Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , , » Luntian - Hiling Lyrics

Luntian - Hiling Lyrics

‘Di ko naman alam noon
Na may pagtingin sa’yo
Nahulog na lang ako
At puso ko’y nabihag mo

Sa tuwing lalapit ka
Kaba sa dibdib nadarama
Namumula aking mukha
Sa tuwing ika’y nakikita

Tayong dal’wa aking sinta
Hirap’t ginhawa sana ay ika’y kasama
Hindi magsasawa ika’y mahalin
Ikaw lang ang iibigin sana’y bigyang pansin

Malimit kong isipin
Ika’y ‘di para sakin
Hirap na akong pigilin
Bugso ng aking damdamin

Sa bawat sandaling iniisip ka
Pintig ng puso ay naiiba
Ang tanging dalangin ko lang naman
Pagmamahal mong walang hanggan

Tayong dal’wa aking sinta
Hirap’t ginhawa sana ay ika’y kasama
Hindi magsasawa ika’y mahalin
Ikaw lang ang iibigin sana’y bigyang pansin

Araw-araw iniisip
Maging hanggang sa panaginip
Tanging hangad ko lang at ang aking hiling
Maging ika’y para sa akin

Tayong dal’wa aking sinta
Hirap’t ginhawa sana ay ika’y kasama

Hindi magsasawa ika’y mahalin Ikaw lang ang iibigin

Tayong dal’wa aking sinta
Hirap’t ginhawa sana ay ika’y kasama
Hindi magsasawa ika’y mahalin
Ikaw lang ang iibigin sana’y bigyang pansin

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment