Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ebe Dancel & Rachel Alejandro - Kahapon, Ngayon At Bukas Lyrics

Hangga’t hawak mo ang aking kamay
Anumang hamon ang ibigay
Ng mundong itong pabago-bago
Dahil sayo nakakayanan ko

Turuan mo akong bitawan ang kahapon
At harapin ang ngayon
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan
Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko
Malaya kong sasabihin sayo
Mahal kitang labis at wagas
Kahapon, ngayon at bukas

Ayokong mangako na laging payapa
Ang bawat sandali nating dalawa
Basta’t hawak mo ang aking kamay
Ngayon at habang buhay

Turuan mo akong bitawan ang kahapon
At harapin ang ngayon
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan
Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko
Malaya kong sasabihin sayo
Mahal kitang labis at wagas
Kahapon, ngayon at bukas

Mahal kitang labis at wagas
Kahapon, ngayon at bukas

Kahapon, ngayon at bukas

Klarisse De Guzman - Paalam Na Lyrics

Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka ‘di na mabigyan
Ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa 'yo
'Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't ‘di magkasundo
Damdamin laging 'di magtagpo ohh

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin
Na pag-ibig ko'y ‘di tunay
Dahil sa 'yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa 'yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko wohhhh

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan

Sa isa't isa