Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Thyro and Yumi - Tag-ulan Lyrics

Minsan ika'y nag-iisa walang makasama
‘Di malaman saan tutungo
Naghahanap, nag- iisip kung sa’n babaling
Dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika'y nalulumbay ‘di makakita
Nais mo ay may makasama
Sa ‘yong lungkot akala mo ika'y nag- iisa
Narito ako't kapiling ka

Kung nais mo ika'y lumuha
Ako'y makikinig sa bawat salita

Kapag umuulan bumuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayro’ng unos ay aagos ang luha
Ngunit 'di ka mag-iisa

Kay rami nang mga tanong sa ‘yong isipan
Nais mo lamang ay malaman
Bakit nagkagano’n ang nangyari sa 'yong buhay

Tanong mo man sa ‘ki’y ‘di ko alam

Handa akong maging tanggulan
Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan

Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit ‘di ka mag-iisa

Ako'y naririto naghihintay lamang sa 'yo
Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, wohhh hohh...
Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa 'yong mga mata
Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit ‘di ka mag-iisa

Thyro and Yumi - Tandang-Tanda Lyrics

O pwera biro
Ano na meron bang nagkulang sating dal’wa
Natutuliro
Limot na ba tulad ng naluma nating kanta

Ohhh woah oh oh…
Bakit ba ganyan kung maibabalik ko lang
Ohhh woah oh oh…
Kahit maputi na ang buhok ko
Diba’t yan ang pangako sayo

Tandang tandang tanda ko pa nung ika’y sa akin
Sabay nakikinig ng lumang awitin
Tandang tandang tanda ko pa ang dating gawain
Kung pwede lamang ibalik ang ating
Nakaraan, walang hanggan, o nasaan
Mabuti pang malaman ng nandito lang
Tandang tanda ko pa

Ipagpatawad mo
Urong sulong ang puso ng mawalay sayo
Di na natuto
Nakapagtataka bakit labis kitang mahal

Ohhh woah oh oh…
Sana maulit muli kahit isang saglit
Ohhh woah oh oh…
Dito sa puso ko tuloy pa rin ako
Kung tayo’y magkakalayo

Tandang tandang tanda ko pa nung ika’y sa akin
Sabay nakikinig ng lumang awitin
Tandang tandang tanda ko pa ang dating gawain
Kung pwede lamang ibalik ang ating
Nakaraan, walang hanggan, o nasaan
Mabuti pang malaman ng nandito lang
Tandang tanda ko pa

Woah…
O parang awit na talon ng talon na nasa sirang plakang bigay mo sa akin noon
Ala-ala mo’y hanggang sa ngayon ulit-ulit ma’y tila di naluluma ng panahon

Tandang tandang tanda ko pa nung ika’y sa akin
Sabay nakikinig ng lumang awitin
Tandang tandang tanda ko pa ang dating gawain
Kung pwede lamang ibalik ang ating
Nakaraan, walang hanggan, o nasaan
Mabuti pang malaman ng nandito lang
Tandang tanda ko pa

Tandang-tanda tandang-tanda tanda ko pa
Tandang-tanda tandang-tanda tanda ko pa
Tandang-tanda tandang-tanda tanda ko pa
Tandang tanda ko pa