Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

syd hartha - Hiwaga Lyrics

ang mundo natin ay bilog, ang ginawa mo, babalik sa 'yo
habang buhay 'tong nakadikit sa pangalan mo
minsan mo bang naisip kung saan ka tinadhana
at parang wala namang magbabago 'pag nawala ka?

naku, sana makawala ka sa kahon kung nasa'n ka ngayon
panibagong pagkakataon ang iyong pagmulat sa bawat umaga
mali ay matatama pa
dating tamis na tila pumait ay mababawi pa

at balang araw, matutuklasan kinalabasan
ng tiis at sakripisyong akala mo'y onti lang
ngunit nadulot nito'y inakalang imposible
hiwaga ng pag-ibig sa iba at sa sarili

ooh 'di mo ba namamalayan?
tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan!
sana'y pakinggan at mapagbigyan
tayo-tayo rin naman makikinabang
tayo-tayo rin lang..

alam mo, 'di natin hawak ang oras
hindi rin natin alam ang dala ng bukas
ano pang iyong hinihintay?
kailangan bang may mamatay pa bago ka magising na matagal nang may umaaray?

tumatakbo ang oras,
kapit ng iba'y pumipigtas, humihina, kumakalas, pero ito'y maliligtas!
'di ka nabubuhay para lamang sa wala
gawin ang dapat mong gawin habang humihinga ka pa

ooh 'di mo ba namamalayan?
tayo'y tinatawag na ng mundong inaapakan!
sana'y pakinggan at mapagbigyan
tayo-tayo rin naman makikinabang
tayo-tayo rin naman makikinabang (x2)

ramdam mo ba ang hiwaga? hiwaga ng pag-ibig
pag-ibig sa iba, sa iba at sa sarili
ramdam mo ba ang hiwaga? hiwaga ng pag-ibig
pag-ibig sa iba, sa iba at sa sarili

syd hartha - Hiwaga (Official Lyric Video)


Credits:
Video & 3D: REIKA
Composer: syd hartha
Produced by: Johnoy Danao & Jean Paul Verona
Executive producer: Sony Music Entertainment Philippines
Cover art: @likhanididang
Instruments: Raisa Racelis, Pat Sarabia & Bea Fabros

JMartin - Hiwaga Album


1. Mula Ngayon
2. Ikaw Lang Ang Kulang
3. Umaasa
4. Ikaw Parin
5. Respeto
6. Hiwaga
7. Flying High
8. Waiting (Retrospect)
9. This Christmas

Classy Girls - Hiwaga Lyrics

Woah oh
Woah oh woah oh oh
Woah oh
Woah oh woah oh oh
woah oh oh
woah oh oh

Ano bang nakabalot
Sa hiwaga ng pag-ibig
Hindi natatakot na
Tumibok ang dibdib
Kahit pa mahirap ah
Handang gumitgit
Ang mga balahibo
Ay kusang tumindig

At ang paligid humintong panandalian
Teka lang
Nanlalamig ang kamay sa di malamang dahilan
Nabigla, namutla sa sarili ay nawala
Nangamba, namangha sa nangungusap na mata
Nanginig, kinilig damdamin na kataka-taka
Nang ikaw ay lumapit puso’y kakaba-kaba
Ah ah ah ah…

Para bang hiwaga
Ang aking nararamdaman
Nung una kang masilayan
At kusang tumibok ang puso
Damang-dama ko ang pintig nito

Woah oh
Woah oh woah oh oh
Woah oh
Woah oh woah oh oh
woah oh oh
woah oh oh

Parang paraiso ang iyong pagdating
Ngiti sa labi na nagbibigay ng ningning
Kaaya-aya at bihira saking paningin
Bituin sa langit ay sumang-ayon na rin

At ang paligid humintong panandalian
Teka lang
Nanlalamig ang kamay sa di malamang dahilan
Nabigla, namutla sa sarili ay nawala
Nangamba, namangha sa nangungusap na mata
Nanginig, kinilig damdamin na kataka-taka
Nang ikaw ay lumapit puso’y kakaba-kaba
Ah ah ah ah…

Para bang hiwaga
Ang aking nararamdaman
Nung una kang masilayan
At kusang tumibok ang puso
Damang-dama ko ang pintig nito

Woah tayo ba ang niloob ng taas
Dinalisay ang pusong wagas
At nag-aalab na parang apoy
Ngunit tuliro dahil ako’y

Nabigla, namutla sa sarili ay nawala
Nangamba, namangha sa nangungusap na mata
Nanginig, kinilig damdamin na kataka-taka
Nang ikaw ay lumapit puso’y kakaba-kaba
Ah ah ah ah…

Para bang hiwaga
Ang aking nararamdaman
Nung una kang masilayan
At kusang tumibok ang puso
Damang-dama ko ang pintig nito

Para bang hiwaga
Ang aking nararamdaman
Nung una kang masilayan
At kusang tumibok ang puso
Damang-dama ko ang pintig nito

Woah oh
Woah oh woah oh oh
Woah oh
Woah oh woah oh oh
woah oh oh
woah oh oh