Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , , » Pareng Elbiz ft. Mike Kosa - Maniwala Ka Lyrics

Pareng Elbiz ft. Mike Kosa - Maniwala Ka Lyrics

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Kahit na anong gawin, bakit ganon pa rin?
Isang malaking tanong sakin
Sa hakbang saan pa nga ba ako nagkulang?
Papanig ba ang kapanahunan sa akin kalaunan
Para ‘kong natauhan sa gitna ng kaguluhan
Aking natagpuan ang katuturan at kabuluhan
Ng buhay, na nagsabing sundan ang mapusuan
Oportunidad kamuntikan ko ng matulugan
Kaya agad bumangon ng bigla ‘kong magising
Unti-unting lumiliwanag ang sinakop ng dilim
Pag tinago ang galing, ang tadhana ay sasakit
Di baleng magkamali kung maging tama ang kapalit kaya
Buksan ang isip, hirap mang makapilit
Lawakan ang imahinasyon, dilat kang managinip
Hayaan ang sariling tuluyang makalipad
Maniwalang balang araw mamumuong realidad

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Kahit ang lagay ngayon ng sitwasyon
Malabong makarating sa gustong destinasyon
At wala pa ring resulta ang ‘yong inaksyon
Mga rejections ay gawin mong inspirasyon
Panghawakan mo ang paniniwalang
Balang araw ang pakpak mo ay magliliparan
Kahit ilang dapa man yan wag lang panghihinaan
Yan ay paghahanda sa gantimpalang iingatan
Oo di madali to, pero di imposible
Walang gusto na makukuha ng ganung kasimple
Libre mangarap pero ang pangarap di to libre
Kailangan pagbayaran ang sakripisyong matindi
Hanggang ang inaasam-asam ay maging akin
Mahawakan ng kamay mga magandang pangitain
Maisakatuparan ang lalim ng mga panalangin
Kakayanin ano mang hamon hanggang dumating ang
Panahong sumang-ayon ang kapalaran sakin

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Positibo mag-isip, galawan sa pinagdaanan
Bulong sa kanan at kaliwa kong tenga, sinong paniniwalaan?
Nakabakat na sa aking tuhod mga talisod sa bako
Mga sugat na naging peklat ay kasamang matamo
Mga pangarap na naging malabo, gusto ding luminaw
Uhaw na makata na makikilala balang araw
Nagsumikap magbabad sa araw at maging inihaw
Nakahanda na ang matang singkit sa pagtapat ng ilaw
At sa bawat paghakbang daming balakid at hadlang
Magbunga sanang maganda ang lupain kong tinamnan
Ang mga awit na pilit sulatin sa tapat ng salamin
Nangarap nung ako’y matulog sa paggising ay maging
Mahusay na mang-aawit na sana ako’y mapabilang
Sa mga patimpalak, may pangarap siyang nakahirang
Mga pangarap na aking niyakap at hindi iniwan
Naniniwalang balang araw ay mahahawakan ko yan

Ito ay di para sa mga umaasa
Ito ay para sa mga naniniwala
Kaya gising kahit mag-uumaga na
Isang malaking tanong ‘to sayo
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba? (Naniniwala ako)
Naniniwala ka ba ha ha
Maniwala ka

Kahit na mukhang malayo pa
Ang lalakbayin mo wag ka lang huminto
Kahit san ka mapunta
Pagkat ang dulo niyan ay ang inaabangan mong tagumpay
Kapit ka lang at sa sarili ay maniwala ka

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment