Pinoy Radio Here:

Followers:

M Zhayt ft. Hanz - Friend Zone (Official Music Video)


Friend Zone - M Zhayt ft. Hanz (Official Music Video)

Produced by Chrxtian
Christian Tamayo Jumarang

M Zhayt ft. Hanz - Friend Zone Lyrics

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

Hindi ko na dapat, pero di ko maawat
Lalo na pag nariyan ka may enerhiya kong nasasagap
Nagpapahiwatig at ako’y kinabig sa palapit ko na lakad
At nagbalik na sa reyalidad nagulat ako sinabi mong salamat
Sa pagkakaibigan, mahal na kita pero di mo nalaman
Sa kwento ng buhay pag-ibig mo ako’y mistulang testigo na lamang
Bat di ko ilaban? Yung tipo mo laging mistiso ang hanap
Kumpara sakin sa unang tingin sa isip nila’y may bisyo na kaagad
Hindi na bale, sa akin ay di na yan mahalaga
Para san pa? sakin ay masaya na kong nakakasama kita
Kasama sa mga inuman tawanan kulitan at kautangan pag gipit
Pero iba na ang kasama mo sa mga yakap halik yun ang masakit

Sino nga ba ko? Wala akong karapatang magtampo
Ako ay kaibigan mong laging nandito lang para sayo yan ang alam mo
Sa bawat takbo mo sa akin upang ilabas ang dinadala mo
Ay siyang katumbas ng pasakit na di ko maamin ng harapan sayo

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

Salamat sayo kahit ganon ay nagkaroon ng pagkakataon
Na maging bahagi ng iyong buhay di man ako ang kasama ngayon
Ay mananatili saking isipan ikaw ang pinili’t di ka iniwan
Mamahalin kahit na ang tingin lamang sakin ay isang kaibigan
Siguro minsan kailangan nating alamin ang pagitan
Kung gano kalayo ang lupa mong tinatapakan sa kalangitan
Upang hindi ka mabulag sa kaligayahan na panandalian
Pasayahin ka’t lalambingin pero ang mahalin kala mo madali lang
Di ganun kasimple kahit ako ang siyang nag-aalala
Nagpunas ng luha sa mga mata pero di kita kaya na mapasaya
Nakakamangha ang tulad mo talaga’y kakaiba
Ako ang palaging kasama pero ang puso mo’y nasa iba

Sino nga ba ko? Wala akong karapatang magtampo
Ako ay kaibigan mong laging nandito lang para sayo yan ang alam mo
Sa bawat takbo mo sa akin upang ilabas ang dinadala mo
Ay siyang katumbas ng pasakit na handang tiisin basta’t para sayo

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

Hindi ko alam kung meron bang patutunguhan
Sasabihin na lang bahala na kung mabigo
Wala akong kapangyarihan na hulaan ang nadarama mo
Paano pag nalaman mong
Hindi ko alam kung paano ko masisimulan
Baka masira ang ugnayan at masisi mo lang
Kaya ngayon nagpapakiramdaman na lang

M Zhayt ft. Hanz - Friend Zone (Lyric Video)


M Zhayt - Friend Zone ft. Hanz (Lyric Video)

Motus Multimedia

M Zhayt ft. Kino - 100 (Isang Daan) Music Video


M Zhayt - 100 (Isang Daan) ft. Kino

Motus Multimedia

M Zhayt, L.A & Blast - DPRSYN (Lyric Video)


M Zhayt, L.A & Blast - DPRSYN

Motus Production

M Zhayt - Sakin Lang Naman Lyrics

Akin pang naaalala
Kahit san ka magpunta ako ang lagi mong kasama
Nakatingin sa tala
Nangangarap balang araw ikaw ay mapaligaya
Handa kong ibigay ang lahat ng sa’kin
Basta’t sa piling mo ako’y kailanganin
Dito lang ako di na kailangan pang hanapin
Kaso lang hindi ko sukat akalain na

