Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Dello ft. Kithara - Ako'y Di Para Sa'yo Lyrics

Nagkita tayo ng hindi mo ko kilala
At di ko inakala na yun ang umpisa
Na dapat di nasimulan dahil ako ay di malaya
Ika’y natagpuan pero hindi ka tinadhana
Para sakin, teka dapat nga bang mapasatin
Ang isang relasyong nasa sitwasyon na alanganin?
Pag-ibig nga naman, ang lahat ay hahamakin
Pero di ba pag mali, di na dapat pang hanapin
Tawid dagat ang agwat, at nagtama ang landas
Nang mapunta sa bansa kung sa’n nandoon ka at
Parang paglitaw mo lang, matapos araw ng undas
Naging sulit ang byahe kasi ikaw ang katumbas
Na dapat sana’y di ganon, kase dapat ibaon
Lahat sa limot pero bakit naikot pa rin ngayon
Sayo ang mundo kong masalimuot, nagkaron
Ng rason, dahilan para humugot ng tanong
Na kung di pala pupwede, bakit pinagtatagpo?
Kung kailan may namagitan, saka pinaglalayo?
Darating pa ba ang araw na ikaw lang at ako
Ang magkahawak, magkayakap ng hindi nagtatago?
Pwede mo akong iwasan ng lahat ay mahinto
Dahil ayokong maranasan mong ikaw ay mabigo
Bakit ngayon ko lang naisip, naging tanga ako
Na di mo dapat mahalin ang taong di para sayo

Isipin mo
Hindi siya para sa’yo
Kayanin mo
May darating para sa’yo

Nakasakay sa eroplano, ang tanaw, abot baba
May tanong pa rin sa isip pero ang sagot wala
Inalis na ang mensahe na iyong pinadala
Ang alisin kita sa buhay ko, yan ang di magawa
Di ko nga ba magawa, o ayaw ko lang gawin
At ayaw lang tanggapin, na kailangang tanggalin
Di na dapat nagsubok pa na ikaw ay asamin
Sana di na lang pala, bakit nangyari pa rin
At makikinig ka ba kung sasabihin kong patawad?
Sa sandaling oras ika’y napamahal na kagad
Pero kailangan ko sayo ay palayong lumakad
Bago pa mga kamay mo sa kamay ko ay sumayad
Kung dito lang sa dibdib ko, pwede lang maghalungkat
Makikita mo ang puso ko kung pano manumbat
Na kung ba’t hinayaan, na ikaw ay hinangaan
Tapos di ko namalayan, nahulog na sayo at
Hindi ko na dapat pa ginawa… na kausapin ka
Tapos patawanin ka, tapos pangarapin ka
Okay lang ako, kaya wag mong alalahanin na
Nasasaktan ako, ang gusto ko ay palayain ka
Mag-ingat ka palagi, langit sana’y pagpalain ka
Aalis na ko, at wag na nating pahabain pa
Salamat sa pagmamahal, ayokong paasahin ka
Mahal kita, pero mali ang mapasakin ka

Isipin mo
Hindi siya para sa’yo
Kayanin mo
May darating para sa’yo

Wag kang manghihinayang
Hindi ka niya kailangan
Ilang taon lumaban
Bakit ako lang?

At kaya aalis na ko, hindi mo ko kailangan
Mahirap na umasa pag tadhana ang kalaban
Alam natin na mali, mga nakaw na sandali
Dapat na kong umuwi, dahil masasaktan ka lamang
Puno ng alinlangan ang dibdib, puro kaba
Kailangan natin tong tigilan na, habang buo ka pa
Dahil ayoko na masira ka, sakin maging tanga
Akala ko, kaya ko, eh ang sakit pa din pala!
Oo aaminin ko, minamahal pa rin kita
Pero kapag itinuloy to, may masasaktang isa
Huli na ang lahat, di tayo pwede sapagkat
Ako ay para sa kanya, ikaw ay para sa iba
Kaya titigan mo ako ngayon saking mata
At sabihin mo sa akin na umaayaw ka na
Yung nangyari sa kahapon, hayaan na lang matapon
Dahil ang mundong ito’y di para sating dalawa

Ako’y di para sa’yo