Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ron Macapagal - Lilim Lyrics

Araw man o gabi, may ngiti sa labi mo
Lagi ka na lang sa isip ko
Laging 'di mapakali sa isang tabi
Sana kapiling ka lang lagi

Sa lilim ng iyong pagmamahal
Umiinit, aking pakiramdam
Sa yakap mo'y walang hanggan
Sa lilim ng iyong pag-ibig
Wala na akong mahihiling
Sa lilim mo, sa lilim mo

Oras-oras ay 'di kumakalas
Sa isipan ko ang pangalan mo
Bawat minuto sa relo
Tinititigan, larawan mo
Sa magdamag ay yakap ko

Sa lilim ng iyong pagmamahal
Umiinit, aking pakiramdam
Sa yakap mo'y walang hanggan
Sa lilim ng iyong pag-ibig
Wala na akong mahihiling

Sa lilim mo, sa lilim mo
Sa lilim mo, sa lilim mo (sa lilim mo)
Sa lilim mo (sa lilim mo), sa lilim mo

Ron Macapagal - Lilim (Official Video)


Ron Macapagal - Lilim (Official Video)

polyeastrecords

Ron Macapagal - Bakit 'Di Pagbigyan (Official Music Video)


Official Music Video - BAKIT 'DI PAGBIGYAN

polyeastrecords

Ron Macapagal - Bakit Di Pagbigyan Lyrics

Pinagmamasdan na naman
Mga litrato ng nakaraan
Gamit nadumihan ng lungkot
Dapat nang itapon at ibaon
Sa limot, sa limot

Tinipon ang mga liham
Mga sikretong tayo lang ang may alam
Gusot dulot ng kahapon
Dapat nang punitin at sunugin
Sa limot, sa limot

Bakit ‘di pagbigyan
Magpaalam sa pusong nasasaktan
Hanggang kailan
Magluluksa ang pusong
Wala namang masidlan
Masidlan

Nagsasawa na ang panyo
Sa pagsalo ng luhang ‘to
Hindi ba napapagod
Tumatakbo ang oras at ika’y
Bumangon, bumangon

Bakit ‘di pagbigyan
Magpaalam sa pusong nasasaktan
Hanggang kailan
Magluluksa ang pusong
Wala namang masidlan

Ano bang pakay sa sarili
Babangon ba o tuluyan lang wawasakin
Tanungin anong dapat gawin
Kung kabiguan ang kahulugan ng “ika’y mahalin”
Mahalin

Bakit ‘di pagbigyan
Magpaalam sa pusong nasasaktan
Hanggang kailan
Magluluksa ang pusong
Wala namang masidlan

Bakit ‘di pagbigyan
Magpaalam sa pusong nasasaktan
Hanggang kailan
Magluluksa ang pusong
Wala namang masidlan

Bakit ‘di pagbigyan

Ron Macapagal - Bakit Di Pagbigyan (Official Lyric Video)


Official Lyric Video - BAKI DI PAGBIGYAN

polyeastrecords