Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

ILL KAMP CARTEL ft. Jea B. - FebForTin Lyrics

Madalas ka na nagtatanong kung bakit wala
Ni minsan ka na natanggap kahit regalo man lang
‘Yan ay hindi hinihintay kusa na darating ‘yan
Kaya ‘wag kang mag-alala ang masasabi ko lang ay

Hindi na bale kung hindi ka piliin
Ng mga tao na nasa paligid mo
Sa iba mo muna ibaling ‘yang pag-ibig mo

Kung ‘di pa panahon
‘Di ‘wag mong pilitin
Makikita rin nila kung bakit ka kakaiba

Minsan ka lang makakakita ng diyamante sa loob ng kweba na puno ng ginto
At sa mga oras na ‘yon mararanasan mo na oras mo sa mga sandaling iyon huminto

Tila ba na nakakita ng multo, ‘di ka makagalaw
Nanginginig ang katawan, ika'y giniginaw
‘Di mabitaw-bitawan katagang nais na ibitaw
Nangyare ‘yan lahat nung makilala ko'y ikaw

‘Di ka naman bulag para hindi makita ang pag-ibig ko para sa ‘yo
Nandito lang naman ako kung sa’n ka pa nag hahanap
Nasa harap mo lang naman ‘yung hinahanap mo

Hindi ko ipipilit kung hindi pa ‘to ang tamang panahon at tadhana para sa ‘ting dalawa
Alam kong makikita mo din ang kahalagahan mo sa ‘kin 'di man sa ngayon baka bukas makalawa

CHORUS

Teka wait hold up baby
It’s never late I won’t be lazy
‘To’y ‘di mo inasahan so you better get ready
When the confetti drops open the box about to get crazy

Never thought that I got this feelin’ felt right in to you ‘coz
Nobody else yeah no one else just me and you us
Ngayon na dapat kasi ‘di na pwede bukas
02 14 cupids ‘gotta shoot us

Kaya una sa lahat ‘wag nang lumuha sapagkat gusto kita at walang pero
‘Di magkukulang at tapat parang taon na pang-apat kukumpletuhin kahit araw ng Pebrero
Walang pero kesyo medyo ‘di ka daw palakibo tsaka masungit
‘Di nag-aayos maski skultor nga ‘di ka daw maukit
That’s because you just focus yourself being a good student
‘Yan tuloy nag-top one ka sa puso ko paulit-ulit

CHORUS

Hooooo
Hindi na bale kung hindi ka pagbalingan, pansinin o baliwalain ‘di ka nila magustuhan
Basta ako ay nakatutok sa’n mang sulok nakapwesto, mga mata ko'y handang makipagtitigan
‘Di ko alam kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ay mahirap man ay gagawa ng paraan
Makita man lang ng mga mata nila’t malaman kung may namamagitan man sa atin ako ang nilalaan

Aaminin at sasabhin kong paano kung dumadalas ka na sa panaginip ko
Hindi ko mapagtanto, uh
Sige kahit sabhin pa na may kulang
Dahilan naman ng pagkapuno ko'y ikaw lang
Walang dahilan para mailang
Basta masabi ko sa araw ng pag ibig ang lubos lubos kong nararamdaman

CHORUS

‘Di na ‘di na ‘di na bale kung hindi ka mapansin ng iba
Hindi masabi kung bakit naging kakaiba
Ka sa paningingin ko na lagi ka na lang nag-iisa
Na pinaka maganda kahit sobrang mahiyain ka

‘Wag kanang mag tatampo
Kada katorse ng pebrero ay walang sa ‘yo
Na ni minsan sumubok mag bigay
Ng rosas, chokolate at ng oras na sadyang inilaan lang para igugol sa ‘yo

Ikay aking nilapitan, para iyo ng malaman
Lubos ang kaligayahan ng ikaw ay aking titigan
At nauwi na sa kwentuhan, napuno pa ng tawanan
Hanggang dumating ang oras na ‘di mo inaasahan

Ang ating mga ngiti, nabalutan ng tamis
‘Wag ka saking magagalit, at ‘wag kang maiinis
Ang pangarap na rosas at chokolateng matamis
Iyo ng makakamit ng walang kasing bilis

Hindi na bale kung hindi ka piliin
Ng mga tao na nasa paligid mo
Sa iba mo muna ibaling ‘yang pag-ibig mo

Kung ‘di pa panahon
‘Di ‘wag mong pilitin
Makikita rin nila kung bakit ka kakaiba

ILL KAMP CARTEL ft. Jea B. - FebForTin (Official Lyric Video)


The official lyric video of "FebForTin" by ILL KAMP CARTEL feat. Jea B.

Composed by by Tristian Jay Morales (Trist Cudi), John Jeric Uy (Double Zero), Jaymar Lloyd Pitong (Jcrwn), Bret Michael Alarca (Dice) and (Jea B.)
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced and arranged by Jeuel Param (JPM Beats)
Recorded by ILL Kamp Cartel
Mixed and mastered by Jaymar Pitong at RYLTY MUSIC PRODUCTION