Sabi mo hindi tayo bagay
Sabi mo ‘di ang isang katulad ko
Ang iibigin mo diyan sa puso mo
Sabi mo ang pangit-pangit ko
Sabi mo pa mukha akong gasul
Sabi mo pa tenga ko’y katulad ng mga pokemon
Sinabi mo ang lahat ng ito sa aking harapan
Ang sakit-sakit nito ayaw sa akin ng mahal ko
Tao rin ako na katulad mo
May puso’t damdamin
Marunong magmahal
Umiiyak at nasasaktan din
Ngunit bakit iba ang turi mo sa ‘kin
Bakit ayaw mong katulad ko iyo ring mamahalin
Tao rin naman ako na may karapatan isigaw sa buong mundo
Na mahal na mahal kita ikaw lang dito sa puso ko
Nagmamakaawa sa’yo pansinin mo naman ako
Tao din ako na nagmamahal ng tapat sa’yo
Hindi ba pwede ikaw ay magmahal
Sa isang hamak na katulad mo
Mukhang basura sa mga mata mo
O Diyos ko, tulungan mo ako
President Duterte, General Bato
Sa pag-ibig suko na ako
Tao rin naman ako na may karapatan isigaw sa buong mundo
Na mahal na mahal kita ikaw lang dito sa puso ko
Nagmamakaawa sa’yo pansinin mo naman ako
Tao din ako na nagmamahal ng tapat
Sa’yo