Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Nicole Abuda - Ulan Lyrics

Sabik sa pagbuhos ng ulan
Saksi sa pagluha ng kalangitan
Mga ulap ay tila humahanap ng paraan
Na ang tigang na lupa’y halikan

Sugat at galos ng ‘di paglaya
‘Sing ingay ng pag-agos ng luha
O buti pa ang ulan dumadampi sa kalupaan
Kailan kaya mauulanan

Di pinipili ang paglaya
Panaginip nga lang ba
Bagong tinig umaasang muling
Babalik ang panahon ng tag-ulan

Ooh

Pag-usad ng pangarap, O kay bagal
Buong-buo naman kung sumugal
Siya’y pawang biktima ng lipunang walang pakialam
Umiiyak ang pusong sugatan

Di pinipili ang paglaya
Panaginip nga lang ba
Bagong tinig umaasang muling
Babalik ang panahon ng tag-ulan

Ooh

Mga ulap ay tila humahanap ng paraan
Na ang tigang na lupa’y halikan

O buti pa ang ulan dumadampi sa kalupaan
Kailan kaya mauulanan

Di pinipili ang paglaya
Panaginip nga lang ba
Bagong tinig umaasang muling
Babalik ang panahon ng tag-ulan

Nicole Abuda - Ulan (Official Lyric Video)


The Official Lyric Video of Ulan by Nicole Abuda.

Composed by Nicole Abuda
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Henry Alburo
Arranged by Henry Alburo
Recorded by Henry Alburo
Mixed by Henry Alburo
Mastered by Henry Alburo
Production House: Polysonic Recording Studio
Recorded on: December 2, 2021

Label: Viva Records
Release Date: July 15, 2022