Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Carlo - Paalam Lyrics

Tingnan mo ako sa huling pagkakataon
Baka sakaling maalala mo
Pangakong binitawan na ako’y di iiwanan
Panghabang-buhay pala sayo’y may hangganan

Iwanan mo man lang ako ng dahilan

Mahirap ba akong mahalin?
Pipilitin na isipin na hindi ka para sa akin dahil

Kasabay ng paglisan mo ang pagbulong ng ngalan mo
Kaligayahan mo lamang ang tanging panalangin ko


Iwanan mo man lang ako ng dahilan

Mahirap ba akong mahalin?
Pipilitin na isipin na hindi ka para sa akin dahil
Hindi lahat ay mananatili
Panandalian kong tahanan, di ka na mahihirapan sinta

Pinapalaya
Pinapalaya ka na
Pinapalaya ko na ang sarili

Pipilitin na isipin na hindi ka para sa akin dahil
Hindi lahat ay mananatili
Panandalian kong tahanan, di ka na mahihirapan sinta
Pinapalaya ka na

Carlo - Paalam (Official Lyric Video)


Composed by: Carlo Mendoza
Produced by: Shadiel Chan
Mastered by: Jan Fuertez
Recorded at: OpenHeavenStudio
Lyric Video: Nathan Salvatierra
Video: Lester Lumague
Make up: Thazzia Falek

Carlo - Hiwaga Lyrics

Sa t’wing ika’y minamasdan
Kumakalma ang isipan
Bumabalik sa’kin, sinta
Ang ligaya na naglaho na

‘Di ko inasahang may dalang hiwaga
Ang tulad mo
Sinayaw sa gitna ng tadhana
Na dati sa’kin ay ‘di totoo

Oooohhh…

Nakasandal iyong balikat sa akin
Habang walang nakatingin
Mga mata’y nagniningning
Oh kay sarap naman na angkinin


Sa mundong ‘di maipinta
Ikaw ang aking pahina
Sa bawat librong nabasa
Ikaw ang paboritong pahina

‘Di ko inasahang may dalang hiwaga
Ang tulad mo
Ikaw ang sampaguita pumapawi
Sa lungkot ng mundo

Oooohhh…

Nakasandal iyong balikat sa akin
Habang walang nakatingin
Mga mata’y nagniningning
Parang masasayang mga bituin

At ‘di magsasawang sabihin sa’yo
Ikaw ang araw at buwan ng buhay ko
At ‘di magsasawang ulit-ulitin sa’yo
Ikaw ang pahinga at tahanan ko
At ‘di magsasawang sabihin sa’yo
Ikaw ang araw at buwan ng buhay ko