Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

MilesExperience - Anggulo Lyrics

hindi pa ba
matatapos ang pagsubok na 'to?
paano ba
malaman na kung
ano ang masaya?
hindi ko alam
kung tama ba ang hatid nito
bahala na
pasensya na
hindi ko alam
pwede bang
sabihin tayo'y ayos lang?
isang patak
ng luha mo,
alam ko na
anong sagot
sa dapat bang itigil na 'to?
tanong ko din,
"tuloy pa ba?"

huminto
magising
tumingin
at magpahinga
nagtanong
pwede bang
huminga
huminga-aah-aah
huminga-aah-aah
huminga
huminga

tama na
ang hirap sabihing, pwede pa
ang sabi mo
ay, "ayos lang"
hindi pala
napapansin
ba ng tao 'yang kalungkutan mo?
pagod tayo pero kita ko

huminto
magising
tumingin
at magpahinga
nagtanong
"pwede bang
huminga?"
huminga-aah-aah
huminga-aah-aah
huminga
huminga

Shanti Dope - 1nthrow Lyrics

Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo, dalada na sibat ay tulang magarbo, pinahatid ang mga malalang regalo ko sa utak alimango (maluwang na karo). Gitgitan na kami ng aliwin ng mga pangarap na hindi kaya bilin, madami man ang pumapantasya bilang lang sa daliri ang pwede tumikim. Mundong inakala kong laro lang, nasimulan na maging kilala ko na pagkatapos sawayin ng mga karanasan na dala ko piring sa mata. Kinagatan ang trip ng karamihan kahit na hindi madaling nguyain sa panga, baka naman ay mag yapak ka nalang pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa Katawa-tawa na isipin, ngayon pa ko nadala sa pagiging patapon na malala sa alipin ang mahalaga nabawi rin, may napapala kada gising ko, sa kama kahit na gipit ako na dumilat ay todo kayod kalabaw kahit na walang sahod sa lamesa walang karapatan na mapagod kung di na kaya ibigay ni itay ang mga hiling sa dumaan na kometa. Panahon na para ilabas ang mga kaalaman na itinabi ko sa bodega, ang usapan ba dito karera? Dala ko'y tangke na de kalesa. Bumbilya ko'y alam ko na paganahin ayoko na magtiyaga pa sa gasera! Ang haring araw ay nakauwi na ano kayang ipapakita ko na mukha sa buwan nakangiwi ba o nakangiti na parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina, pagkadoble cara pangkaraniwan sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian sumabay sa alon o magpakasalbabida ugh! Habang sila tanging hangarin di na gumamit pa ng pambura, akin ay pano pa ba ko sa sariling baho ko mapasuka. Sa dami ng palabukang bibig di ko maiwasan na mapamura, ako laban sa mga tengang panalang latak lamang ang napuna Kaya kung bakit ba ko nandito? Karaniwan na tanong ng ilan, kahit na sa pagkabalagong nalibang niluwal ako para sa matinong dahilan. Kahit patapon sa ilan pagkakataong hiniram nagkaron parin ng dahilan para umasa na dumating ang panahon ng napakalagong anihan Pinili ang mga dapat kalabanin pero di kung sino ba papalagan. Bago pa gawin na katawa tawa pagkatao na di nila tipo makita pinakawalan, mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida gaganapan sariwang era ko'y abangan. Peke ang mundo na iyong ginagalawan kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran!

Jireh Lim - Balewala Lyrics

Bawat araw nagdaan
Dinadama ang katotohanan
Nakatakda na yata saking masaktan
Bawat patak ng ulan
Lalo kong nararamdaman
Mga luha sa mata’y dumaraan

Silipin mo
Ang kalagayan ko
Puso’y nasugatan
Nang di mo pinaglaban

Balewala na lang
Wala na bang katapusan
Ng pagmamahalan na
Mauuwi rin sa wala
Balewala na lang
Lagi na lang nasasaktan
Dapat bang paulit-ulit ulit pa
Para matauhan ang puso ko

Balewala na lang…

Humiwalay na ng daan
Ang ating nakaraan
Ngayo’y wala na akong pagsisilbihan
Wala ka bang matandaan
Sa ating mga bulungan
Na kailanma’y wala nang iwanan

