at damdamin
Sana'y tanggapin
Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso
Naririnig mo ba?

Hayaan na bigyan
Ng kulay ang bawat patlang
At sa pagguhit ng tadhana
'Di alam san mapupunta

Naglalaro sa isip susubukan na lang
Ang sarili na muling magmahal

Ang tanging hiling
Ay iyong mapansin
Nitong pagtingin at damdamin
Sana'y tanggapin
Hinahanap-hanap ang aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso
Naririnig mo ba?

Ang tanging hiling
Ay iyong mapansin
Nitong pagtingin at damdamin
Sana'y tanggapin

Hinahanap-hanap ang aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat
Pwede bang ikaw na lang ang papawi sa mga luha
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso
Naririnig mo ba?

Mikey Bustos - Letting Go Lyrics

Can I forgive you?

Days gone by
Reliving the battles I fought last
Time passes by
In my mind
Like the storms that travelled from distance skies
And the knife that I brandished for years
To bring you anguish and to bring you tears
By way of the voodoo doll on my wall
To make you feel all I felt from my fall

It no longer brings me pleasure
As much as it used to do
I’ve realized it was just a war with an idea
And nothing to do with you

I’m letting go
No more blame
Baby, I’ll be washing blood from your name
I have learned forgiving one, don’t mean that they’ve won
And doesn’t mean I condone what they’ve done
The past, is no longer holds me captive, I’m stronger
I’m reclaiming my power to recover
Ant the burn has subsided, memories of your smile
Have taken over the dark in my heart

I’ve been silly to play the game
Waiting in vain
For me to be satisfied
It was just a war with an idea
And something I fought inside

I’m letting go… Letting go… I’m letting go
Ill set you free ‘cause now I see
All this time gave you power over me
I’m so sorry, it took so long
Just to move on and finally get back to me
And so here I stand
Come take my hand
I’m ready to love you again
By letting go

I’m letting go…
Ohhhhh…..

BLKD - May Pag-asa Lyrics

Madalas ka bang nag-aalangan
Kung maalwang buhay ay makakamtan
Kung magandang bukas ay madaratnan
Kung makatarungang kaunlaran
Ay mararanasan pa ng mga tulad mo
Karaniwang tao
Mga kayod-kabayo, wala mang trabaho,
Mga tila pinagkaitan ng pagbabago
‘Ka mo, ginawa’t ginagawa nyo ang lahat
Buto’t bala’t banat ‘di pa rin makasapat
Pa’no aangat, ultimo pangkain ay salat
Wala nang mapasukan hahamakin pang tamad
Pwes dapat maunawaan mo
Hindi lang ikaw ang nagkakagan’to
Krisis – sa buong bayan nakadagan
Kayang wakasan basta’t laging tandaan

*
May! Pag! A! Sa!
May! Pag! A! Sa!

May mga problemang
Partikular sa bawa’t isa sa atin
Pero may mga problemang
Panlipunan, pasan-pasan nating
Lahat | Kaya’t dapat maunawaan
Pagbabagong pansarili lang ay may hangganan
Kaya’t magsikap man, hangga’t pareho lang
Ang sistema, pag-angat ay kulang-kulang
Makatwiran lang na magtulungan
Upang mga hakbang ay gumaan
Nasa pagkakaisa ating kapangyarihan
Kabayanihan ating pagbabayanihan
Kaya’t tandaan ang kapalaran mo
Nakaugnay sa mga kababayan mo
Krisis – sa buong bayan nakadagan
Kayang wakasan basta’t laging tandaan

Repeat *

MAY makabuluhang
PAGbabagong
Aanihin basta’t
SAma-sama

BLKD - Taksil Lyrics

Nandyan lang sila, kabi-kabila
Mga kaakbay mo sa kanan at kaliwa
Kaanak, kaibigang pinagkakatiwalaan
Kalimita’y mga hindi mo paghihinalaang
Gagawan ka ng anumang mali [Mali]
Hanggang sa saktong sandali [Dali]
Ng paghapdi ng sariwang sugat sa’yong likuran
Saksakan ng tanga na lang ang maituturan
Sa sarili, sapagka’t nawili
Sa panlilinlang nilang mga makasarili
Matutong kumilala, bago mamihasa
Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala

*
[Taksil] Nandyan lang sila, kabi-kabila
[Taksil] Nandyan lang sila, nagkakaila
[Taksil] Nandyan lang sila, saksak ka bigla
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi
[Taksil] Nandyan lang sila, kabi-kabila
[Taksil] Nandyan lang sila, nagkakaila
[Taksil] Nandyan lang sila, saksak ka bigla
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi

Yung iba simula’t sapul handa nang manakit
Pakikisama sa’yo’y baitang lang sa pagkakamit
Ng ganansyang para lamang sa kanilang kapakanan
Kaya sa tamang tyempo, tatapakan ka na lang
Yung iba naman ay matagal mo nang kasa-kasama
Akala mo ang katapatan ay nakapanata
Yun pala sa tamang pakinabang at pagkakataon
Pinagsamahan nyo ay kayang-kayang ibaon
Sa limot | Ika’y mapapaikot
Agad-agad tarak ng panaksak sa pagtalikod
Matutong kumilala, bago mamihasa
Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala

Repeat *

Ito’y babala lang namang marapat na pakatandaan
Pagsasamahan ay magaan kumpara sa bigat ng budhing kawatan
Kaya’t hwag mangmang, magmanman, matutong kumilala
Walang masamang magduda lalo’t may punto ang hinala
Kaya kahit na ating hangad ay pagkakaisa
Laging dapat mapagbantay sa pagkakaiba
Aral ng kasaysayan, bunga ay peligro
Ng pagpapabaya sa mga Hudas at Emilio
Mag-imbestiga, mangahas magtakwil
Bago pa maunahan ng mga taksil
Hwag mabulag sa tiwala at pagtanggi
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi

BLKD | Lanseta | MC Sacay - Sugod Lyrics

Daan-daang taon
Sa pagkabusabos tayo’y nakabaon
Mula no’ng panahon
Ng mga banyagang mananakop magpahanggang sa ngayon
Nagbabago lang ang kulay ng kahon
Tayo’y nakakulong, dukha, at gutom
Hangga’t nakaangat mga buwayang nakabarong
Pag-unlad ay paurong o gumagapang paahon
Masdan, manipulado ang kaayusan
Para magsilbi sa naghaharing iilan
Pinagkakaitan tayo ng kaunlaran
Pagka’t puhunan nila ang ating karukhaan
Sa kanila tayo’y mga pyesa lamang
Ng makinang tagalikha ng
Kanilang yamang labis-labis
Makinang langis ay ating pawis
Sinong mayayaman? [Sila-sila lang!]
Sinong namumuno? [Sila-sila rin!]
Tayo’y naghahati sa tira-tira lang
Habang yaman ng bayan ang kanilang piging
Sinong namumuno? [Sila-sila lang!]
Sinong yumayaman? [Sila-sila rin!]
Tayo’y binuburo sa panlilinlang
Sagabal sa pagsulong dapat gibain

Walang kapaguran
Tayo ang babago sa sumpang kaayusan
Papandayin ang mga patakaran
Upang pantayin ang mga kalakaran
Walang pagmamalabis sa ating paghakbang
Panawagan lamang ay mga karapatan
At kaunlarang makatarungan
Dama sa kalunsuran at kanayunan
Matagal na tayong nakikiusap
Mga bingi-bingihan dapat nang itulak
May hangganan ang lakas ng batikos
Dapat may sama-samang pagkilos
Demokrasya ay isabuhay
Maka-nakararami ang diwang tunay
Hindi ibabalik ng mga gahaman
Atin nang bawiin ang kapangyarihan
Ito’y digma laban sa kagutuman at kahirapan
Ito’y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan
Ito’y digma laban sa pambababoy sa pamahalaan
Ito’y digma laban sa pagsasamantala sa sambayanan

