Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

A$tro ft. Just Hush & Ron Henley - Pabalik balik (Audio)


Mixed and Mastered by - GCode (John Edmel)
Produced by - Tatz Maven

Omar Baliw ft. Ron Henley, Rhyne - Kalmado Part 2 (Official Music Video)


Title: Kalmado Part 2
Artist: Omar Baliw, Ron Henley and Rhyne
Mixed, mastered and produced by Ochomil / 8 Beats

Filmed, edited and directed by BJT / Black Chair.
Drone shots by RG Visualz.
BTS photos by ZJA.

Ron Henley - Mana (Official Music Video)


Beat produced by Klumcee
Recorded, mixed and mastered @ The Ashram Studio

Director/Editor: Ken Yamaguchi
2nd Cam Op.: Joshua Subeldia
Lighting Coordinator: Mhar Udarbe
Gaffer: Jet Corbe, Caloy Udarbe
BTS: Marlo Juare
Photography: Ashots

Ron Henley ft. Jameson, Djmomukhamo - DSL Lyrics

Daanang kanina’y tuwid panay kurba
Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda
Ramdam mo ba yung alon handa na kong masuka
Tara pumasok na sa pintuan bago pa magsara
Ganto pala pag nagbabalat ang langit, kulay kalabasa
Tubig na nagmula sa Nawasa, naging prutas ang lasa
Mga salitang nagkasundo, mensahe’y pasa-pasa
Mga numero sa mundong ito tila may pinapabasa
Yung nasa dingding ay nagsasalita, sirang plaka
Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya
Kaya di nagpabaya baka tuluyang maligaw, mawala
Kasabay kong huminga ang aming kisame’t sahig
Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig
Ingat lang sa pagpanik pagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi, wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin, wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

Bulag man ako sa oras, nasipat ko naman ang
Katotohanan sa likod ng kalawakan
Nakita ko sila, ngunit di ko mahawakan
Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan
Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin
Nagiging tigre yung isa sa mga dating nailigaw na kuting
Ang mga pira-pirasong pangarap na kelangan pang buuin
Tinanim sa lupang bibihira tumaba kaya ayaw nilang dakutin
Buhat ng ako’y naliwanagan
Isang malubak na lansangan naging bagong kapatagan
Kung walang pusong pinayayaman
Isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan
Ang buhay man ay maulan
Pero tandaang tubig ang dahilan kung ba’t may kakahuyan
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi, wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin, wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

Ako’y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama

Ang gabi ay lumalalim
Ako’y lumulutang sa salbabidang punong puno ng sariwang hangin
Nung pumutok ako’y lumubog sa ganda ng tanawin
Kaliwa’t kanang tawanan, sari-sari ang pagkain
Di ko akalain ang pagiging mahiyain
Ang aking daan upang maging malikhain
Di ko man marinig ang sinasabi nila sakin sa labas
Sarado man ang dalawang pintuan, kita ko sila sa bintanang nakabukas
Kasabay kong huminga ang aming kisame’t sahig
Nagkabit-kabit na nga ang mga butas ng banig
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik
Basta tandaan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi, wag mo kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ibig ko lang sabihin, wag mo kong iiwanan
Bago magamit yung duyan kelangan daw munang yung papag ang unang mahigaan

Ako’y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatami

Ako’y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama

Ron Henley ft. Jameson, Djmomukhamo - DSL (Official Lyric Video)


DSL feat. Jameson & Djmomukhamo

Produced by Pino G
Mixed by Don Sy
Mastered by GFAB
Additional Vocals by Jameson Sanchez and Pino G. Taurus

