Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sisa of Crazy as Pinoy - Panaginip Lyrics

Nung una kang makilala
Buhay ko ay nag-iba
Nagliwanag madilim na buhay
Kahapong nagdaa’y ‘di na nga makita
Ayaw ko nang magising pa
Kung ika’y mawawala pa
Nais ko lang makapiling kita
Kahit na isang saglit lang

Kung panaginip ka lang ayaw ko ng magising pa
‘Pagkat nadarama’y ligaya
Lahat ng naisin mo’y aking ibibigay
‘Pagkat ikaw ay aking mahal

Bawat araw na lumilipas
‘Pag kasama ka’y ang bilis ng oras
Nakatitig nais kang mahawakan
Kahit sa’n mo dalhin ‘di ka pipigilan
Hinihiling sa Maykapal ay ikaw at wala ng iba
Sinisigaw ng puso at isip ko ay ikaw
Ikaw lang at ikaw

Kung panaginip ka lang ayaw ko ng magising pa
‘Pagkat nadarama’y ligaya
Lahat ng naisin mo’y aking ibibigay
‘Pagkat ikaw ay aking mahal

Kung panaginip ka lang ayaw ko ng magising pa
‘Pagkat nadarama’y ligaya
Lahat ng naisin mo’y aking ibibigay
‘Pagkat ikaw ay aking mahal
Mahal…
‘Pagkat ikaw ay aking mahal

Sisa of Crazy as Pinoy - Panaginip (Official Music Video)


Produced by Blck marketing inc.

song written by: Sisa of Crazy As Pinoy

Arranger - Eich Abando
Mix and Mastered by Ruben Remperas

Video Production

Mika Geronimo - cinematographer
Michael Superio -cinematographer
Luis Cruz - cinematographer
Krisanto Blanco - Video Editor
Michael PeƱalosa - Colorist
Ruben Remperas - Sound Engineer
Eich Abando - Music Producer
Andy Emano - Production Assistant

Crazymix ft. Sisa of Crazy as Pinoy - Bahaghari (Official Music Video)


Bahaghari | Crazymix ft. Sisa of Crazy as Pinoy | Official Music Video

crazyfamilyofficialtv

Crazymix ft. Sisa of Crazy As Pinoy - Bahaghari Lyrics

oh oh oh...

ika'y palagi kong minamasdan
nag-aabang sa tambayan sa tuwing ikaw ay dadaan
gumagaan ang feeling pag nasisilayan ko
ang mala-diyosa na taglay na kagandahan mo
matamis mong mga labi at chinita na mata
'di maipaliwanag ang nadarama kapag nakikita ka na
at kapag ngumingiti ka na bigla akong naaaliw
tulala umiiling na para bang nababaliw
kailan ka ba magiging akin
'yan ang katanungan na palagi kong binubulong sa hangin
nananalangin at nagdarasal
sa maykapal na balang araw makapalitan ng pagmamahal
kaya nang mapasakin ka'y tila sa ulap ay nakasakay
mga anghel kumakaway at umaawit ng sabay-sabay
pag hawak ko ang iyong kamay lumulutang at tinatangay
ng hangin sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y

parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
o umiwas ka baka ika'y malusaw
dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan

oh oh oh...

sino bang mag-aakala
na ang katulad mong diwata pala ang sa'kin itinadhana
daig ko pa ang pinagpala ni Bathala
na ang pana ni kupido ay sa atin pinatama
'di alintana ang sabi-sabi
sa buong mundo'y walang pake basta ikaw ang aking katabi
dahil marami ang naiinggit
bakit daw ang tulad kong tagalupa ay mala-diyosa pa ang nabingwit
malayo nga daw ang pagitan
wag nyo akong gisingin kung panaginip lamang 'to o kunwarian
pag-ibig nga'y makapangyarihan
lahat ng kabaliwan 'di mawarian pag nasa kanyang kaharian
kasi nga nang napasakin ka'y tila sa ulap ay nakasakay
mga anghel kumakaway at umaawit ng sabay-sabay
pag hawak ko ang iyong kamay lumulutang at tinatangay
ng hangin sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y

parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
o umiwas ka baka ika'y malusaw
dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan

langit at lupa ang pagitan
(ngunit sa pag-ibig ay pantay-pantay)
kung saan nagmula'y di malaman
(nasulit ang aking paghihintay)
'lika sating tagpuan kung saan ang hantungan ay matamis na pag-iibigan
kaya pag hawak ko ang 'yong kamay lumulutang at tinatangay ng hangin
sa kalangitan at ang tangi kong nadarama'y

parang ang bahaghari ay lumitaw sa aking harap
parang hindi makagalaw sa'yo ay nasisilaw
o umiwas ka baka ika'y malusaw
dahil hindi ko mapigilan ang mga matang ikaw ay matitigan

oh oh oh...

Crazymix ft. Sisa of Crazy As Pinoy - Bahaghari (Official Lyric Video)


Bahaghari (Official Lyric Video) | Crazymix Feat. Sisa of Crazy As Pinoy

© 2019 Ivory Music & Video, Inc.