Silipin mo
Ang kalagayan ko
Puso’y nasugatan
Nang di mo pinaglaban

Balewala na lang
Wala na bang katapusan
Ng pagmamahalan na
Mauuwi rin sa wala
Balewala na lang
Lagi na lang nasasaktan
Dapat bang paulit-ulit ulit pa
Para matauhan ang puso ko

Balewala na lang…

Pwede bang
Matulog na lang
At din a gumising sa mundo

Balewala na lang
Wala na bang katapusan
Ng pagmamahalan na
Mauuwi rin sa wala
Balewala na lang
Lagi na lang nasasaktan
Dapat bang paulit-ulit ulit pa
Para matauhan ang puso ko

Balewala na lang…

Tim Pavino - ‘Pag Pwede Na Ang Puso Mo Lyrics

Hanggang dito lang ba tayo
Magkaibigang totoo
Sa isa’t isa’y wala ngang tinatagong sikreto
At pati nga sa pag-ibig
Sa payo ko nakikinig
Kahit na iba ang liligaya
Basta’t ikaw ay masaya

Sa tuwing tayo’y magkasama
Labis-labis ang saya
Madalas pang mapagkamalan na tayo nang dalawa
Tinatawanan nga lang natin
Masakit man sa damdamin
O kay hirap tanggapin
Kung bakit ‘di ka naging akin

O kayraming dahilan upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking nararapat na gawin
Kinakailangan kong labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka ngang iba, ‘di siya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa’yo nandito lang ako
Pag pwede na ang puso mo

Kailan pa maniniwala
Kung anong mali at tama
Minsa’y parang nais na kitang agawin sa kanya
Ngunit di ko sisirain
Ang pinagsamahan natin
At ang tangi kong dalangin
Ikaw sana’y maging akin

O kayraming dahilan upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking nararapat na gawin
Kinakailangan kong labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka ngang iba, ‘di siya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa’yo nandito lang ako
Pag pwede na ang puso mo

Valley of Chrome - Maskara Lyrics

Sa paningin nila, ikaw ay nag iisa
Napapansin ang kahinaan mo
Ngunit di nila alam ang lakas na iyong taglay
Bakit ka naka-balatkayo?

Bawa’t lukso ng dugo na dala ng luha mo
Ang magbabanlaw sa mga sugat mo
Tanggalin ang maskara

Sa dilim nagtatago dahil ‘di nila tanggap
Basagin ang imaheng mali at pagpapanggap
Di ka nila gusto dahil ikaw ay totoo
Dahil nagiisa kang naninindigan sa paniniwala mo

Sino ba sila para ikaw ay husgahan?
Ang katotohanan ba ay nasaan?

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo- ang iyong maskara

Merong takip ang mga mata, nabulag sa nagaganap
Walang kinabukasan at wala ring hinaharap
‘Yang galit mo, sa nakaraan, sa limot ibaon
Panghihinayang at pagsisisi ang sumisira sa ngayon

Asahan mong di na maibabalik
Tigilan mo na ang iyong pagkukunwari

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo, ang iyong maskara

Saan? Kelan? mo ba matatanggap ito?
na higit ka pa sa inaakala mo
Huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon
Matatandaan ka nila sa paglipas ng panahon

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo

Ang lakas mong taglay, nasa sa iyo
ang kinabukasan mo
Dapat mamatay- tanggalin ang balatkayo

Ang iyong katapangan ang babasag (Mananatili ‘to)
Ang gigising sa mga patay ang diwa
Lipas na ang araw ng lumang pagkatao mo
Kalabanin ang sarili, bago ang mundo

JC De Vera ft. Jessy Mendiola - Nabihag Lyrics

Na na na na na…
Ako’y nabihag mo na
Na na na na na…

Kung pipigilin walang magagawa na
Itong pag-ibig ako’y nahanap na nga
Lahat ay di inaasahan na makita
Binihag mo ako ika’y ibang iba

At hindi na ako bibitaw (Kailanman)
At wala ng iba kung ‘di ikaw (Ikaw Na)
At hindi na sana lalaban pa
Kung hindi lang ako at ikaw (Ikaw Na)

Hanap hanap palagi ang iyong mga kamay
Bakit pag hindi ka makita ako’y tumatamlay
Hanap hanap palagi ang iyong mga kamay
Wag na sanang magtaka ako’y nabihag mo na