Illustrated by TheNutcasePk
Animation/Edited by: Cholo Gonzales

Ron Henley - Mana Lyrics

Sa musika ako unang nalulong
Sa kwarto maghapong nagpapatugtog, nagkukulong
Akala ng iba baliw kasi mag-isang bumubulong
Di lang nila alam na minsan pag sinusumpong
ng mga salitang pulu-pulutong
Isip ko di mapigilang tumugon
Lalong-lalo na nung narinig ko yung
"Way I Am" ni Eminem, tangina men ang galing din!
Sabay kuha ng itim na ballpen, sinubukan kong itugma yung dingding sa tingting,
Ganun din sa singsing, chedeng, ineng, maging sa bling-bling, bitin parin
Problema ko pa kung alin ang gagamitin at pano pagkokone-konektahin
Teka meron lang akong tetestingin, baka kako magawa kong perpiken
Pinagpuyatan kong hinanap ang liwanag sa nilalakaran kong lansangan kung san ang dilim-dilim
Sinubukan kong tumikim-tikim, umupo, umubo ako, ehem-ehem
Kusang nagpakita yung talang nagturo sa bagong silang na supling dun sa Betlehem
Ika-dalawampu ng Mayo, mil nobesyentos otsentay sais
mag-aalas siyete ng gabi, may nanay na ire ng ire, pawis na pawis
Abong isinaboy padala mula sa kometa nung dito sa planeta dumaplis
Tibok ng puso'y bumilis, senyales na araw ng martes ang labas ko ng matris
Matinding liwanag ang aking nasipat
Kahit mata'y di ko pa maidilat, kaligayahan ang aking agimat
alam kong ligtas ako sa kanyang balikat
at atat nakong makita ang araw, sa kanyang paglubog at sa kanyang pagsikat
Buwan-buwan ma'y palipat-palipat
Pero tandaang pag gabi, may bituing kumukutitap
Ako yung toothpick nangarap maging banana cue stick
Turo ng mga mapaglarong daliri ni Ludwig
Kwaderno ko'y parang naging pinagsama-samang pisara nila Da Vinci at Euclid
Marami-raming punit, inaral ko ilang ulit ngunit di ko nagawang maging bihasa sa pagguhit
Di ko namamalayang may mga larawang maipipinta sa tala-talatang letrang aking naiukit
Gusto mo ba ng kakaibang romansa?
Yung tipong mapapasayaw ka ng cha-cha
Pagkatapos kong isawsaw tong taco sayong salsa
Mula Marikina, dumayo ng Tanza
Tapos bumisitang Pasacao at Naga
Pinakita sakin ang Pasig at Qc para
sabihin lang na wag mawalan ng Pag-Asa
Makauwi na nga sa amin
Pero bago ang lahat, magdudugo muna dun sa bahaging
dibdib bakasakaling marinig ninyo ang pahaging, masabing
ito'y tagos sa damdamin
Pwes tsob, tsa, tagilid, aken
Subukan mong languyin ang lalim, wag mo ng hintayin
pulikatin, at maging pagkaen
ng mga butanding sa baybayin ng Lingayen
Naisip ko sa kanto, sinulat ko sa banyo
pangarap ko lang marinig sa radyo
Nakakapanibago
nakakapagtaka biglang bait ng mga tao
Mga nakahaing nakakaengganyo
oo may kontrata na tayo
kaya ngayon pano, napapraning nako,,
magpapabiktima ba'ko
sa mga maiitim nilang plano
Bigyan nyoko ng patas na laban
Wag nyo naman kunin lahat ng laman sa menudo
baka matira sakin patatas at sarsa na lamang
Sa dumi ng pulitika di na kaya ng ilang sabon
Umabot nako ng dalawampu't syam na taon, sistema'y bulok parin hanggang ngayon
Nagtanim ako sa isang bakanteng lupain, di ko akalaing may makakapansin
Tapos nung may nakarating andami rin palang magmamagaling, makikiangkin
Madalang ko lang silang nakikita nung ako'y gumagapang
Kaso nung ako'y nakatayo na sa sarili kong paa, sasabihin ng iba yumayabang
Wag mokong husgahan
Di pa kita nakakasalamuha sa damuhan, itigil mo na yan
Di ka nga gumagamit pero ugali mo'y adik sayang naman
kung ako sayo itira mo nalang
Wala na bang matinong kausap
Tira nila'y dakdakan, akin nama'y hook shoot
Kung gusto mo ng pataasan ng talon, sige mauna ka don sa rooftop
Makaramdam ka naman ng dagok sa bumbunan
Parang kinukunan habang pinupugutan
Mga kalawanging pako na galing impyerno ang pinaghuhugutan
Pinagtagpi-tagpi kong barong, pinaghalu-halong kahoy, bakal at gulong
Limas pati pinaghirapan kong bubong
Gusto nila sa kahon ako ikulong, di naman kasya ang mga tulad kong annunaki don
Tuyong-tuyo ako noong Pasko, Bagong Taon ako ay napadaing
Sana sa Mahal na Araw, punuin Nya yung salin ng aking balde-baldeng panalangin
Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot
Wag kang matakot, alam kong di ka madamot
Umaasa lang akong makalibreng batok
"Bakit ba nandito to? ang agresibo mo
Ito na yung kapiraso ng lupang kinita mo
Diba hiningi mo to?
Pero pano mo mapapatunayang sayo, eh wala ka ngang titulo"
Kung ipagpapatuloy ko to, aabutin tayo ng umaga
Humanda ka! makukuha ko rin naman yung dapat ay sa akin, parating na yung mana...

