Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mike Kosa & Kial - Windang (Audio)


Windang - Mike Kosa & Kial

Mike Kosa - Gintong Panahon Lyrics

Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan
Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan

Batang 90’s to walang tigil sa pag-araro
Para ang dating kariton mapalitan na ng Camaro
Itagay na ang baso sisipagan to ng klaro
Mga tropa at kabaro na maaga naikaro
Para sa inyo ang tagumpay at respeto pabalik
Ilang gallon ang nilaklak sa pakikisama magbarek
Hindi biro ang daanang inakyat kong matarek
Pinapantal na ang balikat sa kagat ng hantik
Balat sunog sa araw-araw
Doon pa lang makikita mo ang pangarap na kasing taas ng Mount Banahaw
Magpahinga siguro pwede pero bawal huminto
Hanggat makadampot sa kalye ng diyamante at ginto
Pakikisama sa bawat isa ang patakaran
Lahat naggagalangan at hindi to patapangan
Kung makikita mo kami hindi to payabangan
Kinahiligan naming porma ang sinasabayan

Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan
Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan

Bumalik tayo sa erang kapanapanabik
Naka jersey fubu lowaist pants with matching garison belt
Naka brush-up ang buhok sa gilid nakalaylay na ang kadena
Hiphopan sa gabi ngayon tayo ang eeksena
Daming graffiti sa pader nagkalat ang lata ng pylox
Invitation ng event dinidikit ng naka Xerox
At sa gabing ito lahat ng gang ay lalapag
DJ pasukan mo ng beats mag freestyle tayo magdamag
Mga b-boy na nagsisi Thomas dito sa lapag
Mga inuming alak na hinuhugot mula sa bag
Hindi ito ang panahon sa picture pwede mai-tag
Panahon na kung sino ang duwag ay huwag na lamang pumalag
Noon pa man gusto ko ng yumaman buhay sumagana
Mga ilang diskarte na nakuha kay Tony Montana
VCD DVD bentahan dito sa pirate
Ang sarap lang balikan kapag iyong naaalala

Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan
Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan

Disisais nung sumabak itsura nung batang bata
May sapat na husay at talino sumabay sa mga mama
Oo bagito sa entablado kapiranggot lang ang gulang
Tinapat agad sa mga gurang at aminado’y akong gumapang
Pero huwag ka nung gumulang ay tumapang at talaga namang lumupet
Naging beterano na to sa eksena medyo mayabang ang pagka bangget
Hanggang ngayon steady lang pero galaw lang ng galaw
Hanggang hinahawakan ang mikropono bitaw lang ng bitaw

Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan
Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan

Sa gintong panahon na nakagawian
Kinahiligan na pormahan na sinasabayan
At kada kwento binibida mo sa talakayan
Ngayon buhay na buhay sa tuwing binabalikan

Mike Kosa - Gintong Panahon (Lyric Video)


Gintong Panahon - Mike Kosa

Produced by Alena Salazar
DOUBLE EL PRO
Beats By Jason Haft (Haftway House)
Recording & Mixed By Thanatoz D/Barakojuan Studio

Partners in Rhyme 2021
Believe

Curse One ft. Smugglaz, Abaddon & Mike Kosa - Sakalam (Official Music Video)


Written & Performed - Mike Kosa, Abaddon, Curse one & Smugglaz

Directed by: Eddrian Alcayde
D.O.P - Eddrian Alcayde & Jasper Gojit
Aerial: Keyr Teriote
BTS: Mark Louie Gungon

Mike Kosa ft. Ayeeman - Lakas Tama (Official Music Video)


Recorded Mixed by 187 Mobstaz Studio
Arranged by Gab Malupit
Beats Produced By JE Beats
Directed/Edited by Nymar Gigante
Assistant Director: Tj Anila
Cam Operators:
Nymar Gigante
Tj Anila
Ayeeman's footages from Just Hush and Jc Enchanes
BTS: Marcus Angelo Ladiana

Starring:
Chantal Ladiana
Joaquin Rafael Imson

Boys:
Enzo Ladiana
Aeron Tejada
Neil Arinzana
Clint Mistal

Area 52 ft. Nik Makino, Kiyo, Kierz Ferrer, ThirdFlo, Omar Baliw, Mike Swift & Mike Kosa - Tuloy Tuloy Lang Lyrics

Alam kong malubak sa dadaanan pero tutuloy ako
Masikip, marami mang kasabayan pero tutuloy ako
Kasama ang pinaka the best sa tuktok ay uupo
Nagsipag kaya we the best hinding hindi ‘to hihinto

Alright, walang hintuan na sa byahe
Patuloy lang sa paglakbay
Walang inisip na iba
Kundi pangarap lang sa buhay
Kahit siksikan sa daanan at tagaktak na ang pawis
‘Di ko yan iniinda, sanay ako na magtiis
Sipag at tyaga lang para makamit ang dulo
‘Wag kang mawawalan ng pag-asa pakinggan mo lang ang puso

Huwag mawawalan ng pag-asa
Umaasang tuloy tuloy sa pag-ahon
Lutasin ang mga hamon
Sumabay ka lang sa alon
Hindi pupwedeng petiks lang dapat ay may ambag ka
Dadalhin mo rin ang lahat nang yan patungo sa tagumpay

Yo! Pagod ka na ba?
Ang feeling mo hanggang pangarap na lang talaga
‘Di uusad ang oto kapag walang magmamaneho
Kailangan magtyaga maraming tumatawa
Bakit di mo enjoy-in
Alam mo sa sarili mo na iba
‘Di mo kailangan makibagay kung hindi ka masaya
Tanda mo ba nung una sabik ka pang gumising ng maaga
Kung mabagal man pagkuha sasamahan na kita

Dapat mong gawin, ‘wag lang imagine-nin
Pangarap malaki kaya mahirap dakutin
Tira mong kapos bukas ay aabot din
Mga paa sa lupa mata sa bituin
Simple lang naman ang dapat na gawin mo
Kung may isang naniniwala ‘wag ka ng huminto
Young man I believe in you
You can be the greatest you ain’t no fool

Alam kong malubak sa dadaanan pero tutuloy ako
Masikip, marami mang kasabayan pero tutuloy ako
Kasama ang pinaka the best sa tuktok ay uupo
Nagsipag kaya we the best hinding hindi ‘to hihinto

Lagi lagi na lang pilit na nagigising
Kailangan na gumawa para bukas may tabi
Lagi sinisigawan, lagi na nagtitiis
Pag iba may paraan, dapat ako meron din
Dapat ako meron din, pagtapos syempre dapat team ko meron din
Gigising walang iisipin, mag-regen sa scenery
Fresh buko iinumin, almusal ko patatim
Goal ko ay maging genie hindi lang maging Aladdin

Nasa dulo man ng pilahan
Magtyatayaga hanggang makarating sa unahan
Makapasok sa pinto na may kumikinang ginto
Bunga yan ng pagka pursigido na hindi ako huminto
Naghintay sa tamang panahon
Maibigay ang direksyon, walang bahid ng koneksyon
Kusang makilala ng lahat, magising na sakin pa’y tulog
Makaapak dun sa rurok, dala ay aking tunog

Chill ka ang sa byahe
Pero wag kang pakampante
Dapat handa ka sa pwedeng mangyari
Tibayan mo ang iyong sarili
Hindi biro ang daan pero kaya yan
Mga darating sayo pang patibay yan
Mahalin mo lang ang ‘yong ginagawa
Tiwala lang ‘di ka mawawala, tingnan mo ko

