Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

JohnVic ft. Flict-G, Dello - Linta (Official Music Video)


LINTA - JohnVic Feat. Flict-G , Dello ( OFFICIAL MUSIC VIDEO )

DELTA BEATS
Covered Art, Mix mastered ,Video Edited, & Directed : Wendell Gatmaitan.

Omar Baliw ft. Dello, Santo - OBP (Official Music/Lyric Video)


Title: OBP
Artist: Omar Baliw, Dello, Rhyne
Mixed, mastered and produced by Ochomil / 8 Beats

Filmed, edited and directed by BJT / Black Chair.

Dello ft. Curse One - Kahit Masakit Lyrics

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Alam ko na ang nadarama mo sakin ay tumatabang
Ibang iba ka na ikumpara nung simula pa lang
Na tayo’y magkasama bawat araw na dumadaan
Hirap na huminga at para bang merong bumabarang
Kutob saking loob at dahan-dahan kong napapansin
Napupuna, di ka na naglalambing
Nauuna ang galit at sampal kaya mukha ko ay namumula
Ang iyong pagmamahal napalitan na ng pagmumura
Nanlalamig ka na pero hirap ka pang umamin
Di ka dating ganyan kapag ika’y may tampo sakin
Mainit man ang ulo mo dali lang pahupain
Ngayon di na kita ma-gets ang hirap mong basahin
Tungkol ba ito satin o tungkol to sa kanya?
Baka pwede kong tulungan ang puso mo magpasya
Gawin mo gusto mo at kung saan ka masaya
Kalimutan mo na lang ang kwento nating dalawa

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Sa pagsasama natin bigla kang nag-iba
Yung dating masayahin tila ba naging parang
Laging problemado at lagi pang balisa
At pag nakikita mo ko eh lagi kang asiwa
Ayaw mo ko’ng makasalo ang daming pagbabago
Sa konting nagawa ko palaging nagtatalo
Minsan ay tulala nakatanaw ka sa malayo
Lumilipad ang isip pag magkasama tayo
At laging iritable ayaw mong tabihan
Ayaw makipagkita laging may dahilan
Tayo’y naglabo-labo kaya nagkalabuan
Ubos na ang rason ko para wag kang layuan
Ako na ang magkukusa para di ka mahirapan
Magpapanggap na lamang na di ka kailangan
Kahit na masakit at hindi ko makayanan
Basta mabigay ko lang minimithi mong kalayaan

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Hindi mo na kailangan na ako’y paliwanagan
Kung hindi ko rin anong dapat paniwalaan
Yung pagsasabi mo na ika’y wag paghinalaan
O mga kamay mo na umiiwas pag hinawakan?
At kapag tinititigan sa mata pinipigilang madala
Ang damdamin bakit sakin ngayon bihirang madamang
Mahal mo pa? teka ayokong maibilang sa
Tanga’ng umaasang mahal pa rin kahit hindi na talaga
Kaya sige na tapusin na ang dapat na tapusin
Walang dapat na amuin walang dapat na ayusin
Di na mahalaga kung ako’y mahal pa ba?
Walang saysay ang makasama ka kung di ka masaya
At sa sumpaan natin nakalimot ka at klaro
Hindi mo man sadya na magpaikot ka ng tao
Mag-focus ka na lamang dyan sa irog mo na bago
Magpapaalam na ko hanggang dito na lang tayo

Kahit na…
Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung saan ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Masakit sakin ang palayain ka
Hahayaan ka kung san ka masaya
Kahit na…
Masakit sakin ay bibitawan ka
Kung liligaya ka sa piling nya…

Dello ft. Curse One - Kahit Masakit (Lyric Video)


KAHIT MASAKIT [Official Audio] - Dello featuring Curse One

Title: Kahit Masakit
Artist: Dello feat. Curse One
DG Beats
© 2021

Dionela, Flict-G, & Dello - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Official Music Video


Credits:
Director: Justin Villanueva
DOP: Andrew Son
Editors: Jem Vergara and Nico Araneta
Talent: Cerise Concepcion

Executive Producer: Sony Music Entertainment Philippines Composers: Tim Dionela, Dello, Flict-G Music Producers: Timothy Run, Brian Lotho Sonic State Audio

Dionela, Dello, & Flict-G - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Lyrics

'Di na ko magpapakita
Doon ka na lang kung saan ka masaya
Onti na lang at manhid na
Kaya't sakit ay dagdagan mo pa

Para maging manhid ako
Ewan ko ba kung mali ba ‘to?
At kung sakali na makita mo
Ang tao na dati baliw sayo
Baliw pa rin naman ako
Lalo na at mas pinili mo na maging kayo
Para sayo kakayanin ang sakit na to
Kaya wag ka na ngang mag-alala
Para sakin wag mo na ring paasahin
Kahit naging alanganin ahh
Para satin aalam natin na eto ay dating laban natin
Ngayon ay ako na lang mag-isa pero pilit kakayanin

Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya

Kung yan talaga ang tinadhana sa atin hindi na para humadlang
Hayaan mong akuin ko ang lahat ng bigat para pasanin mo’y gumaan
Wag mo kong intindihin kaya ko to gusto ko ikaw ay maging masaya
Kahit ang kapalit non ay ang yong kahilingan mahal nabitawan kita
Alam mo naman ako gagawin ko lahat para maging maligaya ka lang
Di na ko aasang sakin mo matatagpuan ang saya na iyong inasam
At isa lang ang aking hiling aking dasal na sana’y alagaan ka nya
Kung may pumatak man na luha sayong mga mata ikalulungkot ko talaga
At sa bagong pag-ibig ng aking inibig sayong mga bisig iyong alagaan
At di na ko sisingit di na ipipilit dahil saking isip pangarap na lamang
Lahat ibalik kahit ako’y sabik kaya mga halik nagkaroon ng hangganan
At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan

Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan
Pwedeng bago nya ko iwan
Pakiusap ko sana’y pakinggan

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya
Na mahirap ng tayong dal’wa
Kaya sayo na lang sya
‘Di bat mahirap ng tayong dal’wa
Kaya sayo na lang sya
(Dagdagan mo pa)

Oo na kayo na (Di na ko sisingit, di na ipipilit)
Huwag mo nang ipamukha (Sayong mga bisig iyong alagaan)
Na naagaw mo siya (At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan)
Oo na kayo na (Oo na nanalo ka na sa kanya)
Huwag mo nang ipamukha (Dahil sayo ginawa nya kong tanga)
Na naagaw mo siya (Nangyari na ngang talaga wala na kami kayong ng dalawa)

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya

Dionela, Dello, & Flict-G - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Official Lyric Video


Music Producers: timothy Run, Brian Lotho, Chrisanthony Vinzons
Composers: Dello, Flict-G, Lem Belaro
Executive Producer: Sony Music Entertainment Philippines

Dello - Mata sa Tala, Paa sa Lupa Lyrics

Nakatingin sa kalawakan
Mga mata ay nasa tala
Sa lupa na nilalakaran
Sino nga bang mag-aakala?

Nagmula sa ilalim, umahon at nanalangin
Na kahit na alanganin, sana naman mapasakin
Minimithi ko’t hangarin, ang pamilya mapakain
Munting talentong dalangin, katumbas ng mga kanin
At ulam na maihain, kahit medyo mahiyain
Pinilit ko mikropono at ang kable ay hilahin
Maaari po bang gamitin para sa aking awitin?
Pero sila’y natatawa, natutuwa na laitin
Hindi raw uso ang rap, ano daw ang sasapitin?
Kung di tanggap ng tao aking bawat sasabihin
Itigil ko na raw, sila’y wag nang subukang alukin
Pero pangarap ko ‘to at gusto ko lang na abutin
At napasali sa contest isang pyestahan nung gabing
Nasa San Juan, kung saan unang beses akong naging
“Freestyle King” at napasuntok pa sa dingding
Nang iabot ang isanglibo na tumataginting
Asawa ko ang sumalubong pagdating ko sa amin
Sabay abot ng pera at napangiti ng bilangin
May panghanda na tayo, ako’y naluha ng yakapin
Kase nung araw din yun, kaarawan ng anak naming

Nakatingin sa kalawakan
Mga mata ay nasa tala
Sa lupa na nilalakaran
Sino nga bang mag-aakala?