Ron Henley - Mana (Official Audio)


Produced by Klumcee
Recorded, mixed and mastered @ The Ashram Studio
Single cover art by The Nutcase PK

Ron Henley ft. Al James - Iladnasanwakan (Official Music Video)


Iladnasanwakan Official Music Video by Ron Henley feat. Al James

STARRING: Macdonald Munyaka (@macdonaldmunyaka) & Lakoda Faaiu (@itskodaaa_xo)

Director & Editor - Lowee Nagal (@chase.files)
D.O.P/Cinematography: Lowee Nagal & Miles Sanchez
Executive Producer - Miles Sanchez (@iamwicked_)

Music Produced by Jim P
Mastered at MFORE Studios by AliQ of AKJ Mastering
Additional vocals by Chen Pangan of Unit 406
Artwork by TheNutcasePK (@thenutcasepk)

© WCKD PROJECT$. ALL RIGHTS RESERVED 2020.

Ron Henley, Kial, Jsn Bltzr - ?Ano Na? Lyrics

ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na
ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na

napakahirap mong mahagilap
maaari bang masuot ang iyong agimat?
pampamanhid lang saking balikat
kahit na sabi nila sa hiwaga'y mag-ingat ka
paliwanag ko'y may sinag na
nakakasilaw sa mata ng mga nabihag nya
sapot na sakop ang malawak na bakod, nakakatakot
pasok ka salot dito ang alak at usok ay hinahakot
bago ibalot, sukat ang salop
utakan, sahod, tulakan, kayod
bawal mapagod laging matayog
ang paglipad hanggang sa tala umabot
pero kung di mo man ito marating
balik sa dilim na puro halimaw ang yong kahambing
pinunong may ulong kambing
hangad ay kapayapaan habang hawak ay patalim
dagat dagatang apoy na puno ng pating
imposible lahat ng gusto mong maging
kahit pa siko mo'y kagatin

ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na
ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na

naumay na sa bawat bakit ng mga naghahanap ng dahilan
napilitan nang lumapit kahit ano pang ganap at nagsi-dalian
naligalig sa pagkahig ang mga paa nang laging may makabig
bago mawala palaring mapasakin ang mga dinadalangin
sa malalim na patingala paligid ay galit
merong mga titik sa loob ng mga matang nakatitig
habang nanlilisik pinagdikit-dikit ang nabuong salita ko ay pag-ibig
gaano kasakit? walang sumagot di tuloy, nakapaghanda ng gamot
kung walang nagbigay at walang nag-abot
wag mong balikan ang pagdadamot
maulap-ulap nung sinubukang makisilip sa mga nakapiit
binuhusan ng kaalaman pagkat minsan lang makatikim ng dilig
tipikal na kamalayang madali lang mapabilib
manatiling pakurap-kurap ka lang kada saglit pagnamulat
di ka na makakapikit

ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na
ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na

ako ay matatagpuan sa pusod ng dagat
nakasakay sa bangka sa pang-apat
rinig mo rin sa dulo ng tawag
ramdam ko naman ang gaspangan sa bawat tapikan ng palad
batid ko na kagad tagay parang di na banayad
nakakabagabag mga written na kapunit-punit
freestyle na paulit ulit
dapat linyahan parang tapat na timbangan
bawat guhit sulit
ano napa'no ka? tropa napa'no ka?
nasilip mo bang muli ang mundo kung san hintayan mo nung
ligaw ka pa lang na kaluluwa
taga gising ng diwang tulog mantika
naglakbay palayo ng maynila
hanap ay kasagutan na tila nasa dulo ng dila
'pag ba ipiniga tong daliri na to sa gatilyo ng nakatutok na magnum
maging klasik kaya yung pamana kong album palaisipan kung...

ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na
ano'ng nasa dako paroon
isa sa marami pa'ng tanong
nito'ng malikot na pag-iisip
?Ano na? Pano na? Pa'no naano na

Ron Henley, Kial, Jsn Bltzr - ?Ano Na? (Lyric Video)


Produced, recorded and mixed @ The Ashram Studio by Klumcee
Mastered by Klumcee and Albert Aliq @ AKJ Mastering
Lyric video by : Mark Jinno Damaso
Lyrics written by : Klumcee, Jsn Bltzr, Kial and Ron Henley
This song will be available on all digital platforms on Halloween Oct. 31, 2019

Inigo Pascual x Ron Henley - Bata, Kaya Mo! Lyrics

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Pinagmamasdan ang iyong ginagawa
Nagaantay sa iyong pagkadapa
Takbo takbo huwag hihinto
Masyado ng malayo di na kaya pang sumuko
Sa daanan may kalaban kaliwa man
O sa kanan
Wag, wag lang paghihinaan
Tibayan puso’t isip mo
Isipin mo ang mga pangarap mo

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Malapit ka na nga bang mapisat
Di mo ba kaya ang bigat, bakit di mo iiyak
Baka sakali lang pakiramdam makalipad
Nandito parin ako, katulong mong maglipat
Wag mong buhatin yan lahat
Mababalian ka dyan
Kung nalulunod ka ngayon
Sana sa pagmamahal
Kung hindi, panandalian lang yan
Tara tawanan tayo magdamag
Hanggang sa maghapdian ang tiyan
Pagkagat ng dilim
Lasa ng liwanag mas lumilinamnam
Talasan ang pakiramdam
Kung wala kang sagwan
Languyin mo lang
Mararating mo rin ang pampang

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Huminahon wag ng kabahan pa
Pag merong humamon pabayaan lang sya
Huwag ka lang papayag na sinasaktan ka

Basta, pag may ginawa eh di lumaban ka

Huminahon wag ng kabahan pa
Pag merong humamon pabayaan lang sya
Huwag ka lang papayag na sinasaktan ka
Basta, pag may ginawa eh di lumaban ka
Ohh..ohh (4x)
Ohh..ohh (4x)

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Bata bata wag matakot sa dilim
Mata nilang dilaw na nakatingin
Bata bata wag matakot harapin
Ipakita mo kung ano kayang gawin

Inigo Pascual x Ron Henley - Bata, Kaya Mo! (Official Lyric Video)


Sing along to Inigo Pascual and Ron Henley's COKE STUDIO original collab song!

