Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Dello ft. Curse One - Kahit Masakit Lyrics

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Alam ko na ang nadarama mo sakin ay tumatabang
Ibang iba ka na ikumpara nung simula pa lang
Na tayo’y magkasama bawat araw na dumadaan
Hirap na huminga at para bang merong bumabarang
Kutob saking loob at dahan-dahan kong napapansin
Napupuna, di ka na naglalambing
Nauuna ang galit at sampal kaya mukha ko ay namumula
Ang iyong pagmamahal napalitan na ng pagmumura
Nanlalamig ka na pero hirap ka pang umamin
Di ka dating ganyan kapag ika’y may tampo sakin
Mainit man ang ulo mo dali lang pahupain
Ngayon di na kita ma-gets ang hirap mong basahin
Tungkol ba ito satin o tungkol to sa kanya?
Baka pwede kong tulungan ang puso mo magpasya
Gawin mo gusto mo at kung saan ka masaya
Kalimutan mo na lang ang kwento nating dalawa

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Sa pagsasama natin bigla kang nag-iba
Yung dating masayahin tila ba naging parang
Laging problemado at lagi pang balisa
At pag nakikita mo ko eh lagi kang asiwa
Ayaw mo ko’ng makasalo ang daming pagbabago
Sa konting nagawa ko palaging nagtatalo
Minsan ay tulala nakatanaw ka sa malayo
Lumilipad ang isip pag magkasama tayo
At laging iritable ayaw mong tabihan
Ayaw makipagkita laging may dahilan
Tayo’y naglabo-labo kaya nagkalabuan
Ubos na ang rason ko para wag kang layuan
Ako na ang magkukusa para di ka mahirapan
Magpapanggap na lamang na di ka kailangan
Kahit na masakit at hindi ko makayanan
Basta mabigay ko lang minimithi mong kalayaan

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Hindi mo na kailangan na ako’y paliwanagan
Kung hindi ko rin anong dapat paniwalaan
Yung pagsasabi mo na ika’y wag paghinalaan
O mga kamay mo na umiiwas pag hinawakan?
At kapag tinititigan sa mata pinipigilang madala
Ang damdamin bakit sakin ngayon bihirang madamang
Mahal mo pa? teka ayokong maibilang sa
Tanga’ng umaasang mahal pa rin kahit hindi na talaga
Kaya sige na tapusin na ang dapat na tapusin
Walang dapat na amuin walang dapat na ayusin
Di na mahalaga kung ako’y mahal pa ba?
Walang saysay ang makasama ka kung di ka masaya
At sa sumpaan natin nakalimot ka at klaro
Hindi mo man sadya na magpaikot ka ng tao
Mag-focus ka na lamang dyan sa irog mo na bago
Magpapaalam na ko hanggang dito na lang tayo

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung san ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Dello ft. Curse One - Kahit Masakit (Lyric Video)


KAHIT MASAKIT [Official Audio] - Dello featuring Curse One

Title: Kahit Masakit
Artist: Dello feat. Curse One
DG Beats
© 2021

Curse One ft. Genesis - Dream (Official Music Video)


DREAM (Official Music Video)
Composed, written & performed by: Curse One

Featuring Genesis Espera

Video Directed and Edited by: Vanjo DeGuzman
Videographer: Ania Pioqinto

Curse One & Abaddon - For Me and You (Official Music Video)


Curse One & Abaddon - "For Me and You" (Official Music Video) by Haulah Cafe & MADFilms

Haulah Cafe together with MADFilms would like to present to you our First Official Music Video "For Me and You" with the collaboration of singer rapper/ songwriter Curse One & Abaddon. Starring Abi Uy and Spencer Narciso.

Director & Video Editor: Vanjo DeGuzman
DOP Cinematographer: Mar Peralta/ Jhomel Beniza
Beat Produced by CTBeats PH
Singer Rapper/ Songwriter: Curse One & Abaddon
Artists: Abi Uy & Narciso Spencer Capistrano
Rap Artist Grooming: Pen De Leon
Artist Hair and Make Up: Joanna Marie Liwag
English Subtitle Translator: Raquelle L. Ramos
Architect/ Designer: Arch. John Louie Ang & Arch. Anna Karmina Ang
Sponsored By: Trèsor Supreme
Produced By: Haulah Cafe (John Michael Yatco & Rochelle L. Ramos) & MADFilms (Vanjo Deguzman)

Haulah Cafe & Wok Tasty Food is open for walk-ins, take out, and delivery. Visit us at Unit 101A #106 Visayas Avenue, Quezon City.

Curse One ft. Smugglaz, Abaddon & Mike Kosa - Sakalam (Official Music Video)


Written & Performed - Mike Kosa, Abaddon, Curse one & Smugglaz

Directed by: Eddrian Alcayde
D.O.P - Eddrian Alcayde & Jasper Gojit
Aerial: Keyr Teriote
BTS: Mark Louie Gungon

Curse One & Vlync - Paano Ba Lyrics

(Curse One)
Bakit ba kahit na lagi kitang inaalis sa isip ko ay di ko magawa
Tila ika’y naging aking araw at buwan
Pakiramdam ko’y laging lutang sa tuwing ika’y napapagmasdan
Sobrang saya na makasama kita walang iba
Tibok ng damdamin (Tibok ng damdamin ko), hiling ko’y mapasakin ka
Dahil iniibig kita di mo lang alam
Kaso pag inamin ko na baka balewalain mo lang
Ang walang katumbas na nadarama para sa’yo
Ganun ma’y lagi akong nasa piling mo

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Vlync)
Wala kong sinabi, kasi di ko masabi na ikaw ay gusto ko
Isip ko’y gulong gulo, kaliwa’t kanan ang bulong
Aaminin ko ba o kaya hayaan ko na lang baka magkagulo?
Baka iwasan mo ako mas lalong di ko kaya
Pinipilit ko saking isipan na itigil na’t tumigil na, baka hindi ako ang tipo mo?
Pakiramdam ko’y ako lang ang may pagtingin sa’yo kaya napapangunahan…
‘Di kaya natotorpe lang?
O sinasadya mo lang na di magparamdam?
Kasi hinihintay mo lang akong lumapit sa’yo
Paano ba to? Paano?

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

Bridge:
‘Di mo naman pahalagahan at balewalain mo lang ang nilalaan na
Pag-ibig na sa’yo naramdaman
Total nandito na rin lang naman aaminin na sa’yo
Kahit ano man ang dating sa’yo
Ang tanging gusto ko lang ay mapasakin ka

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta (Tanging sa’yo lang ako)
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Curse One & Vlync)
Balewala lang, balewala lang
Balewala lang, balewala lang
Balewala balewala lang
Balewala balewala lang
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka mabalewala lang

Curse One & Vlync - Paano Ba (Lyric Video)


Written by Curse One & Vlync
Mixed and Mastered by Christian Earl Valenzuela
J Rain Beats

Curse One x Armed Poets - Just The 2 Of Us (Lyric Video)


Just The 2 Of Us
by Curse One, Marrion, Boi (Armed Poets) 2020
Beat Produced: Jey-B
Lyric Video: Boi

Curse One - Pag-Ibig Sayo Lyrics

Tuloy tuloy sa pag-awit, damdamin man ay mangawit
Hahamakin lahat magkalapit lang lupa at langit
Ikaw ang tulay, ay natangay sa tamis ng ngiti mong taglay
Aking tamlay naging sigla dahil sayo, it feels so right
Kislap ng ‘yong matang hinahatid ako lagpas himpapawid
Kaya kahit salita mo’y mapait ay hindi ko batid

Binigyan mo ng chansa, chansa para matanaw ang ganda, ganda
Mo naman tingnan kahit na saan pang banda, banda, banda

Tila nagkaroon na ng saya ng ikaw nang sumagi sa magulong isip ko
Simula ng ika’y nasilayan ay nagkaroon na ng maganda sa panaginip ko
Dahilan ng paggising ko laging nasa piling mo
Hanggang sa ito ay magkatotoo, asahang tibok ay hindi hihinto

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Sya ba ay kabigha-bighani? Yeah
Ganda nya’y natatangi? Yeah
Dahilan para harapin ang magandang kinabukasan kahit may suliranin?
Yung tipong pinadama nya sayong ikaw ay bituin at sya ang ‘yong kalawakan
While she keepin it tight di makitid ang isipan
Parang ang mga pangarap sabay abutin? Yeeeaaahhh yeah
Binibini mananatiling tapat sayo, sayo
Hindi ko sasayangin ang pag-ibig mo

Binigyan mo ng chansa, chansa para matanaw ang ganda, ganda
Mo naman tingnan kahit na saan pang banda, banda, banda

Tila nagkaroon na ng saya ng ikaw nang sumagi sa magulong isip ko
Simula ng ika’y nasilayan ay nagkaroon na ng maganda sa panaginip ko
Dahilan ng paggising ko laging nasa piling mo
Hanggang sa ito ay magkatotoo, asahang tibok ay hindi hihinto

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Ooohh, mga planeta ay nasakop mo
Dahil sayo, napuno ng melodiya ang buong mundo
Sa bawat araw, buwan, mga bituin
Lakas ng ‘yong dating sa puso kay sarap damhin
Imahinasyon at katotohanan riyalidad at mga pangarap
Sobrang ganda, kahit ‘di magtugma mga sumpa’t pagpapala
Wag mo sanang iisiping aking pinapabulaklak lang
Mga salitang ngunit kahit na ganun pa ma’y ayos lang aaayos lang
Dahil ang katotohanan lang ay nais kitang makamtan
Habang buhay, yan ang tunay
Dahil pag ika’y kasama na oh kay gaan ng nadarama
Napapaawit na lang ng lalala lala

Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]
Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]
Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]
Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Curse One - Pag-Ibig Sayo (Lyric Video)


PAG-IBIG SAYO
by Curse One

Composed by: Christian Earl Valenzuela / Curse One
Beat Produced by: John Ege / JE Beats (Beat.pro)
Lyrics Video by: Vanjo Deguzman (Madfilms)

Jhanelle ft. Curse One - Layo Lyrics

Ilang gabi na rin pala
Akong nag-iisa
Pinipilit ang sarili
Na tumahan na
Minsan napaisip kung
Mahal mo ba’ng talaga
Dumarating sa punto na
Nakakatulog na lang ng lumuluha
Imbes na pag-usapan ay lumalayo
Lumalayo ka

Di mo ba naisip kung
Ano ang aking madarama
Sa tuwing magtatalo’y lumalayo ka
Iiwanan na lamang mag-isa

Kahit pa pilitin kong
Mapalapit muli sayo
Bakit tila tinutulak mo
Naman ako palayo
Umabot na sa punto na
Hinahayaan na lang ng nagdurusa
Kasama ka subalit ang iyong puso’y
Lumalayo na, lumalayo na

Di mo ba naisip kung
Ano ang aking madarama
Sa tuwing magtatalo’y lumalayo ka
Iiwanan na lamang mag-isa

Nag-iisa
Nag-iisa

Bawat umaga di ka katabi
Gigising ng walang kana at ngiti
Bawat sandal ay nasa isip kita
Ngunit ang aking pag-ibig naiisip mo ba
Isang araw na naman ang lumipas
Alam ko naman ganon pa rin bukas
Ngunit wag ka ng mag-alala
Dahil unti unti ng nasasanay ang puso ko na nag-iisa
Nawala sa piling mo sa pagtulog mag-isa sa paggising ko
Sa damdaming matagal nahimbing binigyan mo ako ng wala ng dahilan para ikaw ay pilitin ko
Pagsuyo ay sayo lang di mo pinapahalagahan
Pagmamahal sayo ay pangibabawin ko lang
Namumugtong mga mata sa lamig ng pinadama mo
Mundo’y gulong gulo sa lubos na pag-unawa ko sayo
Tanging gusto ko lang ay makasama ka
Habang buhay na mahagkan ka mapanatag na
Pag-ibig na walang hanggan

Di mo ba naisip kung
Ano ang aking madarama
Sa tuwing magtatalo’y lumalayo ka
Iiwanan na lamang mag-isa

Jhanelle ft. Curse One - Layo (Official Lyric Video)


Produced By: Allstar Pro
Mix & Mastered By: Al Auacay
Beat By: Jhanelle

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline Lyrics

Hindi biro ang trabahong malagay sa alanganin
Trabaho na isugal ang buhay sa ngalan naming
Nangangamba kami maging sila maging ako
Dahil katulad ng lahat, may pamilya rin kayo
Puyat at gutom ang lagi niyong kasama
Mapagaling nyo lang yung pasyente na nakaratay don sa kama
Para kumita ng pera kahit papano magkaron
Laging overtime tapos takbo rito takbo ron
Pag may problema o kalamidad lagi kayong nandyan
Kayo ang unang umaakay sa mga nasasaktan
Kahit ang buhay minsan ay sadyang mapait
Kayo ang superhero ng mga nagkakasakit
Salamat po sa pagtuloy niyo na kabayanihan
Gabayan nawa kayo ng Diyos na makapangyarihan
Gusto ko lang malaman niyo kaya kami nag-collaborate
Marami po kami na nakaka-appreciate

Tunay na kahanga-hanga ang pinamalas niyong katapatan
Kahit merong haka-haka buong puso ang katapangan
Bawat laban katatagan ang pinagkukunan
Determinasyon at dedikasyon ang nagsilbing puhunan
Para sa bayan handang makipagsabayan
Saludo po ako maging ang mga kababayan
Sa kabi-kabilang banta na meron sating bansa
Di nyo po alintana ang panganib na dala
Nakahanda kayong itanggi ang sarili
Mas pinili sa kalsada’t ospital na manatili
Nakangiti habang matindi ang sinasagupa
Kayo ang makabagong bayani dito sa lupa
Alam namin ang inyong lagay ay alanganin
Kaya laging laman kayo ng aming panalangin
Nakabaling ang tingin naming sa taas
Ang suliranin ito sa tulong nyo ay magwawakas salamat

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Habang ang lahat ay balot ng takot at kaba ang kanilang damdamin
Heto sila kung nasan ang peligro at ang lagay na pinaka-alanganin
Ang panalangin ay ang malagpasan ang hamon ng ligtas
Muling makapiling ang pamilya na iniwanan para sa Pinas
Sila yung mga nasa hanay na kung saan buhay nila ang syang nakataya
Batid man nila ang panganib na pwedeng masapit ay di sila nagpabaya
Nakikipaghatakan kay kamatayan sa lubid ng buhay ng mga pasyente
Kahit sila ay pwedeng makalawit ng mahabang karit na hugis pa syete
Dama ng gutom at pagod ay di makuha na magpahinga
Ang tanging lakas na pinagkukunan ay ang larawan ng pamilya nila
Na nakaabang sa muling pag-uwi makayakap makasama nilang muli
Habang ang iba naman ay di pinalad na napasama sa mga nasawi
Salamat ng marami sa lahat ng inyong mga sakripisyo
Walang salapi na pwedeng itumbas sa inyong binigay na serbisyo
Para sa bawat Pilipino ito ang aming pagpupugay
Sa mga nasa unang hanay na handang itaya ang buhay para samin

Di ko alam kung makakaya ko bang tumbasan
Ng awit ang yong dalang malasakit na kung saan
Ka man mapadpad na merong gantong sitwasyong pangit
Sayo kami kumakapit salamat sa di mo pagsuko kahit
Dumadami na ang lista akalaing parang mitsa
Puro takot kaya hakot ng hakot paubos na ang tinda
Pero sa halip na magpahinga ikaw pa nasa gitna
Pinipilit mo kaming sagipin kahit di mo alam kung masasagip ka
Tulad naming ay tao ka rin pero alam mo ang dapat gawin
Pag alanganin at madilim ikaw ang gabay sating lalakbayin
At tatawirin lalagpasan kapit kamay ang mga palaban
Sa mga panahon na may ganito lagi kayo ang nasa harapan
Buti na lang merong katulad niyo na pag ganito na merong sakuna
Kahit na minsan maraming puna lagi pa rin kayong nauuna
Para tumulong mabahiran ka man ng dugo na pula
Di ka papayag na bandera ng pinoy matumba

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline (Official Lyric Video)


Repablikan Records Syndicate Productions (Mandaluyong)
Repablikan Records Pasig (Pasig)
Sicktunes Music (Valenzuela)
Dello Records (Cavite)

Curse One, Vlync, Kejs, Aphryl - Wag Ka Lang Mangamba Lyrics

Sukdulan

Kung ano man ang ‘yong dinaramdam
Hayaan mo akong pawiin ang lahat ng paghati
Sa puso mo, wag kang mag-alala isa lang ang puso ko
Ito’y para sayo, sayo
Lagi mong tatandaan mahal kita
Tanging nasa isip ko, walang iba
Ikaw oh ikaw oh ikaw
Laging nasa isip ko ohh ohh
Ikaw oh ikaw oh ikaw
Kahit sa panaginip ko

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Saksi ang mga bituin
Liwanag ka sa tuwing ulap ay madilim
Ikaw ang dahilan ng bawat pag ngiti ko
Huli mo ng kiliti ko pati ang aking panlasa
Na mitikoloso, seryoso ako sayo
Napaibig mo ko ng todo
Kaya sayo ako handa ko nang gawin lahat
Wag ka lang mawawala

Panghawakan mo ito
Hindi ka mabibigo
Itinakda ng tadhanang ika’y makasama sa buhay ko
Mahal kita ng higit pa sa iniisip mo

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Walang ibang nakapagpadama
Sakin ng ganitong pagmamahal
Ikaw lang talaga
Kaya walang dahilan para
Tumingin sa iba
Sana ay paniwalaan mo
Lagi mong isipin na
Kahit minsan malayo ka
Hindi ibabaling sa iba
Tanging sayo lang sinta
Ang pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig
Ooh ooh ooh, ooh ooh ooh
Sana’y panghawakan mo

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Kahit na bali-baliktarin mo man
Ikaw pa rin ang nilalaman
Ang puso at isip ko’y sakop mo
Lagi mong tatandaan
Na walang makakapagpabago ng
Pagtingin ko sayo
At sa init ng pag-ibig ko
Na naglalagablag lab lab lab
Labis kang mahal
Dahil pakiramdam kong ito’y
Walang hanggan, walang hangganan
Ikaw ang tahanan, sukdulan ooh ohh
Langit sa piling mo

Walang katumbas ang pag-ibig kong ito
Para sayo, mahal kita ooh ohh yeah
Langit sa piling mo
Hahamakin ang lahat kakayanin sapagkat
Alay ko sayo ang buhay ko ohh
Wag ka lang mangamba

Wag ka lang mangamba
Wag ka lang mangamba
Alinlangan ‘di na kailangan pa
Iniibig kita
Sukdulan
Ooh oohhh

Wag ka lang mangamba

Curse One, Vlync, Kejs, Aphryl - Wag Ka Lang Mangamba (Lyric Video)


