Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sean Oliver - Ligtas Ka Na Lyrics

Minsan pakiramdam mo’y manipis ang iyong pag-asa
Malihim na mundo patuloy sa pagpapaasa
Huwag mag-alala ako’ng pupunas ng ‘yong mga luha

Sa likod ng mga ulap bagong araw ay sisikat
Unti-unting bubuuin muli ang mga pangarap
Nandito lang ako hindi kita iiwanan

At sa umaga bagong bukas ay maghihintay
Sama-sama sa agos ng buhay

Isipin mo na ang lahat ng ito
Ay bahagi ng pag-ikot ng mundo
Huwag bibitaw, huwag susuko
Gamitin ang tapang sa ‘yong puso
At sa oras na malagpasan mo ito
Sasaluduhan kita
Ligtas ka na

Niyanig ating mundo, gumuho pa ang mga lupa
Mga pasakit at unos, bumagyo ma’t bumaha
Huwag nang matakot hindi ka na luluha

Sa gitna ng mga bagay na walang katiyakan
Dahan-dahang lalampasan lahat ng mga harang
Nandito lang ako hindi ka na masasaktan

At sa umaga bagong bukas ay maghihintay
Sama-sama sa agos ng buhay

Isipin mo na ang lahat ng ito
Ay bahagi ng pag-ikot ng mundo
Huwag bibitaw, huwag susuko
Gamitin ang tapang sa ‘yong puso
At sa oras na malagpasan mo ito

Isipin mo na ang lahat ng ito
Ay bahagi ng pag-ikot ng mundo
Huwag bibitaw, huwag susuko
Gamitin ang tapang sa ‘yong puso
At sa oras na malagpasan mo ito
Sasaluduhan kita
Ligtas ka na
Ligtas ka na
Ligtas ka na

Sean Oliver - Ligtas Ka Na (Official Music Video)


The official music video of "Ligtas Ka Na" from the Bakwit Boys Original Motion Picture Soundtrack.

Performed by Sean Oliver
Composed by Jhaye Cura
Arranged by Iean Iñigo
Mixed and mastered by Boggy Manipon
Produced by Iean Iñigo and JD Tiri Tacata

BAKWIT BOYS (Pista ng Pelikulang Pilipino 2018)

Written and Directed by Jason Paul Laxamana
Starring: Vance Larena, Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago and Mackie Empuerto

Release Date: August 15, 2018