Inalay man ang buhay
Mananatili ka sa aming puso
Ala-alang patunay
Ang sumugod at lumaban ay patuloy mag-aalab ang sulo

Mga kapatid, sugod! [Sugod!] (x16)

BLKD - Para San Ang Tapang Mo? Lyrics

Sadlak sa matinding kahirapan
Laki sa gutom, pagod, alinlangan
Kabataang sawa na sa buhay-alipin
Namanatang ubos-lakas na aanihin ang ginhawa
Kaya’t nag-umpisa
Sa bayan at kapaligiran ay nag-obserba
Nagbasa, nag-usisa, ‘gang mapag-alamang
Ang kasaganahan raw ay para lang sa palaban
Kaya’t para sindihan ang paninindigan
Umanib sa kaisang-isip na kapatiran
Sumumpa ng alay-buhay na katapatan
Sa samahan umano ng matatapang
Walang sinayang na panahon
Inaral ang kalaban nagparami ng kampon
Nagsanay upang katawan ay mapalakas
Natutong humawak at gumamit ng armas
Sa wakas, dumating na ang gabi ng pagsalakay
Masusubok na ang bunga ng pagsasanay
Tanong mo sa sarili sa paglakad nyo,
“Para san ang tapang mo?”

*
Para sa kalayaan?
Para sa karangalan?
Para sa katarungan?
Para san ang tapang mo?
Para sa pangalan?
Para sa kayabangan?
Para sa kayamanan?
Para san ang tapang mo?

Bantay-salakay sa kuta ng kalaban
Ruta ay naharang, kalkulado ang galawan
Dumating nang lasing, inasinta
Agad-agad pinaulanan ng mga tingga
Sumunod at kulog ng sagupaan
Suntukan, paluan, saksakan, at tulakan
Sumbatan at murahan, habang nagpapatayan
Saka lang sumambulat na away kababawan lang pala ‘to
Mga lango sa pagbabato
Yabangan sa salitang binigkas sa kamao
Agawan ng buhay ng magkakakapit-bisig
Bunga lang ng hinala at masamang titig
[Pulis! Pulis!] Lahat nagsitakbuhan
Wala nang sumaklolo sa mga napuruhan
Tanong mo sa sarili sa pagpanaw mo,
“Para san ang tapang mo?”

Repeat *

BLKD - Gastador Lyrics

*
Mga maangmaangang
Gastador ng yaman ng kaban ng bayan
Mababangong pangalan, kagalang-galang
Sumisingaw ang sangsang [Mga kawatan!]

Repeat *

Ops, party na naman
Matapos mag-golf sa converted sakahan
Sakay ng bagong magarang sasakyan
Deretso sa resto mga kinatawang kawatan
Puro VIPng asal paimportante
Mga pulitiko, mga negosyante
Mga artista, mga heneral
Sosyalan ng mga sosyal na kriminal na kritikal
Kung karangyaa’y sakit
Balo’t ng designer burloloy, shoes, at damit
[Pakshet!] ‘Di mabilang sa salapi’t assets
Mula sa ‘di maipaliwanag na rakets
[Bastos!] Sa garang mga mansyon
Dambuhalaking lupain sa nayon
Madalas at magastos na bakasyon
Pa’no naa-afford? Walang bakas yon

**
Lahat ng yan ay sa kabila ng
Laganap at lumalalang kahirapan
Kaya mga gastador, hwag nang magtaka
Letchon na kayo, bukas-makalawa
Bukas-makalawa
Letchon na kayo bukas-makalawa
Mga gastador, hwag nang magtaka
Letchon na kayo bukas-makalawa

Kayo’y naluklok sa inyo-inyong pwesto
Dahil ang taumbayan ay naimpress nyo
Pero matapos ipangako ang best nyo
Presto, nagbago ang letrahan ng kwento
Pera at pangalan ginawang puhunan
Para sa kapangyarihang masuhulan
Mga makamasa raw kung manilbihan
Matapos maupo, hindi na nanindigan
Akala nyo kung sinong tapat kung pumutak
Mabilis pa sa kisapmata kung kumurap
Kaya pala serbisyo ay abot-kamay
Kasi mga tanggapan ay tanggapan ng lagay
Bawimbawi ang gastos para manalo
Malakas pa ang kickback sa nagulat na kabayo
At kung may katulad ko mang aangal
Madali lang maghugas-kamay na bakal

Repeat **

[Mga baboy!]

BKLD - Bente Lyrics

Si Berto ay kabataang kasama
Lumaking katu-katulong ng amang magsasaka
Sa pagpapabunga ng lupang ‘di kanila
Sa laki ng upa halos wala nang matira sa kita
Kaya matapos ang pangatlong bagyo
Matapos mamatay kanyang amang byudo
Pagka’t panginoo’y walang sinasanto
Sa pagbubuwis, sya’y lumayas
Sya’y nagpasyang lumikas sa Maynila
Pag-aangat ng kabuhayan ang adhika
Handang makipagsapalaran sa syudad
Kung san umano mas may oportunidad
Kaya’t isang tahimik na gabi ng Disyembre
Baon ay isang kabang bigas at bente
Sya’y nag-jeep, handa nang maglaboy
Dinukot nya ang bente, ibinayad kay Bhoy

Si Bhoy ay tsuper ng jeep
Nakikipasada lang kaya graveyard shift
Baon sa mataas na boundary at gasolina
Kapag walang mahiram na jeep wala syang kita
Kaya ngayong pagkagipit nya ay sumaklap
Pampakain pampaaral sa walong anak
Pambuhay sa pamilya, pangkotong sa parak
Kaysa raw magnakaw, sya’y bumatak
Sya’y namasada nang dalawang araw
Tuloy-tuloy, walang antok na dumalaw
Sinaid ang lakas ng katawan
Para lang masulit nahiram na sasakyan
Biglang umatake pagod nya sa byahe
Pagsakay ni Berto, agad umabante
Tinanggap ang bayad, paningin ay hazy
Tinitigan ang bente, isinukli kay Baby

Si Baby ay sales lady
High heels, low pay, 8 hours daily
Kontraktwal, kada anim na buwan
Mangangaso na naman ng mapapasukan
Ngayon kabuwanan na ng kanyang kontrata
At ng kanyang pagdadalang-bata
Wala pa namang katuwang na asawa
Kaya’t lumuluha syang pumara
Sya ay nagtapos ng IT
Pagkakaron ng akmang trabaho pala’y unlikely
Nabuntis nang wala sa plano
Kaya nagtiis sa ibang trabaho
Ngayon pauwi sa may eskinita
Sya’y naglalakad nang biglang hinila
Punyal sa leeg, bantang sasaksakin
Dinukot nya ang bente, isinuko kay Ben

Si Ben ay batang maralita
Tubong komunidad na takda nang magiba
Sa hirap ng buhay ‘di nakapag-aral
Sa murang edad sya ay nangalakal
Ngunit nang magkasakit batang kapatid
Ultimo pangkain ay ‘di na maitawid
Hindi patas ang buhay, kanyang nabatid
Kaya’t sa patalim, sya’y kumapit
Sya ay nangholdap gabi-gabi
Mabilis ang pera at malaki-laki
Isinusugal ang buhay at kalayaan
Para lang sa kapatid na inaalagaan
Pagkakuha nya sa buntis ng bente
Sya’y tumakbo deretso sa palengke
Bumili ng bigas, humingi ng diskwento
Dinukot nya ang bente, ibinayad kay Berto