Kapag tinitingnan ko ang mga bakas sa likuran
Sa bawat pintuan na sinubukang hintuan
Na hindi pinagbuksan, itinuloy ko lang ang lakad
Pursigido ang sarili na dapat gawin ko yan
Nakipagsapalaran, lagi pang may paraan
Kahit minsan may pasan ko, langit ang nakadagan
Bawat santo na alam ay aking dinadasalan
Di sumuko, di tumukod, nakapila sa daan
Kahit na itong sapatos eh butas ay kakayanin
Na lakarin, tahakin, bahala na kung papalarin
Walong libong kilometrong agwat mula dun sa amin
Nandito ko sa bansa na mas marami ang buhangin
Para lang sa pamilya, ako’y hindi padadaig
Tinitiis ko ang inip, at ang lungkot pati lamig
Nitong gabi na mag-isa, ang luha ko walang patid
Pero di dapat indahin, gusto ko lang ipabatid
Na pangarap at inspirasyon ang lagi kong rason
Kung bakit buhay pa rin, humihinga hanggang ngayon
Bigla akong pinauwi, ewan ko ba’t nagkaganon
Yun pala ay may naghihintay na pagkakataon
At ito yon

Nakatingin sa kalawakan
Mga mata ay nasa tala
Sa lupa na nilalakaran
Sino nga bang mag-aakala?

Yung nakikita mo sa TV pati sa social media
Sinong nag-aakala na dati umuuwi sya
Na walang pamasahe, binabaybay ang Avenida
Para lamang tipirin ang kakarampot nyang kinikita
Yung nakikita mo ngayong pinapalakpakan
Ay nakaranas matulog habang pinapapak pa yan
Ng lamok at puro kamot ang kumakalam na tiyan
At may anak sya sa tabing kinakailangan paypayan
Yung nakikita mo ngayon sa dyaryo at sa magazine
Yung bata na dati ay nag-uulam ng asin
Yung napakinggan mo sa radio ng interview-hin
Ordinary lang syang tao at sya ay tulad mo rin
Yung nakikita mong tumatanggap na ng plake
Ay minsan din sa buhay nya, sya ay naiisantabe
Dati wala silang pake, kasi walang bumibile
Sa mga awit subalit pinilit nyang magpursige
At yung nakikita mo sa itaas ng entablado
Ay dati na rin syang hindi pinapansin ng tao
Kasi daw ay mukhang gago, basura kung i-trato
Ngayon madami nang nagpapakuha ng litrato
Ang ibig ko lang sabihin, hindi lagi sa baba
Kakayanin magawa, kung dadaanin sa tyaga
Sige mangarap ka ng mataas, nakakalula
Basta ang mga paa, nakasayad lagi sa lupa

Dello - Mata sa Tala, Paa sa Lupa (Lyric Video)


Title: Mata sa Tala, Paa sa Lupa
Artist: Dello
DG Beats
Special Thanks to Alaric Yuson
© 2020

Dello - Titong Galit (Official Audio)


Title: Titong Galit
Artist: Dello
DG Beats
Special thanks to Flict G./Republikan Studio
& Hyman (na kaboses ni Damulag)
© 2020

Dello ft. Hyman - Ang Pag-Ibig Ko (Lyric Video)


Title: Ang Pag-ibig Ko
Artist: Dello feat. Hyman
© 2020

Dello - Ang Pag-Ibig Ko Lyrics

Yeah
Dello is in the house
Ang pag-ibig ko yeah
Mula sa puso
Ito ang love song
Na babago ng buhay mo
Uhhh… love is in the air

Ikaw ang mahal ko simula pa lang nung first
Kaya sana mahal pakinggan mo ang aking verse
Dahil ito’y sinulat gamit ang aking computer
Ang pag-ibig ko para sayo ito ay super
Dito sa aking puso ikaw ang pinaka
Wag mo kong lolokohin kung hindi tang ina ka
Matitikman mo ang galit ko na nag-uumapaw
Pagkat ikaw ang lagi kong hiling sa bulalakaw
Kaya sana’y dinggin ang aking pagtingin
Ugali ang hanapin wag mukha ang pansinin
Ako’y tapat sayo mananatili mo kong lover
Makatang totoo pati ang tit* ko ay rapper
Mahilig bumuga ng nagbabaga na dagta
Doon sa dambana sabay tayo na lalagda
Pangako sa iyo hanggang tayo ay tumanda
Ang betlog kong ito sa pwet mo lang ibabangga

Ikaw lamang pag-ibig ko (Ikaw lang)
Sayo tumibok aking puso (Sayo lang)
Kaya sana ay dinggin mo (Pakinggan mo ko at dinggin mo ko)
Hihiyeh, hihiyeh

So here’s another verse na inaalay ko sayo
Ano man ang ‘yong gusto aba malay ko sayo
Buwan at bituin ay handa kong sungkitin
Pati kaaway mo ay handa kong suntukin
Ihahatid kita from Tondo to Bacoor
Mag-helmet ka na muna wala pa kong motor
Pero habang naglalakad ika’y aakbayan
At ang bawat humps sabay nating hahakbangan
Gagawin lahat wag ka lang malumbay
Ako maghuhulog ng utang nyo sa bumbay
Siguro nga ikaw ay sakin tinakda
Dahil sayo hindi na ko namamakla
Kapag naliligo kinukuskos ko yung sabon
Sa imahinasyon iniisip ko ikaw yon
Ganyan kita ka-love, ganyan kita kamahal
Walang ibang inisip sa twing nagsasalsal kundi ikaw

Ikaw lamang pag-ibig ko (Ikaw lang)
Sayo tumibok aking puso (Sayo lang)
Kaya sana ay dinggin mo (Pakinggan mo ko at dinggin mo ko)
Hihiyeh, hihiyeh

Susulat sana ko ng verse na pangatlo
Ay kaso ang problema tinatamad ako
Kaya chorus na lang uli

Ikaw lamang pag-ibig ko (Ikaw lang)
Sayo tumibok aking puso (Sayo lang)
Kaya sana ay dinggin mo (Dinggin mo ko uhm)
Isa pang chorus para mukhang mahaba

Ikaw lamang pag-ibig ko (Ikaw lang)
Sayo tumibok aking puso (Sayo tumibok)
Kaya sana ay dinggin mo (Dinggin mo ko, baby)
Break it down
Sabi ko break it down
Pero ayaw nyang mag-break it down, break it down
Pano ba ang gagawin ko para mag-break it down
Ah alam ko na, hihinaan ko na lang ito ng dahan-dahan

Dahan-dahan, dahan-dahan ko na hihinaan
Kase ayaw nyang mag-break it down kaya ganito na lang
Hihinaan, hihinaan ng dahan-dahan
Ayan mahina na uehhh…

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline Lyrics

Hindi biro ang trabahong malagay sa alanganin
Trabaho na isugal ang buhay sa ngalan naming
Nangangamba kami maging sila maging ako
Dahil katulad ng lahat, may pamilya rin kayo
Puyat at gutom ang lagi niyong kasama
Mapagaling nyo lang yung pasyente na nakaratay don sa kama
Para kumita ng pera kahit papano magkaron
Laging overtime tapos takbo rito takbo ron
Pag may problema o kalamidad lagi kayong nandyan
Kayo ang unang umaakay sa mga nasasaktan
Kahit ang buhay minsan ay sadyang mapait
Kayo ang superhero ng mga nagkakasakit
Salamat po sa pagtuloy niyo na kabayanihan
Gabayan nawa kayo ng Diyos na makapangyarihan
Gusto ko lang malaman niyo kaya kami nag-collaborate
Marami po kami na nakaka-appreciate

