Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kian Dionisio - Pa Fall Lyrics

Wag mo kong tititigan na parang meron tayong kinabukasang dalawa
Wag mo kong hahawakan na parang hindi ka bibitaw pa sakin sinta

Hindi kita mapapatawad pag ang puso ko ay nalalaglag
At di mo manlang sinalo’t hinayaang mabasag kaya wag…

Wag mong katokin ang puso na nananahimik kung ikaw ay dadaan lang
Wag mong sayangin ang aking ngayon kung mawawala ka din pala kinabukasan

Hindi kita mapapatawad pag ang puso ko ay nalalaglag
At di mo manlang sinalo’t hinayaang mabasag kaya wag…

Di ko kailangan ng ngiti na pansamantala
Di ko kailangan ng haplos na mapapasa iba
Di ko kailangan ng yakap na para bang bula
Di ko kailangan ng pag-ibig na nawawala oohhh…

Wag kang lumapit
Wag mong titigan
Baka di kayanin
At mapagbigyan
Ang aking pusong
Uto-uto
Kaya’t kung pwede ikaw na ay lumayo

Wag ka wag (ka nang lumapit)
Lumayo (ka na sa akin)

…wag na wag
Lumayo

Wag na wag
Kang lalayo

Angeline Quinto - At Ang Hirap Lyrics

Naglalagay ng kolorete sa aking mukha
Para ‘di nila malaman
Ang tunay na naganap
Na ikaw at ako ay hindi na

Ineensayo pa ang mga ngiti para ‘di halata
Damdamin ko’y pinipigil
Sa loob umiiyak
Dahil ikaw at ako ay hindi na

At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay talagang wala ka na
At kung bukas pagmulat ng aking mata
May mahal ka nang iba
Wala na kong magagawa, di ba?

Paano ko sasabihin
Sa mga kaibigan ko
Kung ako rin ang sisisihin
Nabulagan ako
Na ikaw at ako ay wala na

At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay talagang wala ka na
At kung bukas pagmulat ng aking mata
May mahal ka nang iba
Wala na kong magagawa, di ba?

Sa’n ba ko nagkamali
‘Di ko maintindihan
Kung sino pang nagmamahal
S’ya pang naiiwan
S’ya pang naiiwan…

At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay talagang wala ka na
At kung bukas pagmulat ng aking mata
May mahal ka nang iba
Wala na kong magagawa, di ba?

Duncan Ramos ft. Abra - Kabayan Lyrics

Lyrics Not Available

Slapshock - Atake Lyrics

Mga Leon sa gubat
Mga sampal de gulat
Walang kumakalas lalong lumalakas
Parang wala ng bukas

Tanawin mo ang umaga
Wala ng pipigil sayo
Lasapain mo ang pag-asa
Ito ang alay ko sayo

Palakas ng palakas
Pasulong walang umaatras
Mula harap hanggang likod
Uno, Dos, Tres, Sugod!

Atake
Sugod ng Sugod
Atake
Muala harap hanggang likod
Walang makakatakas
Kilalang matikas,hindi pagigiba
Tayo ay iisa, umalis and hudas

Dito ay walang lamangan
Iisa ang gating sigaw
Kahit saan handing samahan
Basta pag may pagmamahal

Sa hamon ng buhay (Sugod)
Sa paglalakbay (Sugod)
Masugatan man (Sugod)
Wala ng bibiaw (Sugod)

Curse One - Ipagpaumanhin Mo Lyrics

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Salamat dahil sayo, kung wala ka’y wala ako
Binibini ng buhay ko ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuo
Nabuo sa mundo ng makasalanan ma’y ito ang totoo
Totoo, bahaghari ang lalabas,
Lumabas man ang tunay na kulay ko
Iba na ang nakaraan sa ngayon, pero alam mo bang minahal kita noon
At kahit na lumipas ang ilang taon, hinding hindi magbabago yun
Kung may binago man ako yun ay sarili ko, para magaan lagi sa piling mo
Ayoko lamang na nag-aalala ka, mithing makasama ka, lubusang mapadama
Sayo ang pag-ibig ko
Pero sa lahat ng sinabi ko ayos lang kung ang isasagot mo ay “No”
Dahil sayo ang mga tulad kong ginoo ay naging maginoo, I know

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Kahit na madalas kinukutya ng iba
Itong damdamin ko para sayo ganun pa man di bale na
Kahit ano pa ang mangyari satin lagi mo sanang iisipin na
Ako ay nandito lang, di hahayaang masaktan ka
Ang makita kang nakangiti ay sobrang sarap sa pakiramdam ko
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Minamahal kita, alam yan ng Diyos Ama
Ikaw ang panalangin ko

