Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Kyla & Kris Lawrence - Monumento Lyrics

Kyla: Ikaw ang sumisindi sa aking napupunding pangarap. Lalong tumitindi ang apoy ng pagsisikap. Ako ang pinipinta larawang sinisintang hangarin. ‘Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin. Hulog ka ba ng langit. Tila anghel ka na walang kasing bait. Palaisipan kung bakit. Datapwat subalit. Mahiwaga nga ang pag-ibig.

Chorus: Konting bato, konting semento. ‘Di pa rin kuntento. Para ipakita ang pagmamahal sa’yo. At parang santo sa kumbento. Bidang star sa kuwento. Idol ka, taas kamay ako sa’yo. Ikaw ang dakila, syento porsyento. Hayaan mo’t ipagtatayo kita… Ng monumento.

Vamp: Mento, mento, mento. Mo-monumento. Mento, mento, mento.

Kris: Sa dami ko nang sablay at dami nang pasaway na banat. Ang dapat sa akin ay…
sa presinto na lang magpaliwanag. Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang.
‘Di ka nababanas pangiti-ngiti ka lamang.

Parang nananaginip. Ayaw gumising na sa pagkakaidlip. Sobrang napapaisip. Dedma sa bad trip. Ibang klase nga ang pag-ibig (Repeat Chorus)

Bridge: Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra...

(Modulate to last Chorus)

Coda: Sa Edsa, Caloocan o Luneta. Kahit saan ipagtatayo kita… Ng monumento.

(Repeat Vamp)

KZ Tandingan & Jay-R - Laban Pa Lyrics

Verse1 (KZ): Parang wala ng pagkakaunawaan. Walang pagbigayan. Sa panahong ito, ito, ito. Parang wala ng nagmamahalan. Wala ng “ikaw”. Wala ng “tayo”. Puro na lang “ako, ako, ako”. “Gusto ko”. “Kailangan ko”. “Bigyan mo ko (ng galang)”. “Karapatan ko inapakan mo”. “Ayoko na sa’yo”. Wala ng usapan. Para bang isang bula lang. Na mawawala na bigla. Ang lahat ng pangakong binitawan. Mas madali kasi bumitaw lang. Pero...

Pre-Chorus (KZ): Sadyang mahirap iadya ang agmamahal na talagang tapat. Puwes sino may sabi madali ‘yan? Bago ka sumuko gawin mong lahat. Gawin mong lahat. Kahit ang bigat. Gawin mong lahat. Sapagkat kung hindi parin sapat. Malamang hindi mo pa nagawa.

Chorus (KZ): Laban laban pa. Laban laban pa. Laban laban pa. Hangga’t may hininga. Laban laban pa. Laban laban pa. Laban pa. Basta’t para sa pagmamahal. Dapat lumaban ka.

Verse 2 (KZ & JAY-R): Bakit wala kang hinahalagahan? Sariling kapakinabangan lang ba ang talagang nais mo? Puro sumbatan at pag-aalinlangan. Away at sigawan. Abot sa ayawan. Ayaw mo kasing mahirapan. Pero...

[Repeat Pre-Chorus (JAY-R)]

[Repeat Chorus (KZ & JAY-R)]

Bridge (JAY-R): Kahit ano pang nagawa. Kahit ilang beses pa. Magpatawad ka. Tandaan mo na ang pag-ibig ‘di lang salita. Patunayan mo yan sa lahat sa kanila. Sa kanya’t sa Kanya.

Rap (KZ): Kahit ang dami dami na nagsasabi. “Wag kang magpaka-martyr! Ano ka isang bayani?” Wag kang mabahala. Isang paalala: ‘Di mo kailangan tularan mga masamang halimbawa na yan! Mabilis magsawa. Kailan naging tama? Nakalimutan nila ata. Napawi sa ala-ala. Na para sa pagibig. Dapat handa kang magbigay: Pagpapakasakit. Malasakit. Kahit hanggang mamatay

[Repeat Chorus (KZ & JAY-R)]

KZ: Hangga’t may pag-asa pa, kahit maliit at parang hagupit ang labanan.

JAY-R: Kung mahal mo siya. Maniwala ka. Mas masakit na di mo mabalik..Ang nakaraan.

KZ: Paalam.

Juris - Bibitawan Ka Lyrics

Heto na ang hinihintay mong mga salita. Kahit anong pilit ko. Tanggap ko na. Wala ka na, wala ka na. Siguro nga hindi talaga tayo tinadhana. At ang lahat ng ating mga ala-ala. Ay ala-ala na lang.

Chorus: Kaya heto na. Sasabihin ko na. Bibitawan ka. Alam kong kailangan mo nang lumaya. Kaya sasabihin ko na. Paalam na. Bibitawan ka. Mahal kita.

Ang lahat ng mga pangarap nating dal’wa. Kakalimutan na para sa’yong kaligayahan sinta. Siguro nga hindi talaga tayo tinadhana. At ang lahat ng ating mga ala-ala. Ay ala-ala na lang.

(Repeat Chorus)

Coda:
At kung mayr’on akong lugar sa puso mo. Alalahanin mong nandito lang ako. At kung walang pag-asa sa’ting dalawa. Nawa ikaw ay sumaya.
Woh~

(Repeat Chorus)

Paalam na. Bibitawan ka.
(Repeat 2x)

Mahal kita…

Barbie Almalbis - Ambon Lyrics

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas. Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo. Ngunit diyan, umaambon lamang.

Chorus: Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik. Ngunit nalulunod pa rin. At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo, kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito?

‘Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama. Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam. Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo. Ngunit diyan, umaambon lamang.

(Repeat Chorus)

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?
(Repeat Chorus)