Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Carlo - Hiwaga Lyrics

Sa t’wing ika’y minamasdan
Kumakalma ang isipan
Bumabalik sa’kin, sinta
Ang ligaya na naglaho na

‘Di ko inasahang may dalang hiwaga
Ang tulad mo
Sinayaw sa gitna ng tadhana
Na dati sa’kin ay ‘di totoo

Oooohhh…

Nakasandal iyong balikat sa akin
Habang walang nakatingin
Mga mata’y nagniningning
Oh kay sarap naman na angkinin


Sa mundong ‘di maipinta
Ikaw ang aking pahina
Sa bawat librong nabasa
Ikaw ang paboritong pahina

‘Di ko inasahang may dalang hiwaga
Ang tulad mo
Ikaw ang sampaguita pumapawi
Sa lungkot ng mundo

Oooohhh…

Nakasandal iyong balikat sa akin
Habang walang nakatingin
Mga mata’y nagniningning
Parang masasayang mga bituin

At ‘di magsasawang sabihin sa’yo
Ikaw ang araw at buwan ng buhay ko
At ‘di magsasawang ulit-ulitin sa’yo
Ikaw ang pahinga at tahanan ko
At ‘di magsasawang sabihin sa’yo
Ikaw ang araw at buwan ng buhay ko

Carlo - Hiwaga (Official Lyric Video)


Composed by: Carlo Mendoza
Produced by: Carl Guevarra
Mastered by: Carl Guevarra
Piano: Carl Guevarra
Recorded at: StudioJuan
Lyric Video: Jason Maximo

Adie - G.K.Y.A.M Lyrics

Meron akong lihim na pagsinta
Kailan kaya
Aaah

Aamin sa aking nadarama
Di naman sa pagdadrama
Kasi
Hindi ko din alam
Meron lang din sinusundan
Na daan patungo sa’king ilalahad
Di lubos na maipaliwanag

Basta
Gusto kita yun ang mahalaga
Sana’y dinggin ni Bathala aking tinatangkang
Pag-Ibig

Para Sa’yo, Woah Hoo-Hoo
Para Sa’yo, Woah Hoo-Hoo
Para Sa’yo, Woah Hoo-Hoo
Para Sa’yo, Woah Hoo-Hoo


Hoy!
Oo ikaw alam mo bang matagal (matagal)
Na Na Na kitang minamahal
Kaso sa tuwing ako’y malalapit sa’yo
Nauutal naninigas na parang bato
Alintana naman ang pagiging kabado

Di naman sinasadya na mahumaling sa tinataglay mo
Nag aabang nang tamang oras at panahon
Na maari ka nang mapa sa’kin

Maghihintay kung kailan man yo-oh-on

Basta

Gusto kita yun ang mahalaga
Sana’y dinggin
Ni Bathala aking tinatangkang pag-ibig

Para Sa’yo, Woah-Hoo-Hoo
Para Sa’yo, Woah-Hoo-Hoo
Para Sa’yo, Woah-Hoo-Hoo
Para Sa’yo, Woah-Hoo-Hoo

Gusto kita yun ang mahalaga
Sana’y dinggin
Ni Bathala aking tinatangkang pag-ibig
Uhh
Gusto kita yun ang mahalaga
Sana’y dinggin
ni Bathala aking tinatangkang pag-ibig

Para Sa’yo, Woah-Hoo (Kung papalarin lang naman, ‘Di kita pababayaan)
Para Sa’yo, Woah-Hoo (Kung papalarin lang naman, ‘Di kita pababayaan)
Para Sa’yo, Woah-Hoo (Kung papalarin lang naman, ‘Di kita pababayaan)
Para Sa’yo, Woah-Hoo (Kung papalarin lang naman, ‘Di kita pababayaan)

Kung papalarin lang naman
‘Di kita pababayaan

Adie - G.K.Y.A.M (Official Audio)


The official audio of "G.K.Y.A.M" by Adie

Artist: ADIE
Composer: Adie Garcia
Publisher: OC Music Publishing, Inc.
Producer[s]: Adie Garcia, Franz Gabriel Sacro
Arranger[s]: Franz Gabriel Sacro, Adie Garcia
Mixing and Mastering Engr: Hazel Pascua
Production House: Studio 737, Adie’s Crib
Graphic Artist: Albert Louis Raqueno