Hindi pala ako ang gusto mo
Ba’t ngayon mo lang pinaalam
Hindi pala ako
Ang sinisigaw ng puso mo’t nilalaman
Hindi mo ba alam
Na mayro’n kang nasasaktan
O baka naman wala ka lang pakialam sa aking nararamdaman

Kaya ang sakin lang naman
Sabihin mo sa akin kung hindi mo ko mahal
Huwag mo nang paglaruan
Huwag mo nang paglaruan

Kaya ang sakin lang naman
Sabihin mo sa akin kung hindi mo ko mahal
Huwag mo nang paglaruan
Huwag mo nang paglaruan yeah

Ano pa ba ang kulang at
Hindi mo ko makuhang mahalin bakit sa’yo
Para bang ang utak ko na matino ay nabuang na
Ayos lang naman ang masaktan
Basta sabihin mo sa’kin ano ang dahilan
Hindi yung hahayaan mo na lamang habang sakin
Ay unti-unti mo nang ipinararamdam na

Hindi pala ako ang gusto mo
Ba’t ngayon mo lang pinaalam
Hindi pala ako
Ang sinisigaw ng puso mo’t nilalaman
Hindi mo ba alam
Na mayro’n kang nasasaktan
O baka naman wala ka lang pakialam sa aking nararamdaman

Kaya ang sakin lang naman
Sabihin mo sa akin kung hindi mo ko mahal
Huwag mo nang paglaruan
Huwag mo nang paglaruan

Kaya ang sakin lang naman
Sabihin mo sa akin kung hindi mo ko mahal
Huwag mo nang paglaruan
Huwag mo nang paglaruan

Kaya ang sakin lang naman
Sabihin mo sa akin kung hindi mo ko mahal
Huwag mo nang paglaruan
Huwag mo nang paglaruan

Kaya ang sakin lang naman
Sabihin mo sa akin kung hindi mo ko mahal
Huwag mo nang paglaruan
Huwag mo nang paglaruan

M Zhayt - Sakin Lang Naman (Official Lyric Video)


M Zhayt - Sakin lang naman (Official Lyric Video)

Motus Production

Mcee Zabala ft. L.A. & M Zhayt - Di Ka Na Nasanay (Official Music Video)


Mcee Zabala - Di Ka Na Nasanay (Official Music Video) ft. L.A & M Zhayt

Motus Production

M Zhayt ft. Maj - Walang Halaga Lyrics

Kulang pa ba ang lahat para makita mo na
Ang aking nadarama para sayo ay di maikumpara
Napakamanhid mo bakit hindi mo ako tapatin
Mata sa mata pano mo gagawin kung sa iba ka na nakatingin
Sino nga ba ko sayo para umangal at umapila
Bakit pag nasa harap ka nila parang hindi mo ako kilala
Kulang na lamang ay ipagtabuyan palayasin o ipatapon
At ibang iba ka na ngayon samantalang mahal mo pa nga ko kahapon
Bakit nagkaganito iniingatan naman kita lagi
Hindi na ako ang siyang dahilan ng ngiti mo sayong mga labi
Tanging pagluha na lamang ang kaya kong maisagot sa mga nangyari
Umaasang pagtapos nitong ulan ay may bahaghari

Anong kailangan kong gawin ba’t kailangang gantuhin mo
Laging di sumasapat kahit ibigay lahat di mo na ba ako mahal
Mga katanungang di mo nasagot ngayo’y tuluyang nabaon na lamang sa limot
Ako’y mahal mo pa ba bakit biglang nag-iba

Kulang pa ba pasensya ka na kung para sayo ay hindi pa sapat
Marahil ay di mo pa rin matanggap kahit na ibigay ko ang lahat
Hindi ba talaga sapat o baka naman di ko lang matanggap
Ang kwento ng pagmamahalan ay di na ikaw at ako ang siyang pamagat
Kulang pa ba pasensya ka na dahil sa ganito lamang ako
Ibang iba’t napakalayo sa mga bagong nakapaligid sayo
Minsan sinisi ko na ang sarili sa kasalanang mahirap ako
Hindi mo naman sinabi na ang mahal pala ng pag-ibig mo
Kulang pa ba pasensya ka na pagmamahal lang ang alay ko
Hindi ko maibibigay ang mga kakulangan sa buhay mo
Sana maging maligaya ka na lang sa bago mo pero bago ko
Lisanin ay tandaan na ikaw ang siyang bumitaw hindi ako

Anong kailangan kong gawin ba’t kailangang gantuhin mo
Laging di sumasapat kahit ibigay lahat di mo na ba ako mahal
Mga katanungang di mo nasagot ngayo’y tuluyang nabaon na lamang sa limot
Ako’y mahal mo pa ba bakit biglang nag-iba

M Zhayt ft. Maj - Walang Halaga (Official Music Video)


M Zhayt - Not For Sale "Walang Halaga" (Official Music Video) ft. Maj

Director - M Zhayt

Editor - John Cris Dela Cruz

Director of Photography
Mark Kaizer Sanchez
John Cris Dela Cruz
Japssy Ballers

Music and Beats by BlastBeats

Motus Production 2019

M Zhayt - Doble Kara (Official Music Video)


Written and performed by M Zhayt
Director - M Zhayt
Editor - John Cris Dela Cruz

Director of Photography:
Mark Kaizer Sanchez
John Cris Dela Cruz
Japssy Ballers

Music and Beats by BlastBeats

M Zhayt x Blast - Sariling Mundo (Official Music Video)


Written and performed by M Zhayt and Blast

Director - M Zhayt

Editor - John Cris Dela Cruz

Director of Photography

John Cris Dela Cruz
Japssy Ballers
Yenom Omana

Music and Beats by BlastBeats

Motus Production

M Zhayt - Bipolar (Official Music Video)


Performed and Lyrics - M Zhayt
Produced by Motus Production

Starring:
Angelica Marasigan
Rodymer "Zeke" Gatche
Yassi Benitez

Director - M Zhayt
Editor - Mark Kaizer Sanchez

Director of Photography:
Mark Kaizer Sanchez
John Cris Dela Cruz
Japssy Ballers

Music and Beats by BlastBeats

M Zhayt - Easy Ka Lang Lyrics

Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali,
Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali,

Alam kong kanina kapa nariyan
Nakatayo sa aking harapan
Bawat galaw ko ay minamasdan
Parang ako minamanmanan
Kabisado ko mga ganyang galawan
Kaya wag mo nang itanong kung pano ko nalaman
Mapapaupo kana sa tabi ko
Buti nalang at nandito ako
Aalamin mo na ang pangalan at numero ng telepono ko
Sa tingin palang alam ko na ang balak
Di mo na pinapansin yong natatapon mo na alak
Pero tuloy tuloy lang sa kwentuhan at tawanan
Hanggang sa unti unti na tayong nagkapalagayan
Bakit ang bilis ng oras di ko man namalayan na
Ang hapunan ay inabot ng agahan

Pero kahit ganto, na nahulog ako
Ay hindi ganun kasimpleng mapaibig sayo
Baka tayo'y malito
Kung ano ang totoo
Kung may tamang panahon
Baka hindi pa ito

Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali,
Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali

Alam kong di mo rin ito inaasahan
Pinana ka ni kupido hindi mo nailagan
Wag sanang iisipin ako'y nag aalinlangan
Kapalaran natin at wag nating pangunahan
Hindi naman sa hindi ko gusto
Sino pa bang aayaw sa iyo
Nais ko lang naman talaga
Ay magkakilala pa tayong husto
Madaling sabihin ang hirap mapatunayan
Kung itong nadarama ay tunay na pag mamahalan
Kaya,
Easy ka lang,
Pwede bang dahan dahan
Dahil sa karanasan ay akin ng iniiwasan
Mga bagay na dumarating ng di inaasahan
Dahil,
Mas masakit pag nawala lang ng biglaan

Kaya, kahit ganto, na nahulog ako
Ay hindi ganun kasimpleng mapaibig sayo
Baka tayo'y malito
Kung ano ang totoo
Kung may tamang panahon
Baka hindi pa ito

Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali,
Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali,
Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali,
Darating din tayo dyan bandang huli
Tumingin sa akin bakit di mapakali
Tara sulitin lang natin bawat sandali
Wag kang magmadali
Wag kang magmadali

M Zhayt - Easy Ka Lang (Official Music Video)


Directed by : M Zhayt
Edited by : Kaizer Sanchez
Director of Photography : John Cris Dela Cruz
BTS Photographer : Japsyy Ballers
Produced by : Blastbeats

Motus Production

M Zhayt - Init (Audio)


M Zhayt - Init

Motus Production

M Zhayt ft. AJ - M.U. (Malabong Ugnayan) Music Video


M.U Malabong Ugnayan Music Video

Performed and Lyrics by : M Zhayt
Directed by : Thursday of 11:11 Productions
Produced by : Blast beats

Shernan, Lil John & M Zhayt - Duterte Pa Rin Kami Lyrics

(Shernan)
Hoy! Teka muna sandali
Gusto mo lagi kang tama pero parang may mali (Ahaa ahaaa!)
Teka muna sandali
Sa daan na matuwid ay liliko na po kami
Bakit kamo? kasi ang mahal na ng bilihin
Gasolina at kuryente, badtrip kung iisipin
Traffic na sa EDSA pina-traffic mo pa
Trabaho ng Enforcer yan, inagaw mo pa
May droga daw sa DAVAO, may droga sa MAKATI
DILG Secretary ka bat' di mo pinahuli?
di daw siya magnanakaw? nakakayamot!
Pera ng YOLANDA nasan? di mo masagot!
Oo, no'ng kalamidad kayo ay nagsipagpuntahan
Pero dahil Romualdez siya di mo na tinulungan
Gano'n ba talaga pag kalaban walang aksyon
Kung meron talagang nakatulong si DUTERTE yon!

(Chorus)
Maraming sinasabi, marami siyang batikos
Marami siyang alam kulang naman sa kilos
Akala mo ba na naniniwala kami sayo?
Kahit anong sabihin mo DUTERTE pa rin ako
Nagkakanin sa baso (HAHAHAHAHA)
Umiinon sa plato
Ano man ang gawin mo wala kaming paki
Kahit anong sabihin mo DUTERTE pa rin kami!

(LilJohn)
Haha! nakakatawa!
'yong gawain mo kasi, gawain lang yan ng tanga
pakitang tao sa lahat kunyari mabait kuno
Madaming kontra sayo para di ka maka upo
Sa kahirapan nga hirap kaming makatawid
Hindi pa namin dinadanas ang daang matuwid
na sinasabi mo pa dati na iyong itutuloy
Iba nalang ang lokohin mo ha, wag na kami Oy!
Karamihan sa pinoy tinatawanan ka nalang
Sa ka-kornihan mo hinahayaan ka nalang
Kumusta na nga ba yung kaso doon sa MAGUINDANAO??
Ang pag usad nito bakit hindi daw matanaw?
Biktima nang Yolanda ano na ang nangyari?
balita ko nga superhero ka daw pare
WOW! LUPET! Bida ka pala?!
Hanap ka kausap mo, kwento mo sa talaba

(Chorus)

(M-Zhayt)
Parang nasayang ang anim na taon (shit)
Ni-hindi man lang umahon bayan na nakabaon
Tapos ito nanaman Daang matuwid ba kamo?
Ipagpapatuloy? Patuloy mo mukha mo
Iboboto niyo ba siya? Nako! Please! wag na
'yong daan matuwid ayon zigzag na
Kandidatong sa katangahan naka-bartolina
Ang sarap mong sampalin ng tsinelas ni korina (hahahahahaha)
Nako! nako! H'wag mo nga kong niloloko
Kung ikaw lang din ha! Hindi na ako boboto
Bato-bato sa MAKATI , Estw! sa langit
Alam kung saan kukuha ni Secretary
Inamin mo na maang-maangan ka pa
Mag-runner ka nalang, yayaman ka pa
H'wag ka nang umasa maging presidente
dahil lahat kami dito pre maka DUTERTE!

(Chorus) x2