Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jeric Gonzales - Taksil (Official Music Video)


TAKSIL
Performed by Jeric Gonzales
Written by Glen Mapue
GMA Music Publishing
Arranged by Jun Tamayo
Additional vocals by Gala Angeni Sanchez
Produced by Kedy Sanchez & Reiman Gesmundo

Jeric Gonzales - Taksil Lyrics

marami ang nagsabi
na niloloko mo lang
ako, totoo ba yan?
'di ako makapaniwala
sa nalaman kong balita

marami ang nagsabi
na may kasama kang iba
masaya ang eksena
habang ako'y nag-iisa
maligaya ka sa kanya
ano bang problema mo?
pagdurusa lang ang binigay mo

'di na sana naniwala sa'yo, sa'yo
mga yakap at halik 'di pala totoo
unti-unti akong pinapatay
naloko nang wala akong malay

ako'y sunod sunuran
nagmukha na akong tanga
'di mo ba ito puna?
pero 'di na 'to mauulit
bulag ako pero 'di ako manhid
ano bang problema mo?
pagdurusa lang ang binigay mo

'di na sana naniwala sa'yo, sa'yo
mga yakap at halik 'di pala totoo
unti-unti akong pinapatay
naloko nang wala akong malay

'di ko na kayang magtiis
nasaktan mo na ako ng labis

'di na sana naniwala sa'yo, sa'yo
mga yakap at halik 'di pala totoo

'di na sana naniwala sa'yo, sa'yo
mga yakap at halik 'di pala totoo
unti-unti akong pinapatay
naloko nang wala akong malay

doo roo doo, doo doo doo...
doo roo roo roo roo...

Katrina Velarde - Taksil Lyrics

Binulag-bulag mo ako
Pinaikot mo
Naniwala naman sa’yo
Sa mga pangako na parang bula
Dahil ako’y iniwan mo
Ngunit anong magagawa
Ng puso kong nababaliw sa’yo
Isa palang taksil ang tulad mo

Nag-iisa ako dahil iniwan mo
Iniwan mong bigo ang puso ko
Napaniwala sa mga pangako
Na pag-ibig mo’y sadyang ‘di magbabago
Ako’y ‘di nagtira dahil ikaw ang siyang
Lahat sa buhay ko
Balewala pala sa’yo itong pag-ibig ko

Akala ko’y ikaw sa habang buhay ang
Palagi ay makakapiling ko
Ngunit hindi pala, niloko mo ako
Nagkunwaring ikaw sa’ki’y totoo
‘Di pa ba sapat ang pag-ibig na alay ko sa’yo
Ginawa mo lang tanga ang puso ko

Binulag-bulag mo ako
Pinaikot mo
Naniwala naman sa’yo
Sa mga pangako na parang bula
Dahil ako’y iniwan mo
Ngunit anong magagawa
Ng puso kong nababaliw sa’yo
Isa palang taksil ang tulad mo

Akala ko’y ikaw sa habang buhay ang
Palagi ay makakapiling ko
Ngunit hindi pala, niloko mo ako
Nagkunwaring ikaw sa’ki’y totoo
‘Di pa ba sapat ang pag-ibig na alay ko sa’yo
Ginawa mo lang tanga ang puso ko

Binulag-bulag mo ako
Pinaikot mo
Naniwala naman sa’yo
Sa mga pangako na parang bula
Dahil ako’y iniwan mo
Ngunit anong magagawa
Ng puso kong nababaliw sa’yo
Isa palang taksil ang tulad mo

Binulag-bulag mo ako
Pinaikot mo
Naniwala naman sa’yo
Sa mga pangako na parang bula
Dahil ako’y iniwan mo
Ngunit anong magagawa
Ng puso kong nababaliw sa’yo
Isa palang taksil ang tulad mo

BLKD - Taksil Lyrics

Nandyan lang sila, kabi-kabila
Mga kaakbay mo sa kanan at kaliwa
Kaanak, kaibigang pinagkakatiwalaan
Kalimita’y mga hindi mo paghihinalaang
Gagawan ka ng anumang mali [Mali]
Hanggang sa saktong sandali [Dali]
Ng paghapdi ng sariwang sugat sa’yong likuran
Saksakan ng tanga na lang ang maituturan
Sa sarili, sapagka’t nawili
Sa panlilinlang nilang mga makasarili
Matutong kumilala, bago mamihasa
Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala

*
[Taksil] Nandyan lang sila, kabi-kabila
[Taksil] Nandyan lang sila, nagkakaila
[Taksil] Nandyan lang sila, saksak ka bigla
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi
[Taksil] Nandyan lang sila, kabi-kabila
[Taksil] Nandyan lang sila, nagkakaila
[Taksil] Nandyan lang sila, saksak ka bigla
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi

Yung iba simula’t sapul handa nang manakit
Pakikisama sa’yo’y baitang lang sa pagkakamit
Ng ganansyang para lamang sa kanilang kapakanan
Kaya sa tamang tyempo, tatapakan ka na lang
Yung iba naman ay matagal mo nang kasa-kasama
Akala mo ang katapatan ay nakapanata
Yun pala sa tamang pakinabang at pagkakataon
Pinagsamahan nyo ay kayang-kayang ibaon
Sa limot | Ika’y mapapaikot
Agad-agad tarak ng panaksak sa pagtalikod
Matutong kumilala, bago mamihasa
Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala

Repeat *

Ito’y babala lang namang marapat na pakatandaan
Pagsasamahan ay magaan kumpara sa bigat ng budhing kawatan
Kaya’t hwag mangmang, magmanman, matutong kumilala
Walang masamang magduda lalo’t may punto ang hinala
Kaya kahit na ating hangad ay pagkakaisa
Laging dapat mapagbantay sa pagkakaiba
Aral ng kasaysayan, bunga ay peligro
Ng pagpapabaya sa mga Hudas at Emilio
Mag-imbestiga, mangahas magtakwil
Bago pa maunahan ng mga taksil
Hwag mabulag sa tiwala at pagtanggi
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi