Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ron Henley - Platito Lyrics

Mga mahiyaing nilalang sa higanteng mga bulak
Nandyan lang sa paligid ayaw pang manga-usap
Mga imahe payat ngunit ang laki ng utak
Nag-iwan ng markang palaisipan ng sulat
Ako ay nagmasid mula hilaga hanggang timog
Sa isang iglap silay nakatawid
Ang araw at buwan nagkapikunan
Kaya may nagliliparang mga plato't platito sa himpapawid
Sino bang bisita ang 'di mag nanais dumalaw
Sa bahay kung san basang-basa ng pawis ng araw
May mga nakakita't nagkakuliti na sila
Mga mata nila'y dilat ngunit pikit pa yung isa
Sa likod ng mga bituin rinig ko ang bulungan
Mistulang mga bubuyog tayo ang pulot pukyutan
Madaming takdang pananong ang natutubuan
At pano nga kung sila ang may dala ng kasagutan
Mga sina-unang batong magkakapatong
Minsan nang nilamon ng dambuhalang alon
At sinakal ng usok na sadyang nakakalason
Misteryo parin kung anong nangyari nung kahapon

Sumamba sa mga puno hayop at anito
Nawala ang panghimagas na hinain ng platito
Pambihirang kaalama'y tuluyang nalunok
Biglang usbungan ang mga gusaling hugis tatsulok
Pano kung ang buhay sa mundo ay ang konsepto
At tayong mga naninirahan ang proyekto
Tayo nga ba ay nilagay para pag-aralan
O para ihanda lang sa hinaharap na laban
Sa pagitan ng mabuti't kabaligtaran nito
Alam ko na sa iba isang kahibahangan ito
Maaaring lamang sila sa kagamitan
Gamit ang kanilang natatanging agham
Marahil tingin nila sa atin langgam
Paugain lang ang sahig kaya tayong saktan
Pero wala silang alam sa bagay na meron tayo
Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao

Ang pag-ibig
Ang pag-ibig
Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao
Ang pag-ibig
Ang pinaka mahiwaga sa mundo ng mga tao
Ang pag-ibig

Jason Dy - Pano Na Lang Ako Lyrics

Kung pano mo malalaman sa tuwing ika'y naaalala
Pag-ibig kong nadarama at lihim lihim ko sa tuwina
At hanggang kailan naman aaminin ‘tong damdamin

Pano ba sabihin pa, damdamin di na kaya sa tuwing ika'y kasama
Pano ba aaminin na puso'y di mapigilan tumitibok na nga ba
Pano na lang oh pano na lang ako

Patuloy na maghihintay itong hiling, maging tunay
Ang pagtingin mo sa'kin ay pag-ibig na pang habang buhay
At hanggang kailan naman aaminin ‘tong damdamin

Pano ba sabihin pa, damdamin di na kaya sa tuwing ika'y kasama
Pano ba aaminin na puso'y di mapigilan tumitibok na nga ba
Pano na lang oh pano na lang ako

Sabihin ko sa’yo minamahal ka ng lubos
Pagbigyan ang puso kong sayo’y nahuhulog

Pano ba sabihin pa, damdamin di na kaya sa tuwing ika'y kasama
Pano ba aaminin na puso'y di mapigilan tumitibok na nga ba
Pano na lang oh pano na lang
Pano ba sabihin pa, damdamin di na kaya sa tuwing ika'y kasama
Pano ba aaminin na puso'y di mapigilan tumitibok na nga ba
Pano na lang oh pano na lang

Ako…

Xian Lim - Getting to Know Each Other Too Well Lyrics

I call you and you call me
It's funny how we get on so easily
We're just friends aren't we
You've got yours, I've got mine
And friends are all we ever could be

But we're getting to know each other
A little too well
We're starting to show our feelings
And people can tell
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
A little too well...

We have lunch ev'ry now and then
And I find myself humming love songs
Again and again...
Too many nights I'm workin' 'till ten
And I hope that you know
That It's hopeless to go on when...

We're getting to know each other
A little too well
We're starting to show our feelings
And people can tell
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other ohhh
Getting to know each other ohhh
Getting to know

We're getting to know each other
A little too well
We're starting to show our feelings
And people can tell
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
Getting to know each other
Getting to know each other
A little too well...

Too well...

Noel Cabangon with KZ Tandingan - Kahit Kailan Lyrics

Nagtatanong ang isip
Di raw maintindihan
Kung anong nararamdaman
Dapat mong malaman
Sa puso ko'y ikaw lamang
Ang nag iisa...

Pangangamba
Dapat bang isipin
Walang hanggan
Asahan mo na...

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Kahit kailan...

Bulong ng 'yong damdamin
Pagibig na walang hanggan
Ang siyang nais mong makamtan
Ngayon ay narito ako
Handang umibig sa iyo
Na walang katapusan...

Pangangamba
Dapat bang isipin
Walang hanggan
Asahan mo na...

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Kahit kailan...

Kung ikaw ay mawala sa piling ko
Di na alam kung kakayanin pa kayang
Umibig pang muli
Kahit na ano pang mangyayari
Di maaring ipag-balik
Sasamahan pa kita
Hanggang sa huli...

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Di magbabago
Kahit kailan
Kahit kailan...

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan...

Yassi Pressman - Isang Daang Habangbuhay Lyrics

Wala akong ibang
Ibang hinihiling
Ibang dinadalangin
Kundi makita ang
Ang iyong ngiti
Sa bawat araw ko’t gabi

At sa dinami-rami
Ng pagkakamali
Siguro meron din akong
Tamang nagawa
Dahil ika’y
Binigay sa’kin

Tanging ikaw ang iibigin
Isang daang habangbuhay
Bago tayo mapaghihiwalay
Tanging ikaw hanggang sa huli
Isang daang habangbuhay
Sa’yo iaalay

Awit ng puso
Sigaw ng isip ko
Tanging pangalan mo

At sa dinami-rami
Ng pagkakamali
Siguro meron din akong
Tamang nagawa
Dahil ika’y
Binigay sa’kin

Tanging ikaw ang iibigin
Isang daang habangbuhay
Bago tayo mapaghihiwalay
Tanging ikaw hanggang sa huli
Isang daang habangbuhay
Sa’yo iaalay

O sa iyo iaalay
Ohh hoo…
O sa iyo iaalay
Habang buhay

At sa dinami-rami
Ng pagkakamali
Siguro meron din akong
Tamang nagawa
Dahil ika’y
Isang biyayang pinagpala sa’kin

Tanging ikaw ang iibigin
Isang daang habangbuhay
Bago tayo mapaghihiwalay
Tanging ikaw hanggang sa huli
Isang daang habangbuhay
Sa’yo iaalay
Ohh hoo…

Sa’yo iaalay

Natsumi - Para Lang Sa'Yo Lyrics

Nagkatinginan ating mata
Puso ko ay biglang sumaya
Sabi ko ay ikaw na nga kaya
Sa’king panaginip ay nakikita
Buwan at bituin ay nakatingin
Sa ganda ng iyong mga ngiti
Sa bawat araw laman ng isip
Sumasaya’t sumisigla

Ang puso kong ito ay para lang sa’yo
Ngayon at kailanma’y ‘di magbabago
Pinapangako ko ako’y iyong-iyo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Ohhhh… ohhhh…

Ngayon tayo ay magkapiling na
Bawat saglit ay puno ng saya
Parang langit pag kapiling ka
Dibdib ko ay puro kaba

Ang puso kong ito ay para lang sa’yo
Ngayon at kailanma’y ‘di magbabago
Pinapangako ko ako’y iyong-iyo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko

Kung minsan ay nagkakatampuhan na rin
Binibiro ng tadhana, pagmamahalan
Huwag bibitaw sa ating pangako
Hanggang wakas tayo’y magkasuyo
Kasuyo…

Ang puso kong ito ay para lang sa’yo
Ngayon at kailanma’y ‘di magbabago
Pinapangako ko ako’y iyong-iyo
Subukan man ako patutunayan ko…
Sayo… sayo…

Frooz N Elbiz - Ano? Lyrics

Magmula ng ako’y nagkamalay
Sa tunay na daigdig kung saan ako nabuhay
Magpasa-hanggang ngayon ako’y di pa nasanay
Sa samu’t saring teoryang wala pa ring patunay
Tulad na lang ng sabi ni Charles Darwin
Na mga unggoy daw ang pinanggalingan natin
Sino ba naman sa’tin ang matutuwa?
Pano na yung ibang taong ibang hayop ang kamukha!
At ang mga alien sila ba’y kathang isip
Yung mga nakikita mong di mo kilala sa’yong panaginip
Di mo lang napupuna ang mga taong misteryoso
Nerbiyoso ang labas mo pag masyadong sineryoso
Kaya nararapat lamang na lahat malinawagan
At ang mga haka-haka wag agad paniwalaan
Kaya kung ako sayo ay pag-isipan mo ng husto
Ako kaya? Ano kaya? Ano kaya ang mangyayari sa mundo?

Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo oh woah
(Ang dami ng nangyari)
Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo o o…
(Ano pa ba ang mangyari)

O tayo nga ba’y nanggaling sa usok o sa tadyang in Adan
Katotohanan parang sadyang di alam
Tila ilan lang ang may kaalaman
Ng mga kaganapan at mga paksang di naman
Dapat isyu at inuusisa para sakin par
Katulad ng nakasulat daw sa Mayan Calendar
Paggunaw ng mundo binigyan ng prediksyon
Nagbago isip ng author nagkaro’n ng ekstensyon
Sa karagatan may mga islang nag-uusbungan
Mga bagong specie na biglang nagsusulputan
Ako’y nagtatanong bat ba nagkakaganon?
Ibang Pepe na kilala ng mga bata ngayon
Ang labas sa kasaysayan tayo’y nagka-amnesia
Impluwensya ba ng teknolohiya at ng media
Kaya sa utak ko kuro-kuro’y nabubuo
O ano, o ano, ano nga ba ang totoo?

Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo oh woah
(Ang dami ng nangyari)
Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo o o…
(Ano pa ba ang mangyari)

Hiwaga, misteryo, mga propesiya
Planeta, bituin at teknolohiya
Sphynx, pyramid thru ancient times
UFO, Anunnaki, mga alien signs
Mga pangyayaring di nga ba maipaliwanag
O sadyang tinatago lang ng katotohanan
Ano nga ba o paano ay di mo mabubuko
Pagkat nasa kamay mo kung ano ang totoo

Ebe Dancel & Rachel Alejandro - Kahapon, Ngayon At Bukas Lyrics

Hangga’t hawak mo ang aking kamay
Anumang hamon ang ibigay
Ng mundong itong pabago-bago
Dahil sayo nakakayanan ko

Turuan mo akong bitawan ang kahapon
At harapin ang ngayon
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan
Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko
Malaya kong sasabihin sayo
Mahal kitang labis at wagas
Kahapon, ngayon at bukas

Ayokong mangako na laging payapa
Ang bawat sandali nating dalawa
Basta’t hawak mo ang aking kamay
Ngayon at habang buhay

Turuan mo akong bitawan ang kahapon
At harapin ang ngayon
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan
Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko
Malaya kong sasabihin sayo
Mahal kitang labis at wagas
Kahapon, ngayon at bukas

Mahal kitang labis at wagas
Kahapon, ngayon at bukas

Kahapon, ngayon at bukas

Migz Haleco - Pare Tama Na Lyrics

Hating gabi, nakatambay lang sa kanto
Tinawagan ng kaibigang lasing
Humingi ng payo sa naliligaw na puso
Wala na daw siyang babalikan

Okay lang yan ganyan talaga
Ang sabi ko nga sa iyo
Ay iwanan mo na

Tama na, hindi ka nya mahal talaga
Sakit at luha lang ang maibibigay nya sa iyo
Tigil na, wala ka ng mapapala sa kanya
Sana nga’y gumising ka na ngayon
Sa katotohanang meron na syang iba
Meron na syang iba

Bakit gan’to? Yan na lang tanong mo sa’kin
Nung panahong ika’y wala nang magawa
Tandaan mo, darating din ang panahon
Mabubuo muli ang puso mong sawi

Hindi lang ngayon, ganyan talaga
‘Wag mong isipin na wala ng pag-asa

Tama na, hindi ka nya mahal talaga
Sakit at luha lang ang maibibigay nya sa iyo
Tigil na, wala ka ng mapapala sa kanya
Sana nga’y gumising ka na ngayon
Sa katotohanang meron na syang iba
Meron na syang iba

Tama na, hindi ka nya mahal talaga
Sakit at luha lang ang maibibigay nya sa iyo
Tigil na, wala ka ng mapapala sa kanya
Sana nga’y gumising ka na ngayon
Sa katotohanang…
Meron na syang iba
Meron na syang iba

Tama na
Tigil na

Von Saw - Ayaw La'g Huwat Lyrics

Gihabwa kong tanan sa kasingkasing ko
Diha sa atubangan mo
Gilatag kong tanang mga kaagi tang
Pilian og ibilin lang

Aron gamay ra ang akong dad-onon
Diha sa akong paglakaw

Ayaw la’g huwat
Tugoti sa kong masaag
Sa kalibutang nanawag
Laomi nga ugma mag-abot ra ta
Sa hawan nga dalan
Apan ayaw lang sa’g huwat

Samtang nagkadako’ng mga pangandoy ko
Nagkagamay sad ang syudad
Tuod nagkaduol ang mga damgo ko
Nagkalayo sad ko sa imong tupad

Mobiya man ko, hunahunaa lang
Ming-uli ra usa ko

Ayaw la’g huwat
Tugoti sa kong masaag
Sa kalibutang nanawag
Laomi nga ugma mag-abot ra ta
Sa hawan nga dalan
Apan ayaw lang sa’g huwat
Ohhhhh
Ayaw lang sa’g huwat
Ohhhhh

Way angay’ng pasayloon
Kundi’ng kaugalingon
Mobalik ko puhon apan karon

Ayaw la’g huwat
Tugoti sa kong masaag
Sa kalibutang nanawag
Laomi nga ugma mag-abot ra ta
Sa hawan nga dalan
Apan ayaw lang sa’g huwat
Ohhhhh
Ayaw lang sa’g huwat
Ohhhhh

Rivermaya - 8 to 5 Lyrics

Ako’y nagmamadali’t atat
Nagkakandarapa na makita ka
Makasama kang sapat
Ikaw hinahanap mo na ako
Nasaan na kaya lumilingon-lingon
Malapit na mag alas otso

Ikaw ako magkaakbay
Parang walang hangganan
Kaligayahang walang humpay
Hanggang tayo’y mag-uwian

Hala naliligaw na naman
Sa iyong mga matang
Pagkaganda-ganda
Nalunod ang laman
Ng utak ko
Na maraming masasaktan
Mali nga naman ang sikreto
Nating nangloloko
Sulitin hanggang alas singko

Ikaw ako magkaakbay
Parang walang hangganan
Kaligayahang walang humpay
Hanggang tayo’y mag-uwian
Kahit saglit lang

(Ikaw ako) magkaakbay
Parang walang hangganan
Kaligayahang walang humpay
Hanggang tayo’y mag-uwian
Kahit saglit lang

Kyle Juliano - Malapit Pa Rin Lyrics

Paggising sa umaga ang araw ko'y buo na sa pagtawag mo
Natutuwa ako kapag naririnig ka sa telepono
Boses mo pa lang pakiramdam ko'y para 'ring nandito ka
Tawa at ngiti mo'y gamot sa aking pag-iisa

Narito ako at nariyan ka, araw at gabi iniisip kita
'Di mapakali sabik akong makita kang muli, sinta
Magkabila man ang mundo nating dalawa
Sa puso't panaginip kapiling kita
Ang layo mo man ika'y malapit pa rin

Pinaghiwalay man tayo ng tadhanang sadyang kay gulo
Ang pag-ibig mo'y nandito lagi sa puso ko, oohh

Narito ako at nariyan ka, araw at gabi iniisip kita
'Di mapakali sabik akong makita kang muli, sinta
Magkabila man ang mundo nating dalawa
Sa puso't panaginip kapiling kita
Ang layo mo man ika'y malapit pa rin

Ohh-oh-oohh
Narito ako at nariyan ka, araw at gabi iniisip kita
'Di mapakali sabik akong makita kang muli, sinta
Magkabila man ang mundo nating dalawa
Sa puso't panaginip kapiling kita
Ang layo mo man ikaw ay malapit pa rin

Kahit ano pa ang sabihin nila
Mahal parin kita wala ng iba
Alaala mo'y dala-dala kahit sa'n man magpunta
Ohh-oh-oohh
Magkabila man ang mundo nating dalawa
Sa puso't panaginip kapiling kita
Ang layo mo man ika'y ay malapit pa rin
Malapit pa rin

Malapit pa rin...