Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Soapdish - Totoo Lyrics

Liwanag sa ating biglang dilim
Nabalot ng ulap ng pagsisinungaling

Kelan ka ba umamin
At kelan pa ba lumalim
Ang pagkukunwari na ito
Pagkukunwari ng mundo

At ano na kasi di ko na alam ang nangyayari
Pag gabi tulala't wala sa akin sarili
Di ka katabi kung ano ano ang naiisip ko
Sabihin mo na nga ung totoo

Pinilit kumapit ng damdamin
Nalunod lang sa luha ng di mo pansin

At kelan pa ba nangyari
Bat di mo man lang sinabi
At pagod na rin naman ako,
Pagod na rin ako sayo

At ano na kasi di ko na alam ang nangyayari
Pag gabi tulala't wala sa akin sarili
Di ka katabi kung ano ano ang naiisip ko
Sabihin mo na nga ung totoo

Parang ayoko na ngang lumaban
Parang wala na kong aasahan
Gawin nalang ang gusto mo
Kasi pagod na nga ako sa ganito

Pano na kasi di ko na alam ang nangyayari
Pag gabi tulala't wala sa akin sarili
Di ka katabi kung ano ano ang naiisip ko
Ohhh...

(At ano na kasi di ko na alam ang nangyayari
Pag gabi tulala't wala sa akin sarili)
Di ka katabi kung ano ano ang naiisip ko
Sabihin mo na nga ung totoo

Silent Sanctuary, Aia De Leon - Dambana Lyrics

Ang pag-ibig ko sa'yo
Higit pa sa pilak at ginto

'Di ko maipaliwanag ang nadarama
Naglalaro sa aking isip, galak at kaba
Sino ang mag-aakalang makakamit na
Paulit-ulit nang nahulog, ikaw na pala

Sa puso ko'y ikaw ang bumihag

Dumating na ang araw
Na aking matagal na ngang pinakahihintay
Sa dambana tayo maghawak-kamay
At bukas pagsikat ng umaga
Matutupad lahat ng ipinagdasal
Ikaw at ako'y akda ng Maykapal

Sa pagsuyo mong bigay sa akin, nabihag mo na
Unti-unti na ngang nabuhay, pusong pagod na
Lumalagay na sa tahimik, walang pangamba
Sa bagong yugto, ikaw ang kasama

Wala nang anino sa liwanag Sa puso ko'y ikaw ang bumihag

Dumating na ang araw
Na aking matagal na ngang pinakahihintay
Sa dambana tayo maghawak-kamay
At bukas pagsikat ng umaga
Matutupad lahat ng ipinagdasal
Ikaw at ako'y akda ng Maykapal

Ano man ang mangyari, pangako sa'yo
Sa hirap at ginhawa, nandito ako
Ano man ang mangyari, pangako sa'yo
Sa hirap at ginhawa, ikaw ang mundo

Ang pag-ibig ko sa'yo
Higit pa sa pilak at ginto

Dumating na ang araw
Na aking matagal na ngang pinakahihintay
Sa dambana tayo maghawak-kamay
At bukas pagsikat ng umaga
Matutupad lahat ng ipinagdasal
Ikaw at ako'y akda ng Maykapal

Dumating na (dumating na)
Dumating na
Dumating na (dumating na)
Dumating na

Ang pag-ibig ko sa'yo
Higit pa sa pilak at ginto

Soapdish - Kung Pwede Lang Lyrics

kung pede lang wag nang sabihin
kung pwede lang wag na aminin
maghihintay na lang na mapansin mo
kung pwede lang na tayo na sana
kung pwede lang kuha ko na sana
gabi-gabi ito ang dalangin ko

pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano sasabhin sayo
kung sasabihin ba sayo

kung pwede lang ako ay ibigin
kung pwede lang bigay mo na sakin
hinding-hindi mo pagsisisihan to
kung pwede lang na tayo na sana
kung pwede lang kuha ko na sana
gabi-gabi ito ang dalangin ko

pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano sasabhin sayo
kung sasabihin ba sayo

hindi malilimutan kung kailan naramdaman
yung init ng aking damdamin
kailan mo ba pagbibigyan?

pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano
pagkat itong puso ko
hilong-hilo na sa kakaisip sa iyo
hindi alam kung papano
sasabhin sayo
kung sasabihin ba sayo