Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ely Buendia - Metro Lyrics

Bulag sila sa mga pahirap
Na iyong nararanasan
Di nila naiintindihan
At may mga nagbibingi-bingihan
Sa mga kasinungalingan
Di kaya sila ay bayaran?

Kamatayan at sakit
Kalayaan ay nagigipit
Lupa at dagat natin ay pinagsasanla

Kapatid di pa ba nagsasawa?
Tumatakbo ang metro
Wag ka ngang muling magpapalinlang
Sa pangakong pinako

Mga abuso sa kapangyarihan
At maling pamamalakad
Ang sagabal sa kaunlaran
Walang pinuno ang hindi marunong
Lutasin ang mga problema
Ito’y panata nila sa bayan

Simulant ang pagbabago
Sa isang pinuno
Na may pagmamalasakit
At paninindigan

Panahon na upang imulat
Ang mata sa katotohanan
Pandemya at kawalan ng kabuhayan
Asan na ang nawawalang lupa’t pera
Bagsak ang ekonomiya
Di ka ba nagtataka?
Pinunong may talino, puso at tapang
Ito ang kailangan ng ating bayan

Kapatid di pa ba nagsasawa?
Tumatakbo ang metro
Isa lang ang iyong pagpipilian
Pangulo ba o pang gulo?
Pangulo ba o pang gulo?

Pangulo ba o pang gulo?
Pangulo ba o pang gulo?
Pangulo ba o pang gulo?
Pangulo ba o pang gulo?