Tunay na kahanga-hanga ang pinamalas niyong katapatan
Kahit merong haka-haka buong puso ang katapangan
Bawat laban katatagan ang pinagkukunan
Determinasyon at dedikasyon ang nagsilbing puhunan
Para sa bayan handang makipagsabayan
Saludo po ako maging ang mga kababayan
Sa kabi-kabilang banta na meron sating bansa
Di nyo po alintana ang panganib na dala
Nakahanda kayong itanggi ang sarili
Mas pinili sa kalsada’t ospital na manatili
Nakangiti habang matindi ang sinasagupa
Kayo ang makabagong bayani dito sa lupa
Alam namin ang inyong lagay ay alanganin
Kaya laging laman kayo ng aming panalangin
Nakabaling ang tingin naming sa taas
Ang suliranin ito sa tulong nyo ay magwawakas salamat

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Habang ang lahat ay balot ng takot at kaba ang kanilang damdamin
Heto sila kung nasan ang peligro at ang lagay na pinaka-alanganin
Ang panalangin ay ang malagpasan ang hamon ng ligtas
Muling makapiling ang pamilya na iniwanan para sa Pinas
Sila yung mga nasa hanay na kung saan buhay nila ang syang nakataya
Batid man nila ang panganib na pwedeng masapit ay di sila nagpabaya
Nakikipaghatakan kay kamatayan sa lubid ng buhay ng mga pasyente
Kahit sila ay pwedeng makalawit ng mahabang karit na hugis pa syete
Dama ng gutom at pagod ay di makuha na magpahinga
Ang tanging lakas na pinagkukunan ay ang larawan ng pamilya nila
Na nakaabang sa muling pag-uwi makayakap makasama nilang muli
Habang ang iba naman ay di pinalad na napasama sa mga nasawi
Salamat ng marami sa lahat ng inyong mga sakripisyo
Walang salapi na pwedeng itumbas sa inyong binigay na serbisyo
Para sa bawat Pilipino ito ang aming pagpupugay
Sa mga nasa unang hanay na handang itaya ang buhay para samin

Di ko alam kung makakaya ko bang tumbasan
Ng awit ang yong dalang malasakit na kung saan
Ka man mapadpad na merong gantong sitwasyong pangit
Sayo kami kumakapit salamat sa di mo pagsuko kahit
Dumadami na ang lista akalaing parang mitsa
Puro takot kaya hakot ng hakot paubos na ang tinda
Pero sa halip na magpahinga ikaw pa nasa gitna
Pinipilit mo kaming sagipin kahit di mo alam kung masasagip ka
Tulad naming ay tao ka rin pero alam mo ang dapat gawin
Pag alanganin at madilim ikaw ang gabay sating lalakbayin
At tatawirin lalagpasan kapit kamay ang mga palaban
Sa mga panahon na may ganito lagi kayo ang nasa harapan
Buti na lang merong katulad niyo na pag ganito na merong sakuna
Kahit na minsan maraming puna lagi pa rin kayong nauuna
Para tumulong mabahiran ka man ng dugo na pula
Di ka papayag na bandera ng pinoy matumba

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline (Official Lyric Video)


Repablikan Records Syndicate Productions (Mandaluyong)
Repablikan Records Pasig (Pasig)
Sicktunes Music (Valenzuela)
Dello Records (Cavite)

Dello - Para Bang Malalim Iniisip Mo Lyrics

Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?

Di rin pala madali maging makata
Parang tumawid sa lawa’ng di payapa
Sa dami ng buwaya, may pating pa yata
Kung sino yung mahina, madaling malapa
Daming timawa, gusto gamitan at namimihasa
Mayabang porket magaling na nga sya
Kaya lang, sila’y madaling mabasa
Mga pekeng galawan, naghahanap ng mga pwedeng nakawan
Gusto cheque hawakan, usapan ay pera sa lecheng larangan
Dapat na nga bang dumito na lamang?
At magkulong sa’king mismong tahanan
Dahil dun sa napili kong lakaran
Eh di ko malaman kung sino kalaban
Pera-pera pa rin, tapos yung iba gusto ‘ko pabagsakin
Galit sya sa mga gumagawa ng mga bagay na hindi nya kayang gawin
Dapat kalampagin, at katukin utak kalawangin
Sino-sino sila? Wag mo nang tanungin
Magmasid ka na lang malalaman mo rin

Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!

Di ko na malaman kung saan ba?
Kinakailangang puntahan pa
Kahit san lumingon ay palaging ganon
Na agarang huhusgahan ka
Kahit di nila alam ang mga dinaanan
San ka nagmula at kung pano mo tyinaga yang
Mga naabot hanggang ika’y magkapangalan
Gagawa sila ng paraan para tapakan ka’t
Meron pang iba ang gusto kumikita lang sila
Sa gig na walang tf pag tumanggi ka
Sasabihang mukhang pera, tangena
Abonado ka na ginagago ka pa
Ang dami nilang ginawa mong tanga
Porket mataas na sya, sasampa ka
Nung nasa baba yan, eh nasan ka ba?
Naranasan mo ba? Yung maghirap saka yung magsikap para makamit ang mga
Tala sa ulap at makipag-usap sa langin na habang pikit ang mata
At naisip ko na tumuloy pa rin kahit na konti lang yung nakisama
Kaya yung dating tumatawa nun, kinukwento na ngayon kung pano nya ko nakilala

Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!

Meron ka pa na mga makikilalang
Ang iniisip ay sarili lamang
Suporta lang daw nanatili habang
Nakakasahod at nakikinabang
Sa naiilawan, nakikisalang
Naglilitawan ang nakiki-atang
Hanggang sa bigla na lang magsisingawan
Ang baho ng kanyang pagiging swapang
Para-paraan mga kalakaran
May lalagdaan ka at kakamayan
Magtataka ka ng magkabayaran
Ay walang napala at nagkadayaan
Laging ganyan, daming balakid sa aming daan
Ganid ang tangenang yan gamit ang aking hagdan
Nais ko lang umangat kahit na mabigat aakyat ako kahit saan
Kahit suntok pa sa buwan at mamangka ng putol ang sagwan
Pawis, dugo at laman, handang magbalat ng buto ng pakwan
Kesa matutong mandugas na lang!
Pero di ko na kailangan pang ikaw ay masumbatan
Kasi karma na mismo naglagak sayo dyan sa basurahan

Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!
Uy Dello, para bang malalim iniisip mo... ha?
Oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin mga bagay na ito!

Dello - Para Bang Malalim Iniisip Mo (Lyric Video)


Title: Para Bang Malalim Iniisip Mo
Artist: Dello
DG Beats
Special thanks to Flict G./Republikan Studio
© 2020

Dello - Delta Lyrics

akala mo nawala, pero di mo halata
nakamasid lang pala sya...
mga taong palara, alimango't talangka
hinihintay kang madapa...
akala mo nawala, pero di mo halata
nakamasid lang pala sya...

nagbalik ako, akin na 'to
may mga pahaging, matic na 'to
bulungan palaging ang topic ako
arigatou, tangenanyo!

may mga tanong kung kailan daw ba ko babalik sa rap?
saka anong mga bagong gawa ko at may plano bang magtrap?
nasan na yung mga tula kong puro multi ang sangkap
bakit ngayon ay tila iba? putangena! napasarap ang pagpapahinga
akala nila, di ko na kaya pang makalitaw ulet
ngayon, patay ang bacteria dito sa laway kong meron merthiolate
nagkapunet, punet ang mga pumapel kay dello
wag! baka masampal ng yellow pad! sabay silid ka sa eco bag!

ang daming mga feeling rapper tapos nagiging swagger...
at kung suwagan, ako si logan meron healing power
kailangan ko muna na magpakamasa para meron breaded butter
pero may ahas pag nasa taas ka na, parang laro ng snake and ladder

wack rapper, like viper
hand-biter, back fighter
rap cypher, bad rhymer
dick-rider, ass-wiper
alright sir, my answer
hold my beer, budweiser
black panther, x-hunter
hulk buster, pile driver

rewind ulit natin,
taon dalawampu at labing anim
noong panahong ang daming amuyong
panay ang bulong sa gig namin
daig ko pa si magneto noon
pati plastik dumidikit sakin
pero nung di na mainit
nawala na mga dati na nakikain
ilang taon din akong nanahimik
bigla na lamang nahinto
ngayong nagbalik buti na lang di kinakalawang ang ginto
ano nga bang dapat gawin ko?
sa panimula ko, pasapak lang muna
para sa mga nagpapaka-goat
pero ang totoo ay anak ng tupa! naknamputa!

akala mo nawala, pero di mo halata
nakamasid lang pala sya...
mga taong palara, alimango't talangka
hinihintay kang madapa...
akala mo nawala, pero di mo halata
nakamasid lang pala sya...

nagbalik ako, akin na 'to
may mga pahaging, matic na 'to
bulungan palaging ang topic ako
arigatou, tangenanyo!

pagtungtong ko pa lamang dito, kilala ko na kung sino
yung nag-iiba ang galawan, kapag nakakaamoy ng piso
at ganito na ang eksena, tambak na ng pabibo
di na ba common ang common sense?
ang daming nagpapanggap na matalino
ako na mismo ang babasag sa matahimik ko na pamumuhay
kung tutuusin, maaari na rin akong wag na magrap habambuhay
pero gusto ko 'to at, ito ang ngarat
sa mga nagsasabi na tunay sila
pero pababa nanghihila, imbes na magbigay ng pugay
makakatikim pa ng lait mula sa mga tanga na walang husay
kaya naisipan ko nang muli ilabas ko na ang dalawang sungay
kung sino pa yung mga butaw dito, sila pa yung maiingay
pero sa ganitong palakasan, ang natitira lang ay yung matitibay
para makita nila, kaliwa't kanan, kabi-kabila
ako'y di ganung kadali magiba,
lalo't ang gamit maling salita, galing sa iba
na ang pakay para lang anay na mapanira saka mapanlait
marunong akong makibagay kaya nga kadalasan ay nagagamit
pero dapat ba kong masanay na pakitaan nila ng pangit?
bakit ko pa ipagpapasalangit kung maka-impyerno akong magalit
at kahit, kahit ano, kakampi ka o may galit kayo
wala 'kong pake kung ayaw nyo sakin, ayaw mo sakin? tangenamo!
mga nakaharang na matatapang, ano na nga bang kayang gawin?
puro typebeast, nasa fb, mga comment saka selfie
mga dummy saka poser, sige sa kalye mo palapagin
tingnan natin kung yung tapang niya, hanggang saan kayang dalhin
ngayon ay di ka na mapakale, tapos bigla kang mag-iinarte
walang ambag pero nakikiparte, kala mo kung sinong matitigas eh
para lang hypebeast sa mall, pila balde, gangsta kasi na may chicks sa tabe
suot ang pamormang damit, malake, akala mo lagi, may simbang gabe

panalangin mo na wag nang magkrus mga landas natin
mga astang haring palaging makalas ang hangin
madalas pahaging, sige lang at kumagat sa pain
nadulas sakin na parang napatapak ka sa balat ng saging, tumba!
ako ay super saiyan blue na
maka-goku saka mala-vegeta
nagiging android ka lang pag naka-fb ka
gets mo ba? shet kita! gusto mong maging ako? replika
tapos ang lakas ng loob mo na magmalaki pa sa akin, leche ka!

akala mo nawala, pero di mo halata
nakamasid lang pala sya...
mga taong palara, alimango't talangka
hinihintay kang madapa...
akala mo nawala, pero di mo halata
nakamasid lang pala sya...

nagbalik ako, akin na 'to
may mga pahaging, matic na 'to
bulungan palaging ang topic ako
arigatou, tangenanyo!
wooo

Dello - Delta (Official Audio)


Title: Delta
Artist: Dello
Beat by Zelijah
© 2019

Dello - U.T.I. (Umibig Tapos Iniwan) Lyrics

Ang sakit talaga
Ako’y namimilipit na
Minamahal naman kita
Bakit iniwan mo sinta

Talaga yata na walang forever sa mundo
Minsan yung pinili mo hindi ka naman gusto
Di ko nga lubos maisip batang kalye ng tondo
Ay kaya mong palambutin na parang kanin at monggo
Ang akala ko kasi nung nag-aya kang magkape
Pagkakataon ko nang makasama’t makatabi
Pinapangarap kong babae hawak ko kamay mo eh
Sabay bukas mo ng laptop sabi ko “Aray ko beh!”
Biglang di ko na alam isasagot ko sa tanong
Nang alukin mo ako ng mga gamot at saka sabon
“Open- minded ka ba?”, Malinaw na sakin ngayon
Mga mata ko’y naluha ba’t biglang nagkaganun
Ilang buwan ako nanligaw araw-araw nagpa-cute
Aayain mong mag-date para lamang mag-recruit
Nung ako’y napailing noo mo’y napakunot
At iniwan mo akong malungkot

Ang sakit talaga…
Ang sakit, ang sakit talaga talaga!
Ako’y namimilipit na
Ako’y namimilipit na!
Minamahal naman kita…
Minamahal naman kita!
Bakit iniwan mo sinta…
Bakit iniwan mo sinta!
Ta! Ta! Ta!

Tapos sa pangalawa nabighani sa ganda
Sa isang dalagang tila bagong ani ng mangga
Namasukan kang katulong at ako ay namangha
Ang galing mong humawak ng palo-palo at batya
Nahagip mo ang damdamin ko ako ay nasapul
Kaya sa tuwing nagwawalis ka ako’y nagpapa-cool
Pero ang pag-ibig kong pula biglang naging asul
Nang sumama ka dun sa taga-deliver ng gasul
Ikaw ang gumagabay sakin at tagasilbi
Di ko lubos maisip bakit ka nagtaksil beh?
At ang sakit na dulot lalo pang tumitindi
Dahil may isang bagay pa ako na nadiskubre
Na yung pambayad ng bill na winidraw ko galing bangko
Binulsa mo at di mo binayad sa Meralco
Huli na nang mabalitaan ko sa dyaryo
Ikaw pala ay mangga-gancho…

Ang sakit talaga…
Ang sakit, ang sakit talaga talaga!
Ako’y namimilipit na
Ako’y namimilipit na!
Minamahal naman kita…
Minamahal naman kita!
Bakit iniwan mo sinta…
Bakit iniwan mo sinta!
Ta! Ta! Ta!

Tamang pab-ibig sa tamang panahon
Muling umibig sa ikatlong pagkakataon
Umaasa na maging ayos na tong relasyon
Sa babaeng gumanda dahil sa operasyon
Pero di ko alintana kahit na ganyan
Sa labis na paghanga lagi kang nandyan
Saking puso at gusto ko ika’y mahagkan
Mga luho at gusto mo ay pinagbibigyan
Lintik na pag-ibig yan pag pera ang gumana
Iniwan mo ako sa sure-taker ka sumama
Ang sabi mo uuwe ka sakin ng umaga
Buwan na ang lumipas hanggang ngayon wala pa
Wala kong nagawa eh kasi nga taghirap
Meron lang pang-unli-text pero walang pang unli-pop
At para magka-3k pinilit na magsikap
Pero wala ka na hindi na kita mahagilap

Ang sakit talaga…
Ang sakit, ang sakit talaga talaga!
Ako’y namimilipit na
Ako’y namimilipit na!
Minamahal naman kita…
Minamahal naman kita!
Bakit iniwan mo sinta…
Bakit iniwan mo sinta!

La la la la la la la la…
Ano ba ang aking kasalanan?
La la la la la la la la…
Bakit puro kabiguan ang aking naranasan?
La la la la la la la la…
Kabiguan sa aking tatlong niligawan…
La la la la la la la la…
Ako’y umibig tapos iniwan

Mmmmmmmmm…
Mmmmmmmmm…
Mmmmmmmmm…
Mmmmmmmmm…

Dello - U.T.I. (Umibig Tapos Iniwan) (Official Lyric Video)


Executive Producer: Vertical Brew Music
Music Producer: Wendell Gatmaitan, Jim Poblete
Video Editor: Andrea Sam Ortiz

SPECIAL THANKS TO: Warner Music Philippines, Mfore Production, GlyphStudios Inc.

© 2018 VERTICAL BREW MUSIC INC.
--TO GOD BE THE GLORY--