Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mike Kosa ft. Gat Putch - Hangarin Lyrics

Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin
Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin

Positibo kung wala ka ng panlasa
Pano ba ito kinakagat ng masa
Back to zero at muli tong binalasa
Kailangan mong sumipat para lalong magtamasa
Kayod ng kayod palaging pagod
Balakang iniinda sagad sa likod
Kinabukasan ay makabili ng pang-alulod
Kung sosobra sa munggo ay merong panahog
Sa inabot na pandemya ito’y trahedya
Naging seryoso na ang mga dating nagkomedya
Laman ng ref dati mga makademya
Ngayon ay huma-hassle na sana makabenta
Dating otso oras ginawa kong dose
Ngayon ay kumikilos na mga edad katorse
Pursigido makaahon pamilya maibangon
Makatawid sa alon sa bangungot ng kahapon

Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin
Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin

Sa dami ng gumataw sa apoy ay lumaki
Kuntento na ang araw makarami lang kami
Kung galingan ko araw araw ay wala ka ng paki
Hanggang ang iyong idolo kasabayan ko magkape
Merong idea kung papatok ay pera
Pitong putaheng ulam nakalatag sa lamesa
Dinig ang ingay na bulong bulungan sa kabesa
Ang tagumpay ay kakambal na ng alak na serbesa
Kung nauna man silang yumaman wag kainggitan
Inspirasyon sila araw araw na galingan
Wag kang babagal bagal kaya nga dapat bilisan
Ginamit sa trabaho ang husay ng tulisan
Kung dami na ang kalat dapat ng mamismisan
Sa magaspang na ugali dapat makaliskisan
May oras na ikaw naman ang iimbitahan
Darating ang araw na ikaw naman ang papalakpakan
Kung may proseso dapat mayrong progreso
Kahit maraming pagtatalo dito sa kongreso
Tumatakpak isang katutak na inggreso
Malaya ba ako sa mundo ko na naging preso
Magkalaman ang wallet dito at kumita
At di para dito ay magpabi-pabida
Tahimik lang sa gilid na sumisigida
Dating tambay pero meron ng unit sa avida

Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin
Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin

Pag tuna yang harangin
Mas tumatagal pag mabuti ang gawain
Tahimik at payapa ang isip bawal mabwisit
Sarap lagi ng gising nakakahumaling
Ngiting natamasa sa liwanag nagkusa
Binigay ang biyaya ngayon ay sagana
Tinanim ay bumunga ngayon ay umaani ng tiwala
Salamat sa lahat ng naniwala

Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin
Purong puso ang ginamit upang maantig
Ang natutulog mong hangarin dasal ay dinggin
Sana ito ay tuparin, sana ito ay tuparin

Mike Kosa ft. Gat Putch - Hangarin (Official Music Video)


Hangarin - Mikekosa Ft Gat Putch
Beats Produced - Benedict Sy / BTDTbeats
Recorded Mixed and mastered by Cent Got beats Green House studio

Directed & Edited By: Red EspeƱa
DOP: Carlo Teng & Arpee Turla
Photographers: Malcolm Casero & Yoyo Bonoan
Production Assistant: Maxi Libutan & Archie Santos
Media Partner: Alon Creatives