Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ILL KAMP Cartel. - Hindi Siya Kawalan (Official Music Video)


Official music video of "Hindi Siya Kawalan".
Another fun and upbeat hip-hop track from ILL KAMP Cartel.

Composed by by Tristian Jay Morales (Trist Cudi), John Jeric Uy (Double Zero), Jaymar Lloyd Pitong (Jcrwn), Bret Michael Alarca (Dice)
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced Jeuel Param (JPM Beats)
Arranged by Jaymar Lloyd Pitong
Recorded by ILL Kamp Cartel
Mixed and mastered by Jaymar Pitong at RYLTY MUSIC PRODUCTION

MUSIC VIDEO CREDITS:
Director - Ryan Evangelista
Associate producer - Dianne Asuelo
DOP - Anthon Tarnate
Camera Op - Mark Ginolos
Gaffer - Arsernio Ego-ogan
Production Coordinator - Rob Mangale
Hair and Make up - Joanna Victoria
Stylist - Regine Aldaba

ILL KAMP Cartel - Hindi Siya Kawalan Lyrics

DOUBLEZERO:
‘Wag ka nang malungkot dyan, hindi siya kawalan
'Di mo dapat damdamin, madaming iba dyan
‘Wag kang mag-aakala na wala na ngang pag-asa
Tumingin-tingin ka dyan madami dyang dalaga

Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi ka kawalan

DICE:
‘Wag ka nang malungkot dyan
Kasi ‘di naman siya kawalan (‘di siya kawalan)
Lagi mong tatandaan
Na siya pa yung nawalan

Siya pa yung nawalan dahil sa ‘yo
Wala nang makikitang tulad mo
Na kayang ibigay ang sarili buong-buo

Na walang hinihinging kapalit kahit ano
Makikita mo rin yung tao na para sa iyo

So cheers tayo at ‘wag ka nang malumbay
Lalo na kung alam mong ‘di ka naman love na nung guy

Iniwan ka, o, eh ano
Sabihin mo lang “ok fine”
Ang mawala siya it’s all good, yun ang literal mo na goodbye

Bye bye for now
‘Coz I’m gonna lose you
You don't know what you've lost too
It’s your loss, not mine fool

Say hi to my next
I'mma prove you, that I’m gon' be good to say na “di ka kawalan sa ‘kin”

DOUBLEZERO:
‘Wag ka nang malungkot dyan, hindi siya kawalan
'Di mo dapat damdamin, madaming iba dyan
‘Wag kang mag-aakala na wala na ngang pag-asa
Tumingin-tingin ka dyan madami dyang dalaga

Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi ka kawalan

TRISTCUDI:
Matagal at ilang beses na kitang pinagsabihan
Pero sa sampung paalala ay ‘di mo ‘ko pinakinggan
Ano bang dapat gawin para ako'y paniwalaan
Na akala mo noon ang nobya mo'y sinisiraan
Halos masira ang ‘yong ulo
At ang puso ay nadurog alak lagi ang kasama at lumilipad na usok
Bakit ganto, bakit ganyan
Lagi ang katanungan ginawa mo naman lahat
Nauwi pa rin sa hiwalayan

Pinadama ko no’n para sa ‘yo ay ‘di pa rin sapat
Minahal kita pero ngayon huli na ang lahat
Wala na ang tibok ng puso nung una kang nagtapat
Pagdurusa mo ay hahayaan ‘di ka kawalan

DOUBLEZERO:
‘Wag ka nang malungkot dyan, hindi siya kawalan
'Di mo dapat damdamin, madaming iba dyan
‘Wag kang mag-aakala na wala na ngang pag-asa
Tumingin-tingin ka dyan madami dyang dalaga

Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi ka kawalan

JCRWN:
‘Wag kang malungkot dyan
Hindi siya kawalan
Hindi mo dapat damdamin, madaming iba dyan
Punasan mo ang luha sa iyong mga mata
Pigilan ang sarili maghabol sa kanya
‘Wag na ‘wag ikulong ang sarili sa nakaraan
Kung iniwan ka meron sa iyong nakalaan
‘Wag kang magmadali at ‘wag makipag-unahan
Darating din yung tamang tao maghintay ka lang

We goin' drinking tonight (Hey)
Tara mag-aliw (Hey)
Kwentuhan magdamagan hanggang tayo'y mabaliw (Hey)
Makakalimutan mo din ‘yan parang ex mo
Maniwala ka sa ‘kin meron pa dyang mas best, bro

‘Di mo dapat na isisi sa sarili mo
Lalo na kung ‘di ka na niya gusto (Hey)
Lagi mo lang na tatandaan laging sabihin na sa ‘yo'y
Hindi siya kawalan

DOUBLEZERO:
‘Wag ka nang malungkot dyan, hindi siya kawalan
'Di mo dapat damdamin, madaming iba dyan
‘Wag kang mag-aakala na wala na ngang pag-asa
Tumingin-tingin ka dyan madami dyang dalaga

Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hey, hey, hey (no, no, no ,no, no)

DOUBLEZERO:
‘Wag ka nang malungkot dyan, hindi siya kawalan
'Di mo dapat damdamin, madaming iba dyan
‘Wag kang mag-aakala na wala na ngang pag-asa
Tumingin-tingin ka dyan madami dyang dalaga

Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi siya kawalan (hey, hey, hey)
Hindi ka kawalan

ILL KAMP Cartel - Hindi Siya Kawalan (Official Audio)


The official audio of "Hindi Siya Kawalan" by ILL KAMP Cartel.

Composed by by Tristian Jay Morales (Trist Cudi), John Jeric Uy (Double Zero), Jaymar Lloyd Pitong (Jcrwn), Bret Michael Alarca (Dice)
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced Jeuel Param (JPM Beats)
Arranged by Jaymar Lloyd Pitong
Recorded by ILL Kamp Cartel
Mixed and mastered by Jaymar Pitong at RYLTY MUSIC PRODUCTION

ILL KAMP Cartel. - Muling Tagpo Lyrics

Kamusta ka na
Siguro naman ngayon ay medyo okay ka na
Pwede na ba ‘ko lumapit nang makausap ka na
Marami-rami tayong alaala na ibabalik na maayos na lahat ang
Pangit na nakaraan, masalimuot na araw sa ating naramdaman

Inaamin ko noon na ako ay nagkamali, pagkakataon ko na para itama ang mali
Ikaw naman kasi nung nakilala kita
Hindi mo mapakita sa ‘kin kung mahal ba talaga
Kahit hawakan ko ang ‘yong kamay lumalayo ka pa

Kahit yakapin kita parang diring-diri ka pa
Sino ba talaga ako sa buhay mo
Sabihin mo naman sa akin ang totoo
Kaya ko nagawa lahat ng kasalanan noon, dahil kulang na kulang ang pinakita mo

Aking pag-ibig sa ‘yo'y
Hindi basta mawawala hah…
Ang dati nang pangit na panahong nakaraan iiwanan
Sa ating muling tagpo

Hanggang ngayon
Ay hawak-hawak ko pa rin ang mga pangako na binitawan at sinabi mo sa akin
Kada araw na sasapit walang oras na lilipas na hindi ko dinasal at dinalangin

Kaya ngayon ika’y kamusta na
Gusto ko lang malaman mo ika’y mahalaga
Pa rin sa akin kahit na meron ka nang iba
Ay umaasa pa rin na merong pag-asa pa

Kung nakagawa man ng pagkakasala ay
Sana’y patawarin na’t limutin natin ang nakaraan
Hawakan mo aking kamay at muli na hagkan

Subalit pinagkait sa ‘tin ang pagkakataon
Na tayo ang magkatuluyan at magsama sa loob ng mahabang panahon

Aking pag-ibig sa ‘yo'y
Hindi basta mawawala hah…
Ang dati nang pangit na panahong nakaraan iiwanan
Sa ating muling tagpo


Ako’y maghihintay na lang
Sa ating muling pagtatagpo
Marahil ay pinilit na kalimutan ako
Dahil lang sa mga nakaraang pagtatampo

‘Di ko akalain na magkakaganito
Ang dating maayos na tayo

Kasi lagi na rin naman na tayo’y away-bati
Malimit na magtalo sinong tama o mali
Mga akala kong hindi mo na napapansin
At dedma lang ay ‘di rin maiwasang pag-awayan pang muli

Nating dalawa, sana’y pinag-usapan na lang
Para ‘di na lumala, at ‘di na umabot pa sa hiwalayan

‘Di sana magulo ang muli nating tagpo nang
Marinig mo naman na sa ‘yo ko lamang talaga
Sasabihin ang mga salitang ‘to
Kaya bago ka pa mag-isip ng mga bagong plano
Ang pangako’y sa ‘yo na ‘ko
Ikaw na lamang at ‘di na ‘yun magbabago

Aking pag-ibig sa ‘yo'y
Hindi basta mawawala hah…
Ang dati nang pangit na panahong nakaraan iiwanan
Sa ating muling tagpo

ILL KAMP Cartel. - Muling Tagpo (Official Lyric Video)


The official lyric video of 'Muling Tagpo' by ILL KAMP Cartel..

Composed by Tristian Jay Morales (Trist Cudi), John Jeric Uy (Double Zero), Jaymar
Lloyd Pitong (Jcrwn), Bret Michael Alarca (Dice)
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by ILL Kamp Cartel.
Arranged by Joel Vitor, Jaymar Pitong and Bret Michael Alarca
Mixed by Joel Vitor, Jaymar Pitong and Bret Michael Alarca
Recorded and mastered by Joel Vitor at Viva Recording Studios

other important credits:
Death Threat
Cavite Varsitarian
Filipinos Illest Lyricist
Jeuel Param