Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Siobal D ft. Fristah - Stupid Love Story 3 Lyrics

Sinong mag-aakalang ang isang katulad ko
Ay papasa sa panlasa ng babae na pagka nakasama
Ay aakalain mong may bantay ka na anghel
Mga mata’y nakatingin sa kanya parang sa sagala
Perpekto ang lahat wala kang pwedeng pintasan
Mula ulo hanggang paa putcha merong ganto pala
Sabay sabing pakiss naman abot kanto na ang kaba
Nako nagbibiro ka ba hindi kita aatrasan
Kanina lang tayo nagkita nagchat ka lang kagabi
Ngayon sa kama parang gusto mo na ‘kong makatabi
Mahaba pa ang maghapon pasyal muna tayo tara
Lahat ng yan ay ireserba natin mamayang gabi
Pinagyabang kita agad walang makapaniwala
Ang ganda pa naman nya kaso lang baliw na ata
Ako mismo ay nagduda kung ano ang ‘yong motibo
Di ako anak mayaman at di rin ako yung tipo
Na pwedeng gawing modelo ng sabon na panghilamos
Magkolehiyo kaso dalwang taon lang ang tinapos
Kaya kahit sino mapapa omaygad talaga
Kung pano ang isang katulad mo na ubod ng ganda
Ay mabibihag ng lalake na katulad ko aba
Sabay sabing walang tao sa bahay naming oh tara

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo di ako manghihinayang
Sana ay hindi ka na natagpuan
Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Ang laki ng bahay nila kaso nga lang medyo luma na
Nasa gate pa lang kami sumasalubong na ang tuta
Pagbukas nya ng pinto napatingin ako sa sala
Kala ko ba walang tao sabay sabing ah si papa
Nahiya ako bigla ako ay napa atras
Ang taas ng papa nya tas ang haba ng balbas
Sya’y biglang nagsalita halika hijo pasok ka
Wag kang mahiya sa akin maupo ka alok nya
Pagtingin ko sa hagdan ay merong bumababa
Kaba sa dibdib ko ay parang mas lalong lumalala
Sabay sabing halika hon at meron tayong bisita
Sya ang kasintahan ng ating unika iha
Ako ay nabigla at ako ay namangha
Natanggap agad ako parang hindi ako handa
Malapit na magdlim nang matapos aming kwentuhan
Nakangiting alok dito ka na maghapunan

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo di ako manghihinayang
Sana ay hindi ka na natagpuan
Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Inaya ako sa kwarto nya don daw muna kami
Erpat nya mismo ang nagsabi na ohsya hijo sige
Habang paakyat ng hagdan agaw atensyon ang larawan
Ng matandang parang panahon ng kastila pa ata yan
Wala ba kayong katulong bat ang daming alikabok
Pero ang utak ko’y nakatoon sa pwedeng maitampok
Sa gabing ito na tayong dalawa lang doon sa kwarto
Sabay tulak don sa kama tapos naghubad ng sando
Paglingon ko sa may gilid nakaupo si mama nya
Nakatingin habang namumula na ang mga mata
Gusto mo kong kainin pero di ko akalain
Na literal palang pagkain ibig mong sabihin
Ang maganda nyang mukha sa isang iglap ay nagpalit
Oh sh*t sila ng mama nya sa akin palapit
Pag sunggab nya ay nakailag ako sabay takbo
Nasa hagdan ang erpat nyang halimaw na kalbo
Yung kaninang tuta ay higanteng aso na ngayon
Bahala na si batman sa bintana tumalon
Sabay takbo ng mabilis hanggang makarating sa kanto
Muntik nang maging hapunan ng pamilya ng impakto

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo di ako manghihinayang
Sana ay hindi ka na natagpuan
Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman
Ng puso mo di ako manghihinayang
Sana ay hindi ka na natagpuan
Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman
Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal
Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Siobal D ft. Fristah - Stupid Love Story 3 (Lyric Video)


Stupid Love Story 3
Beat Produced By Siobal D

Repablikan

Siobal D - P.L.I.P Lyrics

Ang dilim ng paligid kahit tanghaling tapat
biglang napatanong ako ng teka san galing ka bat
Masyado kang pinapawisan at ang putla ng mukha mo
parang di mo narinig sinong pupuntahan mo kako
sinundan kita sa kwarto silid sa ospital
Ang hirap makahinga walang hangin tapos hingal
Sang bote ng miniral nasayong mga kamay
kaso di tubig kundi purong dugo ang nakalagay
na umaagos sa tubo mula sa sikmura ni erpat
biglang pasok ng doctor imbis na doc ay napa sir Bat
nagkakaganto ang tatay sabay abot ng reseta
mga luha na umagos umabot na sa reserba
anim na libo para sa walang puknat na pagdugo
bilsan ninyo bago tuluyang ang ugat nyau matuyo,
kailangan ay tatlo disiotsomil ang sumatutal
tila gusto ko nang dumeretso na ring umatungal
Di ko malaman ko paano namin to mabubuo
Nasasayang lang ang sinasalin sayong mga dugo
Nilalabas din ng tubong pinadaan sayong ilong
Ni di ko pwedeng pagbigyan ang hiling mong makainom
at ang aking ulirat tila ay muling nagrehistro
sinusundan kanina pa ay ang sarili mismo
kailangan na kumilos sa pano mang paraan
makagawa kami ng kahit na magkano para dyan
ang hirap pag wala kang arep hanep talaga naman,
at mapapakapit ka sa pangit na pamamaraan
pero bago pa man si kuya lumuluha ang mata
tila ba sakin ay meron nagtutumpukan na kaba
Nakukutuban ko na ba sana hindi ano ka ba
Wag mag isip ng negatibo pero eto talaga
isang malungkot na balita nanlambot ang mga hita
nakabalot na ng kumot nang huli ko syang makita paalam itay

Siguro nga hanggang don nalang talaga
Pero hindi parin mawala sa isip ko na
Kung may pera lang at nadala sya sa mas magandang pagamutan
maaring iba ang kalabasan
Pera, di daw yan ang pinaka importanteng bagay sa mundo
Pero pag wala ka nito apektado lahat ng importante sa buhay mo

Maraming ulit ka nang nabigo di natupad ang plano
ang pangarap mo na buhay na sinulat mo ng klaro
kaso kahit na anong gawin wala namang nagbago
pero heto ko ganon parin kailangan mag Trabaho
lakas ng loob daw ang kailangan bawal ang mahina
dapat bakal ang dibdib ng isang kawal sa maynila
kaya kahit pa na tila wala ka nang kakampi
walang pwedeng magsabi sakin na hanggang dyan ka lang pre
Sang beses lang tayo mabubuhay sige lang sulitin
Wag matakot na magkamali pwede namang ulitin
Basta ang mahalaga hindi ka dapat huminto
May nakatago na ginto isa sa apat na pinto
Pagkabigo Pag Ayaw luha yan ang pangatlo
Matapang ka bang aabante o duwag kang tatakbo
Di matakasan ang walang hangganan san ba nagmula to
parang si kamalasan at kapalaran nag kulabo

Lakas ng Loob kailangan nating lahat
Ang pag kabigo ay parte ng paglalakbay
Ang pagsuko ay katumbas ng pagkamatay
Kung iniisip mong baka magsisi ka lang
pag sinunod mo ang gusto mo at nabigo ka
Magsisisi ka din naman kapag di mo ginawa ang gusto mo
at mapapaisip ka na kung pano ginawa mo at nagtagumpay ka

Minsan parang kwestyonable na ang distinasyon
Ng bawat lakad lalot kung salat sa inspirasyon
Posibleng itanong mo sakin anong implikasyon
Nito sa bawat kilos mo at sa maging desisyon
Kung patuloy ka pang lalaban yon ay indikasyon
Na ang buhay natin ay utang at may interes yon
Dahil libre ang mangarap may bayad ang pag tupad
walang buhay na banayad kaya bawal magkupad
isipin lagi ang pamilya at gamitin mong lakas
sa pag abante mo sa kalye ng napili mong landas
Alam kong nakakapagod nakakawalang gana
Habang ibay masagana at nakakapag gala pa
Ikaw ay nagtatala na ng mga dapat bayaran
Mga obligasyon na hindi mo dapat pabayaan
Ngunit sa tuwing natatanaw ko ang ngiti sa labi
ng aking muntik anak lahat nagagapi ko lagi
subukan mo lang

maraming beses kang nabigo
at panghihinaan ka
pero, tingnan mo lang ang yong pamilya
at gamitin mong lakas at inspirasyon
mangarap ka hindi lang para sa sarili mo
kundi para sa mga mahal mo sa buhay
dahil sa kanila mo kukunin ang gasolina
para magpatuloy ka sa laban

Napakarami nang tanong na sa utak gumugulo
Parang hanggang dito nalang ba ko kasi umuubo
Mga problemang iniisip kahit di naman dapat
Tila ba duda kang ikaw ay merong lihim na balat
Pagkat halos di na malaman kung ano ang gagawin
matapos sa trabaho na pinapasukan tanggalin
napakadaming bayarin upa tubig at kuryente
buti sana kung kasya na ang huli kong bente,
Palaging tandaan napakaraming dahilan
para magpasalamat ka subuka mo na balikan
ang mga bagay na mabuti na sayo ay nangyari
upang kapayapaan ang sa isip mo ay maghari
Habang ikaw ay nagising maraming di na dumilat
Marami ang walang paa kaya di pinupulikat
Marami ang sikmurang kayang ilagay lang ay tubig
Mapalad at wala ka sa bansang tinapay ay putik
Wag kang malungkot na makita ang pamilyang moy aba
Dahil marami dyang iba kapatid na walang mata
Pasalamatan ang Ama walang sakit at malusog
Asawa at anak mo na nagagawa mong mabusog
Ilang ulit mong inakalang dati di mo kaya to
pero eto nalampasan di na basta ang gaya mo
Manalig at magpasalamat sa dakilang may lalang
Mabuti plano nya sayo ngayon ay di mo lang alam

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline Lyrics

Hindi biro ang trabahong malagay sa alanganin
Trabaho na isugal ang buhay sa ngalan naming
Nangangamba kami maging sila maging ako
Dahil katulad ng lahat, may pamilya rin kayo
Puyat at gutom ang lagi niyong kasama
Mapagaling nyo lang yung pasyente na nakaratay don sa kama
Para kumita ng pera kahit papano magkaron
Laging overtime tapos takbo rito takbo ron
Pag may problema o kalamidad lagi kayong nandyan
Kayo ang unang umaakay sa mga nasasaktan
Kahit ang buhay minsan ay sadyang mapait
Kayo ang superhero ng mga nagkakasakit
Salamat po sa pagtuloy niyo na kabayanihan
Gabayan nawa kayo ng Diyos na makapangyarihan
Gusto ko lang malaman niyo kaya kami nag-collaborate
Marami po kami na nakaka-appreciate

Tunay na kahanga-hanga ang pinamalas niyong katapatan
Kahit merong haka-haka buong puso ang katapangan
Bawat laban katatagan ang pinagkukunan
Determinasyon at dedikasyon ang nagsilbing puhunan
Para sa bayan handang makipagsabayan
Saludo po ako maging ang mga kababayan
Sa kabi-kabilang banta na meron sating bansa
Di nyo po alintana ang panganib na dala
Nakahanda kayong itanggi ang sarili
Mas pinili sa kalsada’t ospital na manatili
Nakangiti habang matindi ang sinasagupa
Kayo ang makabagong bayani dito sa lupa
Alam namin ang inyong lagay ay alanganin
Kaya laging laman kayo ng aming panalangin
Nakabaling ang tingin naming sa taas
Ang suliranin ito sa tulong nyo ay magwawakas salamat

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Habang ang lahat ay balot ng takot at kaba ang kanilang damdamin
Heto sila kung nasan ang peligro at ang lagay na pinaka-alanganin
Ang panalangin ay ang malagpasan ang hamon ng ligtas
Muling makapiling ang pamilya na iniwanan para sa Pinas
Sila yung mga nasa hanay na kung saan buhay nila ang syang nakataya
Batid man nila ang panganib na pwedeng masapit ay di sila nagpabaya
Nakikipaghatakan kay kamatayan sa lubid ng buhay ng mga pasyente
Kahit sila ay pwedeng makalawit ng mahabang karit na hugis pa syete
Dama ng gutom at pagod ay di makuha na magpahinga
Ang tanging lakas na pinagkukunan ay ang larawan ng pamilya nila
Na nakaabang sa muling pag-uwi makayakap makasama nilang muli
Habang ang iba naman ay di pinalad na napasama sa mga nasawi
Salamat ng marami sa lahat ng inyong mga sakripisyo
Walang salapi na pwedeng itumbas sa inyong binigay na serbisyo
Para sa bawat Pilipino ito ang aming pagpupugay
Sa mga nasa unang hanay na handang itaya ang buhay para samin

Di ko alam kung makakaya ko bang tumbasan
Ng awit ang yong dalang malasakit na kung saan
Ka man mapadpad na merong gantong sitwasyong pangit
Sayo kami kumakapit salamat sa di mo pagsuko kahit
Dumadami na ang lista akalaing parang mitsa
Puro takot kaya hakot ng hakot paubos na ang tinda
Pero sa halip na magpahinga ikaw pa nasa gitna
Pinipilit mo kaming sagipin kahit di mo alam kung masasagip ka
Tulad naming ay tao ka rin pero alam mo ang dapat gawin
Pag alanganin at madilim ikaw ang gabay sating lalakbayin
At tatawirin lalagpasan kapit kamay ang mga palaban
Sa mga panahon na may ganito lagi kayo ang nasa harapan
Buti na lang merong katulad niyo na pag ganito na merong sakuna
Kahit na minsan maraming puna lagi pa rin kayong nauuna
Para tumulong mabahiran ka man ng dugo na pula
Di ka papayag na bandera ng pinoy matumba

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline (Official Lyric Video)


Repablikan Records Syndicate Productions (Mandaluyong)
Repablikan Records Pasig (Pasig)
Sicktunes Music (Valenzuela)
Dello Records (Cavite)

JtaG & Siobal D - Obra (Official Music Video)


Performed by J-tag and Siobal D
Repablikan records
Jtagsoundsmusic
Edited and directed by Siobal D
OBRA Music Video
2018