Dami kong pinagdaanan, natuto ng malala
Bago ka kumawala, kahit pano may napala
Kwento kong nakatala ay tila kataka taka
Nilakad naka paa, dibdib ‘di kakaba-kaba
Walang kadala-dala, kahit na madapa-dapa
Tuloy lang an gating byahe kahit mangapa-ngapa
Paangat ‘di bababa, ang bulsa lalong tataba
Yung iba matatawa, hindi alam ang halaga
‘Di alam aking ginapang bago ako iginalang
Mahirap na isinilang, pati patong isinalang
Kukuhain lang yung akin, ‘di na para magyabang
Kilos kesa mag-abang, tablado ‘matik matabang
Kung mabagal man pag-usad basta hindi maubusan
Kung mapagod, maupo lang, kung may kulang, mabuhusan
Aking pawis pinunasan, hanggang dulo ay sinulit
Madami ding mali pero walang isang inulit

Alam kong malubak sa dadaanan pero tutuloy ako
Masikip, marami mang kasabayan pero tutuloy ako
Kasama ang pinaka the best sa tuktok ay uupo
Nagsipag kaya we the best hinding hindi ‘to hihinto

Mataas, malayo, masikip, mahirap
Grabe na ang mga tiniis sa hiphop
Naipin ang knowledge utak pinulikat
Ang bukas na hostage pangarap nakidnap
‘Di ko na alam kung ang araw ay sisikat
San pwede umiyak, matuunan ang balikat
Ilang beses sa US palipat-lipat
Dun ko natutunan magtyaga pano mag-ingat
Eyyy you know I keep the same vibe
Big face coffee, jimmy butler game five
Yeah! Take the subway for my train ride
I make music that can save lives
I see haters and they’re stayin’ mad
It’s all good why?
They wanna make it bad
Not every got a heart of gold
If you wanna know it’s why I gotta go

Mga awitin na nakakainspira
Sa gulo ng ikot ng mundong iniintindi ka
Oo, nagkalap ng letrang nakatalikod
Aminadong pagod pero hangad makatalisod
May pera lamang ang nananatiling malakas
Na sa sitwasyong akala araw-araw undas
Na mas pinili kong bumakas umangat para manalo
O tatayo kong mag-isa sa sitwasyong kabado
Dumaan sa gitna sa nag-uuntugan na bato
Yun lang ang tangi na daan susuyurin ko na ‘to
Binabato mga paratang, tumubos ng walang utang
Pangarap ko na sobra sa timbangan na nagkulang
Magtanghal sa malaking entablado
Sumabay ang mga tao saking kanta na saulado
Ihagis ang damit kumpirmado na pirmado
Kilalanin ang pangalan kahit na saang estado

Alam kong malubak sa dadaanan pero tutuloy ako
Masikip, marami mang kasabayan pero tutuloy ako
Kasama ang pinaka the best sa tuktok ay uupo
Nagsipag kaya we the best hinding hindi ‘to hihinto

Kahit anong mangyari
Tuloy tuloy lang to
Kahit sinong magsabi
Dapat na ‘kong huminto
Wala akong pake
Kasi ito’y aking gusto
Wala akong pake
Kasi ito ang aking hey!

Alam kong malubak sa dadaanan pero tutuloy ako
Masikip, marami mang kasabayan pero tutuloy ako
Kasama ang pinaka the best sa tuktok ay uupo
Nagsipag kaya we the best hinding hindi ‘to hihinto

Area 52 ft. Nik Makino, Kiyo, Kierz Ferrer, ThirdFlo, Omar Baliw, Mike Swift & Mike Kosa - Tuloy Tuloy Lang (Official Music Video)


AREA 52 - TULOY TULOY LANG (feat. Nik Makino, Kiyo, Kierz Ferrer, ThirdFlo, Omar Baliw, Mike Swift & Mike Kosa) (Prod By: COYTI BEATS)

SPECIAL SHOUT OUT TO "HIGH MINDS"
VIDEO PRODUCED BY "HIGH MINDS"
BEAT PRODUCED BY "COYTI BEATS"
DIRECTED BY "BJT"
DRONEOPERATOR "RGVIZUALS"
PHOTOGRAPHY "ZJA"

Mike Kosa - Grasya (Official Music Video)


Song Created from our Day to Day Motivation to Fight & survive this Pandemic and show how good God giving us GRASYA

Beats by Jason Haft Haftway House
Recorded Mixed By Thanatoz D Barakojuan Studio
Directed/Edited by Nymar Gigante
Assistant Director: Matthew Resurreccion

Camera Operators:
Nymar Gigante
Matthew Resurrecion

Drone Pilot: Marwils Enriquez

Production Assistants:
Red Espeña
Arpee Turla

BTS: Marcus Angelo Ladiana

Starring: Ronan Carenan

Mike Kosa, Migz Villafuerte & Basilyo ft. Jazze Manuel - Pangarap (Official Music Video)


"PANGARAP" Michael Castro Mikekosa x Gov Migz Villafuerte x BASILYO ft Jazze Manuel
Producer : PIKASO
Chorus+Bridge Written by: Kaycee
Director: Boom Dayupay
Executive Producer : Lray Villafuerte , Boom Dayupay
Production Team : Siram Siram Collective
Production House : Elem3nt East

Mike Kosa ft. Skusta Clee & OG Sacred - Iisang Tulay (Official Music Video)


Written & Performed - Mike Kosa, Skusta Clee & OG Sacred
Beat Produced by Mr. Ted Salinel
Recorded at Kalookals Musik
Mixed & Mastered by Kierz Ferrer

Directed by: Red Espeña | Frame Up MNL
D.O.P - Arpee Turla & Louie Ong
Aerial: Arpee Turla
BTS: Matthew Ressureccion

Mike Kosa & Jskeelz - Dating Gawi Lyrics

Mike Kosa Verse 1:
Bago Ka muna Mamuna Aralin Munang Bumuga
ng Dekalibreng Kataga , Na Imposibleng Mabura
sa Pandineg ng Mga Bago't Beteranong nauna
Nag iisa lang Ang "Mikekosa" na Gumawa ng Sakuna
Dito sa Hiphop Ang Lahat Biglang Tumingin
Nagulat sa Isang makatang may dilang Matalim
Kaya nga Pls Wag mong I diss ang mabangis
Direcho pag sumentro At bibihirang dumaplis
Pag tumirada ng Harapan , Lalaban hanggang Apatan
Heto bagong Kaganapan na ngayon ay nalapanan namin
Di ka Parin aamin Na bumilib ka sa akin
na kaya kanang Basagin ng mga Letra kong sinalin
Alam ko na darating At aming Kaya Di kami nagmamadali
Mga Di makatiis Kaya Nagmamabilis madalas tuloy nagkakamali

Chorus:
Sa Dami ng mga bumangga Hindi pa din kami nagapi
Sa Halip ay lumaban sa mga Kalaban di kami umuwing sawe
Mas matigas Mas malakas Na di kayang tapatan ng salapi
Makabagong Ambag na aming nilimbag na May temang "Dating Gawe"

JSKEELZ Verse 2:
Dating gawe na naman ako’y muling aasinta,
Ng mga obra na hindi nyo pa naipinta

Muli na naman pauusukin ang eksena,
Ako na naman ang magtitimon sa pag balatengga (come on!)

Taon-taon may kanta na pinapasikat
Pagod na ang kartero sa dami kong naisulat

Dinaig ko pa mga Pari pag ako na ang nangaral
At nagagawang makata ang batang di nakapag-aral

Kung pano ba sumulat malaliman pag sumugat,
Kahit sino ginugulat para bang Bombang sasambulat

And this is my Solution, my Lyrical Execution
Nakatala at may Lagda sa 187 Resolution

Gagawing mas matigas ang letrang lalabas na di kayang tapatan ng salapi

Makabagong ambag na aming nilimbag na may temang Dating-Gawe …..

Chorus :
Sa Dami ng mga bumangga Hindi pa din kami nagapi
Sa Halip ay lumaban sa mga Kalaban di kami umuwing sawe
Mas matigas Mas malakas Na di kayang tapatan ng salapi
Makabagong Ambag na aming nilimbag na May temang "Dating Gawe"

3rd Verse:
Tara Kosa ako na mismo ang magkakasa,
Oras ng magpaputok Kalabitin mo na

Titiyakin namen na sa pinaka sentro ng kultura
Tatama ang bawat Bala ng aming Letra

nakapalupot Na Kable Nang Mikropone
Ilabas ang boses Bumubugang bunganga ng Dragon
sa Seldang to akoy mayores
Ang boses koy batas Sa lahat ng aliping Alipores

Presong walang posas na gumugol na ng oras sa Tula,
At makatang Arkitekto daw sa pag Tugma
Na pag sinala at kinatas
Isang awiting napakalakas na may Perpektong pagkalikha

Mga Tulog ay Gigisingin ,
Baradong tenga ay aming bubulabugin pagkatapos ng lutuin Aming ihahain
Oras na Upang kayo ay aming Gambalain

Chorus :
Sa Dami ng mga bumangga Hindi pa din kami nagapi
Sa Halip ay lumaban sa mga Kalaban di kami umuwing sawe
Mas matigas Mas malakas Na di kayang tapatan ng salapi
Makabagong Ambag na aming nilimbag na May temang "Dating Gawe"

Mike Kosa & Jskeelz - Dating Gawi (Lyric Video)


Written & Performed by Mike Kosa & Jskeelz
Beats by Sparo Of Partners in Rhymes
Mixed & Mastered by Kierz Ferrer
Lyric Video by Stephen Paradise (LuiBoi)
Recorded at DSKRT Studio's

Mike Kosa - Anihan (Official Music Video)


Written by Mike Kosa
Beats By Jason Haft
Recorded at Manila Allstar Entertainment
Mixed & Mastered by Jason Haft

Director/Editor: Nymar Gigante
Assistant Director: Matthew Resurreccion

Camera Operators:
Nymar Gigante
Matthew Resurreccion
Mong Feliciano

Prod. Assistants:
Nyeu Gigante
Nyro Gigante
Ronan Carenan
Aeron Tejada

Starring: Enzo Ladiana

Indivisuals
Alon Creatives
Surfbirds Production

Mike Kosa - Grasya (Official Lyric Video)


Mike Kosa - Grasya (Official Lyric Video) Beats by Jason Haft

Mike Kosa - Anihan Lyrics

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Formula ng million hits sa bagong musika
Sagradong salita gaya ng boses from basilica
Antigo at nag-iisa walang kareplika
Pirmado na ang asya susunod na ang amerika
Ma get ang 7 digit sa talent kong legit
Saglit dumungaw dun sa lilim at tsumempo umispit
Pinausukan ko ang beat kinatay bawat palo
Imposible kong pangarap ay inabot ko ng malayo

Gumalaw parang hokage oversoul na sa herusame
Plaka sa dingding sabit hanggang dun sa kisame
Bunga ng timplang kapeng napuyat ng ilang gabi
Na mahanap ang mabisa sa planetang ubod ng laki
Paquito Diaz sa mundo ni Fernando Poe
Hindi kumpleto ang istorya kung wala ako
Sa pahina ng libro ng hiphop nakabakat
Wala sa umpisa kundi nasa dulo ang pamagat
Boses puhunan pagod ang capital
Nakamasid pero pumapaspas palagi ng pedal
Walang abiso gaya ng pag-aalburuto ng taal
Kumamal ka kada sahod sa tenga ay illegal
Mensahero sa industriya ng kagikoya
Barang malikot sa isip mo na paranoia
Nakarinig sa iskinita ba ay soya
Pangalang binanggit sa kada pahina ng istorya

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Ito’y maagang pagbigay ko ng ayuda
Mga planong dumakdak sa pagsupalpal ni abuda
At mga maling eksena na sinapit ng pagoda
Di nyo na ko mauuto mala bale like jinky oda
Dumagsa ang mga dayo sige lang patunggain
At sipsipin ang kada bara ng beats galing lingayen
Mga mukha ng responsable na ako ay kutyain
Ito’y sariwa pa sa isip di pa nag-uulyanin

Sumagupa sa gitnang buhay na lupa
Lumutang ang mga maling akala dun sa sapa
Mararating ko yan isip ng batang naging mama
Minsan nang nagkamali at panahon ko ng itama
Pinagpalit sa kada piso umangat lamang ang estado
Kahit di na irespeto basta marami lang magfollow
Maangas sana kong galawan jack sparrow
Komedyante panlabas tumutumba ng barumbado
Walang bahay direkta sa gibing apartel
Pero may utak na kagaya ng Sinaloa cartel
At inilatag ang pagkain sa taas ng mantel
Hanggang umabot na sa southern Mindanao sa marbel
Musikang di tinikman nilunok ng mabilis
Nawawala na yung anghang nakakaumay yung tamis
Bago kumalat mala virus at disease
Inagapan ko agad kaya bigla tong nireleased

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Dati din akong kagaya mo palaging angkas
Hindi kilala walang tira at boses na mataas
Wala kong planong mag-angas
Ngayon laging huli ng tinatawag sa gabi ng palabas

Dati din akong kagaya mo palaging angkas
Hindi kilala walang tira at boses na mataas
Wala man sa aking itsurang panlabas
Pero isa sa respetado to ng hiphop sa pinas

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Walang gustong sumama mabilad sa arawan
Nagtyaga, nagtanim sa gitna ng sakahan
Hindi biro panahon kong nilaan
Biglang dumami na sila nung araw ng anihan

Mike Kosa - Anihan (Official Lyric Video)


Written by Mike Kosa
Beats Produced by Jason Haft
Recorded & Mixed at Manila Allstar Entertainment

Mike Kosa & OG Sacred ft. Skusta Clee - Iisang Tulay Lyrics

First Verse:

Tirik ang araw nakalinya siksikang nakapila
Tumutok ang pangalan sa roleta't Makilala
Sa daming kumikinang marami parin ang iilang
Yamang di pa nakikita na parang Yamashita
Iba't ibang pakara kanya-kanyang mga padama
May mahusay, may pera, may tyaga at nakachamba
Patipato ang gusto, kahit may pamanggulo
Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triangulo
Industriyang kinamulatan nating tila paligsahan
kanino tatapat ang ilaw dito sa Gitna
Aral na Di kagad pumasok sa ulong may katigasan
Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga
Mga iheng nagtaasan mga kwentong paangasan
ngyare tong Lahat sa nilakaran Kong daanan
Alam mo na di kailangan mgbungguan magbanggaan
Kung tayo tayo din Ang magkikita sa Hangganan

Chorus: Skusta Clee

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

2nd Verse: OG Sacred

Ibat ibang himig minsan negosyo minsan ay Hilig
May Mga Bunga ng galit at may dahil sa Pag ibig
Maraming Nagsisitsitan , sa Daming Nagsisiksikan
Sa Pila nag sisingitan Sa Pwesto nag kikiskisan
Kampo Kampo bukod bukod Lahat may saksak sa Likod
Pag Bago Para bang obligadong Maging taga sunod
Lahat may pang ambag Lahat puro gigil
Kada may Dadagdag meron naniningil
nakikiuso lang pag bago laos na pag naluma
Mababaw pag sumikat pg malalim di makuha
ng kamulatang pasa pasa
Dekada ng sistema sa industriya at sa kultura
Sama sama Sa isang tulay habang naglalaglagan
Kapayapaan ang sinisigaw habang Nagbabanggan
Tayo tayo di na magbabago Lika sumama ka
Buksan ang isip na sarado sa Pagkakaisa

Chorus: Skusta Clee

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

3rd Verse:

Hatakan tayo paakyat , Hanggat sa Umangat
Hanggang Ang ating Musika ay Tangkilikin ng Lahat
Akayin ang mga Luma Gabayan ang mga Bago
Bawas nega Bawat kilos dapat laging Positibo
Sakripisyo tyaga at hirap pagsusumikap
Ang Mangarap ang hakbang sa katuparan ng pangarap
Alam ko na alam nyo rin
Na Kaya Natin tong Gawin
Sa Ngalan ng Kultura sama sama natin tawirin

Chorus: Skusta Clee

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

Kaya Bakit Ba Tayo'y Hindi Susunod sa Tadhana
Halika na't kumapit ka Tayo din naman ang magkakasama
Sa Industriya ng Musika isa Lang ang dadaanan
Isa Lang ang Dadaanan nating Tulay"

Mike Kosa & OG Sacred ft. Skusta Clee - Iisang Tulay (Lyric Video)


Written and Performed by : Mike Kosa, OG Sacred & Skusta Clee

Lyric Video by Iyazu Tokogawa
Beat Produced by Ted Salinel
Mixed and Mastered by : Kierz Ferrer
Recorded At : Kalookals Musik Recording Studio

Partners in Rhyme
Obramismo

Mike Kosa ft. Efraim - Wag Kang Kampante Lyrics

Bumibilis ang ikot ng gulong ng kapalaran
Dating nasa ilalim ngayon ikaw na ang tatapakan
Wag ka kasing kampante, ang swerte laging nauubos yan
Dahil nasa ‘yong kamay parin kung ano ang iyong kapalaran

Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran

Nakipagbanggaan, tulakan, hatakan, nakipagdigmaan
Upang mahawakan titulong sumasalamin sa pangalan
Panahong kabataan hangad marating hanggang kalawakan
Umabot ng tamang edad natutunang rumespeto’t gumalang
Wag kang basta maging kampante dati akong estudyante
Inaral inusisa na wala palagiang permanente
Sa mundong mapaglaro kalagitnaang kontinente
Ako, ikaw, sila’y silaw naging takas na pugante
Kaliwa’t kanan na bulong panay ang ikot ng gulong
Kung sino ang magkakamali e merong bingot sa ilong
Kung sino nakaposisyon nagdedesisyong kadalasan ay mali
Kaya marami sating piring ang matang kadalasang nasasawi
Dating gawi

Bumibilis ang ikot ng gulong ng kapalaran
Dating nasa ilalim ngayon ikaw na ang tatapakan
Wag ka kasing kampante, ang swerte laging nauubos yan
Dahil nasa ‘yong kamay parin kung ano ang iyong kapalaran

Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran

Naghintay at tumagal na maging patas o illegal
Mga metal na bakal sabit sa unipormeng parangal
Oo sila’y kasal pero bakit di naging banal
Pirmadong testamento na naitapon dyan sa may kanal
Kung tayo talaga ay magsasama hanggang dulo
Eh bakit kailangan pang sumakit ang aking ulo
Ang relasyon na to hanggang saan nga ba patungo
Kung tayo’y di magkasundo panay ang mura mo
At puro estado ng bawat isa pananaw nila’y magkakaiba
Nagtyaga sa baba biglang lumala ngayong walang awit na tinitingala
Mahirap ng mapahiya dapat matuto kang makisama
At isisilang ang bagong lakas pagsapit ng umaga

Bumibilis ang ikot ng gulong ng kapalaran
Dating nasa ilalim ngayon ikaw na ang tatapakan
Wag ka kasing kampante, ang swerte laging nauubos yan
Dahil nasa ‘yong kamay parin kung ano ang iyong kapalaran

Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran

Ang puno ay hindi laging mabunga
Bagong sapatos pagtumagal ay lumuluma
Wag kang makuntento sa ulan ng pagpapala
Pag wala kang ginawa ang swerte sayo’y mananawa ahhh…

Bumibilis ang ikot ng kapalaran
Dating nasa ilalim ngayon ikaw na ang tatapakan
Wag ka kasing kampante, ang swerte laging nauubos yan
Dahil nasa ‘yong kamay parin kung ano ang iyong kapalaran

Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Wag kang kampante
Sa gulong ng kapalaran

Mike Kosa ft. Efraim - Wag Kang Kampante (Music Video)


Mike Kosa - Wag Kang Kampante Feat. Efraim
( A Tune Music Production ) ( Beats By Foenineth )

Produced by:
A Tune Music Production

Executive Producer:
Khen Magat

Performed by:
Mike Kosa
Efraim