Kayod-kalabaw na naman
Nakakapagod, araw-araw na lang
Tagal ng sahod, kumakalam na ang tiyan
Lagot sa landlord kaya para-paraan
Kamusta na, mga kaibigan, ayos ba tayo dyan?
Eto nangangailangan parang kahapon lang
Di na bago, ginagago, minamalitrato’t minamanipula po tayo ditto sa batibot
Na bansa, paraiso pag isang bandido
Dito, anito ang ibang maligno
Sinu-sino? Lipon ng ilang partido
Nino? Sila-silang magkakaapelyido
Astig noh? Ako lang ba? O lahat tayo nabobobo?
Pinoy nga naman oh halata yung panloloko
Ako kamo? Lagay? Pag umoo
Sabagay, yan ang gusto ng mga mamboboto
Ayoko!
Ayoko na kasing isipin (na ano?)
Na ako’y isang aliping sagigilid (na gutom)
Sa sarili kong lupain binibitin (patiwarik)
Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
Yan ang hiling
Hindi bat sayang? King inang bayan
Di ka nila inalagaan
Pinabayaan kahit binabayaran
Bakit ninanakawan? Kasi hinahayaan natin
Pinapayagan, pinapalagpas
Media giants medyo biased ang pinapalabas
Brainwash! Anak ng tupa
Sunud-sunuran parang alagang tuta
Puta ng mga sangkot kakadampot ng kararampot
Na pampagamot, nakanampot… ambot!
Kakalungkot, sarap mag-abroad
Yung pook eh sumisikip pa lalo kakakantot… kadyot!
Perlas ka nga ba talaga o alahas ng amerika? Kawawang talaga
Kaya pwede ba? Magrebelede ng konte
Ang gulo sa pinas, paksyet! Penge ng chongke
Ala pobre
Ayoko na kasing isipin (na ano?)
Na ako’y isang aliping sagigilid (na gutom)
Sa sarili kong lupain binibitin (patiwarik)
Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
Yan ang hiling
Heto na si Abra, magpapaka-honesto
Pukinangina! Nasan na po ba ang progreso?
Kung umento, un momento, dokumento
At bayad muna para una kang maiproseso
Argumento, malakas ang tsina, mangahas ng isla
Kung ganto yung takbo sayang gasoline
At bukod dun ga-bundok yung nandudukot na
Lupang hinirang sa iba’t ibang lalawigan
Nang di nababalitaan likas na yaman
Imbis na alagaan, pinagkakakitaan
Di malaman-laman kung bakit
Lupain ni malakas at maganda pa talaga ang pumangit
Tapon ditto tapon don, trapo dito trapo don
Aburidong-aburido, trapik dito trapik don
No nga bang solusyon sa traffic na to?
Simple lang naman po yon, magjogging kayo
Huwag tamad, Juan Tamad itigil ang shabu
Itigil nyo na yan habang may ngipin pa kayo
Pag palo ang kausap, maaring utuin
Bato-bato sa langit nang madaling kontrolin
Kompanyero ewan kung mapansin mo
Sa nasabing gobyerno, mayaman lang ang umaasenso
Pasibang pang-alila nung sinauna pa
Sobrang bulok ng sistema dapat ibasura na
Palibhasa, puro propaganda
Parang SONA, puro papogi’t puro paganda
Purong elitist, puro rin artista
At yun ang punong pamagat ng mga kolumnista
Habang mga mangingisda sa sariling dagat pinagtatatakwil
At ang mga magsasakang nanlilimos ng bigas pinagbababaril
Panay masaker tas talamak pa yung pera
Matabil dahil sandamakmak ang pruweba, punyeta!
Bitak ang ekonomiya iwan sa teknolohiya
Sira ang ekolohiya inay ko po!
Madugo ang laban parang dysminoreya
Real talk ang ginagamit kong sandata kasabay ng ritmo rima
Ano pang reklamo? Edukasyon at medisina
Pero mas nakakabanas and disiplina
Sa pinas, kaliwa’t kanan na ang korapsyon
Walang ligtas, pati ba naman mga donasyon
Kung meron ang kakapal ng mukha sa tarpaulin
Namumulitika pa rin? Sarap lang pakyuhin!
Mapagbalatkayong nagtatayo ng imprastraktura
Ginigipit, tinitipid, para sa “kickback” amputa
Nagkulang sa benipisyo, yun ang alegasyon
Kontra sa namemerwisyong kontraktwalisasyon
Dami pa, tang-ina, kakaubos pasensya
Di lang upuan ang problema, isang buong lamesa
Kaya wag sumalalay sa sunod na president
Ang dapat magbago ay yung mga residente
Wag papeke, magpaka-intelihente
Wag pakeme, ugaliing magpakadisente
Oo, pang-aabuso’y ating nakasanayan
Matuto na po sana tayo sa mga mali ng kasaysayan
Wag sayangin ang buhay ng mga bayani
Isauli ang lupain sa tunay na nagmamay-ari
At kahit barilin ako tuloy ang inspirasyon
Pagmamahal sa nasyon na sagad and dedikasyon
Kabataan, wag magda-drugs ha? Delikads yon
At yung “pwede na yan”? fuck! Di na pwede ngayon
Palaging tandaan hindi ka tulakan
Ika’y maharlika dapat dun ka sa unahan
Ang mamatay ng dahil sa ‘yo? Isang karangalan
Subalit mas gusto kong mabuhay upang ika’y alagaan
King inang bayan
Ayoko na kasing isipin
Na ako’y isang aliping sagigilid
Sa sarili kong lupain binibitin
Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
Yan ang hiling