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Hindi ka basta basta lang, basta basta lang
Hindi ka basta basta lang, basta basta lang
Kaya ako ay nabighani mo, ikaw ang pinapangarap ko
Araw araw, hindi masusukat ng kahit ano
Walang ano mang hihilingin sayo
Ayokong hanapin kita dahil sa paraan na yun, malamang di ka magpakita sakin
Ngunit kung kailangang tahakin ang ilang kilometrong layo, gagawin
Malaman mo lang na mahalaga ka sakin

Pag naabot kita, abot ko na ang lahat
Huwag mo sanang ipagdamot pag-ibig na tapat
Dahil sayo pakiramdam ko
Ano man ang suliranin kayak o
Gaano man ‘to kabigat
Sayong sayo ang buong ako
Ipapadama ko sayo ang pag-ibig kong natural at kusa
Pag nakamit kita
Ang mga tala sa kalangitan ay hindi na muli pang luluha

Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Geca Morales - Oo, Ikaw Lyrics

Ako ay mayroong gustong aminin
Ngunit di alam kung pano
Noon ko pa itong gustong sabihin
Di makahanap ng tyempo

Bakit bag ganon…
Bakit ba ang hirap magpakatotoo
Bakit ba ganyan
Bakit ba di ko masabi sayo
Oh ohh oohh

Hoy! Ikaw! Oo, ikaw
Di mo ba alam na…
Mahal na mahal kita
Di ko lang alam kung di lang ba talagang halata
O sadyang napakamanhid mong talaga!
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw… ikaw

Kainis bakit laging nagdadal’wang isip
Natatakot sa magiging sagot mo
Di alam bakit ba di makaimik
Di mapakali tuwing lalapit

Bakit bag ganon…
Bakit ba ang hirap magpakatotoo
Bakit ba ganyan
Bakit ba di ko masabi sayo
Oh ohh oohh

Hoy! Ikaw! Oo, ikaw
Di mo ba alam na…
Mahal na mahal kita
Di ko lang alam kung di lang ba talagang halata
O sadyang napakamanhid mong talaga!
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw

Ikaw, ikaw oo nga ikaw
Sana nga ganun lang yun kadaling sabihin
Madali pa atang sumulat ng kanta
Kaysa lumapit at umamin sayo ng pag-ibig
Pero sige na nga
Bahala na lang
Oo eto na nga
Sasabihin ko na ah ah ah

Hoy! Ikaw! Oo, ikaw
Di mo ba alam na…
Mahal na mahal kita
Di ko lang alam kung di lang ba talagang halata
O sadyang napakamanhid mong talaga!
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw woh o ohh
Oo ikaw
Oo, ikaw
Ikaw…

Donnalyn Bartolome - Saranggola Lyrics

Hindi ko masimulang magsulat
Ayaw kong kumilos ng hindi kita kasama
Tuwing nakakatapos ako ng kanta
Gusto ko laging marinig mo muna sana
Mas bagay ba kung uumpisahan ko sa miss na kita...
Eh kung unahin ko muna kaya ang bumalik kana...

Kasi naman...

Ikaw ikaw ikaw parin ang una, unang pumapasok sa isip ko
Kapag kapag kailangan ko ng tulong sa pag susulat ng kanta
Lalagyan ko ba ng OHOO HOO OOHhOO UHOohuHoo.
LALALALALALA... OH Kaya ng PaPARAP PAPAP PAP PARARAP.
Wuhohohoo HO Wuhohoho HO Ohh.
Ano kaya ang mas gusto mo

Bumabagyo ng malakas na malakas
Pero pilit akong nagpapalipad ng saranggola
Paano ko matatapos tong kanta
Nahihirapan ako kapag wala ka
Mas bagay ba kung uumpisahan ko sa ako'y iyong namimiss din ba.
Eh kung unahin ko muna kayang tanungin kung babalik ka ba...

Kasi naman.

Ikaw ikaw ikaw parin ang una, unang pumapasok sa isip ko
Kapag kapag kailangan ko ng tulong sa pag susulat ng kanta
Lalagyan ko ba ng OHOO HOO OOHhOO UHOohuHoo.
LALALALALALA... OH Kaya ng PaPARAP PAPAP PAP PARARAP.
Wuhohohoo HO Wuhohoho HO Ohh.
Ano kaya ang mas gusto mo

Sinusubukan kong tapusin tong kanta ng mag isa haa...
Ngunit dahil sa mga luhang nag-uunahan hindi na ko makakita
Gusto na kitang makita di lang dahil sa itatanong ko kung…

Mas bagay ba kung tatapusin ko na lang sa patawarin mo sana
Paano kung ihuli ko nalang kaya ang paalam na. OOHHuoohooHOO.

Ikaw ikaw ikaw parin ang una, unang pumapasok sa isip ko
Kapag kapag kailangan ko ng tulong sa pag susulat ng kanta
Lalagyan ko ba ng OHOO HOO OOHhOO UHOohuHoo.
LALALALALALA... OH Kaya ng PaPARAP PAPAP PAP PARARAP.
Wuhohohoo HO Wuhohoho HO Ohh.
Itigil ko na kaya ito.

Jona - You Lyrics

You give me hope,
The strength, the will to keep on;
No one else can make me feel this way
And only you
Can bring out all the best I can do;
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside.

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts

CHORUS:
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me stay,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me

You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,
You know the tears can't help but show
You'll break this heart and tear it apart;
Then suddenly the madness starts

CHORUS:
It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me.

It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.

'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me.

Curse One, Marrion & Zirhc - Pagtingin Lyrics

Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan

Alam mo naman na wala akong maipagmamalaki sayo kundi itong puso ko
Ngunit handa kong gawin lahat, sundin ka’t ibigay ano mang gustuhin mo
Kahit pa magmukhang tanga, mapasaya ka lang
Dahil mahal kita at sayo lang naramdaman
Itong ganitong klaseng pag-ibig na akala ko’y hindi totoo
Dahil alam ko din naman na isang kabaliwan lang to
Ilusyon o pantasya lang ang tumibok ang damdamin mo sa katulad ko
Kaya dinadaan ko na lang ‘to sa sulat ko
Sana naman ay imulat mo ang iyong mata
Panahon na para subukan mo
Buksan ang nakasara, hayaan mong mapadama ko sayo ang wagas na pagsinta
Sukdulan to!, grabe sya, pano nya nagawang ibaba ang langit
Iba sya, isa syang anghel, dahilan kung bakit magagandang awit
Ang naririnig ko, buong mundo’y nayayanig ‘to
Kapag sya na ang dumaan sa isipan ko
Sa lakas ng dating nya dumadagundong ang beat ugh.
Bboom boom boommmm!
Zzoom zoom zoommmm!
Ganyan ang pakiramdam pag napapalapit sayo
Sana’y nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
‘Di magbabago ang pagtingin ko sayo

Ikaw ang tanging dahilan kung bakit ako masaya
Kuntento na ako wala ng hahanapin pa
Di man ako yung tipo na pinapangarap mong makapiling
Pero sa piling ko ay liligaya ka
Kaya panghawakan mo lamang ang pag-ibig ko
Pagkat sayo lang ito nakalaan
Ang pagtingin ko sayo
Sayo lang ‘di ibabaling kahit kanino man
Ano man ang mangyare
Ay magtiwala ka lang sakin pangakong hindi kita pababayaan
Mula pa noon meron na kong pagtingin sayo
Handa kang mahalin hanggat aking makakayanan
Hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin
Ikaw ang babaeng nagbibigay sakin ng saya
Tanging ikaw lang ang kayamanan ko
Sa buhay ko ika’y mahalaga
Puso ko’y maliligaw kung ‘di ikaw ang katuwang
Tuwing kasama ka damdamin ko’y gumagaan
Tila ba lumilipad sa alapaap pag ika’y nakakayakap
‘Di ko maipaliwanag ang saya kong nakamtan
Nang makilala ka muling umikot ang mundo
Mamahalin kita hanggang sa makakaya ko
‘Di ko lubos maisip na ako’y pagpapalain
‘Di ko akalain na ito’y magiging totoo
Ibang klase talaga!
Kagandahan mo’y kahit kanino di ko maikumpara
Walang katulad ang katulad mo tila anghel mula sa langit
Nais kong malaman mo ang tunay kong nadarama
Minamahal kita kailangan pa ba’ng isigaw?
Kahit nakapikit ako ika’y natatanaw
Marami man ang humadlang sa pagsasama natin sinta ko sayo ay ‘di na bibitaw
Kahit na…

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
‘Di magbabago ang pagtingin ko sayo

Hindi ko man sukat akalain na kasama ka ngayon saking piling
Tila ba pangarap lang kita dati, sino ba namang makakapagsabi
Alam naman naten na noon hindi mo gusto
Ang mga tipo ng lalake na katulad ko
Subalit ngayon ay ‘di na hadlang mga yan sapagkat
Eto nga at kasama na kita masaya diba?
Wag kang mag-alala pagkat wala na ‘tong katapusan
Patuloy na mamahalin walang iba kailan pa man
Habang tumatagal lumalakas asahan mong pag-ibig ko’y matibay na makulay at hindi na ‘to magwawakas
Alinlangan, di kailangan, ikaw yung tipo na di ko kayang iwanan
Sayo lamang, tinamaan, ganito kalakas ‘di ko nakayanan

‘Di mo lang alam kung gano katimbang
Sa ngiti mo pa lang ako’y nabubuang
Kaya kung pwede lang hayaan mo na lang
Ang puso kong itong umibig ng hanggang sa dulo
Pagtingin ko para sayo ay malabo na magbago, bago!
Kakayanin magtiis kahit gano katagal wag lang lumayo
Yumakap ka lang sakin at wag na wag kang bibitaw
Dito sa palad ko, ang pag-ibig ko sayo’y tapat
Kung alam mo lang kung gano ka kamahal
Maiisip mo din na kahit na ‘di ako taong perpekto
Ay kayang umibig sayo ng walang hanggan

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
‘Di magbabago ang pagtingin ko sayo

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan

Oswald Sleeps Tonight - Sesa Lyrics

Kotse n’yang magara
Sa labas nakaparada
Naghihintay na yata
Ang sundo mong oportunista
Ang hirap sa’yong lumapit
Lalo’t may tukong nakakapit
Mga bouncer na naglalakihan
Na puro hangin lang naman

Pero ikaw!
Ikaw ay prinsesang tunay
At ako ang ‘yong alalay
Handa kitang pagsilbihan habang buhay
Lagi na lang “Nagkukunwaring tayo”
Minamasdan ka sa malayo
Hanggang dito na lang kaya ako
O posible kayang… magkatotoo?
Ohhh…

Lakad mo na pang diwata
“Tinig ng isang anghel sa lupa”
Meron pa bang pag-asa?
Madampian ng ‘yong hiwaga
Di ko gustong lumapit
Ngunit para bang ako’y naaakit
Maging ang tala sa kalangitan
Ay nahuhulog sayo…

Dahil ikaw!
Ikaw ay prinsesang tunay
At ako ang ‘yong alalay
Handa kitang pagsilbihan habang buhay
Lagi na lang “Nagkukunwaring tayo”
Minamasdan ka sa malayo
Hanggang dito na lang kaya ako
O posible kayang… magkatotoo?
Ohhh…

Simple lang naman ang pangarap ko
Ang ibigin ka… at ibigin din ako…
Ohhh…

Pero ikaw!
Ay prinsesang tunay
At ako ang ‘yong alalay
Handa kitang pagsilbihan habang buhay
Lagi na lang “Nagkukunwaring tayo”
Minamasdan ka sa malayo
Hanggang dito na lang kaya ako

Dahil ikaw!
Ay prinsesang tunay
At ako ang ‘yong alalay
Handa kitang pagsilbihan habang buhay
Lagi na lang “Nagkukunwaring tayo”
Minamasdan ka sa malayo
Hanggang dito na lang kaya ako?

Oswald Sleeps Tonight - Markado Lyrics

Pag lumuhod ba ang tala?
Pagbibigyan kaya?
Ang hiling kahit s’yang nakalipas na
Abot langit parin akong umaasa…

Tahasan nang nilimot
Ang siyang sakin ay bumabalot
Katawan ko ma’y markado
‘Di mo pa rin natatanto

Iniwan mo, iniwan mo, iniwan mo…
Ang mga ala-alang hindi ko ginusto
Ayokong isipin hindi ka na magbabalik pa
Bakit tayo nagka-ganito
S’yang aking pinagtataka

Nakatatak ka na sa isipan ko
Kasama ng pangakong binitawan mo
Sa puso ko’y parang tatung ipininta
Na magpa-hanggang ngayon
Ay di ko mabura-bura

Hindi mo nakikita
Tayong itinadhana
Tuklasin nating muli ang hiwaga
Magbalik kung saan lahat nagsimula

Sinabi mo, sinabi mo, sinabi mo…
May ilang buwan na lang ako maghihintay sayo
Wag mong sabihin wala kang isang salita
Dahil kahit anong gawin hindi ka na mawawala

Nakatatak ka na sa isipan ko
Kasama ng pangakong binitawan mo
Sa puso ko’y parang tatung ipininta
Na magpa-hanggang ngayon
Ay di ko mabura-bura