Wag Ka Lang Mangamba by Curse One, Vlync, Kejs, Aphryl
(Breezy 2020) (Prod. by Thirteenth Beatz)

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling (Official Lyric Video)


Produced by Flict-G
Instrumental by Blaster Cordes

Collaboration of Flict-G and Curse One featuring Bei

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling Lyrics

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Di ko akalain na makikilala
Ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata
At bigla na lang napalunok, napatameme, nabulaga
Para bang hinele, natulala
Nang papalapit ka sa akin diyos ko para kang anghel na ibinaba
Ng langit para mahalin ng tagalupang tulad ko na di mo kalevel
Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo pa sa magkabilang dulo ng tore de babel
Pagkat ikaw ay isang diwata, mas makislap pa sa mga tala
Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita ito’y labis na paghanga
Di ko maipaliwanag ang nadarama sa tuwing magkasama tayong dalawa
Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung gano ka ba kahalaga
Pagkat buong araw ko ay kumpleto na, sa ngiti mo pa lang kuntento na
Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon handang punitin ang sedula
At nang dumalaw sa bawat araw, ikaw na nga raw hanggang pumanaw
Walang kaagaw sa puso ko, daig pa ang kayamanang hindi mananakaw
Akalain mo, kala ko ay panaginip lang ang mga to
Kung sino pa talaga yung di mo inasahang makilala yun pa yung babago ng buhay mo

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Sa milyong-milyong tala, kahit hindi na mapansin ang hiling ko
Hinding hindi ako magsasawa na abangan ang pagdating mo
Sa buhay ko na ikaw na lang ang kulang, sa puso na pag-ibig lamang ang lulan
Ang katulad mo lang ang may kakayanang makapagtanggol sakin hangad kong makatuluyan
Nanatili na sa isip, damdamin ko na di matahimik
Nakatingala sa mga bituin sana’y magising sa magandang panaginip
Magkatotoo na mabago ang mundo dahil di ko na alam kung sa papanong paraan pa
Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na makamtan ka
At sana sakin ikaw ay itadhana di sasayangin ang pagpapala hanggang sa pagtunog ng kampana
Makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar ohhh…
At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel
Ikaw ang kalma sa bawat bagyo ako’y nahimlay sa mala dyosa mong ganda
Napakagaan sa pakiramdam tuwing napapamiss ako akin na bukas sa maamo mong mata
Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na babangon para tuparin ang mga pangarap
Inspirasyon at destinasyon ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Gusto ko lang malaman mo kahit mundo natin ay magkaiba
Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa
Malayo ma’y malapit lang langit at lupa’y kayang tawirin sinta
Walang kahapon ang makapagdidikta sa magandang kinabukasan nating dalawa
Ikaw at ako wala ng iba iniibig kita sana palagi mong tatandaan
Ngayon bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin “Ikaw lang ang aking hiling”

Flict-G & Curse One ft. Bei Wenceslao - Aking Hiling (Official Music Video)


Flict-G & Curse One - Aking Hiling (Official Music Video) ft. Bei Wenceslao

Starring: Zeinab Harake & Khifer Brosse.
Performed by:
Flict-G
Curse One
Bei Wenceslao

Producer: Flict-G
Director: Christian Paolo Gabriola (Motus Multimedia)
Instrumental: Blaster Cordes (Blast Beats)
Director of Photography: John Cris Dela Cruz & Japsyy Ballers
Makeup Artist: Megz Jimenez Valmonte

Curse One & Jher of Soul 'N Harmonies - May Pag-asa Pa Ba (Lyric Video)


Fresh Song From PLATOON 13 MUZIK & SOUL 'N HARMONIES
Entitled: MAY PAG ASA PA BA
By: Curse One & Jher
Recorded At: Platoon 13 Muzik
Instrumental Producer: 13TH BEATZ Exclusive
Song Arranger: John Edmar Dela Cruz

PLATOON 13 MUZIK © 2019