Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Dilaw - Maskara Lyrics

Iba't ibang anino
Pareparehas ang anyo
Sari saring kwartong
Bubukod sa iisipan mo
Nasimot na ang yago
Hanggang kailan ka yuyukdo?
Mula sa matakip-silim na maskarang
ginamit mo

Magdiriwang sa silid
nakapikit, nakakubling magsasayaw
Wala ka nang matatanaw
bawat padyak hatid ay ligaw

Lingid sayong mga mata
madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila
wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa
hayaan mo silang magtaka
kapag hindi nahalata
Suot muli ang maskara


Tumatalukbong sa pekeng anyong
mistulang pagong ang sarili kulong
halong sagot at tanong ang bulong
ng taong puti o itim ang barong
Magsusuot ng maskara
karamihan sakanila ha ha
Makin ang isa't isa animoy anino niyang
Magsusuot ng maskara
karamihan sakanila ha ha
Makin ang isa't isa animoy anino niyang

Nagdarasal, nangungumpisal, magandang asal, gawaing moral,
silang maraming daldal, mga hinalal oh mga hangal

Nagbubulagbulagan sa taimtim na buwan
Mga bula bulaan nagsama sa isang dula
wala ka nang magagawa
mabubura ang maskara

Lingid sayong mga mata
madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila
wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa
hayaan mo silang magtaka
kapag hindi nahalata
Suot muli ang mascara

Lingid sayong mga mata
madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila
wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa
hayaan mo silang magtaka
kapag hindi nahalata
Suot muli ang maskara

Dilaw - Maskara (Official Audio)


The official audio video of Dilaw's "Maskara"

Produced by: Shadiel Chan
Mastering Engineer: Jan Aries Agadier Fuertez
Written by: Dilaw Obero
Composed by: Dilaw Obero & Vie Dela Rosa

Intruments by:
Abner Badua
Jonathan Jabez Lopez
Sebastian Dacanay
John Danielle Gurion

Members:
Vocals: Dilaw Obero
Rhythm guitar: Johnvie Delarosa Viloria
Lead Guitars: Leon Altomonte
Bass: Johnwayne Dela Rosa
Keys: Aeneas Altomonte
Drums: Oluwatobiloba Omojola

Diego on the Run x Ez Mil x Jae'Roze - Maskara Lyrics

Mula ng tao’y nilikha sumasablay, nadarapa
Dumaraan ang panahon tila hindi nagtatanda
‘Kala mo’y ‘yong kaibigan sa lahat ng bagay naintindihan
Ngunit ‘wag kang magkamal at ika’y magdaramdam
Ngunit ika’y magtataka sila’y perpektong bumibida
Kung itaas kanilang noo akala mo’y wala nang sala
Laging sambit paumanhin maka-ilang beses narin
Ikaw pa rin dinidiin

You gotta beware when you shave the sheep’s coat
‘Cause you’ll never know if it’s a sheep or a wolf

Hanggang saan naman tayo mapapadpad sa pagbara?
Hubarin ang mascara

Sasabihing maka-diyos at galit sa mga bastos
Ngunit ‘di makapagpatawad ‘pag dumating na ang unos
Sa ganitong tao mag-iingat mala-labanos kanilang balat
Ngunit pag talikod mo ikaw pala’y kinakagat uhh
Nakayukod kanilang ulo, nakapinid kanilang pinto
Akala mo’y nagbabanal naka ngisi naman ang nguso
‘Di mo na tuloy maisip ikaw ba ay magagalit
Pero hayaan mo na lang para huwag ka nang pumangit

You gotta beware when you shave the sheep’s coat
‘Cause you’ll never know if it’s a sheep or a wolf

Hanggang saan naman tayo mapapadpad sa pagbara?
Hubarin ang mascara

Nagtatago ang tunay na kulay sana ay mahiwalay
At maipakita ang totoong taglay
Nagtataka’y bakit ay ibang iba humarap ka sakin
Bakit nga’t ang maskara sa iyong mukha ay tanggalin mo na!

Dapat nang busugin kayo ng tamang paningin
Habang sa kapit-patalim ako na nalapit sa dilim
Taas nguso kung may galit ka sa iyong puso na alanganin
Na puro uso ang nakahain inaabuso ang salitaing-
Prinotektahan ng ating mga kinasusuklam na sino?
Teka lang dayain niyo sa pinabubuklod na chico
Yema lang nakain hanggang pinasulsulan sa libo
Pera ba ang pain ng mga nagpudpod ng kutsilyo?
Kaninong kasinungalingan ang mas maputi kapag nagsipilyo?
Sana sa katotohanan dumirekta ang mga binatilyo
Maalaga sa panga at baga iwasan ang manigarilyo
Liyab ng gatilyo oh, ohooh

Hanggang saan naman tayo mapapadpad sa pagbara?
Hubarin ang mascara

Di ako nagmamarunong ngunit hindi ako uurong
‘Di ko pwedeng ibulong isisigaw ko sa bubong
Tayong lahat nagkakasala kaya’t huwag nang mag-aksaya
Ang panahon ay lumilipas kailangan umunawa ka
Kaya’t ngayon tayo’y matuto bago matapos ang mundo
Na tayo’y dapat magpatawad nang patawarin din tayo
Mayaman man o mahirap kahit laos man o sikat
Paghubad ng maskara pantay pantay tayong lahat

Diego on the Run x Ez Mil x Jae'Roze - Maskara (Official Lyric Video)


Diego on the Run x Ez Mil x Jae'Roze

Lyrics: Aaron Romero, Ezekiel Miller, Jae'Roze Tate
Music: Aaron Romero
Beats: Ezekiel Miller
Performed by: Pab Atienza, Ezekiel Miller, Jae'Roze Tate
Diego On The Run: Pab Atienza, Richie Flores, Kev Foronda & Eron Romero

Studio Recording in four separate locations:
New Jersey - Pab Atienza (Vocals 1st Stanza, Back Vocals)
Colorado - Jae'Roze Tate (Vocals 2nd Stanza, Bridge, Last Stanza)
Las Vegas - Ez Mil (Vocals Chorus, 3rd Stanza)
Los Angeles - Aaron Romero (Back Vocals, Guitars, Bass & Drums)

Mixed & Mastered by Ferdinand Pua

Lyrics Video & Graphics: Roniel Lustico Rivera

Produced by Autumn Rain Records in cooperation with FFP Records & Tate Records. Distributed under Ditto Music, copyright 2020.

Konflick ft. Ron Henley - Maskara Lyrics

Sa likod ng mga ngising nanlalambing,
Gising! may nakatagong mga ngiping antatalim
Nagiging pating pagkagat ng dilim sa ngalan ng perang tumataginting
Akala ko ang pambansang puno ay narra ngunit bakit parang mas marami paring balimbing
Tuwing tag-ulan, inaabutan naman kita ng payong-kapatid
Pero Mga kwento mong hatid sa iba, ang dating, para tayong magkagalit
Pag kaharap ambait-bait, daig pa nakainum ng pampalibog pero pag nakatalikod
Pinagmamasdan ang bawat hakbang nag-aabang na ako ay matalisod
Dyan ka magaling, manira, mamihasa, managasa
Palibhasa di ka makatama
Atsaka tae ka, kahit nga langaw ata, mapapaniwala
Amoy ko na dati pa ang dumi ng iyong taktika
Plastik ka! gagamitin ang pagkakaisa para lang makaisa
Mukha mo! sawa narin naman akong makipagtalo
Gagamitin ko nalang ang oras at lakas ko sa pageensayo
Kung gusto mong makipagdukutan ng mata, tara palitan tayo
Para makita mong may mga naghubad ng maskara pero yun pala, mga pakitang-tao
Konflick:
Matatamis na ngiti, alipin ng pag kukunwari
Sa kalooban ay hindi madali
Pinipilit magapi, ikaw at ang sarili ay nag tutunggali
Napapagkamalan na tama ang mali
Marami ang dinadaan sa salapi para lang to magwagi
Yari ka malingat ka sandali
Nakasibat na, laging nag mamadali
Para di halatado, sumunod sa mga plano
Malinis ka dapat na trumabaho
Boss areglado! Pag katapos sigurado mabango ka nanaman sa mga tao!
“Basta ba wag mo lang huhubarin, lahat ng pangako ay tutuparin, kailangan matuto ka rin kung pano mo to paikutin, pano laruin”
Lahat ay aking gagawin sapagkat buhay ng pamilya ko’y binago’t inangat, Utang na loob ko ang lahat
Sa lahat, ako na yung pinaka tapat mong alagad, Kapag pinadapa, dumadapa, kapag ako’y pinatalon, tumatalon
Sakin may pina baon, sinisisid ang balon, lahat yon at walang tanung tanong!
Pero bakit nga ba? Patron! Tila ba nag bago ang panahon, balewala na bang lahat ng pinangako mo sa akin at pinag samahan natin ng ilang taon? Ganun ganon na lang ba yon? Sagutin mo ang tanong!
Ano bang nagawa kong kasalanan? “ Ganyan talaga ang patakaran kapag masyado nang maraming nalalaman, kaya PAALAM!

Konflick ft. Ron Henley - Maskara (Audio)


Written by R.Pagkanlungan , R.Henley
Beats by : Mike Bass
Mixed and mastered by David 'Yatzbeats" Manalo
Visuals by David "Yatzbeats" Manalo
Contains a sample from Maskara by Juan delacruz band
Maskara mixtape coming soon

Valley of Chrome - Maskara Lyrics

Sa paningin nila, ikaw ay nag iisa
Napapansin ang kahinaan mo
Ngunit di nila alam ang lakas na iyong taglay
Bakit ka naka-balatkayo?

Bawa’t lukso ng dugo na dala ng luha mo
Ang magbabanlaw sa mga sugat mo
Tanggalin ang maskara

Sa dilim nagtatago dahil ‘di nila tanggap
Basagin ang imaheng mali at pagpapanggap
Di ka nila gusto dahil ikaw ay totoo
Dahil nagiisa kang naninindigan sa paniniwala mo

Sino ba sila para ikaw ay husgahan?
Ang katotohanan ba ay nasaan?

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo- ang iyong maskara

Merong takip ang mga mata, nabulag sa nagaganap
Walang kinabukasan at wala ring hinaharap
‘Yang galit mo, sa nakaraan, sa limot ibaon
Panghihinayang at pagsisisi ang sumisira sa ngayon

Asahan mong di na maibabalik
Tigilan mo na ang iyong pagkukunwari

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo, ang iyong maskara

Saan? Kelan? mo ba matatanggap ito?
na higit ka pa sa inaakala mo
Huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon
Matatandaan ka nila sa paglipas ng panahon

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo

Ang lakas mong taglay, nasa sa iyo
ang kinabukasan mo
Dapat mamatay- tanggalin ang balatkayo

Ang iyong katapangan ang babasag (Mananatili ‘to)
Ang gigising sa mga patay ang diwa
Lipas na ang araw ng lumang pagkatao mo
Kalabanin ang sarili, bago ang mundo