Sarado na’ng maleta mo
Nandyan na ang iyong sundo
Teka, tingnan mo muna
Baka meron pang naiwan
Ewan ko, kahit ano
Dito ka lang sa tabi ko
Hayaan mong hagkan kita
May luha pang natitira
Dahil hindi masanay
Ang puso kong mawalay
Sa iyo, mahal ko
Dito ka lang sa tabi ko
Dahil doon walang mga halik
Iba ang tawa’t hagikhik
Tuwing tayong dalawa’y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo’y magkalayo
Pag-ibig ‘di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo ay oras ko
At kung sakaling malungkot
Nag-iisa’t natatakot
Kunin mo ang ‘yong kumot
Bawat hibla’t gusot
Ay haplos ko sa’yo
Habang wala ako
Dahil doon walang mga halik
Iba ang tawa’t hagikhik
Tuwing tayong dalawa’y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo’y magkalayo
Pag-ibig ‘di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo ay oras ko
Sa bawat pagsikat ng araw
Ay nawawala lahat ng ating alinlangan
Ang pagmamahal ko’y ‘di mababawasan
‘Pagkat ang layo
‘Pagkat ang layo’y ‘di ramdam
Kahit doon walang mga halik
Iba ang tawa’t hagikhik
Tuwing tayong dalawa’y
Gumigising nang sabay
Ngayong tayo’y magkalayo
Pag-ibig ‘di magbabago
Maghihintay hanggang ang oras mo
Ay oras ko
Ay oras ko
Home »
Layong Di Ramdam
,
LDR
,
LDR Lyrics
,
Nar Cabico
,
Philpop 2018
,
Top 30
» Nar Cabico - LDR (Layong 'Di Ramdam) Composed and interpreted by Nar Cabico Lyrics
Nar Cabico - LDR (Layong 'Di Ramdam) Composed and interpreted by Nar Cabico Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 1:19:00 PM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment