Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Rouge - Sa Piling Mo Lyrics

Nakita kita sa ‘yong bintana
Nalulungkot, nagmumukmok
‘Di sinasadyang ikaw ay saktan
Ano bang dapat kong gawin
Upang ako’y kausapin

Lagi na lang umaasa
Lagi na lang lumuluha
Lagi na lang nagdurusa
Nag-iisa…

Pag-ibig sana pakinggan mo na ako
Sawa na ako ayoko na ng ganito
Damdamin kong ito’y
Alay sa iyo
‘Di kailangang lumayo sa piling mo

Sinubukan kitang dalawin
Ngunit ang sabi nila ‘wag ka nang hanapin
Sa’n ka ba pupunta
Sa malayo ba
Ano bang dapat kong gawin
Upang ako’y patawarin

Lagi na lang umaasa
Lagi na lang lumuluha
Lagi na lang nagdurusa
Nag-iisa…

Pag-ibig sana pakinggan mo na ako
Sawa na ako ayoko na ng ganito
Damdamin kong ito’y
Alay sa iyo
‘Di kailangang lumayo

Ilang beses bang kailangan dumaing
Ilang beses bang kailangang limutin
Ilang beses bang kailangang suyuin
Ayoko na, ayoko na mag-isa

Pag-ibig sana pakinggan mo na ako
Sawa na ako ayoko na ng ganito


Damdamin kong ito’y
Alay sa iyo
‘Di kailangang lumayo

‘Di kailangang lumayo
Ayoko nang lumayo
Sa piling mo…
Sa piling mo…
Sa piling mo…

‘Di kailangang lumayo
Sa piling mo

Rouge - Sa Piling Mo (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Sa Piling Mo" by Rouge.

Music & Words by Mary Karen Malinao a.k.a Kara Mendez
Publisher : Viva Music Publishing, Inc.
Producer : Civ Fontanilla and ROUGE
Arranger : ROUGE & Don Bautista
Production House : Viva Recording Studios
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded by Ponz Martinez

Kristoffer Martin - Sa Piling Mo Lyrics

Kahit na ano pang problemang magdaan
sa buhay kong ito na mayroong pagkukulang
mga panahong dumaan at lumipas na
Di ko alam kung saan magsisimula
Suliranin ng buhay na aking dinadala
Parang larawan na tila di ko maipinta
Sana'y muling lumitaw ang katotohanan
sa mga bagay na hindi ko maintindihan

Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay
Para sa'yo...

Anumang pagsubok ang aking tatahakin
Taas noo buong tapang kong susuungin
May kaagapay na hindi na dapat mangamba
kahit ano pa ang sabihin ng iba
Dati'y sumuko dahil puso'y sugatan
Galos ng kahapon ay aking napaglabanan
Dahil ako ay kumapit sayong mga bisig
Alang alang sa ngalan ng pag ibig

Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may kasama
Alam kong meron pang pag-asa
Basta't ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay para sa'yo...

Para sa'yo...
Para sa'yo...