Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Rivermaya - Tayo Lyrics

Sa isang gabing tulad nito
Napapadungaw sa bintanang, wala namang tanaw
Isipa'y di mapigilang lumipad
Kung pwede lang makisabay
Magpahatid sa piling mo
Ginawa ko na

Babawiin ang lahat ng binitawang salita
Makasama ka
Kahit man lang sa isang paalam

Kailan ba maririnig ang tinig mo
Tulad nung bago pa tayo?
Himbing bawat gabi
Saya tuwing umaga
May pag-asa pa kaya tayo?

Sabi nila "tahan na"
Wag raw hahanapin, kusa yan darating
Pano kung iniwan ka na?
Mababalik ba sa panahong bago ako nagkamali?
Pagbigyan sana

Babawiin ang lahat ng binitawang salita
Makasama ka
Kahit man lang sa isang paalam

Kailan ba maririnig ang tinig mo
Tulad nung bago pa tayo?
Himbing bawat gabi
Saya tuwing umaga
May pag-asa pa kaya tayo?

May pag-asa ba?

May pag-asa pa kaya?
Tayo.

The Out of Body Special - Halikan Lyrics

Sa likuran ng mga dahilan, nais lang ‘ka’y makasama
Maraming pambobolang masarap pakinggan, ‘di ka naman maniniwala
Sa panahong ito, tanging pangarap ko, ay ‘yong matutupad, kung ‘di ka lumayo
Kung may mangyari mang malabong maulit, babalikan ko’ng bawat sandali

Kay tagal nang hinihintay, kay tagal nang hinahanap
Na ika’y makatabi ngayong gabi, sino’ng magaakala
Tibok ng puso ko’y lubhang bumibilis, at ‘di mapigil ang aking panginginig
Gagawin ko ba, pipilitin kaya? Malay ko ba na yun din ang ‘yong iniisip

KORO:
Nasa’n na sila? Baka mamaya naghahalikan na [3x]
Nasa’n na sila? Nasa’n na

Sa iyo ko lang ito maibabahagi; huwag sanang isiping ligaw na damdamin
‘tong nilihim ng mundo para lang sa atin at wala nang iba
Tuwing kapiling ka, lubusan ang tuwa; ako’y lumilipad tulad ng agila
Kung ang pag-ibig ay nakaliligtas, masasagip ko sa panganib ang ‘sangkatauhan

KORO

Nagtataka na ang mga kabarkada
Nag-aalala ang ‘yong mga magulang
Kung ang yakap mo’y ‘di mauwi
‘Yong mga labi’y hahanapin kong muli
Nasa’n na

KORO

Valley of Chrome - Markang Bungo Lyrics

ANG BAWAT ARAW MO
DITO SA MUNDO
MERON BANG KAHULUGAN?
MERON BANG PUPUNTAHAN?
SA BAWAT TAKIPSILIM
SA PAGPIKIT NG IYONG MATA
SA BAWAT GABING WALANG AWA
MGA ARAW NG PANDUDUSTA

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

TIBOK NG PUSO AY MAY RASON
IKAW AY HINUBOG NG PANAHON
IKAW AY KULOG AT KIDLAT
NASUSUNOG NA SILANG LAHAT
BINABASAG ANG BAWAT BALAKID
KAPALARAN SA IYO AY PAPANIG
AMBAG MO'Y MARARAMDAMAN
DI KA MALILIMUTAN

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

ANG BUHAY NATIN AY PANANDALIAN LANG
MABILIS MAN ITO NGUNIT MAY KAHULUGAN

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

BIGYAN NA NATIN NG RASON
ANG NOON AT NGAYON
DI NA MABABALEWALA

BINABASAG ANG BAWAT BALAKID
(HINDI KA NA NAG IISA)
KAPALARAN SA IYO AY PAPANIG
(SA LABAN NG KALULUWA)

SULITIN ANG BAWAT HINGA-MARKANG BUNGO

ABS-CBN Various Artists - Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino Lyrics

Doseng oras kumakayod para sa konteng sukli
Walang sinabi ang pagod basta may maiuwi
Katuparan sa pangako (sana di na magtagal)
Na tulad ng tinta sa daliri (tuwing may nahahalal)

Malasaki't sa isa't-isa ang magiging tulay
At ang tamang pagpili ang siyang gagabay

Sabay tayong maghahangad
Sabay nating titiyakin
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino

Kahapon ay hugot ng lakas
Mata't tenga na bukas
Karapatan mo ang armas
Paghihirap sana magwakas

Sa hindi magnanakaw
Sa hindi corrupt
Boses namin mangingibabaw
Tuloy ang aming pangarap
Sa 'di nagbubulsa, sa di nagpapasikat
Patuloy kaming umaasa sa pagbabagong nararapat
Pagmamahal sa kapwa
Respeto sa iba
Isang bubong, walang pader
Nagkakaisang pamilya
Dagat man ang pagitan
Iba't-ibang pinanggalingan
Iisang bansa sa isip salita't gawa

At hindi ipananakaw
Bagong araw yayakapin
Walang makasasapaw sa lakas ng boses natin
Ngayong araw maririnig hiyaw ng pagbabago
Sa silaw ng ating tindig dilim ay matatago

Sabay tayong maghahangad
Sabay nating titiyakin
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino

Ipanalo ang Pamilyang Pilipino
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino