Sinong mag-aakalang
ang isang katulad ko
Ay papasa
sa panlasa ng babae na pagka nakasama
Ay aakalain
mong may bantay ka na anghel
Mga mata’y
nakatingin sa kanya parang sa sagala
Perpekto ang
lahat wala kang pwedeng pintasan
Mula ulo
hanggang paa putcha merong ganto pala
Sabay sabing
pakiss naman abot kanto na ang kaba
Nako nagbibiro
ka ba hindi kita aatrasan
Kanina lang
tayo nagkita nagchat ka lang kagabi
Ngayon sa
kama parang gusto mo na ‘kong makatabi
Mahaba pa
ang maghapon pasyal muna tayo tara
Lahat ng
yan ay ireserba natin mamayang gabi
Pinagyabang
kita agad walang makapaniwala
Ang ganda
pa naman nya kaso lang baliw na ata
Ako mismo
ay nagduda kung ano ang ‘yong motibo
Di ako anak
mayaman at di rin ako yung tipo
Na pwedeng
gawing modelo ng sabon na panghilamos
Magkolehiyo
kaso dalwang taon lang ang tinapos
Kaya kahit
sino mapapa omaygad talaga
Kung pano
ang isang katulad mo na ubod ng ganda
Ay
mabibihag ng lalake na katulad ko aba
Sabay sabing
walang tao sa bahay naming oh tara
Kung alam
ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo
di ako manghihinayang
Sana ay
hindi ka na natagpuan
Kung alam
mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo
ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may
katauhan man syang iba, kung alam ko lang
Ang laki ng
bahay nila kaso nga lang medyo luma na
Nasa gate
pa lang kami sumasalubong na ang tuta
Pagbukas nya
ng pinto napatingin ako sa sala
Kala ko ba
walang tao sabay sabing ah si papa
Nahiya ako
bigla ako ay napa atras
Ang taas ng
papa nya tas ang haba ng balbas
Sya’y
biglang nagsalita halika hijo pasok ka
Wag kang
mahiya sa akin maupo ka alok nya
Pagtingin ko
sa hagdan ay merong bumababa
Kaba sa
dibdib ko ay parang mas lalong lumalala
Sabay sabing
halika hon at meron tayong bisita
Sya ang
kasintahan ng ating unika iha
Ako ay
nabigla at ako ay namangha
Natanggap agad
ako parang hindi ako handa
Malapit na
magdlim nang matapos aming kwentuhan
Nakangiting
alok dito ka na maghapunan
Kung alam
ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo
di ako manghihinayang
Sana ay
hindi ka na natagpuan
Kung alam
mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo
ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may
katauhan man syang iba, kung alam ko lang
Inaya ako
sa kwarto nya don daw muna kami
Erpat nya
mismo ang nagsabi na ohsya hijo sige
Habang paakyat
ng hagdan agaw atensyon ang larawan
Ng matandang
parang panahon ng kastila pa ata yan
Wala ba
kayong katulong bat ang daming alikabok
Pero ang
utak ko’y nakatoon sa pwedeng maitampok
Sa gabing
ito na tayong dalawa lang doon sa kwarto
Sabay tulak
don sa kama tapos naghubad ng sando
Paglingon ko
sa may gilid nakaupo si mama nya
Nakatingin habang
namumula na ang mga mata
Gusto mo
kong kainin pero di ko akalain
Na literal
palang pagkain ibig mong sabihin
Ang maganda
nyang mukha sa isang iglap ay nagpalit
Oh sh*t
sila ng mama nya sa akin palapit
Pag sunggab
nya ay nakailag ako sabay takbo
Nasa hagdan
ang erpat nyang halimaw na kalbo
Yung kaninang
tuta ay higanteng aso na ngayon
Bahala na
si batman sa bintana tumalon
Sabay takbo
ng mabilis hanggang makarating sa kanto
Muntik nang
maging hapunan ng pamilya ng impakto
Kung alam
ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo
di ako manghihinayang
Sana ay
hindi ka na natagpuan
Kung alam
mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo
ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko
lang
Kung alam
ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo
di ako manghihinayang
Sana ay
hindi ka na natagpuan
Kung alam
mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo
ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko
lang