Na na na na na…
Ako’y nabihag mo na
Na na na na na…
Wala na akong kawala

Kung iisipin ay ayaw kang mawala
Pag-ibig natin oh wag sanang mag-iba
Itong nadarama’y hindi mapipigilan
Kahit hanggang saan ikaw lang ang laman

At hindi na ako bibitaw (Kailanman)
At wala ng iba kung ‘di ikaw (Ako Lang)
At hindi na sana lalaban pa
Kung hindi lang ako at ikaw (Ikaw Na)

Hanap hanap palagi ang iyong mga kamay
Bakit pag hindi ka makita ako’y tumatamlay
Hanap hanap palagi ang iyong mga kamay
Wag na sanang magtaka ako’y nabihag mo na

Na na na na na…
Ako’y nabihag mo na
Na na na na na…
Wala na akong kawala

Sana wag kang magalit at wag mag-alala
Kung nagkakaganito ako’y nabihag mo na

Hanap hanap palagi ang iyong mga kamay
Bakit pag hindi ka makita ako’y tumatamlay Hanap hanap palagi ang iyong mga kamay
Wag na sanang magtaka ako’y nabihag mo na

Na na na na na…
Ako’y nabihag mo na
Na na na na na…
Wala na akong kawala
Na na na na na…
Ako’y nabihag mo na
Na na na na na…
Wala na akong kawala

Ako’y nabihag mo na

Winset Jacot ft. Just Boys - Kung Pwede Na, Kung Pwede Pa Lyrics

Chorus.
Kung magkita pa ta'g usab
Kung sama nako mingawon ka sa atong gugma
Maghulat ko, maplastar ang tanan
Maghulat ko, magakos ka's utro
Kung pwede na, kung pwede pa

I.
Kadumdom pa ko
Tong una tang nagkita
Nitutok ko sa imong mata
Nahadlok ako kay di na ka mawala
Sa'kong huna huna

II.
Di ko katu nga nagka close ta
Tawag text tag alas dos mahuman
Ang tanan paspas ug bag-o pa nagsugod
Pero angay nang tiwason.

Chorus.

Sakit gyud diay ang gugma kung imong pugson
Gugmang wa gyui kapaignan
Niabot na gayud ang akong gikahadlokan
Mawala ka sa'kong kiliran

Jensen Gomez & Reese Lansangan - Maybe Lyrics

Remind me of the things I used to miss
You know very well I can’t resist
The feeling of reaching out and coming back to you
Just this once, show me way where it used to

Sober from the hurt we resided in
Kiss those lips goodbye no caving in
One more time, just hold on, you’re doing better
But let you go, pack my bags
Is this better?

Maybe we’ll try
Leave it all behind
Don’t close your eyes this time
I won’t make you cry
Maybe you’ll fly
Far away in the sky
We won’t care tomorrow
We only got tonight
We only got tonight, tonight
You may be gone tomorrow
But we got tonight

Remind me of the things I used to miss
I’m slowly learning to get used to this
This feeling of waking up
Knowing that I can’t get to you anymore, anymore

Walk away and say your parting words
Don’t need another reminder of why it hurts
Or just how much of me I gave away
To understand you better
But let you go, pack my bags
Is this better?

Maybe we’ll try
Leave it all behind
Don’t close your eyes this time
I won’t make you cry
Maybe you’ll fly
Far away the sky
You may be gone tomorrow
We only got tonight
We only got tonight, tonight
You may be gone tomorrow
But we got tonight

Sometimes light shines on and through
Oh, and loving you ain’t so hard to do
Oh, and I hate that you still keep me waiting for you
What am I gonna do?

Maybe we’ll try
Leave it all behind
Don’t close your eyes this time
I won’t make you cry
Maybe you’ll fly
Far away the sky
We won’t care tomorrow
We only got tonight
We only got tonight, tonight
You may be gone tomorrow
But we got tonight

Remind me of the things I used to miss
You know very well I can’t resist
The feeling of reaching out
And coming back to you
Just this once, love me back
Like you used to…

Daryl Ong - Nandon Ako Lyrics

Verse 1:
Sa bawat ihip ng hanging, dumadampi sa’yo
Sa bawat sikat ng araw, na halik sa pisngi mo
Sa bawat buhos ng ulan, na ang dala’y walang hanggan
Naroro’on ako kailan pa man

Refrain:
Sa bawat ilog at dagat, na ‘yong lalanguyan
Sa bawat ningning ng bituin, nang-aakit ng kinang
Sa bawat bundok at parang maging hanggang kalangitan
Nando’n ako hindi ka iiwan

Chorus:
Nando’n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando’n ako at ‘di mawawala sa piling mo
Nando’n ako hangga’t pumipintig ang puso ko
Nando’n ako kasama mo nando’n ako

Refrain:
Sa bawat ilog at dagat, na ‘yong lalanguyan
Sa bawat ningning bituin, nang-aakit ng kinang
Sa bawat bundok at parang maging hanggang kalangitan
Nando’n ako hindi ka iiwan

Chorus:
Nando’n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando’n ako at ‘di mawawala sa piling mo
Nando’n ako hangga’t pumipintig ang puso ko
Nando’n ako kasama mo nando’n ako

Sa kalungkutan maging kasiyahan
Makakasama mo ako hindi ka iiwan
Pagkat ang pag-ibig ko’y tanging ikaw lamang
Dadalhin ko hanggang kalian pa man

Chorus:
Nando’n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando’n ako at ‘di mawawala sa piling mo
Nando’n ako hangga’t pumipintig ang puso ko
Nando’n ako kasama mo nando’n ako

Soapdish - Kung Pwede Lang Lyrics

kung pede lang wag nang sabihin
kung pwede lang wag na aminin
maghihintay na lang na mapansin mo
kung pwede lang na tayo na sana
kung pwede lang kuha ko na sana
gabi-gabi ito ang dalangin ko

pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano sasabhin sayo
kung sasabihin ba sayo

kung pwede lang ako ay ibigin
kung pwede lang bigay mo na sakin
hinding-hindi mo pagsisisihan to
kung pwede lang na tayo na sana
kung pwede lang kuha ko na sana
gabi-gabi ito ang dalangin ko

pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano sasabhin sayo
kung sasabihin ba sayo

hindi malilimutan kung kailan naramdaman
yung init ng aking damdamin
kailan mo ba pagbibigyan?

pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano
pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano
sasabhin sayo
kung sasabihin ba sayo

Still One - Kaya Natin To Lyrics

Kahit wala ka sa aking tabi
Lagi kang nasa puso ko
Gusto ko lang sayo sabihin na miss na kita
Hana-hanap kita
Larawan mo na lang ang laging yakap-yakap ko
Miss na miss ko na yung araw na hawak ko kamay mo
Ito ko hinihintay ka
Mahal kaya natin to

Maghihintay ako kahit gano katagal
Patutunayan ko na tunay ang pag-ibig ko sa iyo mahal ko
Di ako bibitaw sayo
Mahirap man ay kakayanin kong mag-isa
Panghahawakan ang pangakong babalik ka sa akin
Hihintayin ko yon
Mag-iingat ka lang mahal ko

Gising sa gabi, tulog sa umaga
Isang tawag mo lang ang antok ko ay wala na
Kahit na ang tagal mo di ako naiinip
Pasensya na kung minsan ako’y nakakaidlip
Panay tingin sa CP, masyadong malisto
Tingin muna sa pics mo pag ika’y namimiss ko
Pag-ibig na ito hindi na to biro
Kahit malayo ka para ka pa ring nandito
Kasi iisa lang ang langit nating dalawa
Ikaw ang iniisip sa tuwing nakatingala
Sana nasa maayos kang kalagayan
Lagi ka niyang patnubayan
Ng saktan ang iyong puso di ko magagawa yan
Hindi mo man makita ang lahat ng aking galaw
Sa tuwing merong tukso ang iniisip ko’y ikaw
Kahit ako’y kulitin, kahit ako’y landiin
Kahit na nakatalikod ka mahal di ko yun gagawin

Maghihintay ako kahit gano katagal
Patutunayan ko na tunay ang pag-ibig ko sa iyo mahal ko
Di ako bibitaw sayo
Mahirap man ay kakayanin kong mag-isa
Panghahawakan ang pangakong babalik ka sa akin
Hihintayin ko yon
Mag-iingat ka lang mahal ko

Maghihintay ako kahit gano katagal
Patutunayan ko na tunay ang pag-ibig ko sa iyo mahal ko
Di ako bibitaw sayo
Mahirap man ay kakayanin kong mag-isa
Panghahawakan ang pangakong babalik ka sa akin
Hihintayin ko yon
Mag-iingat ka lang

Mahal ko…