Coke Studio Philippines

Konflick ft. Ron Henley - Maskara Lyrics

Sa likod ng mga ngising nanlalambing,
Gising! may nakatagong mga ngiping antatalim
Nagiging pating pagkagat ng dilim sa ngalan ng perang tumataginting
Akala ko ang pambansang puno ay narra ngunit bakit parang mas marami paring balimbing
Tuwing tag-ulan, inaabutan naman kita ng payong-kapatid
Pero Mga kwento mong hatid sa iba, ang dating, para tayong magkagalit
Pag kaharap ambait-bait, daig pa nakainum ng pampalibog pero pag nakatalikod
Pinagmamasdan ang bawat hakbang nag-aabang na ako ay matalisod
Dyan ka magaling, manira, mamihasa, managasa
Palibhasa di ka makatama
Atsaka tae ka, kahit nga langaw ata, mapapaniwala
Amoy ko na dati pa ang dumi ng iyong taktika
Plastik ka! gagamitin ang pagkakaisa para lang makaisa
Mukha mo! sawa narin naman akong makipagtalo
Gagamitin ko nalang ang oras at lakas ko sa pageensayo
Kung gusto mong makipagdukutan ng mata, tara palitan tayo
Para makita mong may mga naghubad ng maskara pero yun pala, mga pakitang-tao
Konflick:
Matatamis na ngiti, alipin ng pag kukunwari
Sa kalooban ay hindi madali
Pinipilit magapi, ikaw at ang sarili ay nag tutunggali
Napapagkamalan na tama ang mali
Marami ang dinadaan sa salapi para lang to magwagi
Yari ka malingat ka sandali
Nakasibat na, laging nag mamadali
Para di halatado, sumunod sa mga plano
Malinis ka dapat na trumabaho
Boss areglado! Pag katapos sigurado mabango ka nanaman sa mga tao!
“Basta ba wag mo lang huhubarin, lahat ng pangako ay tutuparin, kailangan matuto ka rin kung pano mo to paikutin, pano laruin”
Lahat ay aking gagawin sapagkat buhay ng pamilya ko’y binago’t inangat, Utang na loob ko ang lahat
Sa lahat, ako na yung pinaka tapat mong alagad, Kapag pinadapa, dumadapa, kapag ako’y pinatalon, tumatalon
Sakin may pina baon, sinisisid ang balon, lahat yon at walang tanung tanong!
Pero bakit nga ba? Patron! Tila ba nag bago ang panahon, balewala na bang lahat ng pinangako mo sa akin at pinag samahan natin ng ilang taon? Ganun ganon na lang ba yon? Sagutin mo ang tanong!
Ano bang nagawa kong kasalanan? “ Ganyan talaga ang patakaran kapag masyado nang maraming nalalaman, kaya PAALAM!

Konflick ft. Ron Henley - Maskara (Audio)


Written by R.Pagkanlungan , R.Henley
Beats by : Mike Bass
Mixed and mastered by David 'Yatzbeats" Manalo
Visuals by David "Yatzbeats" Manalo
Contains a sample from Maskara by Juan delacruz band
Maskara mixtape coming soon

Ron Henley ft. Jameson - Paliparan (Official Audio)


Ika-limang kanta mula sa #MANA album!

featuring Jameson

Produced by Klumcee
Single cover art by TheNutcasePK

Loonie ft. Ron Henley - Ganid (Official Music Video)


Directed By: Loonie
Director of Photography: Michael Dolero
Cameraman: Michael Dolero and Ivan Agustin
Edited By: Michael Dolero
Stylist: Jasper Salimbangon and Posh Zara Cabbo
HMUA: Aira Castor
Propsman: David Rizon
Cast and Cameos:
Joel Silas
Destro Lazo
Armin Torculas
Kristine Mallari
Boss Toyo
Shanti Dope
Because
John Roa
Ex Battalion
Klumcee
Al James
Pricetagg
Apekz
Abra

Ron Henley ft. Al James & Chen Pangan of Unit 406 - Iladnasanwakan (Official Audio)


Music: @producedbyjimp
Co-arranger: RJ Pineda
Additional drums: John Terence Morales
Additional vocals: Lexus of OWFUCK
Artwork: Alvin Manlutac

K-Leb ft. Ron Henley & Drich - Pisi (Official Music Video)


PISI Music Video - K-Leb feat. Ron Henley and Drich
Beat Produced By Ochomil
Directed - Colli Tugista
Asistant Director - BJ Prowel
DOP - Mar Peralta
Producer - BheBheBoyz And Kenjo
Staring - Kritiko. Trixie Nicole Flores. BheBheBoyz. Team Soya

BHEBHEBOYZ Official Channel

K-Leb ft. Ron Henley & Drich - Pisi (Audio)


Pisi
K-Leb feat. Ron Henley and Drich
Prod by Ochomil

Loonie ft. Ron Henley - Ganid Lyrics

[Hook]
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya

[Verse 1 - Loonie]
Dami-dami Dami-dami mo namang mga taga hanga
Talented ka pala
Hindi lang sa battle, hanep din sa kanta
May manager ka na ba?
Grabe na talaga, dapat nga may sarili ka ng
Billboard sa edsa
Mga guesting kay vice ganda
Wag ka mag aalala
Ako mag pa-paikot ng pera
Taga ipon ng benta
Para di ka makalimot ako ang taga bilog ng petsa
Maraming hahangaan
Taga higop ng pwersa
Lagare bakal
Taga ikot ng fiesta
Taga bayad ng payola
Taga hilot ng pyesa
Hahamigin lahat ng nakapalibot sa mesa
Kabisado ko na ang lahat ng pa-sikot sikot ng
Naka-kahilong sistema
Kaya kung ako sayo
Wag ka na mag pa bebe pa
Bibigyan kita ng bagong cellphone na may camera
Para makapag selfie ka
Orig na mga damit, walang replika
Tapos dadalhin kita sa america
Ipapakolab kita kay fetty wap
International mala jose rizal
Talagang heavy-gat
Galawang demi-god
Kahit kailan hindi ka na mag pe-pedicab
Hatid sunod ka ng kotse sa hellipad
Kung ayaw mo parin pumayag, edi wag
Ang importante dapat happy ka
Papa-lakasin pa kita parang makina
Basta pirmahana mo lang to lahat
Bawat pahina, wag mong basahin ha

[Hook]
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabit di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya

[Verse 2 - Ron Henley]
May pera ka daw na
Dumating nitong martes
Kaso lang sa
Sang daan ni
Taguro bibiyak pa
Ng trenta
Si ginoong Valdes
Wala na atang
Mas lulupit
Mang iipit sa gitna
Ng mga guhit, kudlit, gitling at tuldok, kuwit
Talagang halatang mang uumit
Puro hit pano pato maitutuwid
Naglagay ka sa plato ng puro hit
Kaso platito lang ang bumalik
Para makuha mag makaawa ka muna ng may matang nag tutubig
Para-iso para sa
Mga gara-pata ang ulo lang ay paa tsaka pata
Pagka-kita nila sakin na bata pa swak sa, kasa kahit nilagyan ng atsara
Kumapit sa kamay, gumapang hangang siko
Hindi mo makikita sa kapal ng balahibo
Ngunit amoy ko agad ang pangnginatis na motibo
Di porket asal askal hindi na matalino
Ako ay napasugod
Apat na sulok ng kwarto ang aking nasuyod
Huli ko sila, sa akto hubo't hubad sa kumot
Nagpapaligsahan mga kuto at surot
Puro asungot ang nakakasalamuha
Eto ba ang nakukuha sa pag lalakad sa lupa
Pakiusap tirhan nyo ko ng dugo
Binigyan ko kapiraso
Tinangay pa yung buo
At kung na-kaisa ka man sa-akin
Ma-aaring nakachamba
Dinila-ng paa na lang baka nakakalimutan mo na
Mas mabilis ang karma

[Hook]
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya

[Verse 3 - Loonie]
Kailangan na natin magising
Sa kanilang mga balak na maitim
Panay hassle na mga processing
Panay promise sa mga promising
Tsaka aanhin ko yang photoshoot
Sa magazine
Kung yung pera ko wala parin
Bakit tila di madinig ang mga daing
Di ko narin alam ang aking gagawin
Nakakapraning
Mga magnanakaw ng palihim
Mga mandarambong na may marketing
Ang mga sakim tumitira habang walang nakatingin
Di ko napapansin na yung publishing
Naibenta na pala nila sa magic sing
Wala manlang kinita ni katiting
Kusino kusinera sya padin nakatikim
Ngayon bilang magulang
Halos lahat ng raket ay pinapatulan
Sumasakit lalamunan
Ngunit ang aking kinikita
Tila ba kulang
Tanghalian hapunan
Sardinas ang ulam
Sino nga bang di mabibilaukan
Sa di mabilang na utang
Nag tatanong sa kapalaran
Bakit pinag damutan
Gusto ko ng makalabas sa aking pinapasukan
Layasan ko kaya, tignan ko kung di matauhan
Dapat matagal ko na silang, pinakasuhan
Di manlang sinapatusan
Di manlang pinabaunan
Ang kapal ng mga muka
Di ko to sinangayunan
Isa sa pinaka unang pinangakuan
Kinalaunan
Daig pa ko ng binalatuhan
Pinag planuhan ng mga pasistang dayuhan
Oportonistang madupang sa kanilang bakuran lang pala
Mapupunta lahat ng aking pinag paguran PUTANGINA!

[Hook]
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
Ang dami dami dami dami dami dami ng
Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
Gagamit gamit ng sabi di akalain na
Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya