Pinoy Radio Here:

Followers:

M Zhayt ft. Hanz - Friend Zone (Official Music Video)


Friend Zone - M Zhayt ft. Hanz (Official Music Video)

Produced by Chrxtian
Christian Tamayo Jumarang

M Zhayt ft. Hanz - Friend Zone Lyrics

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

Hindi ko na dapat, pero di ko maawat
Lalo na pag nariyan ka may enerhiya kong nasasagap
Nagpapahiwatig at ako’y kinabig sa palapit ko na lakad
At nagbalik na sa reyalidad nagulat ako sinabi mong salamat
Sa pagkakaibigan, mahal na kita pero di mo nalaman
Sa kwento ng buhay pag-ibig mo ako’y mistulang testigo na lamang
Bat di ko ilaban? Yung tipo mo laging mistiso ang hanap
Kumpara sakin sa unang tingin sa isip nila’y may bisyo na kaagad
Hindi na bale, sa akin ay di na yan mahalaga
Para san pa? sakin ay masaya na kong nakakasama kita
Kasama sa mga inuman tawanan kulitan at kautangan pag gipit
Pero iba na ang kasama mo sa mga yakap halik yun ang masakit

Sino nga ba ko? Wala akong karapatang magtampo
Ako ay kaibigan mong laging nandito lang para sayo yan ang alam mo
Sa bawat takbo mo sa akin upang ilabas ang dinadala mo
Ay siyang katumbas ng pasakit na di ko maamin ng harapan sayo

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

Salamat sayo kahit ganon ay nagkaroon ng pagkakataon
Na maging bahagi ng iyong buhay di man ako ang kasama ngayon
Ay mananatili saking isipan ikaw ang pinili’t di ka iniwan
Mamahalin kahit na ang tingin lamang sakin ay isang kaibigan
Siguro minsan kailangan nating alamin ang pagitan
Kung gano kalayo ang lupa mong tinatapakan sa kalangitan
Upang hindi ka mabulag sa kaligayahan na panandalian
Pasayahin ka’t lalambingin pero ang mahalin kala mo madali lang
Di ganun kasimple kahit ako ang siyang nag-aalala
Nagpunas ng luha sa mga mata pero di kita kaya na mapasaya
Nakakamangha ang tulad mo talaga’y kakaiba
Ako ang palaging kasama pero ang puso mo’y nasa iba

Sino nga ba ko? Wala akong karapatang magtampo
Ako ay kaibigan mong laging nandito lang para sayo yan ang alam mo
Sa bawat takbo mo sa akin upang ilabas ang dinadala mo
Ay siyang katumbas ng pasakit na handang tiisin basta’t para sayo

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

M Zhayt ft. Hanz - Friend Zone (Lyric Video)


M Zhayt - Friend Zone ft. Hanz (Lyric Video)

Motus Multimedia

Dwin Araza - 143 (Friend Zone) Lyrics

Lagi tayong magkasama
kahit na magdamagan
Lagi tayong magkausap
Abutin man ng umaga

Nahulog ang damdamin ko sa ‘yo ng bigla
Nahihiyang ipagtapat ang pag-ibig ko

Bakit ang lalim ng nadarama kapag kapiling ka
Bakit nalulungkot ang puso ‘pag ‘di kita nakikita

Ba’t ‘di na lang aminin ang nararamdaman
Nahihiyang ipagtapat ang pag-ibig ko
Naghihintay ng tamang pagkakataon

I love you
‘Di ko pwedeng sabihin pero gusto kong
Mag-I love you
‘Di ko pwedeng aminin pero gusto kong
Mag-I love you
O kay sarap sa feeling na sabihin ko na
I love you
Ngunit tumigil ang mundo nang sinabi mong
Kaibigan lang kita
Kaibigan lang kita

Sa tuwing hindi kita kapiling tunay na nangangamba
Bakit ang lalim ng nadarama kapag kapiling ka

Nahulog ang damdamin ko sa ‘yo ng bigla
Nahihiyang ipagtapat ang pag-ibig ko
Nangangamba na baka iwasan mo ako

I love you
‘Di ko pwedeng sabihin pero gusto kong
Mag-I love you
‘Di ko pwedeng aminin pero gusto kong
Mag-I love you
O kay sarap sa feeling na sabihin ko na
I love you
Ngunit tumigil ang mundo nang sinabi mong
Kaibigan lang kita
Kaibigan lang kita


Hindi kayang pigilan
Ang dikta ng puso’t isipan
Sa dinami-dami kong kaibigan
Bakit ikaw ang nagustuhan

Sana’y walang magbago
Pakiusap ko huwag kang lalayo
Gagawin ang lahat para sa ‘yo

Nahulog ang damdamin ko sa ‘yo ng bigla
Nahihiyang ipagtapat ang pag-ibig ko
Naghihintay ng tamang pagkakataon

I love you
‘Di ko pwedeng sabihin pero gusto kong
Mag-I love you
‘Di ko pwedeng aminin pero gusto kong
Mag-I love you
O kay sarap sa feeling na sabihin ko na
I love you
Ngunit tumigil ang mundo nang sinabi mong
Kaibigan lang kita

‘Di ko pwedeng sabihin pero gusto kong
Mag-I love you
‘Di ko pwedeng aminin pero gusto kong
Mag-I love you
O kay sarap sa feeling na sabihin ko na
I love you
Ngunit tumigil ang mundo nang sinabi mong
Kaibigan lang kita
Kaibigan lang kita
Kaibigan lang kita
Kaibigan lang kita, oh yeah

‘Di ko pwedeng sabihin pero gusto kong mag-I love you…

Dwin Araza - 143 (Official Lyric Video)


The official lyric video of "143" by Dwin Araza.

Music: Aldwin Araza Andal (Dwin Araza)
Lyrics: Aldwin Araza Andal (Dwin Araza)
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Ramil V. Mataro and Aldwin Araza Andal
Arranged by Ramil V. Mataro
Mixed and mastered by Ramil V. Mataro and Aldwin Araza Andal
Recorded by: Aldwin Araza Andal
Recorded at: Mindscape Lab Studio, Novaliches, Quezon City

Ruth Anna - Friend Zone Lyrics

Pang ilang beses na ba akong nagiging ganito sayo?
Hindi mo manlang ba napapansin ang mga kilos ko?
Ano ba, nakakabadtrip ka sadyang manhid ka lang ba talaga?
Nagbubulag-bulagan ba? Ang hirap mong maipinta

Kabisado ko na ang lahat ng mga hilig mo
Halos wala akong maipon kakabili ng pagkain mo
Di ka makausap pag naglalaro sa cellphone mo
Kaya tuloy pati ako nagdodownload ng ‘yong mga laro

Kaya ko namang makisabay sa mga trip mo
Di ka na mahihirapang mahalin ako…

Hanggang friend zone lang ba talaga tayo?
Di mo ba nakikitang bagay tayo?
Hanggang friend zone lang ba talaga tayo?

Kunwaring group message lang ang text pero sayo lang sinesend
Sabik sayong pagrereply pero laging may word na “friend”
Nagbabakasakaling magkaroon ka rin ng pagtingin
Oh, kalian kaya ang araw na ako’y iyong mapansin?

Kaya ko namang makisabay sa mga trip mo
Di ka na mahihirapang mahalin ako…

Hanggang friend zone lang ba talaga tayo?
Di mo ba nakikitang bagay tayo?
Hanggang friend zone lang ba talaga tayo?

Nasasaktan ako pag laging sya ang iyong bukang bibig
Kunwari ako’y interesado kunwari na lang manhid
Kunwari na lang manhid….

Kaya ko namang makisabay sa mga trip mo
Di ka na mahihirapang mahalin ako…

Hanggang friend zone lang ba talaga tayo?
Di mo ba nakikitang bagay tayo?
Hanggang friend zone lang ba talaga tayo?

Friend Zone, Friend Zone, Friend Zone…