Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Home » , , , , » Crazy As Pinoy - Lambing Lyrics

Crazy As Pinoy - Lambing Lyrics

Lambing
Lalambingin kita
Lambing yeah yeah

Pag ikaw ang nasa harap
Di maipaliwanag aking nadarama
Para bang atat na atat
Biglang lumuluwa ang aking mga mata
Sana sana makasama
Mula ngayong gabi hanggang sa mag-umaga
Kapag di ka nakikita
Di na mapakali parang naiirita

Napapatulala
Gagawin lahat kahit pa mapapahiya
Parang awa mo na o aking sinta
Wag ka ng mawawala

Lalambingin kita lagi sa tuwina
Ikaw lang sa akin ay sapat na
Ikaw ay mahalaga di ka mawawala sa isipan ko
Magpakailanman


Maniwala ka iingatan ka talaga
Hindi ka sasayangin
Sasamahan ka dadamayan ka para sumaya
Di paluluhain
Lahat ng iyong mga nakaraan kahit ano pa man
Aking yayakapin
Sayo lang ang puso ko nakalaan magpakailanman
Di ka mabibitin

O dinggin at damhin ang dampi ng lambing banggitin sambitin
Ano man ang yong naisin
Kahit pa topakin toyoin sumpungin lagi lagi kang mamahalin

Lalambingin kita lagi sa tuwina
Ikaw lang sa akin ay sapat na
Ikaw ay mahalaga di ka mawawala sa isipan ko
Magpakailanman

Wag kang mag alala
Hinding hinding hindi ka na mag iisa (Pag tayo na)
Kakantahan kita
Dahan dahan muna yan sa umpisa (Sa umpisa)

Hanggang sa bumilis na matataranta maaapura
Maghahabol ka ng yong hininga ligaya’t saya ang madarama
Na di mo pa naranasan sa iba baka humiling ka pa ng isa pa
At mapakanta ka na ng

Lalambingin kita lagi sa tuwina
Ikaw lang sa akin ay sapat na
Ikaw ay mahalaga di ka mawawala sa isipan ko
Magpakailanman

Lalambingin kita lagi sa tuwina
Ikaw lang sa akin ay sapat na
Ikaw ay mahalaga di ka mawawala sa isipan ko
Magpakailanman

Lambing
Lalambingin kita
Lambing yeah yeah

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment