Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Nar Cabico - LDR (Layong 'Di Ramdam) Composed and interpreted by Nar Cabico Lyrics

Sarado na’ng maleta mo
Nandyan na ang iyong sundo
Teka, tingnan mo muna
Baka meron pang naiwan
Ewan ko, kahit ano
Dito ka lang sa tabi ko
Hayaan mong hagkan kita
May luha pang natitira
Dahil hindi masanay
Ang puso kong mawalay
Sa iyo, mahal ko
Dito ka lang sa tabi ko

Dahil doon walang mga halik
Iba ang tawa’t hagikhik
Tuwing tayong dalawa’y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo’y magkalayo
Pag-ibig ‘di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo ay oras ko

At kung sakaling malungkot
Nag-iisa’t natatakot
Kunin mo ang ‘yong kumot
Bawat hibla’t gusot
Ay haplos ko sa’yo
Habang wala ako

Dahil doon walang mga halik
Iba ang tawa’t hagikhik
Tuwing tayong dalawa’y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo’y magkalayo
Pag-ibig ‘di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo ay oras ko

Sa bawat pagsikat ng araw
Ay nawawala lahat ng ating alinlangan
Ang pagmamahal ko’y ‘di mababawasan
‘Pagkat ang layo
‘Pagkat ang layo’y ‘di ramdam

Kahit doon walang mga halik
Iba ang tawa’t hagikhik
Tuwing tayong dalawa’y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo’y magkalayo
Pag-ibig ‘di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo
Ay oras ko
Ay oras ko

Nar Cabico - LDR (Layong 'Di Ramdam) Composed and interpreted by Nar Cabico (Lyric Video)


PhilPop MusicFest Foundation presents:

LDR (Layong 'Di Ramdam)
Official Lyric Video
Composed and interpreted by Nar Cabico
Produced by Civ Fontanilla and Alwyn Cruz
Arranged by Teddy Katigbak
Vocal Supervision by Pauline Lauron
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios


Directed and edited by Jaimee Dejelo Bernardo
Co-edited by Martin Dejelo Campita

Special Thanks to Viva Records

Nar Cabico - Natapos Tayo (Official Lyric Video)


Natapos Tayo | Nar Cabico | Official Lyric Video

GMA Records

Nar Cabico - Natapos Tayo Lyrics

Puso ko'y punit
Wag ka na munang lumapit
Damdamin ay mapurol
Sana di na lang ako
Di na sana naghabol
Sayo
Sayo

Sabi mo "mahal,
Ikaw at ako'y tatagal"
Puso mo'y marupok
Sana di na lang ako
Di na sana tumuloy

Nahulog sayo
Napagod sayo
Nalunod sayo
Naubos sayo
Naubos ako
Natapos tayo

Hindi makabalik
Buhay ko'y parang natabig
Hanggang kailan ganito
Parang di makatayo
Di makuhang lumayo

Nahulog sayo
Napagod sayo
Nalunod sayo
Naubos sayo
Naubos ako
Natapos tayo

Tinawag ako
Lumapit sayo
Umibig ako sayo buong-buo
Nagbago sayo
Iniwan ako
Itapon ang lahat ng alaala magmula noong...

Nahulog sayo
Napagod sayo
Nalunod sayo
Naubos sayo
Naubos ako...

Nahulog sayo
Napagod sayo
Nalunod sayo
Naubos sayo
Naubos ako
Natapos tayo

Puso ko'y punit
Itatahi ko na lang ulit

Nar Cabico - GaGa Lyrics

Ga ga ga ga…

Dun ka ba nakatingin
Hindi mo ba ako napapansin
Puso ko’y umiiling
Hindi ko na alam ang gaga

Gaga ko
Nahulog sa taong hindi sumasalo
Ano ba ‘to
Ano bang tawag mo
Siguro nga ako ay

Ga ga!
Alam mo nang mayr’ong iba
O eh bakit ba nakaabang pa
Nakatunganga lang si
Ga ga!
Isipin mong iba na lang
Baka may mangyari pa sa buhay mo
Wag mong pilitin kung ‘di sayo
Hindi sayo

Ga-gaga-ga-ga-gaga-gaga
Hmmmm
Haay

Ikaw kasi paasa ka
Kunwari gusto mo hindi pala
Puso ko’y pagod na rin
Hindi ko na alam ang gaga

Gaga ko
Nahulog sa taong hindi sumasalo
Ayoko ‘to
Ayoko ba o gusto
Kaya nasasabihang

Ga ga!
Alam mo nang mayr’ong iba
O eh bakit ba nakaabang pa
Nakatunganga lang si
Ga ga!
Isipin mong iba na lang
May mangyari pa sa buhay mo
Wag mong pilitin kung ‘di sayo
Hindi ka gagalaw kung wala akong gagawin
Sa panaginip gagapusin ka
Gagamitin ko ang pusong di na gaga
Puso ko ay di na gagaling oh

Gaga
Bakit di mo na masabing hindi mo na kayang hindi sya ibigin?
Gagatungan mo na lang ba yang puso mong shunga-shunga?
Gagastusan mo siya, gagalusan ka lang nya
Magpapa-cute, magpapaasa pero di mo makukuha
Gaga gurl, gaga ka gagambalain ka lang nya
Gagayumahin mo pa ba eh gaganti ka lang diba
Gagalitin mo lang ang sarili mo sige ka di ka gaganda
O sige ka di ka gaganda itigil mo yan di nakakaganda
Kung magpapaka-gaga

Alam mo nang mayr’ong iba
O eh bakit ba nakaabang pa
Nakatunganga lang si
Ga ga!
Isipin mong iba na lang
May mangyari pa sa buhay mo
Wag mong pilitin kung ‘di sayo
Hindi ka gaga
Alam mo nang mayr’ong iba
O eh bakit ba nakaabang pa
Nakakaloka ka
Ga ga!
Isipin mong iba na lang
May mangyari pa sa buhay mo
Wag mong pilitin kung ‘di sayo
Hindi talaga sayo

Ga-gaga-ga-ga-gaga-gaga

Hindi sayo
Gaga di sayo
Hindi sayo
Gaga di sayo
Hindi sayo
Gaga di sayo
Hindi sayo
Gaga di sayo