Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Vehnee Saturno - Sisikat Din Ako Lyrics

Hindi ako si George Canseco, Willy Cruz, Levi Celerio
Mga hitsongs ay sikat na totoo
‘Di rin ako si Rey Valera, Danny Javier, Louie Ocampo
Awit nila ay laging kinakanta ko
Basta’t ang gusto ko’y sumulat nang sa inyo’y maisiwalat
Ang awit na handog ko sa lahat

Ang mga sulat ni Florante, ng Asin at kanta ni Freddie
Tunay na dapat natin na ‘pagmalaki
Pinoy rock na walang katulad lagi kong pinapangarap
Sana’y pagbigyan ang aking hangad
Basta’t ang gusto ko’y sumulat nang sa inyo’y maisiwalat
Ang awit na handog ko sa lahat

Sisikat din ako, sisikat din ako
Ang awit ko’y maririnig n’yo na sa radyo
Gagawan ko ng music video upang ito ay mapanood
Sa TV, Channels, Youtube, at sa Vevo
Sisikat din ako, sisikat din ako
Pangarap ko’y songwriter na totoo
Basta’t ako ay gagawa’t laging susulat ng kanta
Upang ng kahit minsan lang ay makilala

‘Pag banda ang pag-uusapan kay dami ng pagpipilian
Ely Buendia at si Bamboo’y nariyan
Gawa na hitsongs ni Parokya’y tunay na kagana-gana
Mga awit na pinoy na talaga
Basta’t ang gusto ko’y sumulat nang sa inyo’y maisiwalat
Ang awit na handog ko sa lahat

Sisikat din ako, sisikat din ako
Ang awit ko’y maririnig n’yo na sa radyo
Gagawan ko ng music video upang ito ay mapanood
Sa TV, Channels, Youtube, at sa Vevo
Sisikat din ako, sisikat din ako
Pangarap ko’y songwriter na totoo
Basta’t ako ay gagawa’t laging susulat ng kanta
Upang ng kahit minsan lang ay makilala

Patuloy na ako’y susulat tutuparin mga pangarap
Pagpapatuloy ang aking hinahangad
Kailanman ay hindi susuko sa sarili ang pangako
‘Yan ang nadarama ng aking puso
Hohh…

Sisikat din ako, sisikat din ako
Ang awit ko’y maririnig n’yo na sa radyo
Gagawan ko ng music video upang ito ay mapanood
Sa TV, Channels, Youtube, at sa Vevo
Sisikat din ako, sisikat din ako
Pangarap ko’y songwriter na totoo
Basta’t ako ay gagawa’t laging susulat ng kanta
Upang ng kahit minsan lang… ay makilala