Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

BLKD - Gastador Lyrics

*
Mga maangmaangang
Gastador ng yaman ng kaban ng bayan
Mababangong pangalan, kagalang-galang
Sumisingaw ang sangsang [Mga kawatan!]

Repeat *

Ops, party na naman
Matapos mag-golf sa converted sakahan
Sakay ng bagong magarang sasakyan
Deretso sa resto mga kinatawang kawatan
Puro VIPng asal paimportante
Mga pulitiko, mga negosyante
Mga artista, mga heneral
Sosyalan ng mga sosyal na kriminal na kritikal
Kung karangyaa’y sakit
Balo’t ng designer burloloy, shoes, at damit
[Pakshet!] ‘Di mabilang sa salapi’t assets
Mula sa ‘di maipaliwanag na rakets
[Bastos!] Sa garang mga mansyon
Dambuhalaking lupain sa nayon
Madalas at magastos na bakasyon
Pa’no naa-afford? Walang bakas yon

**
Lahat ng yan ay sa kabila ng
Laganap at lumalalang kahirapan
Kaya mga gastador, hwag nang magtaka
Letchon na kayo, bukas-makalawa
Bukas-makalawa
Letchon na kayo bukas-makalawa
Mga gastador, hwag nang magtaka
Letchon na kayo bukas-makalawa

Kayo’y naluklok sa inyo-inyong pwesto
Dahil ang taumbayan ay naimpress nyo
Pero matapos ipangako ang best nyo
Presto, nagbago ang letrahan ng kwento
Pera at pangalan ginawang puhunan
Para sa kapangyarihang masuhulan
Mga makamasa raw kung manilbihan
Matapos maupo, hindi na nanindigan
Akala nyo kung sinong tapat kung pumutak
Mabilis pa sa kisapmata kung kumurap
Kaya pala serbisyo ay abot-kamay
Kasi mga tanggapan ay tanggapan ng lagay
Bawimbawi ang gastos para manalo
Malakas pa ang kickback sa nagulat na kabayo
At kung may katulad ko mang aangal
Madali lang maghugas-kamay na bakal

Repeat **

[Mga baboy!]

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment