Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jarlo Bâse - Sisa Lyrics

Hindi ako sabik
Sa away at gulo na galing sa'yo
Alam mo bang ako'y masaya, nag-iisa
Alam mo ba na walang katulad, katulad, katulad
Ligayang galing sa sariling palad

Teka lang, pwede bang pag isipan muna?
Puno ng pagdududa
Kaharap palang si Sisa, hmmm…

Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko
Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko

Bumabalik-balik, ang pagkakalito
Nang dahil sa'yo, nahihibang
At nagbibilang ng dahilan
Naghahanap ng iyong katulad, katulad, katulad
Walang mapapala sa aking paghahangad

Teka lang pwede bang pag-isipan muna?
Puno ng pagdududa
Kaharap palang si Sisa, hmmm…

Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko
Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko

Teka lang, pwede bang

Teka lang, pwede bang
Teka lang, pwede bang
Teka lang, pwede bang
Teka lang, pwede bang
Teka lang, pwede bang
Teka lang, pwede bang
Teka lang, pwede bang
Pwede bang?
Pwede bang?

Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko
Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko

Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko
Huwag mong mamahalin,
Ang tulad ko, ang tulad ko

Jarlo Bâse - Sisa (Official Music Video)


Official Music Video for "Sisa"

Choreographer: Jobert Lachica
Dancers: Nadja Concepcion & Jobert Lachica
Producer: Jarlo Bâse
Director: Ivan Pasia
Cinematographer: Elyandre Dagli
1st AC/BTS: Allieh Noguera
2nd AC: RJ Bruzo

Composer: Jarlo Bâse
Arranger: Jarlo Bâse
Producer: Jarlo Bâse
Recorded By: Jarlo Bâse
Recording Studio: *Recorded in Jarlo Bâse's apartment*
Mixed By: Emil Dela Rosa & Jarlo Bâse
Mastered By: Emil Dela Rosa

Crazymix ft. Sisa of Crazy as Pinoy - Bahaghari (Official Music Video)


Bahaghari | Crazymix ft. Sisa of Crazy as Pinoy | Official Music Video

crazyfamilyofficialtv

Crazymix ft. Sisa of Crazy As Pinoy - Bahaghari Lyrics

oh oh oh...

ika'y palagi kong minamasdan
nag-aabang sa tambayan sa tuwing ikaw ay dadaan
gumagaan ang feeling pag nasisilayan ko
ang mala-diyosa na taglay na kagandahan mo
matamis mong mga labi at chinita na mata
'di maipaliwanag ang nadarama kapag nakikita ka na
at kapag ngumingiti ka na bigla akong naaaliw
tulala umiiling na para bang nababaliw
kailan ka ba magiging akin
'yan ang katanungan na palagi kong binubulong sa hangin
nananalangin at nagdarasal
sa maykapal na balang araw makapalitan ng pagmamahal
kaya nang mapasakin ka'y tila sa ulap ay nakasakay
mga anghel kumakaway at umaawit ng sabay-sabay
pag hawak ko ang iyong kamay lumulutang at tinatangay
ng hangin sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y

parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
o umiwas ka baka ika'y malusaw
dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan

oh oh oh...

sino bang mag-aakala
na ang katulad mong diwata pala ang sa'kin itinadhana
daig ko pa ang pinagpala ni Bathala
na ang pana ni kupido ay sa atin pinatama
'di alintana ang sabi-sabi
sa buong mundo'y walang pake basta ikaw ang aking katabi
dahil marami ang naiinggit
bakit daw ang tulad kong tagalupa ay mala-diyosa pa ang nabingwit
malayo nga daw ang pagitan
wag nyo akong gisingin kung panaginip lamang 'to o kunwarian
pag-ibig nga'y makapangyarihan
lahat ng kabaliwan 'di mawarian pag nasa kanyang kaharian
kasi nga nang napasakin ka'y tila sa ulap ay nakasakay
mga anghel kumakaway at umaawit ng sabay-sabay
pag hawak ko ang iyong kamay lumulutang at tinatangay
ng hangin sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y

parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
o umiwas ka baka ika'y malusaw
dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan

langit at lupa ang pagitan
(ngunit sa pag-ibig ay pantay-pantay)
kung saan nagmula'y di malaman
(nasulit ang aking paghihintay)
'lika sating tagpuan kung saan ang hantungan ay matamis na pag-iibigan
kaya pag hawak ko ang 'yong kamay lumulutang at tinatangay ng hangin
sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y

parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
o umiwas ka baka ika'y malusaw
dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan

oh oh oh...

Crazymix ft. Sisa of Crazy As Pinoy - Bahaghari (Official Lyric Video)


Bahaghari (Official Lyric Video) | Crazymix Feat. Sisa of Crazy As Pinoy

© 2019 Ivory Music & Video, Inc.

Bassilyo ft. Sisa - Sapatos Ni Sion Lyrics

Lumipas man ang mahabang panahon
Buo pa rin daw ang sapatos ni Sion
Lumipas man ang mahabang panahon
Buo pa rin daw ang sapatos ni Sion

Ang sapatos ni Sion sa Marikina ginawa
Kaya’t marikit kahit na luma
Kahit araw-araw pa itong ginagamit
Hindi lumuluwang pirmihang masikip
At ang malupit isang punas lang
Pag nasisinagan, kikinang-kinang
At ang talagang nakakamangha
Ang sapatos ni Sion ilang dekada na pala
Ang laki laki na nga ng natipid nya
Ang lahat ng mamahalin ay hindi umubra
Ang ganda-ganda na at ang tibay pa nito
Nagpagawa na dito ultimo pangulo

Lumipas man ang mahabang panahon
Buo pa rin daw ang sapatos ni Sion
Lumipas man ang mahabang panahon
Buo pa rin daw ang sapatos ni Sion

Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, kikinis yon)
Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, kikinis yon)
Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, kikinis yon)
Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, titibay yon)

Yung kilala kong Sion taga Concepcion
Masyadong mahilig yung taong yun
(Mahilig saan?) Sa imported
Nasa abroad kasi yung kapatid
Pinadalhan sya ng sapatos na mahal
Ubod ng gara talagang sosyal
Ang suma tutal komportable
As in swak na swak, swabeng swabe
Sa labis na galak sapatos ay nalaglag
Ang pinatong na plantilya medyo umangat
Abat-abat nagulat pa sa nakita
Ng mabasa made in Marikina haha
State side daw ang dating
Pero ng mabuking Marikina galing
Kaya kaya kaya’t wag na wag ismolin
Ang sapatos natin world class ang dating

Lumipas man ang mahabang panahon
Buo pa rin daw ang sapatos ni Sion
Lumipas man ang mahabang panahon
Buo pa rin daw ang sapatos ni Sion

Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, kikinis yon)
Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, kikinis yon)
Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, kikinis yon)
Ang sapatos ni Sion pag nilagyan ng biton
(Kikinis yon, titibay yon)

Bassilyo ft. Sisa - Sapatos Ni Sion (Official Lyric Video)


Bassilyo feat. Sisa - Sapatos Ni Sion (Official Lyrics Video)
Produced by BLCKMRKT International LLC
Lyrics Video by Les Alfaro

Bassilyo ft. Sisa - Salamat Sayo (Official Lyric Video)


Bassilyo feat. Sisa - Salamat Sayo (Official Lyrics Video)
Produced by BLCKMRKT International LLC
Lyrics Video by Les Alfaro

Bassilyo ft. Sisa - Salamat Sayo Lyrics

Ako ay mayroong sasabihin lang naman
Seryoso po ako wag sanang pagtawanan
Di ko talaga alam bat ako nahihiyang
Sabihin sa iyo ang aking nararamdaman
Makakabawas ba sa pagkatao ko ito
Masasaling kaya pati na rin ang ego ko
Bat ako mahihiya kung tama ang ginagawa
Dapat lang naman palang sabihin sa iyo

Ohhh salamat sayo
Pagkat ako ay tinanggap mo
Ohhh salamat sayo
Sa kabila ng pagkukulang ko
Ohhh salamat sayo
Di mo hinusgahan ang pagkatao
Ohhh ohh oh oh salamat sayo
Utang ko sayong lahat ng ito

Ikaw pala ay nakinig nang umawit na ako
Kahit di kaakit-akit ang tinig kong ito
Pag pumipiyok ako sa tonong di ko maabot
Tuwang tuwa ka pa imbis na mayamot
Nung inabot ng liwanag at wala na ang dilim
Kahit magdamag puyat ika’y aninag ko pa rin
Mukhang ang pagsasama natin ay dumadalas na nga
Di ka yata nagsasawa sa aking mukha
Sa suporta mong binibigay tanggal ang kaba ko
Kahit di ako perpekto kinumpleto mo ako
Sa ayaw at sa gusto mo dapat malaman ng lahat
Na ikaw ang dahilan kung bat ako nagsusulat

Ohhh salamat sayo
Pagkat ako ay tinanggap mo
Ohhh salamat sayo
Sa kabila ng pagkukulang ko
Ohhh salamat sayo
Di mo hinusgahan ang pagkatao
Ohhh ohh oh oh salamat sayo
Utang ko sayong lahat ng ito

Ika’y kasama ko palagi di na ko nagsosolo
Tinuruan mo na magmahal ang puso kong bato
Pinakinggan mo nang husto ang aking mga daing
Ang lahat ng mga sugat ko’y iyong pinagaling
Binigyan mo ng pagkain sa araw-araw
Nariyan lang ang inumin sa tuwing ako’y uhaw
Pag ako’y giniginaw at inaantok sa labas
Di na ko kumakatok pinto mo ay laging bukas
Iniwas mo ko sa tukso pati sa masasama
At lahat ng gusto ko ay iyong ginagawa
Sa dami ng mga biyayang mas higit pa sa sapat
Kulang ang isang kanta para masabi ko lahat

Ohhh salamat sayo
Pagkat ako ay tinanggap mo
Ohhh salamat sayo
Sa kabila ng pagkukulang ko
Ohhh salamat sayo
Di mo hinusgahan ang pagkatao
Ohhh ohh oh oh salamat sayo
Utang ko sayong lahat ng ito

Pag tawag ko sinagot mo agad
Nung ako’y lumapit ako ay tinanggap
Humingi ng tawad ikaw ay nahabag
Sa isang iglap naganap ang lahat
Ang mga pinapangarap kong kay hirap abutin
Parang mga bituin na rin tumataginting
Sa kalangitan di mo pinagkaitan
Di mo ko tinanggihan di mo tinaligdan
Nariyan na lahat ng hinahanap ko
Ang sarap na sarap na tinanggap ko
Ang mga malabo pinalinaw mo
Kahinaan ko ay pinalakas mo
Aw wala na nga kong mahihiling pang iba
Sayo lang talaga lubos na sumaya
Kahit pa abala, kahit na pagod pa
Pasalamat ka sa Mahal Na Ama

Ohhh salamat sayo
Pagkat ako ay tinanggap mo
Ohhh salamat sayo
Sa kabila ng pagkukulang ko
Ohhh salamat sayo
Di mo hinusgahan ang pagkatao
Ohhh ohh oh oh salamat sayo
Utang ko sayong lahat ng ito